Chapter 4

1976 Words
Nagliligpit ako ngayon ng mga gamit ko habang walang tigil pa rin ang pag iyak ko. Pati si nanay umiiyak din at pinipigilan niya akong huwag umalis, pero buo na ang desisyon ko. Hindi ko siya kayang makasama sa iisang bubong. Dahil sa kanya gumulo ang mundo ko. Hindi ko muna siya kayang harapin sa ngayon. Umalis na ako ng bahay pero hindi ko alam kung saan ako pupunta buti na lang sinundan nila ako ng mga tunay kong mga magulang, pinilit nila ako na sumama sa kanila pero ayoko muna dahil gusto ko munang mapag isa. "Naiintindihan namin kung gusto mo munang mapag isa pero hindi naman pwede na hahayaan ka na lang namin basta basta kaya kahit na ayaw mo sa condo na lang muna hanggang sa ok ka na."Sabi ng tunay kong ina, pero tahimik pa rin ako at hinayaan ko na lang sila kung saan nila ako dadalhin dahil sa totoo lang hindi ako nakakapag isip ng maayos sa ngayon. Nasa stage pa rin ako na hindi pa rin ako makapaniwala na sa isang iglap umiba ang mundo ko. Nandito na kami ngayon sa condo na sinsabi nila pero laking gulat ko na nandito si Ashley. "Ashley what are you doing here?" Sabi ng tunay kong ina. "Ang alam ko sa bahay niyo siya dadalhin. Dahil di ba dad gusto niyo siyang bigyan ng quality time with you, kaya ako nandito para naman mabigyan ko siya ng space to spend time with you. Pero bakit kayo nandito." Sagot ni Ashley. Mahaba pa ang pinag usapan nila pero wala na akong naintindihan dahil gulong gulo pa rin ako hanggang ngayon. Naramdam ko na lang na wala ng tao sa paligid ko. Kaya nagpasya na akong pumunta sa kwarto at magpahinga, na sana bukas paggising ko panaginip lang ang lahat ng ito. Nagising ako sa sinag ng araw at nakaramdam na din ako ng gutom. Pagkamulat ko iba ang kwarto ko. Naalala ko na lang na totoo pala lahat ng mga nangyari at hindi panaginip. Umiyak na lang ako ng umiyak kaya kahit gutom ako ay natulog muli ako dahil sa pagod ng aking mga mata sa pag iyak. Muli akong nagising na may maingay sa labas kaya naman lumabas ako para tignan ko kung sino ang sana labas. Dahil naalala ko hindi ko naicheck kung sarado ba ang pinto kagabi dahil sa wala akong pakialam kung ano ang mga nangyari kagabi. Pagkalabas ko ay nakita ko ang tunay kong ina na naghahanda ng pagkain kaya naman lumapit ako dahil gutom na gutom na din ako. "Kumusta ang pakiramdam mo? Ok ka na ba?" tanong niya sa akin. Pinilit ko na lang ngumiti dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. "Kain ka lang diyan hintayin na lang kitang matapos, ako na ang magliligpit mamaya ok." Sabi niya, kaya pinagpatuloy ko lang ang kumain dahil gutom na gutom talaga ako. Pagkatapos kong kumain ay natauhan ako dahil nasanay ako na kasama sila nanay lagi sa hapag at masaya kaming nakukwentuhan kaya naiyak nanaman ako dahil ang nasa isip ko ngayon ang panloloko niya sa akin. "Are you ok? Halika dito nandito na ang mommy hinding hindi ka na nila malalapitan kailanman." At dahil sa sinabi niya ay mas lalo pa akong umiyak dahil hindi ko alam kung matutuwa ako o manghihinayang. Talagang gulong gulo talaga ako ngayon. Ang pakiramdam ko kasi sa ngayon ay para akong dinaanan sa malakas na bagyo kaya naman wasak na wasak ako ngayon at hindi ko alam kung paano ako magsisimula muli, kung paano ko bubuuin ang nawasak kong pagkatao. Pero hindi naman pwede na magmumukmok na lang ako dito dapat matuto akong tumayo muli at harapin ang pagsubok na ito. "Dito muna po ako hanggang sa maghilom po muna ang mga sugat ko. Pag medyo kaya ko na po sasama na po ako sa inyo." tipid akong ngumiti sa kanya para naman hindi din siya mag alala dahil kahit di niya sabihin ay nag aalala rin siya para sa akin base sa kinikilos niya. "It's ok, Mabuti na din kasi pag handa ka na ay handa na din ang kwarto mo sa bahay dahil ngayon ay sinisimulan na namin itong iparenovate." Ngiti niyang sabi. Tipid na lang akong ngumiti. "By the way kapag ok ka na ay magkakaroon tayo ng welcome party para sayo, kaya bilisan mong maghilom dahil mis na mis na kita at excited na kami sa pagdating mo. " at niyakap niya ako nangmahigpit, niyakap ko na din siya dahil gusto ko ring bigyan siya ng pagkakataon na maging nanay sa akin, na matagal na ipagkait yun sa kanya. "Sandali lang po pwede po bigyan niyo muna ako ng oras para naman makapag adjust po ako sa mundo niyo po dahil sanay po ako sa mahirap na mundong ginagalawan."Natawa lang siya sa sinabi ko. Pero seryoso ako dun. "May mali po ba sa sinabi ko po?"tanong ko "Mommy" sabi niya na ibig sabihin ay tawagin ko daw siyang mommy. "Mo-mo-mommy." Ang hirap bigkasin. "Oh ayan, by the way hindi mo kailangang mag adjust dahil ikaw yan. Nga pala may binili akong damit para sayo. Tignan mo bagay iyan sayo." sabi niya at inabot ang paper bag sa akin. "Dress? naiilang na po ako magsuot nito." Sabi ko dahil simula nung ginawa ni Jena sa akin ay di na ako muling nagsuot nun. "Look maganda yan, yan din ang hilig ni Ashley. Sige na suotin mo na yan dahil kapag ganito lagi ang mga suot mo mas mabilis mong maiaadjust ang sarili mo sa mundo namin."ngiti niyang sabi. Kaya kinuha ko na yung damit at naligo na din. Pagkatapos kong naligo ay akala ko umalis na siya yun pala hinintay pa niya ako. "Nga pala hindi na ako magtatagal dahil may meeting ako mamaya. Kung nagugutom ka maraming pagkain diyan. Buksan mo lang ang ref. Mauna na ako. Mamimis kita." Paalam niya sabay beso sa akin. Sa buong buhay ko nabuhay ako ng puno ng saya at pagmamahal nila nanay at tatay. Pero sa isang iglap nawala ang lahat. Ang lungkot pala mag isa. Tawagan ko kaya sila Jena. Kaso hindi ko pala alam kung nasaan ako. Wala kasi akong pakialam kagabi kaya di ko na namalayan na nandito na pala ako sa condo. Ashley's POV Hindi talaga maganda ang pakiramdam ko sa Hannah na yun. Pakiramdam ko parang aagawin niya ang lahat sa akin. Hindi ako papayag na agawin niya ang mga dapat ay akin. Dapat siya ang matutong lumugar kung saan dapat ang kinalalagyan niya. Imagine hindi pa ako hinintay ni mommy nagising at pinuntahan niya na kaagad ang babaeng yun. Dapat ako muna lagi ang nauuna bago siya. Athena's POV "Gabriel alam mo parang konting push pa kay Hannah, baka hindi magtagal maiuuwi ko na din siya sa bahay." excited kong kwento sa kanya. "Mabuti kung ganun. Kumusta na siya?" Tanong niya sa akin. "Medyo ok naman na ang lagay niya, Alam mo siguro dun tayo mag dinner mamaya kasama niya at sigurado ako matutuwa yun." sabi ko na excited na ako. Gaya nga ng napag usapan namin ni Gabriel ay sa condo kami dumeretso at nakapagtake out na din kami ng dinner namin. "Hannah anak nandito kami ni Daddy." Parang gulat siya ng makita kami na magkasama ni Gabriel. "Ah ano pong meron." Sabi niya at pumunta na ako sa kusina para maihain ko na ang mga dala ko. "Dito namin naisipan ng daddy mo na magdinner dito." nakangiti ko sagot. "Kumusta ka na" tanong ni Gabriel kay Hannah. "Ok lang po"naiilang niyang sagot "Halina kayo kain na tayo." sabi ko at sabay sabay na kaming umupo. "By the way Hannah ililipat na namin ang pangalan mo sa pangalan namin para isa ka nang ganap na Lopez di ba hon." Sabi ni Gabriel kay Hannah. "Yes para naman kapag ready ka nang umuwi sa bahay ay magpapawelcome party tayo. Are you excited?" tanong ko sa kanya. "Hon huwag mo muna siyang ipresure, dahan dahanin lang natin." suway sa akin ni Gabriel. "Excited lang kasi akong makasama siya. Kung papayag lang siya iuuwi na natin siya ngayon." sabi ko na nakanguso sa kanya. Hannah's POV Tahimik lang akong nakikinig sa kanila, at ngayon ay gulong gulo ang isip ko. Hindi pa din kasi pumapasok sa utak ko lahat ng mga sinabi nila. Pero paano ko sila mabibigyan ng pagkakataon na maging magulang sa akin kung hindi ko sila kasama sa iisang bubong. "Bukas na lang po ako siguro sasama sa inyo pauwi." sabi ko at natigilan silang dalawa. "Talaga anak, Don't worry ipapahanda ko kaagad ang kwarto mo sa guess room dahil hindi pa tapos ang pinapagawa naming kwarto mo." Excited niyang sabi sa akin. Pagkatapos na kaming kumain ay umuwi na sila. Ashley's POV As usual ay hinintay ko sila mommy para magsabay sabay na kaming maghapunan. And finally damating na sila. Parang sobrang saya nilang dumating ngayon. "Mom dad nakahanda na po hapag kain na po tayo." sabi ko. "Kumain na kami sa condo anak. Sorry hindi na kami tumawag sayo dahil sa excite kong makasama ang kakambal mo. Isinama ko din ang daddy mo dun. At alam mo ba bukas uuwi na siya sa atin."masayang masayang kwento ni mommy sa akin. "Ok" tipid kong sagot at umakyat na ako sa kwarto ko. Umiyak na lang ako ng umiyak dahil sa isang iglap parang nawala na ang atensyon ni mommy sa akin. Naisip kong pumunta sa gingawang kwarto niya at nakita na mas malaki ang kwarto niya kesa sa akin. Nagpunta naman ako sa walk in closet niya, mas malaki ang cabinet niya kesa sa akin. Kaya naman nakaramdam ako ng selos dahil parang mas lamang siya kesa sa akin. Pagkalabas ko sa kwarto ni Hannah ay pumunta ako sa kwarto nila mommy and daddy. Tahimik lang ako na nakikinig sa usapan nila sa loob. Magpapawelcome party sila para kay Hannah. At pagrinig ko yun ay binuksan ko ang pinto. At nagulat sila nakita ako. "Magpapawelcome party kayo, This is too much." sabi ko sa kanila. "Why baby? what's going on. Akala ko ba ok ang lahat sayo. Kapatid mo siya at hindi mo lang siya kapatid kakambal mo pa." paliwanag ni mommy sa akin. "Akala niyo lang ok ako pero hindi. Nakita ko ang pinapagawang kwarto niya mas malaki pa sa kwarto ko. Yung walk in closet niya malaki din kesa sa akin." Umiiyak kong sabi sa kanila. "Ok ipaparenovate ko din ang kwarto mo bukas na bukas. Bibilhan kita ng mas malaking cabinet. Ok. don't worry dahil kasama ka naman sa party, party niyong dalawa yon. Don't be jealous. We love you both. Gusto mo dito ka na matulog sa tabi namin ng mommy mo? " pagsuyo niyang sabi sa akin ni daddy habang pinupusan ang luha ko. Tumango tango na lang ako. Medyo nabawasan ang pagseselos ko sa kakambal ko. Athena's POV "Hindi ko akalain na ganito ang nararamdam ng anak ko. Dahil sa pagkasabik kong makasama si Hannah ay nakalimutan ko siya. I'm so sorry." Umiiyak kong sabi kay Gabriel. "Don't cry, everything will be fine." Sabi niya sa akin. Kaya kinabukasan ay pinaghanda ko si Ashley ng almusal niya at sinisimulan na din ang renovation sa kwarto niya para hindi siya makaramdam ng selos kay Hannah. "Good morning Baby, halika na, naghanda ako ng almusal." Niyakap nanaman niya ako. Ang lambing talaga ng anak ko. "By the way nandyan na yung gagawa ng room mo, ikaw na ang bahala kung anong kulay ang gusto mo kung ano ang gusto mong baguhin. Pero bago yan kumain ka muna." sabi ko at halatang nagustuhan niya yung sinabi ko. "Thank you mom."sabi niya niyakap ako ulit ng mahigpit. "By the way susunduin na namin si Hannah mamaya. Sana naman huwag ka ng magselos please, ok." paalam ko sa kanya. "Ok mom." sabi nito. "Maiiwan na kita." paalam ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD