Chapter 5

1558 Words
Ashley' POV Excited na akong makita ang kwarto ko. Pagkaakyat ko ay todo utos ako sa mga staff kung ano ang gusto kong design, ayos ng kwarto ko. Hapon na pero hindi pa tapos ang kwarto ko. Nagpasya akong bumisita sa kwarto ni Hannah para makakita pa ako ng pwede ko pang idagdag sa kwarto ko. Hannah's POV Hapon na nung sinundo nila ako kaya naman excited na din akong makita ang bahay namin. Nandito na kami, lumantad sa akin ang napakalaking bahay. Hindi ko akalain na dito na ako titira mula sa araw na ito. Sobrang manghang mangha ako sa bahay na ito. Mas lalo pa akong namangha nung nakapasok na ako sa loob. Ni hindi ko na napansin ang mga kasama sa bahay dahil sa nakatitig na lang ako sa disenyo ng bahay. "Good evening po ma'am." Bati nila sa akin, at doon lang ako natauhan. "Ashley come over, nandito na si Hannah." Sabi ni mommy. At lumabas na din si Ashley sa isang pinto. Nakatitig lang sa akin si Ashley. Seryoso ang mukha, ni hindi ko alam kung masaya siya para sa akin. "Ma'am nakahanda na po ang hapag, kain na po kayo." Sabi nung katulong. "Halika na" sabi ni mommy. Nandito na kami sa hapag pero tahimik pa rin ako. Ang daming pagkain na nakahanda sa mesa siguro ganito talaga sila maghanda kung tutuusin isang linggo na namin ito kakainin nila nanay. "Kain ka lang huwag kang mahihiya." Sabi ni daddy. "By the way Ashley sa guess room muna kayo ni Hannah habang hindi pa tapos ang mga kwarto niyo." sabi ni mommy at pareho kaming nagulat ni Ashley sabay nagkatinginan kaming dalawa. Agad kong tinanggal kasi naiilang ako kay Ashley . "But mom." reklamo ni Ashley. "Baby you have to do it para naman magkaroon kayo ng oras ni Hannah. Iparamdam mo sa kanya na she is part of this family." Sabi ni daddy. "But dad give me a time to adjust first and please don't force me na gawin yan. Dahan dahanin mo naman ako dad, mom naman."Reklamo ni Ashley at umalis na ito. "Pagpasensyahan mo na si Ashley. Ganyan talaga ang ugali niya. Habaan mo na lang ang pasensya mo hah." sabi ni mommy. "Wag po kayong mag alala naiintindihan ko naman po siya." Ngumiti na lang ako. Pero sa totoo niyan nagulat talaga ako sa inasal ni Ashley. "Hayaan mo kakausapin ko si Ashley." Ashley's POV Nakakainis! Nandito ako ngayon sa garden, mas sariwa ang hangin dito kaysa naman sa loob "Ashley anak, please you should learn how to accept Hannah. She is your twin sister. Ayaw mo yun may pagkukwentuhan ka na ng mga problem mo." mommy said. "But Mom." reklamo ko. "Baby you have no choice, you have to accept it in your heart. Learn to love her." Natahimik na lang ako. Hindi ko din kasi alam kung ano ang isasagot ko. Ayaw ko pa kasing tanggapin siya ngayon. Siguro kapag nasanay na ako na nandito siya lagi at huwag na huwag lang siyang gagawa ng ayaw ko dahil magkakagulo talaga kami. Kinaumagahan tinawag ko si Gerald na pumunta siya dito sa bahay. "Good morning Ashley." Sabi niya kay Hannah at sabay kiss niya sa pisngi nito. "Wow naman Hannah masarap bang humalik si Gerald hah at tulala ka dyan" sabi ko ng pababa na ako sa hagdan. Nasa sala kasi si Hannah. Kaya siguro napagkamalan ni Gerald na ako yun." Alam mong hindi mo bisita. Bakit ka nandyan. Tumabi ka nga." Taboy ko sa kanya. Hindi ko na siya hinintay magpaliwanag at nakita ko na naiiyak na siya ginawa ko. *matututo kang lumagar* "I'm sorry akala ko kasi ikaw siya. Hindi ko naman alam na may kakambal ka." Paliwanag nito "Hindi mo kasalanan yun. Siya ang may kasalanan dun. Alam niyang hindi niya bisita kaya dapat tumabi siya."pagtatanggol ko sa kanya. "Paano ka nagkaroon ng kakambal." Gerald asked. "Long long Story. Saka ko na lang ikwekwento. Ang gusto ko lang ngayon ay lumabas muna dito dahil ayaw ko ang ihip ng hangin dito." "Saan mo ba gustong pumunta." "Anywhere basta lumabas muna ako dito para makahinga" Inis kong sabi. Tinawagan ko na din sila Kim, Ayesha, at George. Nandito kami ngayon sa mall. "Biglaan ka yatang nagyaya lumabas." Pang asar ni George. "Pwede ba George not now." suway ko "Bad mood ang lola mo te." Kim said. "Akala ko naman medyo gaganda ang mood ko kapag nakita ko kayo, hindi pala." At akma na akong aalis. "Hey stop. what happened, Why your so rude." Sabi ni Ayesha. "I don't know how to start. paano ba. I have a twin sister." nakasimangot kong sabi. "What?! I mean what, that's cool."Ayesha said "Anong cool dun. In 17 years saka lang siya susulpot na parang kabute." "Wait. Paano ka nagkaroon ng kakambal?." George asked. "Long long story. Tamad akong magkwento." "Bakit ka din naiinis, eh diba dapat matuwa ka dahil kasama mo na ang long lost twin sister mo." Kim said "Buti kung ganun kadali pero hindi. Dahil nakakainis siya. Hinayaan niya lang na halikan siya ni Gerald na ang akala ni Gerald ako siya." "Ay iba din pala. Naku mag iingat ka baka hindi lang si Gerald ang aagawin niya sayo." Kim said. "What are you talking about Kim?"Ayesha said "May ka diyan Kim." "What do you mean na aagawin niya sa akin."I asked "Baka pati pagkatao mo aagawin niya. Baka sisirain ka nun sa parents mo. At kapag nangyari yun mawawalan ka ng mamanahin at siya na lang ang makikinabang sa lahat ng properties ng pamilya mo." paliwanag ni Kim. "Susubukan niya lang ako mismo ang magbabalik sa kanya sa peke niyang parents." naiinis kong sabi. Hannah's POV Nandito ako sa guess room umiiyak. Nagulat lang naman ako dahil sa ginawa ni Gerald sa akin. Hindi ko naman sinasadya yung nangyari. "Ma'am kain na po kayo ma'am." Tawag ni nanay Rose sa akin. Hindi ako sumasagot dahil patuloy pa rin ako sa pag iyak. Nakaramdam ako ng pagod kaya natulog muna ako. Althea's POV "Manang Rose, kumusta ang mga bata." "Si ma'am Ashley po lumabas pero si ma'am Hannah mula nung inaway siya ni Ashley ay nagkulong na lang po sa guess room, ilang beses ko po siyang tinawag para kumain pero hindi po sumagot." paliwanag ni manang. "Bakit hindi mo ako tinawagan para umuwi ako kaagad, akin ang susi ng guess room dalian mo."Nagpanic talaga ako at tinawagan ko si Gabriel para sabihin kung anong nangyari. Nandito ako ngayon sa pintuan ng guess room. "Hannah anak buksan mo ang pinto, nandito na ang mommy." Naririnig kong umiiyak siya sa loob kaya naman binuksan ko na ang pinto. "What happened?" I asked "Hindi ko naman po sinasadya, nagulat lang po talaga ako dahil nagbabasa po ako nun at my biglang lumapit na lalaki at hinalikan niya ako. Hindi ko po sinasadya." Umiiyak siyang nagpaliwanag. Niyakap ko na lang siya hanggang sa tumahan. "Tahan na. Ayusin mo na ang sarili mo at kakain na tayo. Hindi daw kumain maghapon sabi ni manang." sabi ko. Lumabas na ako sa kwarto at sakto namang nakauwi na si Gabriel. "What happened." Gabriel asked. "Ok na, si Ashley tinawagan mo na ba?" "Yeah pauwi na daw siya, Oh ayan na pala siya" at papasok na si Ashley. "Ano nagsumbong na ba ang malandi kong kakambal." Ashley said. "Ashley!?" suway ko. "Why mom kakampihan mo na naman ba siya." Galit din na sabi niya. "Hindi naman niya sinadya, at malamang akala siguro ni Gerald ikaw siya. At hindi niya napansin na may dumating sa bisita mo. Nagulat na lang daw siya na hinalikan siya ni Gerald." Paliwanag ko. "Come on mom sarap na sarap siya, tulala pa nga eh, Kung hindi ko pa siya sinigawan hindi pa siya nakabalik sa sarili niya." galit na sabi ni Ashley. "Tama na yan" suway ni Gabriel. "Oh ayan na pala ang malandi kong kakambal bakit hindi siya ang tanungin niyo, right?" at taas kilay siyang nakatingin kay Hannah. "Ashley I said stop." sigaw ni Gabriel. "Wow Hannah ikaw nanaman ang kinampihan. Ipagtuloy mo lang hah." at umalis na ito. "Aalis na lang po ako kesa naman nagkakagulo pa po kayoe nang dahil sa akin." sabi nito, si Ashley ay hindi pa sana kalayuan at narinig niya ang sinabi ni Hannah. "Much better umalis ka na lang or mawala ka na lang malandi ka." sabi nito "Ashley sumosobra ka na." sabi ko at tuluyan na itong tumalikod. "Hindi mo kailangang umalis. Magkakasundo din kayo ni Ashley. Bigyan mo lang siya ng oras." masuyong sabi ni Gabriel. Hannah POV Bukas na daw ang welcome party ko pero hindi ako excited. Parang ayaw kong pumunta. "Bakit hindi ka pa natutulog. Matulog ka na dahil bukas malaking event yun at siguradong mapapagod ka, kaya kailangan mong mag ipon ng lakas para bukas." Sabi ni mommy "Huwag na lang po kaya ako tumuloy." sabi ko "Sinong ipapkilala kong Hannah Lopez bukas kung di ka pupunta." Kinabukasan nagsimula na nila akong ayusan. Ang dami nilang nilagay sa mukha ko. Hindi ko naman alam kung ano ang mga yun. Pagtapos ay masasabi ko na lang na ang ganda ko. Nagsimula na ang party at ipinakilala na din ako ni daddy. Pero yung mata ni Ashley ay halata naman na ayaw niya ako dito kaya pagkatapos kong kumain ay pumunta na ako sa kwarto ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD