Chapter 11

1505 Words
Nandito ako ngayon sa kwarto at kasalukuyan nila akong inaayusan ng mga make up artist na inhire ni mommy. Kasama ko din sila Kim, Goerge at si Ayesha. "Have you seen my escort?" tanong ko sa kanila. "Is it Gereld? Your escort?" kinikilig nilang sabi at sabay sabay pa sila. "Why is there something wrong about it?" maarte kong sabi sa kanila. "He is so handsome with his tuxedo?" kinikilig na saad ni Ayesha. "Dati naman na siyang gwapo mas nadagdagan lang nang konti dahil sa damit niya." pangbabara ni George kay Ayesha. "Mangangamoy aso't pusa na naman dito Ash, right?" parinig naman ni Kim sa dalawa. "What did you just say?" sabay nilang diin nilang tanong kay Kim. "Tama na yan guys. Remember its my birthday so please behave." Pagkababa namin ay agad ko namang nakita si Hannah na nilalandi si Gerald kaya wala akong sinayang na oras para makalapit sa kanila. "May I have my escort back?" sarcastic kong sabi kay Hannah."By the way, payo lang sis, madaming tao kaya huwag na huwag kang gagawa ng ikapapahiya ng angkan natin." Payo ko sa kanya na may kasamang pang iinsulto. Hindi ko na hinintay na sumagot si Hannah at dali dali kong inilayo si Gerald palayo sa kanya. "Sorry, she thought that she is you?" kita naman sa mata niya ang nalilito siya. " Ang kilala kong Gerald hindi marunong magpauto pero it's ok dahil likas na malandi talaga ang kakambal ko. But next time be careful baka maisahan ka na naman nang kakambal kong hilaw." naiinis ako na may halong pang iintindi kay Gerald. "Para hindi na ako malito kung sino si Ashley sa inyong dalawa. Heto ang naisip kong ireregalo sayo." kinuha ni Gerald ang box sa loob ng tuxedo niya. "Seriously?! nagkasya ito sa tuxedo mo at hindi ko pa iyon nahalata ah." Dahil sa excited ako na regalo niya ay binuksan ko kaagad ito kahit hindi pa nagsisimula ang party. " Wow! is it for me?" nasurprise ako sa necklace na bigay niya sa akin. Nakapaganda, at may hugis puso pa ito na gawa sa diamond. "Akin isusuot ko sayo." nakangiti niya sabi sa akin. Kinikilig naman ako sa ginagawa niya. Even though hindi nga kami magboyfriend girlfriend ay parang ganun ang ginagawa namin. At gusto ko ngayong gabi ay maging officially na mag on na kami. Pagkasuot niya sa akin ay hindi pa rin nawawala ang mga ngiti sa labi ko. Hinarap ko siya at pagkatapos ay hinalikan ko siya sa labi. It was my first kiss. Nabigla siya sa ginawa ko. "That is my first kiss and I gave it to you, to say thank you. Since nandito na tayo gusto ko sanang bigyan na ng lebel kung ano ba talaga tayo kasi di ba parang tayo pero hindi naman." Para tuloy akong nanliligaw sa ginagawa ko. Pero okay na din ito kesa sa maunahan pa ako. "What do you mean?" naguguluhang tanong ni Gerald. "I want you to be my boyfriend." deretso kong sabi pero kinakabahan ako baka ireject niya ako. Ang tagal niya namang sumagot mas lalo tuloy akong kinakabahan. "Sure." nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Niyakap ko siya sa sobrang tuwa at saya ang nararamdaman ko. Niyakap niya naman ako pabalik. Sakto namang nagsalita ang MC hudyat na magsisimula na ang party kaya agad akong nagtungo sa elevator namin. Oo may elevator kami pero hindi mo iyon mahahalata dahil pinasadya nila mommy na ang pinto ay parang kahoy. Ipinakilala na kami ni mommy at daddy sa mga bisita. Dahil sa ako ang naunang bumaba ng hagdan ay sinadya ni Hannah na apakan ang gown ko at muntikan na akong mahulog at buti na lang napahawak agad ako sa may hagdan para mabalanse ko ang katawan ko. Nakita ko ang mga tao na nag aalala para sa akin. "Im fine." ngumiti ako sa kanila para iparating na okay lang ako pero sa totoo niyan ay galit na galit ako sa ginawa ni Hannah pero dedeadmain ko muna para hindi masira ang gabi ko. Pagkababa ko ay agad naman akong sinalubong ni Gerald. Nakita ko sa kanya ang pag aalala niya para sa akin. "Are you ok?" agad niya tanong. "Maupo ka muna." at inalalayan akong umupo. "Don't worry, ok lang ako." ngumiti ako para hindi siya mag alala dahil wala namang nangyari sa akin. Natapos na ang party at naiwan ang mga ka school mate namin ni Hannah. Nandito kami ngayon sa pool. Nagpahanda kami ng dalawang booth para sa akin at kay Hannah. Magkahiwalay ang Booth namin nasa kabilang pool ang booth nila at dito naman kami sa kabila. " Guys may announcement ako sa inyo. Kaya makinig kayo." tumahimik naman sila kaagad sa sinabi ko." Guys finally kami na ni Gerald." sabay hawak ko sa kamay niya. " Really Ash." mas kinikilig pa si Ayesha kesa sa akin. Instead na sumagot ako ay itinaas ko ang kamay namin ni Gerald. Nakita ko si Hannah kung paano siya naiingit sa amin ni Gerald. "Dahil diyan cheers tayo." sabi ni Kim. Ang iba naman ay nasa pool. Dahil sa hindi ako marunong lumangoy ay pinapanood ko na lang sila dito sa gilid ng pool. Dahil sa planado ko lahat ay may binayaran ako sa kabilang booth para utuin at siraan niya ako kay Hannah dahilan para itulak niya ako sa pool. At may nakaready naman akong camera para may ebidensya ako para kay mommy. Maya maya pa ay nakita kong umuusok na ang ilong at tainga niya na kung nakakamatay lang ang titik ay kanina pa ako pinaglalamayan. Lumingon naman ako sa may hawak ng camera para iparating na maghanda na siya dahil sa nagbigay na ng hudyat ang inutusan ko sa kabilang booth. Tumayo na si Hannah sa kinauupuan niya at lumapit sa akin. " Wala ka na bang alam gawin kundi siraan ako?" umarte naman ako na para akong nagulat. " Anong pinagsasabi mo. Nananahimik ako dito." pag iinarte ko. "Isusumbong kita kay mommy." pagbabanta niya sa akin. "Edi magsumbong ka. Ganyan ka naman para kang bata na inagawan ng candy tapos masusumbong na. Hindi mo yata kayang ipagtanggol ang sarili mo." dahil sa sinabi ko ay nagtagumpay ako dahil sa itinulak niya ako sa pool. Pero kinakabahan ako dahil sa hindi ako marunong lumangoy. Nagpanic lahat ng mga kaklase ko dahil alam nila na hindi ako marunong lumangoy. Athena POV Magpapahinga na sana ako ng naririnig ko ang mga ingay sa labas. Mas kinakabahan ako ngayon dahil samay kumatok sa pintuan ng kwarto namin. "Tita tito si Ashley nahulog sa pool, itinulak po siya ni Hannah." sumbong ni Kim na best friend ni Ashley. Agad akong nagpanic dahil alam kong hindi marunong lumangoy si Ashley. Bumaba kami kaagad ni Gabriel at dumeretso sa pool. Huli na nang makita namin si Ashley na nakaahon na at nawalan na ng malay. Si Gerald naman ay nakikipag mouth to mouth na ito kay Ashley. Sandali pa ay umubo na si Ashley. "Manang manang call an ambulance dali dalhin natin si Ashley sa hospital." sigaw ni Gabriel. "What happened?" Tanong ko sa nakapalibot sa amin. "I send to you the video tita. Dahil kinuhanan po namin ang pag aaway nilang dalawa ni Hannah." sagot ng kaklase ni Ashley. Lumingon naman ako kay Hannah, hindi ko maipaliwanag kung ano ang nararamdaman ko at bakit nangyayari ang lahat ng ito at umabot pa sa mapahamak ang buhay nila. Dumating na ang ambulance at dali dali nilang binuhat si Ashley at inilagay sa stretcher. Mahina pa si Ashley dahil sa pagkalunod niya. "Manang ang bag ko at cellphone ko pakikuha dali." utos ko kay manang Rose. Agad naman kaming nakarating sa hospital. Kasalukuyan ng inaasikaso ng mga doctor si Ashley. Maya maya pa ay lumabas na ang doctor. "How is my daughter doc ?" tanong ni Gabriel. "She's fine now. Kailangan niya lang magpahinga then bukas pwede na siyang umuwi." Paliwanag ng doctor. "Thank you doc" yun lang ang nasabi ko. "Maiwan ko na kayo." paalam ng doctor. "Bakit ba ito nangyayari Gabriel? Kailangan ba talagang humantong ang mga bata sa ganito." naguguluhan ako na hindi ko na alam kung ano ang gagawin namin. "Kailangan na natin silang ipadala na Australia sa lalong madaling panahon." "Paano kung mas lumala ang sitwastyon?" "Kailangan nilang matuto na pakisamahan ang isa't isa Athena." "Kilala mo si Ashley. Ayaw niya doon. Mas lalo lang silang mag aaway." " We don't have a choice." "But--" " No more but Athena. Stay here tatawag ko lang si Attorney para ihanda ang mga kakailanganin ng mga bata." Wala na akong magawa dahil sa desisyon ni Gabriel. Siguro nga ito ang chance para magkalapit silang dalawa. Nakalabas na si Ashley. Mamayang gabi namin sasabihin ni Gabriel ang plano namin sa kanilang dalawa. Hindi ako pumasok sa opisina sa ngayon para nabantayan ko sila para kahit papaano ay hindi sila mag aaway. Napanood ko na din ang video. Ayoko sanang manghusga pero may kasalanan talaga si Hannah. At talagang tinotohanan niya ang banta niya kay Ashley.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD