Chapter 10

1526 Words
Matapos ang sumbatan namin ay dumeretso si Hannah sa kwarto niya. At alam kong umiyak yun sa mga sinabi ko. Masaya ako ngayon dahil nakapuntos din ako. "Bakit ba galit na galit ka kay Hannah Ashley? hindi ko na alam ang gagawin ko sa inyong dalawa." naiiyak din si mommy pero hindi dapat ako maawa sa kanya dahil sa mga sinabi niya sakin na masasakit na salita. "You know me mom, mas higit mo akong kilala kaysa kay Hannah." at tumalikod na dahil ayoko ng marinig ang sasabihin niya sa akin. Umaasa ako na pantay na ulit ang magiging tingin sa amin ni mommy. Hannah POV Alam kong darating ang oras na to. At akala mo naisahan mo na ako. Nagkakamali ka Ashley. Buti na lang one step ahead ako sayo. Sige lang magpakasaya at namanamin mo ang akala mong puntos mo. Magugulat ka na sa isasampal ko sayo ang madaming drawing na ito. Akala mo ikaw lang ang marunong magdrawing. Nagulat na lang ako na may biglang kumatok sa pintuan ko. Sinadya ko na ilagay sa study table ko lahat ng mga drawing ko para agad makita ni mommy ang mga ito. At siya mismo ang huhusga kay Ashley. Excited na akong makita ang mukha niya. hahahaha. Umarte ulit ako na umiiyak na tila nasaktan naman daw sa mga sinabi ni Ashley. Ang sarap talagang paglaruan ang babaeng yun. "Hannah, buksan mo to please" pagmamakaawa ni mommy. Pero dahil mabait ako ay pagbubuksan ko si mommy pero umiiyak pa din ako. "Tahan na." pagkakalma ni mommy sa akin. "Mommy naniniwala po ba kayo na ninakaw ko ang drawing ni Ashley." nakanguso kong tanong. Nakita kong tumingin si mommy sa study table ko kaya bahagya akong ngumisi. "Nagdodrawing ka ba talaga" "This are the evidence mom. Siguro naman sapat na ito para maging ebidensya ko na may sarili talaga akong gawa." pagmamalaki ko sa mga gawa ko. "Nasa dugo talaga natin ang pagdidesinyo. At mabuti naman at namana niyo ang --by the way don't worry I'll talk to Ashley why she's doing this to you. Magpahinga ka na muna." at tuluyan ng lumabas sa kwarto ko si mommy dala ang mga drawing ko. Kawawang Ashley, ang bilis naman matapos ang tagumpay mo. Ayan tuloy si karma. hahahaha Ashley POV Alam kong pagkatapos ng nangyari ay alam kong may binabalak ulit si Hannah para maghiganti. At hindi na ako magtataka kung susugod si mommy dito pagkatapos niyang kausapin si Hannah. Bigla lang may bumukas na pintuan na kwarto ko at iniluwa ito si mommy bitbit ang makapal na drawing paper. "Look at this?!" bungad niyang sabi. "Mommy hindi na ako magtataka kung nakahanda si Hannah na gawin yan. And I don't care kung siya ang papanigan mo. Mula naman nung dumating yan hindi mo na ako nakita." sumbat ko sa kanya. "Dahil mali na magbintang ka ng hindi naman niya ginawa" sermon ni mommy sa akin.. "Mali para sa inyo dahil hindi naman kayo ang ninakawan. God knows who is the liar between me and Hannah." hindi ko na napigilan ang emosyon ko. "Ginagamit mo pa talaga ang Diyos para pagtakpan ang kasinungalingan mo. Ayan na nga ang evidence na nagpapatunay na inosente si Hannah." "Hahahahaha, really mom, hahahaha" natatawa ko sa inosente niya sabi. "Pagbibigyan kita mom na inosente siya sa mga mata mo. As if I care? Pwede ba mom kung susumbatan niyo lang ako lumabas na lang kayo. Dahil kahit naman sabihin ko na wala akong kasalanan ay hindi pa rin kayo maniniwala dahil sarado na ang isip niyo sa akin para paniwalaan mo" dugtong ko pero natatawa pa rin ako. At mabuti na lang at tuluyan ng lumabas si mommy. ---------------------------------------- Mabilis lumipas ang panahon at ilang araw na lang debut na namin ni Hannah. Mula noon ay hindi ko na sila pinapansin at pinahahandaan ko talaga kung paano babalik ang tiwala ni mommy sa akin. Dumating na ang mga gown namin at itinago ko yun at nilock ko kung saan ko tinago baka sa araw ng debut ko ay magiging basang sisiw ako pag sisirain ni Hannah yun dahil nakita ko sa mga mata niya noong bagong dating ang mga gown ay inggit na inggit siya sa gown ko. Dito mismo sa bahay ang venue ng debut namin. At dahil tatlong araw na lang ay debut na namin ay madaming tao ang nag aayos dito sa bahay. Yung mga iba ay gumagawa na mini stage para sa amin ni Hannah. At sa swimming pool ay inihahanda na din ang mga ilaw doon para naman maganda ang itsura sa gabi dahil may part kasi sa debut namin na maiiwan ang mga kaklase namin ni Hannah at magparty party. Pumayag namin si daddy sa suggestion ko dahil nasa legal age naman na daw kami sa oras na iyon. May pool nga kami pero hindi ako marunong lumangoy at malalim pa naman ang pool namin dahil 8 feet ang lalim nun. Perfect na ang plano ko na paghihiganti kay Hannah. Excited na akong makita ang itsura ni mommy na makita ang itsura niya..... Tumulong naman ako ngayon sa pagdidesenyo ng mga bulaklak. Plastic naman ang mga bulaklak kaya wala naman problema dahil hindi naman sila malalanta. Hapon na nang matapos kami sa pag aayos ng mga bulaklak sa gilid ng bahay. May sarili kaming hardenero pero nag pasya akong tumulong dahil sa gusto kong kahit sa ganitong paraan ay makita ni mommy na nagbabago na ako. Matapos kaming naghapunan ay deretso agad ako sa kwarto ko para hindi ko para ko makita si Hannah. Natapos ko na ang night routine ko ng biglang pumasok si daddy sa kwarto ko. "Oh dad, may kailangan ka ba?" "Nothing, I just want to check you. Alam kong pagod ka. Matutulog ka na ba.?" umupo naman sa gilid ng kama ko si dad. "Yes dad inaantok na ako." inaantok na talaga ako dala ng pagod ko. "Good night baby." hinalikan naman ako ni daddy sa noo ko at saka in on ang lampshade ko tapos pinatay niya ang ilaw sa kwarto ko. Alas dyes na akong nagising dahil sa napagod ako maghapon. Pagkatapos kong ginawa ang morning routine ko ay dumertso agad sa kusina. Naabutan kong nagluluto si Hannah sa kusina at alam kong magpapa impress lang siya kay mommy. Kumuha ako ng fresh milk sa ref at saka inilagay ko sa baso. Lumabas ako sa exit ng kusina at nandoon ang ibang maids namin sa laundry room. Sinadya ko talagang hintayin si Hannah matapos sa niluluto niya. Nang pumasok ako sa kusina para ilagay ang baso ko sa lababo sakto namang lumavas si Hannah at tapos na siya s a ginawaga niya. Nagluto siya ng sinigang na baboy na iyon ang paborito ni mommy. Sinilip ko muna siya at nakita kong pumasok siya sa kwarto nila mommy. Tinikman ko masarap naman. Kinuha ko ang asin at nilagyan ko ng dalawang kutsara asin saka ihinalo. Tingnan natin kung mapapa impress mo pa si mommy sa luto mo. Dali dali akong lumabas patungong grand entrance at nakita kong nag aayos na sila sa mini stage kaya naisipan kong tumulong para hindi nila mahalata na ako ang may gawa nun. Nilinis ko muna ang kalat ko katulad ng pagkakaayos ni Hannah kaya wala akong magiging problema. Wala silang makukuhang ebidensya na ako ang may gawa. Nakita kong pababa na sila ng hagdan at hindi ako nagpahalata na nakita ko sila. Malapit ng matapos ang pag aayos namin sa mini stage nang sumulpot si Hannah. "Ashley!" sigaw nito na dahilan para mapalingon ang mga trabahador. Yung iba ay nilabas ang mga cellphone nila. Dahil nga sa mayaman kami. Kilala din ang pangalan namin sa magazine dyaryo at iba pa. At alam kong kinikuhanan kami nang video ni Hannah. "Anong problema mo?" maang maangan kong tanong. "Alam kong ikaw ang sumabotahe sa luto ko." galit na galit niyang sabi sa akin. "Ano ba ang pakialam ko diyan sa luto mo. Baka may lason pa yan." naiinis akong turan sa kanya. "At talagang maang maangan ka pa? Well kung hindi ka naman kuno aware sa ginawa dahil sa maang maangan acting mo ay nilagyan mo lang naman ng madaming asin ang luto ko." paliwanag niya. "Eh aba malay ko ba kung hindi ka lang talaga marunong magluto at sa akin mo pa isinisisi ang kapalpakan mo." taas baba ko siyang tiningnan. "Wow sige Ashley panalo ka ngayon pero alam mong may kapalit lahat ng ginagawa mo." banta niya sa akin. "Everyone did you here that? Kapag may kapalpakan ang kakambal ko ay sa akin niya sinisisisi. At narinig niyo naman ang banta niya di ba. Kapag may mangyayari sa akin o mismo sa araw ng debut namin ay alam niyo na kung sino ang magiging pasimuno." pamamahiya ko kay Hannah. At kitang kita ko naman ang pamumula ng pisngi niya. Dahil sa napahiya siya ay agad na tumakbo papuntang kwarto niya. At alam kong nagpaplano siya kung paano siya babawi. Nakita ko din sa mommy na sinundan niya si Hannah. Kinausap ko yung nagvideo na post niya ang video sa araw mismo ng debut namin sa oras na may gagawin si Hannah sa akin
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD