Chapter 9

1750 Words
"Naaalala ko na mommy siya ang nagsimula ng away. Umiwas na nga ako noon pero hindi niya ako tinantanan." sumbong ni Hannah kay mommy "Ma'am halina po kayo." akay na siya ng nurse. "Bitiwan mo ako." pagpupumiglas niya. " Ito ba gusto mo ang mawala ako, ang mamatay ako! ano masaya ka na ba na nakikita mo akong nagdurusa sa mga panahon na nakaratay ako sa kama!"galit na galit siya sa akin. "No, hi--hindi ko sinasadya ang nangyari." hindi ako na kailag sa sampal niya sa akin. "Hindi ko din sinadya yun" hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. "Mommy maniwala kayo sa akin. Hindi ko talaga sinasadya ang nangyari." pagmamakaawa ko kay mommy pero hindi siya nakatingin sa mga mata ko. Nakita ko na iniiwas niya ang mga mata niya na lumuluha na din. "Wala akong anak na mamatay tao." "Really Ashley, ano gusto mo ang mawala ang kapatid mo, she is your sister, not only a sister but she is your twin sister. But why?" masakit yung sampal sa akin ni Hannah pero hindi ko alam na mas masakit pala ang mga narinig ko kay mommy. Binilisan kong nililigpit ang mga gamit ko para makaalis ako sa harapan nila dahil hindi ko na kakayanin ang mga susunod na sasabihin ni mommy sa akin. "Hindi pa tayo tapos. magwa-walk out ka na." pinipigilan ako ni Hannah sa pagliligpit ko. "Hindi kita pinalaki na bastos Ashley, at mas lalong hindi kita pinalaki para maging isang mamatay tao. I am very disappointed to you--." "What's happening here?" naputol ang sasabihin ni mommy dahil sa biglang pagdating ni Daddy." Ashley are you okay?" "Seriously dad? siya pa talaga ang tinatanong mo kung okay lang siya ang dahilan kung bakit ako nagkaganito" galit na galit na sabi ni Hannah. " Stop it! hindi lang ikaw ang nahirapan, nahihirapan din si Ashley sa mga nangyari." pagtatanggol sa akin ni dad. At least medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil alam ko may kakampi ako. "Muntik ng mamatay si Hannah dahil sa babaeng yan tapos siya pa ang kinakampihan mo."Sabay turo sa akin ni mommy. Mas lalo akong nanlabo ang mga mata ko sa sinabi ni mommy. Buti na lang at niyakap ako ni daddy. "She is still your daughter Athena" pagtatanggol sa akin ni dad. "Wala akong anak na mamatay tao" agad na pumasok sa loob ng bahay si mommy at sinundan siya ni daddy pero naiwan si Hannah sito sa garden. "See what you've done? Nag aaway tuloy sila mommy at daddy dahil sayo. Kung tinanggap mo na lang sana ako noong umpisa pa lang ay hindi na sana to mangyayari. Kaso sa sobrang kaartehan mo at dahil sa pinaggagawa mo sa akin sa school."ngumiti ito ng nakakaloko " Tignan mo ang nangyari, magaling ba akong umarte. hahahaha" tumatawa siya ng parang pangkontrabida. "Anong ibig mong sabihin." Naguguluhan ako sa sinasabi niya. Parang may hindi magandang nangyayari. "Hahahahaha" tumatawa pa rin siya na parang baliw." Dahil sa pagtulak mo sa akin ay nalaman ko sa doctor na may posibilidad na maamnesia ako kaya ginamit ko ang pagkakataon na yun para makaganti sayo. At hindi nga ako nagkamali. Kukunin ko lahat ng meron sayo na ipinagdamot sa akin ng tadhana in seventeen years. Pati si Gerald aagawin ko sayo." tumawa pa siya ng tumawa. Dahil gulat na gulat ako sa rebelasyong sinabi niya ay sinampal ko siya pero hindi ko inaasahan nakita yun ni mommy. "Ano ba Ashley. Wala ka na bang matinong gagawin hah?." galit na galit si mommy sa akin. "Niloloko kayo ni Hannah mom. Hindi siya tunay na naamnesia." pagbubuking ko kay Hannah. At nakita ko naman ang paglaki ng mga mata niya. "Mom instead na magsorry na lang siya ay sinisiraan pa niya ako sa inyo." Aba't nakahanap agad ng maipapalusot. "Sa tingin mo Ashley maniniwala pa ako sa sayo." "But mom im telling the truth. Inamin niya lahat sa akin kanina ang mga pagpapanggap niya." "Please Ashley stop it!" suway ni mommy sa akin "Bahala kayo kung ayaw niyong manilawa" at tuluyan na akong pumasok sa loob at dumeretso sa kwarto ko. Ngayon na alam ko na lahat at mukhang hindi naniniwala si mommy pero siguro si daddy baka sakaling maniniwala si daddy sa akin. Agad kong pinuntahan si daddy pero hinarangan ako ni mommy. "Don't you dare na siraan mo si Hannah sa daddy mo, kung hindi ako ang makakalaban mo." Hindi na ako nagsalita pa at bumalik ulit ako sa kwarto ko at mag isip ng ibang paraan para bumalik ang tiwala ni mommy sa akin. Hindi naman pwede aalis ulit ako dito sa bahay dahil mas lalong malalason ni Hannah ang isip ni Mommy. Debut na namin next month kaya dapat magpaka behave muna ako at sa debut namin ko sisimulan ang plano ko. Ilang linggo na din ang nakalipas mula nung inamin ni Hannah ang pagpapanggap niya. At mula din doon sa araw na yun ay tahimik muna ako na parang bagyo na nag iipon ng lakas para sumalanta. Bakasyon kasi namin ngayon eksakto noong nagyari ang pagkahulog ni Hannah sa hukay ay ilang linggo na lang noon ay bakasyon na. Pero dahil sa nangyari ay pareho kaming hindi pumasok ni Hannah, dahil ibubully lang ako ng mga istudyante kung papasok ako at nagtake na lang ako noon ng online class para makisabay. Kasalukuyan akong nagdodrawing ng mga gown na gusto kong suotin sa debut namin ni Hannah. Nag research din ako ng mga magagandang design pero gusto ko ako mismo ang gagawa ng design sa sarili kong gown para sa debut ko. Nang mapagod ako kakadrawing ay bumaba ako para kumuha ng meryenda ko. Pagbalik ko sa taas ay wala na ang mga drawing ko. Bumaba ulit ako para tignan kung naisama ko ba sa baba ang mga drawing ko pero wala. Napadaan ako sa kwarto nila mommy at daddy nandoon si Hannah at si mommy kasalukuyang tinitignan ang mga drawing ko. "Mommy tignan mo ako ang nagdesign niyan. What do you think mom?. 'What the' Magnanakaw ka talaga Hannah pero hindi din magtatagal mga magnanakaw na katulad mo . Nagtago lang ako dito sa gilid para marinig lahat ng pinag uusapan nila. "Wow amazing." "I love it mom, gusto sana na ipatahi mo ito mom para sa debut ko please" "Good idea" Nagtungo ulit ako sa room ko at natatawa ako kay Hannah. Ang cheap niya talaga. Hindi pa tapos ang drawing ko ay naamaze na ito kaya gagawa lang ulit ako ng bago, yung mas maganda. Natapos ko din ang drawing ko at nagtake ako ng picture nito at inilagay ko sa drawer ko tapos ni lock ko. Mahirap na baka pasukin ulit ako ng magnanakaw. Nagtext ako kay Gerald na siya ang maging escort ko sa debut ko at good thing pumayag siya. At sinabi ko din sa kanya na tatanggihan niya ang alok ni Hannah kung iimbitahan niya ito na siya ang maging escort niya. Balik ulirat ako ng may biglang kumatok sa pinto ng kwarto ko. " Ma'am pinapatawag po kayo ng mommy niyo po" tawag sa akin ng katulong namin. Hindi ko hobby ang alamin ang mga pangalan nila. Ang kilala ko lang ay si nanay Rose. "Pababa na ako" sigaw ko sa kanya. Agad kong kinuha ang drawing ko sa drawer at minarkahan ko yun ng Ashley Lopez baka nakawin pa ng magaling kong kambal. Pagbaba ko ay nakita ko kaagad sila, As usual ay cheap pa din si Hannah yung itsura niya kasi para ngayon lang nakakita ng mga naggagandahang gown. At hindi pa nakontento sa ninakaw niyang design akin. Kinuha ko ang isang magazine at isa lang ang umagaw ng pansin sa akin. Pero hindi ko naman magagamit sa plano ko. "I have my own design." at pinakita ko sa kanila ang design ko. "Wow! did you draw it" manghang mangha siya sa gawa ko. "Yeah" malamig kong sagot " I draw a lot of design but some took it" sabay tingin ko kay Hannah at naramdaman yun ni mommy. Wala naman akong pakialam kung anong sasabihin sa akin ni mommy. "May I buy your design" nagpuppy eyes pa siya sa akin. "Sure but i want you to name it Ashley's Fashion please" "Sure" Ilang sandali pa sila nag usap nila mommy at tumayo na ako pero hindi ako masyadong lumayo para makita ko na hindi isasabotahe ni Hannah ang mga napili kong gown. Ilang saglit lang ay nagpaalam na din ang mga designer ng gown. Nang makaalis na sila ay lumapit sila mommy at Hannah sa akin. "I don't like what you did earlier" sermon ni mommy sa akin. "Which one mom?" balik ako sa maarte kong pananalita "Pinahiya mo ako kanina." giit ni Hannah. "Hahahaha marunong ka pala mahiya Hannah? pero hindi ka nahiya ng angkinin mo ang hindi sayo." natatawa ako sa sinasabi niya. "Sinisiraan mo nanaman ako!." sumbat ni Hannah sa akin. "Hindi naman kita kailangang siraan eh, ikaw mismo sumisira sa sarili mo." galit na galit ako sa kanya. Pero hindi pa tapos ang paghihiganti ko. Simula pa lang ito. "Stop it Ashley" suway ni mommy sa akin. " Why mom? kilala mo ako simula nung bata ako. Alam mo Hannah simula nung bata ako marunong na akong magdrawing at alam nila mommy at daddy yun. Ikaw ano ba ang alam mo sa buhay? magnakaw? angkinin ang di sayo." hindi ko na talaga mapigilan ang sarili ko. "Ashley tumigil ka?" sabi ni mommy sa akin. "Sige mommy kampihan mo ang magaling kong kakambal!. bakit mommy may ipinakita na ba siya sa inyo na ginawa niya drawing. Ni hindi niyo pa nga kilala nang lubos yan eh. Malay ba natin kung paano siya pinalaki ng mga fake na magulang niya!." sumbat ko kay mommy Akmang sasampalin sana ako ni Hannah pero nasalo ko ang kamay niya. "Sa tingin mo ba papayag ako na sampalin mo ako. Magnanakaw? "Huwag na huwag mong idadamay sila nanay at tatay dito." galit na galit niyang sabi. "Pinagtatanggol mo pa ang mga peke mong magulang na magnanakaw!." pang insulto ko sa kanya. "Hindi si magnanakaw" pagtatanggol niya sa peke niyang magulang "Ipaliwanag mo nga sa amin kung ano dapat ang term sa kinuha ka nila at inangkin na parang pag aari nila? Di bat pagnanakaw yun?! idiin ko talaga ang salitang pagnanakaw para mas lalo siyang mainsulto. Tinignan ko si mommy parang naguguluhan sa mga sinabi ko. "Mommy sumosobra na si Ashley!." parang bata na nagsusumbong sa magulang si Hannah. "Am I right mommy?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD