Chapter 8

1871 Words
Tatlong buwan na nacomatose si Hannah. Nandito ako ngayon sa hospital para dalawin siya. "Im so sorry kung tinanggap lang siguro kita nv mabilis hindi tayo aabot sa ganito." umiiyak kong sabi kay Hannah kahit alam kong hindi siya sasagot. "Patawatin mo sana ako. Sana magising ka na please, I promise magiging mabuti akong kakambal sayo. Basta gumising ka na please." sabi na umiiyak pa din. Hawak hawak ko ang kamay niya ngayon ng bigla itong gumalaw kaya nagulat ako at tinawag ko ang doctor saka ko tinawagan sila mommy. Ang akala ko ay magigising na siya ay hindi pala dahil para itong tumatalon na nakahiga nakakatakot tingnan. Pinalabas ako ng mga doctor at hindi ko na lang sinilip ang mga nasa loob dahil natatakot ako. Umiiyak akong nadatnan nila mommy. "What happened? tarantang tanong ni mommy "Bumisita ako mom tapos gumalaw ang kamay niya kaya tinawagan ko ang mga doctor tapos eto na ang nangyari. Im so sorry mom." Hindi na lang ako pinansin ni mommy at deretso siya sumilip sa pinto na may salamin kung saan makikita mo ang pasyente sa loob. Lumabas na din ang doctor . "Kumusta po siya doc." "Mabuti buti naman na po, Pwede niyo na siyang kausapin.." Yung pag aalala ni mommy ay napalitan ng tuwa. Hindi na niya pinatapos ang doctor at agad na siyang pumasok sa loob. Nandito pa rin ako sa labas dahil alam kong hindi magugustuhan ni Hannah na nandito ako. Althea's POV "Kamusta na ang pakiramdam mo hija." Nakatingin pa din si Hannah sa kisame. Ni hindi man lang niya ako matapunan ng tingin. Parang wala siya sa sarili niya "Doc bakit ganito po siya doc" naiiyak kong tanong. "Ma'am dahil po sa malakas po ang pagkakauntog niya sa bato ay pati po ang utak niya ay naapektuhan. Hindi din po niya maiiwasang magka amnesia" sabi ng doctor kaya mas lalo akong umiyak. "Pero gagaling naman po siya doc." tanong ko ulit. "It takes time para gumaling po siya. " "Doc gawin niyo po ang lahat para gumaling siya kaagad." pagmamakaawa ko sa doctor "Gagawin po namin ang lahat para gumaling po siya kaagad." "Salamat doc." "Maiwan ko na kayo. " "Maraming salamat ulit doc." Tinawagan ko si Gabriel para ibalita lahat ng nangyari dahil nasa ibang bansa siy ngayon. Hindi na ako nag aksaya ng panahon para kausapin si Ashley dahil baka mas lalong lalaki ang ulo niya. Ashley's POV Narinig ko lahat ng pinag usapan nila ng mommy at ang doctor kaya nung lumabas na ang doctor ay umalis na din ako. Nandito ako ngayon sa condo ko. Mula noon ay natuto na din akong uminom para makatulog dahil hindi ako pinapatulog ng konsenya ko. Habang umiinon ako ay nakaharap ako ngayon sa painting ko. Lahat ng painting ko ay malungkot. Ramdam mo talaga ang lungkot. Ibinebenta ko din ang mga ito pandagdag ko sa gastusin ko. Sumali na din ako sa exhibition baka sakaling kilalanin din ang aking mga obra. Dito ko ibinubuhos lahat ng oras ko kapag nalulungkot ako. Kasalukuyan akong nagpipinta ng mukha namin ni Hannah na magkalapit. Para kapag may lakas ulit ako para harapin siya ay maibibigay ko itong regalo ko para sa kanya. Sana nga pag magaling na siya magkaayos na kami. Athena's POV "How are baby. May masakit ba. Gutom ka ba, tell me." Nakatingin pa rin siya sa kawalan. Hindi niya man lang ako tignan. Ano ba ang nangyayari sayo. Naiiyak na lang ako. Hindi ko kaya tignan si Hannah na ganito. Masakit para sa isang ina na makita ng anak na nahihirapan. "Gabriel." Yakap ko sa asawa ko. "Don't worry. Everything will be fine." "How is Ashley?" "She's so sad. Sising sisi siya sa nangyari." "Ikaw na ang bahala kay Ashley. Hindi ko pa siya kayang makita." "She needs you." Mas lalo akong napahagulgol dahil hindi ko alam kung paano ko hahatiin ang sarili ko sa sitwasyon. "Mas kailangan ako ni Hannah sa ngayon." Pagkalipas ng ilang buwan nandito parin kami sa hospital. "Sino po kayo." "Hannah anak. Nagsasalita ka na" naiiyak ako sa tuwa pero nagulat din ako sa sinabi niya. "Gabriel tumawag ka ng doctor." dugtong ko "Nasaan po ako." "Maghintay ka lang darating na ang doctor." sinadya kong hindi sagutin ang mga tanong niya. Natatakot ako. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko. "Doc nagsasalita na siya doc." baling ko sa doctor. "How do you feel hija." Natulala lang uli si Hannah. "Doc nagsalita po siya kanina. But she don't who I am, and where is she. Posible kayang nagkaamnesia ang anak ko." naiiyak kong sabi sa doctor. "Posible po ma'am dahil po sa pamamaga ng utak niya" "Ano po ang dapat naming gawin doc?" nag aalalang sabi, lahat gagawin ko para gumaling lang siya. "Ang maipapayo ko lang Mrs Lopez ay kailangan niyo pong kumuha na occupational therapist niya regularly para mabilis po ang kanyang paggaling. Kung gusto niyo po may kakilala po akong magaling na therapist na maari pong makatulong sa inyo" "Salamat doc." "Maari po kayong sumunod akin para kunin ang calling card niya sa office ko." "Sige po doc." --------------- Pinuntahan ko kaagad ang therapist na sinasabi ng doctor ni Hannah at mabuti naman at pumayag siya na regular niya itong bibisitahin. Ilang buwan na ang nakalipas pero wala paring naaalala si Hannah. Matagal na din siyang nakauwi at si Ashley naman ay nanatili pa rin sa condo. "Gabriel kailan ko mararanasan ang isang masayang pamilya. Pauwiin mo na si Ashley, I really miss her I mean them." "Huwag kang mag alala magiging maayos din ang lahat. Magsisimula tayo ulit." Ashley's POV Ilang buwan na lang debut na namin pero paano ako haharap sa kanila. Alam kong sinisisi pa rin ako ni mommy sa nangyari. Ano ang dapat kong gawin. Natauhan lang ako ng may kumatok sa puntuan ng condo ko. "Dad" tipid akong ngumiti. "Come home baby please." "But Dad" I signed. "Napatawad ka na ng mommy mo. Uwi ka na mis na mis ka na namin." Wala akong nagawa kundi umuwi na kasama ni Daddy. Habang papalapit kami ng mansion, natatakot ako baka sampalin ako ni mommy. Hanggang sa nandito na kami sa may pintuan pero na katayo pa rin ako, may nagsasabi sa akin na gusto kong pumasok para yakapin si mommy pero natatakot ako baka hindi niya ako gustong makita. "Pasok na tayo, naghanda ang mommy mo." pero nanatili pa rin akong nakatayo. "Nandiyan na pala kayo. Kasama mo ba si Ashley." Mas lalo akong kinkabahan nang palapit na ng palapit si mommy sa gawi namin. "Yeah she's here" sabi ni Daddy. "Ashley" nabigla ako ng niyakap ako ni mommy at umiyak siya. Ang matagal tagal ko ng inaasam na yakap niya, agad din nagsi labas ang mga luha ko. "Mommy" at mas lalo akong napahahulgol. "Baby I miss you so much." "I miss you too mommy." at naghiwalay na din kami sa pagkakayakap. "Halika na naghanda ang mommy. Niluto ko favorite food mo." At yumakap ulit siya sa akin. Nandito na kami sa dining area pero hindi ko pa nakikita si Hannah. Wala naman akong balak tanungin siya baka mag iba ang mood ni mommy sa akin. Nakaupo na ako na lumabas si Hannah sa kwarto niya kasama ang kanyang nurse. Hindi ako makatingin sa kanya ng deretso. Pero nararamdaman ko na kanina pa niya ako tinitignan at mas lalo akong kinakabahan. "YOU!" nagulat kaming lahat at itinuro niya ako. "Why baby is there something wrong?" Tanong ni mommy at lumapit kay Hannah. Hindi na sumagot si Hannah dahil parang sumasakit ang ulo niya. "Huwag mo munang pilitin alalahanin ang lahat sumsakit lang ang ulo mo." sabi ni dady. "Nurse ihatid mo na siya sa kwarto niya, ipapahatid ko na lang ang pagkain niya." Tahimik pa rin ako dahil sa nangyari. "Don't worry everything will be okay." hawak ni mommy ang mukha ko. "Mommy I'm so sorry." napahagulgol na lang ako. "Tahan na." "Lets eat." Taimtimtim lang kaming kumain. Pagkatapos naming kumain ay umakyat na ako. Namis ko ang kwarto ko ang malambot kong kama. Ginawa ko muna lahat ng night routine ko. Bago ako humiga. Nagising na lang ako sa sinag ng araw. Tinignan ko ang relo 8:36 na pala. Ginawa ko muna ang morning routine ko bago ako bumaba. Ayoko sanang bumaba kaso nagugutom na ako kaya bahala na kung makita ko si Hannah. Pagbukas konng pinto ng kwarto ko ay sinilip ko muna kung nasa baba si Hannah sakto na inilabas siya ng nurse niya kaya dali dali akong bumaba. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko bigla na lang akong natakot sa kanya mula kagabi. "Good morning ma'am" bati sa akin ni nanay Rose. Ngumiti lang ako ng tipid. "Ihahanda ko na po ang almusal niyo." at umalis na si nanay. Athena's POV Sige lang Ashley, gagawin ko ang lahat para gumaling lang si Hannah. Pag tuluyan ng gumaling si Hannah makikita mo. "Mommy kanina pa ba kayo riyan, samahan niyo akong kumain, gusto niyo po ipaghahanda ko kayo." masigla masigla siya ngayon. "Sige"nginitian ko siya ng pagkatamis tamis para naman hindi siya makahalata. Umepekto kasi kagabi ang pagkakikita nilang dalawa. Tama nga ang sinabi ng therapist. Ramdam ko malapit na siyang gumaling. "Kain na tayo mommy." "Sige" Nasa kaligitnaan kami ng pagkain ng biglang sumigaw si Hannah. Dali dali akong napalingon. "Ikaw" galit na galit si Hannah na ituro si Ashley. "Why what happened." I said "Mommy siya! siya!" Pilit niya itong itinuturo. "Siya nga, ang kakambal mo." "No mommy no." takot na takot si Hannah na sinabi kong kakambal niya ito. "Yes baby, she is." "Argh masakit mommy masakit." sabay hilot niya sa ulo niya. "Nurse." "Ako na po ang bahala ma'am." Tumingin ako kay Ashley tahimik lang ito at mukhang nagulat siya sa nangyari. Gusto kong sumabog sa ngayon kaso iniisip ko lang si Hannah kung aalis si Ashley sa galit ko kaya. Konti pa magtitiis muna ako. Inayos ko muna ang sarili ko bago ko hinarap si Ashley. "Don't worry kapag naalala niya na ang lahat hahayaan kitang kausapin mo siya. Huwag mo muna siyang kausapin sa ngayon. Baka mas lumala pa ang sitwasyon." "I understand mom."Pinahid niya ang luha niya at dali dali itong pumunta sa kwarto niya. Ashley POV Nagtext ako kay daddy na kunin niya ang mga gamit ko sa pagpipinta sa condo. Mabuti naman at kinuha niya para kahit papaano may libangan ako rito sa bahay. Sa tuwing nakikita ako ni Hannah ay lagi niya akong itinuturo. Nagpasya akong sa garden ako magpipinta. Tulog si Hannah sa ngayon. Nasa kalagitnaan ako ng pagpipinta nang dumating si mommy dala ang meryenda ko. "Ashley magmeryenda ka muna." "Thanks mom." "Ano yang pinipintura mo. Parang ang lungkot naman." Tipid lang akong ngumiti at hindi ko na sinagot si mommy. Ayoko ring mag open sa kanya ng nararamdaman ko kaya ibinubuhos ko na lang dito sa pagpipinta ko ang lungkot na nararamdaman ko.. Nagulat na lang ako ng bihlang dumating si Hannah na galit na galit sa akin. "Ikaw, ikaw" turo niya sa akin. "Patawarin mo ako di ko sinasadya." tumulo na lang bigla ang mga luha ko. "Nurse Nurse." sigaw ni mommy "Naaalala ko na mommy, siya ang tumulak sa akin." "Tama na baby."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD