May tatlong sulat ang galing sa misteryusong donor ni Blaise at apat naman sa kanya.
To my donor,
How are you? I wish you have a good day. This is Blaise Perceval from Isabela, Philippines. As you remember, I'm the eight year old bullet strained victim you helped six months ago. I wonder if it's your real address but somehow, I would like to express my sincere gratitude of helping me. Because of you, I luckily survived back in life. I hope more people will be like you. I'll be forever grateful to you."
Sincerely,
Blaise Perceval
Nagpaturo pa siya sa kanyang Auntie Janny na isang English teacher para maperfect ang grammar niya nun. Syempre, nasa New York ang donor at kailangan niyang mag-English. At sa hindi niya inasahan, sa nagdaan na mga araw ay dumating ang reply ng sulat nito sa kanya.
Dear Ms. Perceval,
Have a good day, thank you for writing me. I'm glad you're feelin' fine now. I'm happy to help you and to know that you have survived. You're such a strong girl. I wish you luck to your following endeavors.
Your friend from New York.
Mas lalo siyang nasiyahan ng naglaan ito ng panahon para sagutin ang liham niya kahit maikli lamang. At tumindi na rin ang kuryusidad niya. Hindi talaga ito nagpakilala kaya sinulatan niya ito muli. At hindi na siya nagpaturo pa.
Dear Donor,
I don't know if you will still reply to me. But I would like to ask you more information about yourself. I want to know more about you, even your name will be highly appreciated. Yes, now, I continue my life even my father has gone. I guess, you already know my whole story. To know me more, I love animals. I have a phyton pet here, but he will be brought soon at the zoo because he's getting bigger. How about you? Well, I hope you don't mind. I just want to know more about you as I say. Bye the way, I sent you also a Christmas card. Merry Christmas to you and Happy New Year.
Blaise Perceval.
Nilakasan niya ang loob para i-introduce ang ilang bagay tungkol sa kanya. Inisip na niyang hindi na seguro ito sasagot lalo pa't dumaan pa ang ilang araw walang dumating na liham sa kanila. Pero isang araw, ay may dumating na postman sa bahay nila dala ang sulat.
Dear Ms. Perceval,
Well, that's pretty cool. I'm sorry to inform you but I have reasons why I can't tell you my name. Well, to give you a hint of me, I'm a guy and studying now here in New York. I'm focusing on my studies here that's why I can't guarantee you a reply if ever you will write back. But I assure you, I'll read them. Happy Christmas and Blessed New Year. Hope you enjoy my gifts.
Your friend from New York.
Nag-aaral pa pala ito? Kung ganun, maaring kaedad lang kaya niya? Hindi maari. Wala naman segurong magulang na bigyan ang anak ng ganung kalaking halaga. But who knows? Napakayaman talaga nito. At hindi lang liham ang inasahan niya. Nagpadala pa ito ng box ng mga chocolates at mga laruan para lang sa kanya. Labis niyang ikinatuwa iyon dahil mula ng mawala ang itay ay minsan na rin siyang makabili ng mga laruan. Nag-aadjust pa sila ng panibagong buhay ni Nida at hindi maiwasang maging kapos.
Kahit na naghint ang donor niya na maaring hindi na ito magrereply ay hindi pa rin siya tumigil. Sinulatan pa rin niya ito. Gusto niya pa talaga malaman ang iba pang inpormasyon tungkol sa buhay nito. Gusto niyang makilala kung sino ba itong nagligtas sa kanya. Gusto niyang magpasalamat ng personal rito. Kahit alam niyang malabo ng mangyari yon ay pinapanalangin pa rin niya na magkatagpo sila ng landas. Naglaan pa rin siya ng pera para makapagreply pa rin dito.
To my donor,
How are you? I hope you're fine today. I just want you to share this news because I think you deserve to know it. I'll be graduating soon in elementary, and will be our class salutaturian. To you as well, I wish you for your further success in any of aspect of your life. I guess you've graduated in your collage now. I really want to meet you personally to thank you.
Blaise Perceval.
Inakala niya na hindi na ito magrereply pero pagkaraan ng lang ng dalawang linggo ay natanggap niya agad ang sulat. Hindi niya alintana ang halaga ng mga naigasto pa niya sa pagpapadala ng mga sulat para rito.
To Ms. Perceval,
I would like to congratulate you in this milestone in your life. Now, I know the reason why I was called to give an amount in that time of your need. Because you are worth saving for, you deserve a future. I hope for your further success in life.
Your friend from New York.
Hindi na rin siya nagpabagal-bagal pa at muli siyang sumulat dito.
To my friend of New York,
Yes, I will strive hard to be successful. By that, perhaps, I can travel to New York to meet you. Or you can visit here in Philippines. I guess you have been. There are lot of good people and places here to explore. Boracay, Rice Terraces, Intramuros, Chocolate Hills and many more. I can be your tour guide. I really hope the day will come and we will see each other.
Blaise Perceval.
Matapos sa pagpapadala ng liham na iyon ay hindi na siya nakatanggap pa ng sagot mula sa misteryusong donor niya. Hindi na rin siya sumulat pa. Alam ng Diyos kung gaano siya nagpapasalamat dito. Sa laki ba naman ng amount na ibinigay sa kanya nun. Days have passed, tuluyan na ngang nawala ang communication nito sa kanya mula na ring mas nauso na ang internet.
Nakahawak siya sa liham habang inalala ang lahat na iyon. Ibang kasiyahan ang ibinigay nito sa kanya habang binasa ang mga sulat. Hindi na seguro sila magkakatagpo. Halos mawala ang tiwala niya sa kabaitan ng tao dahil sa mga pangahas na pumatay sa kanyang ama, pero dahil sa misteryusong donor niya ay nanatili ang paniniwala niya sa kabutihan ng tao. Dahil dito, naniniwala siyang may mga tao pa rin na may busilak na puso. Hindi lahat ay masasama.
Tuluyan na niyang tiniklop ang mga sulat. Ngayon, dapat pag-aasikasuhin na niya ang pag-aaral. Destiny na iyon kung magkakatagpo man silang dalawa. Buong buhay na magpapasalamat siya rito kahit hindi man sila magkatagpo kahit sa pangarap man lamang mangyayari iyon. Pero, magkatagpo nga kaya sila?