Chapter One

1911 Words
Excited na bumaba sa sinakyang jeepney si Blaise. Sa wakas, nakarating rin sila sa destinasyon mula sa isang napakahabang byahe. Napatanaw siya sa bongaloo house na sumalubong sa kanilang mag-ina. Kulay malabnaw na flesh ito at may pulang atip, sa tantiya niya ay nasa 30 by 20 meters ang total area nito. Maganda ito kahit na mapuksyaw at kailangan ng pinturahan muli. "Ano sa tingin mo, Blaise?" inakbayan siya ng kanyang inang si Nida na bumaba rin ng sasakyan at inilapag ang buhat na box sa lupa. "Ang ganda at laki nay," wika niya na may kaliit ang hinhin niyang boses. Napabaling siya ng tingin dito at kita niya na namamasa ang mga mata ni Nida. "Sa nangyari ba naman sa atin, hindi ko inakalang may nakalaan pa pala ang itay mo para sayo," napapahid ito sa mata. Sadyang mahal sila ng itay niyang si Philip Perceval. Hulog ng langit ang bahay na ito. Matagal na kasi silang pinapaalis sa inupahang bahay sa Echague, Isabela at nagmamakaawa na lamang ng palugit. Limang araw matapos ang kanyang eighteenth birthday, dumating ang isang abogado sa kanila at sinabing matatanggap na niya ang bahay dito sa Quezon City na inilaan sa kanya ng ama sa pagdating niya sa nasabing edad. May naipundar pa pala si Philip sa kabila ng trahedyang nangyari sa kanilang pamilya. "Ay, bigtimer na pala kayo Auntie Nida!" wika ni Roy ang driver ng inarkila nilang jeepney, pinsan niya ito at nasa trenta na. "Konting iniwan lang naman ni Philip, ako nga, hindi ko inakala na may inilaan siyang bahay para kay Blaise." Bumaba si Roy at buhat na nito ang mas malaking kahon. "Ako na magbubuhat sa lahat ng box dito," alok ni Roy. "Basta sagot mo auntie ang tanghalian. Tinola, huh?!" "Kung sususwertehan na may magpa-function na stove dito at safe na LPG," nakangiting saad ni Nida. "Mayaman talaga si Uncle Philip nun?" Nagbuhat si Blaise ng cage. Nakalalob dito ang kulay orange na alagang pusa. "Nandito na tayo sa bagong bahay natin, Maxima," kanyang kausap sa alaga. "Hmn...sure akong tutulungan mo kaming manghuli ng daga dito? Di ba?" Inunahan niya ang ina at pinsan sa may pintuan. Nasa kanya kasi ang susi. Ibinagsak muna niya ang cage sa doorstep at nanginginig ang kamay niyang sinusian ang doorknob ng bahay. Spectacular ang kabuuan ng sala. Kulay puti ang pinta at kulay floral pink ang mga kurtina. Off white rin ang marmol na sahig. Isang divider ang nanduon, nakapatong rito ang isang outdated na Sony TV, sterio, may study table at may piano rin. Sunod na ininspeksyon nila ang tatlong silid. Katamtaman ang sukat ng tatlong silid na may queen size bed. Sa kusina rin ay kumpleto na rin sa gamit may electric stove, microwave oven at blender at sari-sari pang kitchen utensils. "Hmn, tama rin pala na ngayon lang sinabi ni Attorney Ruiz ang tungkol sa bahay na ito, malamang pag nagkakataon ay baka kukunin rin ito ng mga Reivas," napaupo si Nida sa couch. Nagkatinginan sila ni Roy sa sinabing iyon ng kanyang ina. Sensitibing topic iyon para sa kanila. Nagkibit-balikat lang ang kanyang pinsan. "So, pano? Maglinis na tayo, auntie?" Dinukot agad ni Blaise ang dalang mga walis at mop sa isang box. Sama-sama nilang nilinis ang kabuuan ng bahay. Isa-isa na rin nilang inilatag ang dala nilang gamit mula sa Isabela. Muli nilang pinakintab ang buong bahay. Huling nilinis ni Blaise ang kanyang magiging kwarto. Pinili niya ang nasa gitna sa tatlong magkahanay na mga bedrooms. Gusto niya ang white and pale pink kulay ng bedsheet ng kama nito. May side table rin. Sa bandang kanan ng dingding ay may isang abstract na tapestry. Nang wala ng kahit anong dumi ang silid, ay nakangiti siyang napaupo sa kama. Maganda rin naman ang tirahan nila sa Isabela, kahit gawa lamang iyon sa kahoy, maraming alala ang iniwan niya ruon, mas nagustuhan pa rin niya iyon, may mas maluwag na espasyo. Pero ayos rin naman dito, mas desente, new adventure to come ika nga. Magiging iba na ang buhay niya rito sa Manila. Panibagong panimula na may trill at worries pero higit sa lahat ay mas adventurous at mas maging masaya, dito na rin siya mag-aaral sa Quezon, nakapag-enroll na siya sa Philippine Central University, isa sa mga sumisikat na paaralan ngayon sa Manila. Nag nagpa-exam ang PCU sa kanilang nayon ay sinunggaban niya agad ang oppurtunidad. Nakapasa siya sa scholarship exam at duon na nga siya lilipat. Bumagsak ang katawan niya sa higaan na nakangiti. Kung pwede lang sana ay magpahinga na siya mula sa nakakapagod na byahe. Pagkuwa'y napatayo siya at lihim lang na pinakinggan ang mga pinag-usapan ng magtyahin. "Ang kaliwang paa ng mga 'yan nakatapak na sa impyerno." Pinalitan ni Roy ang flat screen tv ang lumang TV na nandun. Sinusubukan ito kung ayos ang pagset-up. At ensakto namang may newsflash ang umere. Pinatay ni Roy agad ang TV nang mapansin nitong nakikinig siya sa kanila. Napatikhim siya habang lumalapit sa kanila. Para na rin seguro hindi na uminit ang ulo ni Nida, very opinionated kasi ito lalo na pag nanunuod ng current news. Napakawitty nito, taklesa na minsan ay nakakairita, lalo na pag pagagalitan siya. "Para maiba ang pag-usapan natin, napakagpagluto ka na auntie?" "Mas mabuti pa ako na lang ang magluto ng pananghalian natin." wika ni Roy. "Parang mawala na supong mo." "Ako na," sabad ng kanyang ina at tumungo sa kusina. "Magpatuloy na lang kayo sa paglinis dyan, basta maging makintab lahat." "Ayoko nga, pati nuo at bibig natin?" hirit ni Roy. Masayang nagsalo-salo ang tatlo sa pananghalian. Natupad ang hiling ni Roy, tinolang manok nga ang inhanda ni Nida. Habang nasa byahe kasi kanina ay sumaglit na rin sila sa palengke. "Ayos talaga kung ikaw ang magluto auntie, talagang malupit," wika ni Roy habang nahigop ito ng sabaw ng tinola. "Kita nga, parang butil ang pawis mo eh," sabad naman ni Blaise. "Segurado na ba talaga kayo na sa Philippine Central University mag-aaral si Blaise, auntie? Di ba mahal duon?" tanong ni Roy. "Total, wala na kaming babalikan duon sa Isabela, igagapang ko na lang ang pag-aaral ni Blaise at tsaka allowance lang naman ang alalahanin ko at thirty percent ng tuition niya, makakaya ko naman yan, hahanap ako ng pwesto sa palengke rito at ipagpapatuloy ko ang pagtitinda ng karne," sagot naman ni Nida. Bagamat determinado ang salita ni Nida, mababakas pa rin sa mukha nito ang matinding pagkadismaya ng sitwasyon. Kung hindi lang sila pinapaalis ng inupahang bahay nila sa Echague, ay hinding-hindi sila mapupunta rito. Wala kasing choice. Ayaw na ayaw ni Nida na mapunta siya sa Manila kahit nuon pa man na may pagkakataon. "Hindi ba maraming barumbado rito o 'di kaya baka masunggab si Blaise ng manliligaw, alam mo naman, maganda 'tong anak niyo." "Ay sus, ang sabihin mo, natakot kang baka maunahan pa kitang ikasal, kasi hanggang ngayon kahit thirty ka na, wala ka pa ring girlfriend," nakangiting sabad niya. Marahan naman siyang siniko ni Roy at napahigikhik na lang siya. Madalas na niyang asarin ito sa pagiging torpe nito sa mga babae. Pero, sa kanya naman, naisip niyang napakabata pa niya para isipin ang bagay na iyon. Pagkatapos ng pananghalian ay bumalik silang mag-anak sa pag-aayos. Nag medyo gumaan na ang lahat at kunti na lang ang aasikasuhin ay umalis na rin agad si Roy. Sa sala, hinalungkat ni Blaise ang isang trunk na naglalaman ng mga personal niyang gamit. Nanduon ang kanyang mga notes at libro. Magagamit niya iyon sa pag-aaral niya. Nakalakip nuon ang isang picture frame ng kanyang amang si Philip. Shaggy ang buhok nito. Kuhang-kuha niya rito ang hugis ng kanyang checkbone at hugis ng labi. Marami na ring nagsasabing, magkahawig sila ng ama. *Salamat tay, kahit paano ay hindi mo pa rin kami pinabayaan.* Balak niya talaga sana ilagay niya sa kanyang kwarto ang picture frame pero sa tingin niya ay nararapat ito sala. Isinabit na nga niya ito sa dingding at sa paglingon niya ay nahuli niyang nakangiting nakatingin ang ina sa larawan. "Bagay nga dyan!" wika nito, at pagod na ibinagsak ang katawan sa sofa na hawak-hawak pa rin ang mop. Hindi pa rin mawala ang paningin niya sa picture. She really misses her father so much. Kung sana hindi na lang nangyari ang trahedyang iyon. Walong taon lang siya nuon. Isang gabi, habang masayang naglalaro sa sala silang mag-ama ay may apat na armadong kalalakihan ang sumugod sa kanila. Dali-dali sana nilang tumakbong palabas. Sineguro siya ni Philip at pinauna siya. At sa kasamaang palad ay nahabol ng baril ang kanyang ama. Pinaulanan sila ng putok. At higit pang dagok ang dinanas nila ng nadaplisan siya ng bala. Walang malay at duguan siyang karga-karga ni Nida habang naghanap ng sumaklolo. Nadala siya sa hospital, wala na talaga siyang maaalala nuon. Nalaman niyang natamaan siya sa ulo. Nagkainternal homorriage ang utak niya dahil sa bala na tumaob sa ulo niya. Bilib siya kay Nida kung paano nito nakayaan ang trahedya na iyon. Double ang dagok dahil half million ang hiningi ng hospital para sa kanyang operasyon para matanggal ang balang tumaob sa kanyang ulo at mawala ang blood clot . Fifty chances kung makakasurvive siya. Kung siya iyon sa posisyon ni Nida ay mababaliw na siya kung saan kukuha sa ganung kalaking halaga. At sa hindi inaasahan, may isang donor na nagbigay sa kanya ng tumataginting na half million . Dahil dun ay natuloy ang operasyon, natanggal ang bala sa kanyang ulo at naagapan ang bleeding sa kanyang utak, mabuti na lamang at hindi ito masyadong masyadong malalim at nailigtas siya. Isa iyong milagrong naituring nilang mag-ina. That's why, she always believe in miracle from then on. Pero hindi siya completely na naging masaya sa pagkagising niya. Nalaman na lang niya na napatay nga ang kanyang ama. Hindi pa nakontento ang mga gunmen at tinadtad pa ng todo ang bala si Philip. Dreadfol. Gross. Hindi niya kayang maimagine. Hindi siya makapaniwala na ang paglalaro nila ng scrabble na 'yon ay ang huli na palang pagkikita niya sa ama at sa pagkagising niya, sa puntod na lamang niya ito mapupuntahan. Sadya ngang may mga tao na walang puso at konsensya at makagawa ng ganun karumal-dumal na krimen. Nagpatuloy siya sa buhay na dala ang sakit ng trahedyang iyon. At alam na niya kung bakit pero hindi pa rin niya kayang makapagconclude. Huminga siya ng malalim. Kung saan man ang kanyang ama ngayon ay sana maging masaya na ito. Hindi naman siya senti, pero kung pag-uusapan niya ang ama ay talagang bumibigat ang puso niya. Naghahalungkat pa siya ng gamit hanggang sa kailaliman ng trunk. Nadukot niya muli ang isang folder na naglalaman ng mga sketches niya, napakunot ang nuo niya. Nakita niya ang malaking sobre, napakaloob nito ang cards at sulat sa misteryusong donor niya. Hindi man lang kasi ito nagpakilala. "Oh, muntik ko na 'tong makalimutan. Akala ko, natapon ko na to." dahan-dahan niyang inabot ang mga sulat, isang ngiti ang sumilay sa kanyang labi. "Ano yan?" tanong ni Nida habang nag-aayos ng kurtina sa bintana. "Naalala mo mama, yong mga sulat ng donor ko nun?" Naging kuryuso si Blaise sa naging donor niya mula nuon. Bumalik pa talaga siya sa hospital kung sino iyon. Pero mariin raw na binilin nito na hindi magpakilala. Gusto niya talagang ipaabot ang pasasalamat niya rito sa pagligtas nito sa kanyang buhay pero ni anino ay hindi niya mahagilap. Sa laki ba naman na halaga na binigay nito sa kanya na kung ibinigay ay parang candy lang. Napakayaman talaga seguro. Isang address lang ang iniwan nito ang naging clue niya rito. Sa Brooklyn, New York. Isang Amerikano, malamang. Sinulatan niya ito, mayron pa siyang mga kopya ng mga sulat niya rito at pati na rin ang mga reply nito. Hindi niya inasahang sasagutin nito ang sulat niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD