Mabuti na lang at nakaalis na nga si Dylan. Ensaktong sa pag-alis nito ay dumating rin si Nida. Maaliwalas ang pagmumukha nito. Baka nakakuha na nga ito ng pwesto sa palengke o kahit ano mang pagkakakitaan. Agad na tumungo ito sa kusina kung saan siya naghahanda ng isang tuna omelet. "May good news ako sayo anak!" Ngumiti siya bilang sagot. Muntik na niyang matumba ang bowl ng scrambled egg. Hindi pa rin nawala ang tensyon na nararamdaman niya kaya ngayon ay nababalisa pa rin siya. Paano nga lang talaga pag nagkasalubong pa sina Dylan at ang ina at sa mismong pamamahay pa nila? Tiyak siya ang pag-initan ni Nida. "May nangyari ba?" tanong nito. "Parang namumutla ka ah?" "Wala, naman, nay," binuksan niya ang lata ng tuna. "So, ano ang good news?" "Of course, may nakita na akong pwesto

