Chapter Six

1714 Words
Napailing si Blaise, akala niya kung ano na ang pinadala ni Abby sa kanya ng sumunod na umaga niyon. May isang mailman kasi ang dumating. Pinadala sa kanya ang isang sports magazine kung saan cover nito si Dylan Reivas. Abby was a bit of naughty one. Gusto pa talaga nito i-link pa siya kay Dylan. "Mas nakakaloka pa kaysa sa kabaliwan." Pero hindi rin niya maiwasang tingnan ang cover photo ng magazine. Kahit saang angulo ay nakaakit talaga nitong tingnan. Ang kuha nito'y nasa football field, nakatayong napakahalukipkip habang tinapakan ang bola. Higit pa yata sa isang celebrity ang aura nito. May pagkachinito at dahil nakat-shirt lang ay lumitaw ang mabalahibong kamay nito at mas naging sexy dahil sa lumitaw na veins. Biglang kumandong sa kanya ang pusang si Maxima, ito ang nagsnap sa kanya para matigil ang panandaliang pagfantasize niya kay Dylan. "Hello there, Maxima, " hinipo niya ang pusa sa batok. For God's sake, ang mga Reivas ang dahilan ng pagkamatay ng Papa mo, Blaise! Tumigil ka na! She felt the guilt. Ang laki naman niyang hibang kung ganun. Napakalaki ng kasalan nito sa kanya. Itinapon niya ang magazine sa basurahan. Hindi naman siya 'yong tipo ng hateful at maging animus sa kapwa, pinalaki siya ng pagmamahal sa iba ni Nida sa kabila ng nangyari, pero may may pagkakataon talagang mararamdaman ng tao ang galit. Hindi maiiwasan. Para mawala ang gulo ng isipan ay dinalaw niya ang kanyang mga alaga sa kanilang backyard. Dahil hindi siya kaagad makatulog nuong gabi ay 9:00 na ng umaga siya nagising. Alam niyang pinakain ni Nida ang mga alaga niya pero hindi magiging kompleto ang kanyang umaga kapag hindi niya makikita ang mga iyon. Sa pagising niya umalis na si Nida. Ginising siya nito para magpaalam at siya naman ay napatulog muli. Kahapon pa itong nagbilin na maghahanap ng puwesto sa pinakamalapit na palengke sa Quezon para magkapagtinda. Nag-almusal muna siya ng preskong gatas ng baka at tinapay bago tumungo sa likuran. Bitbit niya ang maliit na baldeng may dalang pagkain at sumusunod naman sa kanya si Maxima. "Magandang umaga sayo, Tinker Drizilla." Ang alaga niyang pony ang sumalubong sa kanya sa pagdating sa backyard. "Gusto mo ng snack muli?" Hinila niya ang isang bigkis ng dahon ng trigo at binigay iyon. Napahabol na lamang siya sa bebe at kinuha niya ito. Pinaglalaruan kasi ito ni Maxima. "Hindi yan maganda, Maxima!" saway niya sa pusa. Kinuha niya ang alagang bebe. Inilagay niya ito sa limang helera ng batya na may tubig. May tatlo ng bebe ang naglulunoy duon. "Huwag kang mag-alala, Pyta, magkakaroon ka rin ng mas malaki pang pool, hintay lang tayo." "Narito muli ang iyong snack." Binuksan niya ang screen ng kulungan ng mga alaga at sumunod ang balde. Kumuha siya ng feeds at sinabuyan niya ang mga alaga niyang bebe at manok. Nagtutukuan ang mga alaga niya. Iyon kasiyahan sa kanya. Ang kapiling ang kalikasan. Simula bata pa lamang ay hilig na niyang mag-alaga ng mga hayop. Parang may narinig siyang may huminto na sasakyan malapit sa bahay nila. Pero hindi niya iyon pinansin, baka sa kabilang establishtamento iyon. Nagpatuloy siya sa pagpatuka ng kanyang mga alaga. Lumapit sa kanya si Drizella. Pinagbrurush niya ang mga balahabo nito para kumintab. "May dala ako sayo!" hinugot niya sa bulsa ang dala na red na collar. "Nagustuhan mo ba?" Napangiti niyang sinuot ang laso ito sa leeg ng alaga. Napaigtad siyang may narinig siyang tikhim sa likuran. "So, where's your phyton now?" Napalingon siya . Muntik na niyang maitumba ang balde ng feeds dahil sa pagkabigla. Si Dylan Reivas ay nakatayo sa mismong harapan niya. Nakasuot pa ito ng football uniform, halatang pupunta pa ito sa training, hindi pa rin kasi ito pawisan. He looked more gorgeous with his merely messy hair. "Anong ginagawa mo rito?" kanyang sagot at ibinalik sa posisyon ang nitumbang balde. "Unwining?" mas lumapit ito sa kanya at sinuri ng tingin nito ang buong paligid. "Paano mo nalaman ang address ko?" "I'm lucky I got an answer from one of your friends." Naging conscious siya sa pagharap dito. Lagot, hindi pa siya nakaligo. Inamoy-amoy pa niya ang sarili. Mabuti na lang nakasuot siya ng magandang dress kaya naging presentable siya kahit kunti. Oh, ano ba ang iniisip ko. "I'm sorry, if I have gate crashed. It's quite open. You're alone here?" "Umalis muna ng sandali si inay." "I think you should be extra careful, there are evils outside." Tulad mo? Patuloy niyang inisikaso ang mga alaga niya, habang dumako siya ng ibang kulungan ng mga manok ay sumusunod naman si Dylan sa kanya. Muli namang tumambol ng nakakabingi ang kanyang puso. Nagimbal ang sistema niya nang dumating si Dylan. Napatingin siya rito at para pa siyang lumutang nang ngumiti ito ng napakatamis. Ano ba ang gusto nito sa kanya at sumadya pa talagang bumisita sa kanilang bahay? "I have no doubt, it was really you, the girl who said she had small pet snake," wika nito. "Tinurn-over ko na siya sa DENR, lumaki na siya at pati na rin sa issue ng security." Napatango ito at nakapamewang. Hindi niya mahinuha sa mukha nito kung nagustuhan ba nito ang lugar o hindi. Napalingon ito ng lumapit dito ang pony na si Drizella. "Hey, there, what's her name?" hinipo nito ang alaga sa batok. "Tinker Drizella ang pangalan niya, kombination ni Tinker Bell at Drizella 'yong kapatid ni Cinderilla," kanyang sagot. Nabili niya iyon sa horse riding house sa Pangasinan. Eight years old siyang nagkaraoon nito at dahil mahilig sa Disney movies ay Tinker Drizella ang pinangalan niya. "You are the coolest girl I ever met." Napasulyap siya rito. Hindi naman niya first time na makarinig ng papuri pero si Dylan lang ang nagpaangat sa kanya ng paningin. Kumuha pa siya ng feeds at sinaboy sa lupa. Masayang nagtukaan uli ang mga pato at mga manok. Kumuha rin si Dylan. "We haven't talked so much since we met." Lumakad sila sa pinakasulok na bahagi ng backyard. Duon sa cage nakalagay ruon ang isang agila. Tinangay ng hangin ang kanyang buhok at saya habang sabay silang naglalakad. "An eagle! How did you got one?" "Sa uncle ko, natagpuan niya itong palinga-linga kung lumipad, may sugat siya at inaalagaan namin ni Roy, pero ngayon ako na." "Isn't dangerous?" "Hindi naman basta sanay ka lang." Kinuha niya ang isang hilaw na isda sa dala niyang statchel at mabilis na inihagis nito sa agila. Agad naman na sinunggaban iyon ng ibon. Bahagya namang napaatras si Dylan. "Who have thought? A very graceful and gentle looking lady could tame this wild animal. That was so exeptional." Muli siyang bumalik sa pinagmugaran ng mga bebe. "Hindi ka naka-agaw ng snack, ano, Prima?" binigyan niya ito ng pagkain ang isang bebeng itim at bumalik sa bisita. "Huwag mong sabihin na nag-eenjoy ka rito, Mr. Reivas?" "Of course, why not? This is a good different experience." "Hindi ka ba talaga nagsasalita ng Tagalog?" "Well, as a child I used to. But when I started to study at States, my tongue was trained to English and it's more easy and comfortable for me to speak. Don't worry, I understand everything." "Ano nga ba ang pakay mo rito, Mr. Reivas?" "Why are you calling me that way? Just my first name is enough. I come for you of course. I want to know the girl that I've saved before." "Okay lang ba ng parents mo na nandito ka?" Sa nangyari sa kanila ay imposible namang pinayagan ito ng ama ng ganun na lang. Alam niyang galit na galit pa rin sina Sebastian at Revica sa kanila. "I'm twenty-three, at legal age, so I have the right to decide on my own." Muling lumapit si Drizilla sa kanya. Napatayo siya at pumitas ng dahon ng manga at ibinigay sa hayop. "I want you to know you more," pumitas rin si Dylan ng dahon. "Nakilala mo na ba ako nun?" "I know you since child although we haven't talked. Your father used to work on my Dad and they were friends, so there's no reason we can't." Napatingin siya muli siya rito dahil sa sinabi. "Look, I know there are lot of issues on us, including to your Dad. But I assure you, it's not true." Napatayo siya. Tama. Bakit ba niya nakalimutan ang tungkol sa usapin na iyon at nakipag-interact pa siya rito na parang walang nangyari? Hindi siya makapaniwalang magagawa niya 'yon. Na tila ba, nahipotismo at nawala siya ng ilang minuto at nakalimutan ang nakaraan. "Don't tell me you believe them?" "Hindi ako naniniwala sa haka-haka pero marunong akong tumingin sa mga circumtansya." "Blaise?" Napatingin siya sa wristwatch. "Darating na si inay, pasensya na Mr. Reivas pero sa tingin ko kailangan mo ng umalis," kanyang wika. "Alam natin ang sitwasyon. Ayaw ko lang na magkagulo rito." Pumasok siya kanilang sala. Hindi na sumunod pa si Dylan. Hindi na niya ito enintertain pa hanggang sa may narinig siyang umalis na kotse. Hindi na dapat siyang makipaglapit pa sa isang Reivas. Kahit sabihin pang iniligtas nito ang buhay niya ay hindi pa rin iyon sapat upang makabawi ang mga ito sa pagkakasala sa kanila. Sa murang edad ay naranasan niya ang hirap sa pagkawala ng ama. Namasukan ng kung anu-ano si Nida para lang maitaguyod siya. Kahit pa minsan na pumasok sila sa mas nakakaluwag na mag-anak ay hindi naging guarantiya iyon na tratuhan sila ng tama. Sa nalaman niya, adopted lang si Nida sa kinikilalang pamilya nito kaya magaspang ang relasyon nito mga kapatid. Si Victor at Janny lang ang naging mabuti sa kanila. Naging katulong rin siya sa ina sa paghahanapbuhay. Tumutulong na siya sa pagtitinda ng sari-sari store sa kapitbahay nila. Nakaluwag na lang sila ng kahit papano ng ng magkapwesto si Nida sa palengke't nagtintinda ng karne. Pero hindi iyon ang mas masakit. Dahil ngayon wala pa ring kasagutan ang nangyari. Napahalungkat siya muli sa trunk niya kung saan nakalagay duon ang mga sulat in Dylan. Sa ilalim pa nun ay nadukot niya ang isang notebook. Nang mahawakan niya ito ay bumagsak ang isang picture. Dinampot niya ito sa sahig at mariing tiningnan. "Meaning, magkaibigan nga sila?" Picture iyon ni Sebastian Reivas kasama ang ama. Kuha ni Dylan ang hugis ng ilong at labi kay Sebastian. Mas malapad nga lang ang mukha ng senador, may pagkahawig ito kay Rody Fernandez. Sa likod ng larawan ay may numero, 114519834. Parang telephone number. Minsan na siyang sumama sa ama nuon kasama si Sen. Sebastian. Nag-uusap sila pero hindi niya matatawag na magkaibigan ang dalawa, base sa impresyon niya. May mas pinagkakatiwalaan pa rin ito. Ngayon ay gusto lang niya ay lumabas ang katotohanan at hustisya ng sa ganun makamove-on na silang mag-ina. Pero may hustisya pa kaya siyang makukuha? Lalabas pa kaya ang katotohanan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD