Chapter Five

1797 Words
Muling binasa ni Blaise ang mga sulat ni Dylan habang nasa kama. Hindi niya maiwasang mapahanga sa pagiging well-groomed at mapagkumbaba nito sa kabila ng katayuan sa buhay. Salungat sa stereotype sa mga anak mayaman na mga elitist sob, brat at arrogante. Mali ang impresyon ni Nida rito. Hindi naman niya masisi ang ina kung nanatili pa rin sa puso nito ang pait ng nakaraan. Hindi niya rin maimagine kung gaano kabigat sa puso na magluksa sa pagkawala ng asawa, dagdag rin ang takot sa namimilegrong buhay ng anak. Kung siya seguro ay mababaliw siya. Her mother was the bravest woman she knew then. Nagpapasalamant siya kay Dylan sa pagligtas ng buhay nito sa kanya, pero tama ang kanyang ina. Ang pamilya Reivas ang dahilan rin ng pagkawasak ng kanilang buhay. Hanggang ngayon ay uhaw pa rin sila ng hustisya para kay Philip. Kahit malaki ang hinala nila na ang mga Reivas nga ang may pakana ay nahihirapan silang patunayan iyon. Wala na silang nakuha na mga ebidensya. Hindi na rin makalapit pa sila sa mga ito dahil sa laki ng galit ng pamilya kay Philip na itinuring na traydor ni Sebastian. Malaking poder ang babanggain kung ipagpatuloy pa nila ang kaso, wala ng magawa pa si Nida kundi ang ipasaDiyos na lang ang nangyari at managot ang dapat managot sa tamang pagkakataon. Ayaw na nila ng gulo pa. Kaya lumayo na rin sila patungong Isabela at duon nagsimula ng buhay. Lalo pa't binawi lahat ng mga Reivas ang mga naipundar ng kanyang ama gaya ng house and lot na nabili si Philip. Ang katwiran, ay kay Sebastian naman iyon. Regalo iyon ng senador nuong nagtrabaho pa si Philip sa kompanya nito. Magbabayad lang si Philip kung magkano sa bawat buwan. Ang hindi alam nito ay may isa pang naipondar si Philip at iyon ang house and lot ang kinatayuan nila ngayon. Parang alam ng kanyang ama ang kapalaran sasapiting nito at nagpagawa ito ng last will and testament na walang makakuha sa property kundi siya lang sa pagdating ng ika-eighteenth birthday niya. Napahawak pa rin siya sa mga sulat habang minumuni ang lahat ng iyon. Dapat kalimutan na niya si Dylan. Naisip niyang punitin ang mga sulat at itapon pero hindi niya nagawa at sa halip, ibinalik niya iyon sa trunk. Kinabukasan, kahit hindi pa siya nakaget-over sa natuklasan ay masaya pa ring sinalubong ni Blaise ang haring araw. Binuksan niya ang pinto sa bandang backyard nila at masayang pinagmasdan ang tanawin ruon. Nanduon ang lahat ng kanyang mga alagang hayop na naghihintay ng pagkain. Binigyan niya muna niya ang mga ito bago siya pumasok muli eskwela. Second day sa pagkakita ng Exclavur, iyon pala ang pangalan ng icon ng malaGreek na rebolto ng PCU. Sumakay na siya ng taxi patungo sa campus. Parang kahapon lamang ang aura sa araw na 'yon. Lumalakad siya kasabay ng mga estudyante gaya niya, Mayron pa ring hindi makaiwas ng tingin sa kanya. Talagang pamilyar ang mga ito sa mga bagong salta ng lugar. "Hey, newcomer," wika ni Canon na humabol sa kanya. "Pwede ba kitang ihatid sa room niyo?" Hindi na niya ito masagot nang nakita niya si Abby. "Pwedeng hindi na Canon mauna na ako." Paalam niya rito at tumungo kay Abby. "Huwag mong sabihing inisnob mo ang poging donor s***h blindate mo dahil kay Canon?" nakapamewang na salubong sa kanya ni Abby. Mahinahon siyang tumawa. "Huwag kang magconclude dyan, Abby? Si Tessa?" "Hindi pa dumating, si Angela hindi ko pa rin nakita," wika nito habang lumalakad sila sa event hall. Kapansin-pansin ang pagiging abala ng mga taong nandun. Nag-aayos eto ng upuan at nagdecorate sa improvise stage. "Anong mayron?" "May forum kasi tayo ngayon, tungkol sa papel ng kabataan sa social development. Alam mo ba ang guest?" Nabasa niya ang nakapaskil na tarpulin. "Si Sen. Sebastian Reivas?" "Bakit mo nga alam?" "Syempre nabasa ko." "Pero ang biggest twist, hindi siya makadalo dahil nga inatake siya, you know who kung sino ang papalit?" "Another senator?" "Hindi, ang anak niya si Dylan! Yong nakablindate mo!" Napachill ito sa kilig, sa sinabi nu Abby segurado siyang ang laki ng mata niya ngayon. "Oy, namblush siya!" kantyaw ni Abby. "Sa tingin mo deserving siya maging guest speaker?" "Why not, he graduated from Stanfield University, one of the most prestigious schools of New York." Isang napakalaking event para sa kanila ang forum na iyon. Sa kanilang department ay naiimbitahan rin silang dumalo. Effective nga ba si Dylan na maging speaker? But who knows. Isa siyang Reivas, mula sa bussiness-political clan at tiyak na sa murang edad pa lang ay hinasa na agad ito sa ganuong sistema. Habang may nagagalak sa pagpunta ni Dylan sa paaralan ay mayron namang mga aktibistang estudyante ang planong salubungin ito protesta. Habang naglalakad sila sa venue ng forum ay naratnan nilang may mga naghahanda ng mga banner para sa protesta. Mga Reivas salot ng Bansa! Magnanakaw ang mga Reivas! Get out on our campus, Dylan! Iyon ang nabasa niya sa mga placards patungkol sa umano'y isyu ng katiwalian ng pamilya. Dahil kay Philip kaya ito nabunyag. May karapatan bang magalit ang mga Reivas sa kanyang ama kung may katotohanan ang mga akusasyong ito? Hindi man niya nakasama ng napakatagal ang ama pero alam niyang maprinsipyo talaga ito sa buhay kaya nga humanga rin siya rito. Napakastrikto talaga nito sa kanya nung nabubuhay pa. Ang rason raw nito, habang bata pa ay dapat ng matuto ng disiplina. Kaya hindi nga kataka-taka na ibubunyag nito ang katiwalian ng mga Reivas. 4:30 gaganapin ang forum pero alas kwatro pa lang ay andun na sila sa program venue. Nanunumbalik muli ang paninikip ng kanyang dibdib, ewan niya' kinakabahan siya. Ngayon lang yata siya naintimadate ng husto sa isang lalaki. Hindi naman niya ito hinahangaan. Sa totoo lang may bahid ng dilim ang damdamin niya rito. Na para sa kanya ay natural lamang dahil sa kagagawan nito sa pamilya niya. Nakaupo sila ni Tessa, Abby, Angela sa panghuling seat. Hindi nagtagal ay nagsimula na ang programa. Nagperform muna ang PCU cultural group ng folk dance. The Youth and New Evolution of Economics. Iyon ang temang tatalakayin ng forum, tungkol sa bagong daloy ng ekonomiya sa pagdating ng technological advancement at paano makakasabay ang mga kabataan katulad niya. Nanguna munang magsalita ang prime speaker na si Prof. Denise Marasigan. "Ladies and gentlemen, I would like you to acknowledge the presence of our guest speaker on this day." wika ni Mr. Marasigan. "An emerging Filipino Pride, Mr. Dylano Addison Reivas." Naghiyawan at nagpalakpan ang lahat habang pumasok si Dylan sa venue. May kasama pa itong dalawang personel. "Gosh! Ang gwapo naman niya!" Nagbubulungan ang mga estudyante sa kanyang likuran. "Ay naku, kahit anakan lang ako niyan." Napailing na lamang si Blaise sa narinig mula sa mga babaeng estudyante sa baba. Pero hindi naman niya masisi kung humanga man ang mga ito sa binata. Gaya ng dati, napasophisticated nitong tingnan sa suot na suit. Halata talagang galing sa elitistang angkan. Kumaway ito sa audience. Sinabitan agad ito ng garland bilang welcoming etiquette. Ngayon napagtanto niyang hindi lahat ng gwapo at magaganda ay nasa showbusiness at modeling. Pero teka, hindi ba ang laki ng kasalanan nito sa kanya bakit nagawa niya itong hangaan? Nagsimula na ang programa. Pagkatapos magsalita ni Prof. Marasigan ay tinawag rin si Dylan para magspeech. "To, Mr. Edmund Marasigan, and all the faculties of Philippine Central University, to the students around here and outside listening, good afternoon," paunang panalita nito. Sumagot naman ang lahat sa bati saka ito nagpatuloy. "I don't know if I'm fit to be the speaker on this event. Honestly, when Mr. Marasigan told me to replaced my father to be here in front you, I was very reluctant. But he never stopped to convinced me. I also realised this is also my best chance to speak heartenly regarding on our topic this day. Even if you're encircled with riches, or even if you are the poorest person living on Earth, there's no different, both of you have the chance to go down further. Even if you are the wealthiest man walking on this planet, if you don't know how to handle your resources, you can exist to be the poorest person at the end. There's no thing such as certainty. As what my father say, value what you have even in single centavo and make it to billion. For sure, everyone of us after we graduate, we will be dealing an another battlefield. There is no thing such as economic security but economic stability, yes there is. Everything is a competition. You will be competing to your workmate if who will be the strongest candidate to be manager, or a CEO of big company if who has the brightest business among others. We will be also competing to technological advancement, which I believe can affect the flow of our labor scheme in coming years," Hindi na gumawa pa ng iba si Blaise. Tanging nasa kay Dylan lang ang atensyon niya. Parang tumigil ang pagtibok ng kanyang puso ng minsang sumulyap ito sa kinaruruon niya na para bang hinanap siya sa paningin nito at siya'y nahuli rin. Natapos ang mahabang speech ni Dylan. Mayron natuwa. Mayron naman na walang pakialam. Nagkaroon ng question and answer portion kay Dylan tungkol sa paksa nila. "Anong matutunan namin sa inyong mga maykaya na maaring a-advice sa mga nagsusumikap na mga tao?" tanong ng isang estudyante. "Hardwork is key of everything and of course, financial literacy. Do not settle for instant success, it won't give you stable future. Don't find job. Create it. It's a general knowledge. Give a dedication on your task two hundred percent, " sagot nito. "After all, nobody's born rich." May isang babaeng tumayo na napaka-queer. "May girlfriend ka na ba?" Pinagtinginan ito ng lahat. "I come here not to talk about my personal life." Tila nasupla ito. Nagring ang cellphone ni Blaise. Nagpaalam siya sa grupo na lumabas. Si Nida ang tumawag. "Hello nay?" "Bakit hindi ka pa umuwi? Gumagabi na?!" "May forum pa kasi kami, huwag kang mag-alala, okay lang ako, uuwi din ako pagkatapos." Naging mahaba ang pag-uusap nilang mag-ina. Pagbaba ng phone ay nakita niyang papalapit sa kanya ang dalawang bodyguard ni Dylan. Tiyak sumusunod ang binata sa mga ito. Humanap siya ng ibang lugar para makaiwas. Ayaw niyang magkasalubong pa silang dalawa. Napahinga siya ng malalim nang makapasok siya sa CR. Inayos niya ang kanyang buhok at naghugas na rin siya sa kamay. "Kailan ba aalis ang Dylan na 'yan! Ayaw ko na talagang makita ang pagmumukha niya! Nakakaloka kaya!" kausap niya sa sarili habang humarap sa salamin. "Kung bakit ba kasi, di pa kami pwedeng umuwi." May tumukhim sa kanyang tabi. Hindi kasi ito nakuha sa repleksyon ng salamin. Napalingon siya. Muntik na siyang mabagok sa dingding sa kanyang pag-atras. "You're not in a right comfort room Blaise," wika ni Dylan, habang nag-aayos ito ng suot. Lagot. Nasa men's comfort room pala siya. Pano ito napunta ng ganung kabilis? Sinundan ba siya nito? Hindi naman seguro. Mahaba naman ang pag-uusap nila ni Nida. Malay niya kung tapos na ang forum at dumiretso agad si Dylan dito. Dali-dali rin siyang lumabas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD