Chapter Four

1825 Words
Hindi makasagot si Blaise. Nakatunganga lang siya sa kinatayuan habang napako ang paningin niya rito, na tila ba ito lang yata ang pinakamagandang lalaking nakita niya sa buong mundo. Pero hindi rin siya nakatagal. Tagos sa buto niya ang titig nito sa kanya, na tila ba kung anong malaking kasalanan ang nagawa niya rito. Nakipaghandshake siya. Agad niya ring binawi ang kamay niya, hindi naman masyadong mainit ang kamay nito pero parang napapaso yata siya. Ang ngiti nito ay kakaiba. It's kind of devilish as if it has a deeper meaning. A smile of a trickster. Na parang may hindi magandang gagawin na siyang nagpa-alerto sa kanya. Nawala siya mula sa sudden blank nang narinig niya ang munting tili ng mga kaibigan niya sa ibang mesa. Naging malinaw na sa kanyang isip kung saan man niya ito nakita. Dylan Reivas. Anak ito ni Sen. Sebastian Reivas kung saan naging staff ang ama niya ng senador nun. Tama, nakita na niya si Dylan nun nang isinama siya ng itay sa Zambales nuong nangangapanya pa si Sebastian para pagkasenador. Six years old pa lang siya nun. Ganun pa man hindi sila nagkausap. Mula nun ay hindi na niya makita pa si Dylan. Nag-aaral na ito sa United States, bata pa lang ay duon na ito pinadala ng ama para dun mag-aral. She can say, Dylan have grown into very handsome and charismatic man that every girl dreamed of. "I'm glad to met you Blaise," wika nito. "Common have a seat," alok nito. Hinila nito ang upuan para sa kanya. "This is also Arnold, my father's assistant and my companion right now," wika ni Dylan na bumalik sa pag-upo at siya naman ay nag-hello rito. "Mas mabuti segurong mag-iba na ako ng table, sir," tumayo si Arnold at lumipat ito ng ibang upuan. English speaker ito pero nakakaintindi pa rin ng Tagalog. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. First time niyang kumain sa ganung kasosyal na restaurant kasama pa ito. Napasuri siya sa sarili. Mas lalo lang yatang dinagdagan ni Dylan ang pagiging conscious niya. "So, how are you Blaise? Are you feeling well? Haven't you experienced any complications?" "So-so far, wala naman," mabagal muli siyang nakasagot pinapawisan siya. "Well, that's good to know." Gusto na niyang matapos ang gabing 'yon, lalo pang kaharap ang isang Reivas. Napaangat ang tingin nito sa kanya na tila siya'y binusisi ng husto. "S-salamat sa lahat ng tulong mo sa akin." "It's my pleasure, as I said, you were worth to be saved," lumingon ito. "Waiter?!" Agad namang lumapit ang isang waiter sa kanilang tabi. "Sir?" "Two sushi please and prawns with sambal sauce." "Yes Sir " sagor nito habang naglilista. "How about you Blaise? Just tell me what you want. Well, I hope you like sushi and prawns." "Pwedeng glass of water na lang." Napatawa ito. "Common Blaise, enjoy this night. You have nothing to worry. You look at me as if I'm a hungry lion that would you tear you apart." Mali ito. Hindi ito maari. Hindi niya kayang tiisin ang init na nararamdaman sa pagharap dito. "If you don't mind, aalis na ako, hinahanap na kasi ako ng nanay ko ngayon," napatayo siya. "Wait, where you will go?!'" Gulat si Dylan at hinawakan nito ang kanyang kamay para pigilan siya sa pag-aalis, pero hindi na siya nagpatinag. "Girls, aalis na ako, mag-isa, okay lang kung manatili kayo rito," wika niya sa mga kasama. "Blaise?!" habol sa kanya ni Dylan. Napakunot ang nuo ni Tessa. Nagsitayuan rin ang mga kasama niya't hinabol siya. Hindi siya hahayaan ni Tessa na aalis siyang mag-isa lalo't pat't kababago lang niya sa Manila. Pero sa tingin niya kaya naman niya, kinakabisado na niya kalakhan ng NCR sa pamamagitan ng Google Map. May pagkaackward siya pero alam naman niya ang responsibilad sa sarili sa tuwing nasa labas. "Hey, hey," panghabol sa kanya ni Tessa. "Akala ko ba, excited ka sa pagkakita mo sa donor mo?" 'In fairness, ang pogi niya, oh! Kinilig ako sa inyo girl! Wait! Wait! Parang kilala ko na ang lalaking 'yon ah," kinikilig na sabi ni Abby. "Siya si Dylan Reivas, anak siya ni Sen. Sebastian Reivas." kanyang sagot. "Alam mo naman ang sitwasyon di ba?" baling niya sa pinsan "Uuwi na ako." Inihatid siya ng kanyang pinsan sa kanila. Naghihinayang ang mga kabarkada niya, akala talaga ng mga ito ay isa ng blind date ang pagtatagpo nila ni Dylan. Siya pala ang donor niya. Ibinagsak agad niya ang sarili sa sofa. Napahilamos siya sa mukha. Napakapambihira ang pangyayari. Ni hindi niya inisahan na isa rin palang Reivas ang nagligtas sa kanyang buhay. Ang mga tao na siya ring maaring sumira sa kanilang pamilya. Nagtatrabaho bilang staff ni Sen. Sebastian Reivas ang ama niyang si Philip. Minsan na siyang nakatungtung sa mansyon nito, pero hindi niya nakatagpo ruon si Dylan. Naratnan lang nilang mag-ama si Revica Reivas na may toddler na hawak na younger sister ni Dylan. Napakayaman ng mga Reivas, nagmamay-ari ng leading airline company ang pamilya. Ang lahat ng iyon ay nagbago nang sumabak sa politika si Sebastian. Sumiklab ang controversy ng katiwalian at paspaslang ng mga nasasakupan laban sa mga Reivas. Ang pinaghihinalaan nilang may pakana sa pagdungis ng dangal ng pamilya ay ang amang si Philip. Nag-eespiya raw ito para pabagsakin si Sebastian. Galit na galit si Sebastian sa ginawa ni Philip dahil talagang pinagkakatiwaalan ito ng senador. Dahil din dun, malaki ang hinala ni Nida na ang mga Reivas ang may pakana sa pagpasok ng mga armadong kalalakihan nuon sa bahay nila, na siyang naging dahilan ng pagkamatay ni Philip at siya'y muntik ng sumunod dito. Nakonsensya seguro dahil pati bata ay nadamay nila kaya nagdonate sa kanya para makasurvive siya. Imposibleng magdonate si Sebastian. Galing raw talaga ang tseke sa New York, kung ganun si Dylan talaga ang nagdonate? Sa mura nitong edad ay pinayagan na itong magpakawala ng ganun kalaking halaga? Posible rin. Mayaman ito kaya seguro para lang barya sa mga ito ang half million. Kung ganun, kilala na pala siya ni Dylan nuon pa man? Napabuntunghininga siya. Ayaw niyang manghusga agad pero posible talagang may kinalaman ang pamilya ni Dylan sa assualt. Sa panahong 'yon, wala naman iba pang nakasamaan ng loob ang kanyang ama kundi ang mga Reivas lamang. At hindi naman panunulis ang pakay ng mga armadong kalalakhihan na 'yon, dahil kung yon talaga, ay sana kinuha na ng mga ito ang cash sa drawer. Ang pakay talaga ay ang patayin sila. Kung nuon ay excited siyang makita ang taong nagligtas sa kanyang buhay pero ngayon ay iba ang nangyari. Gulo ng isip ang ibinigay nito sa kanya at ibalik sa alaala ang mapait na trahedyang dinanas nila. Sa pagdating niya sa bahay, binuksan niya ang TV para kahit papano ay mawala ang tensyon niya sa pagtagpo nila ni Dylan kanina. Pero malikot ang tadhana, nakita niya sa screen si Dylan. Ito ang feature sa isang exclusive news report. Hindi mapigilang maoverwhelmed ni Blaise dito. Isa pala itong football player. Sumali ito sa collegiate league duon sa America. Hindi talaga ito ang star player ng team pero nang nakagoal ito ay naging sentro ito ng attention lalo na sa Philippine media. Itiampok na ito bilang isa na mang Pinoy Pride aspect. At ng umuwi ito sa Pilipinas si Dylan ay kinikumbinsi ito para maging guest player sa friendly match ng national team kontra Vietnam. Ewan kung mahango talaga ni Dylan ang nasirang reputasyon ng pamilya dahil dito. Parang kinakabig siya habang patuloy na naunuod dito lalo pa't ipinakita ang pagscore niya sa liga sa America nun. Lalo na ang paghalik nito sa hangin para sa mga manunuod. Napalundag ito sa pagiging victorious. Kahit na hapo at pawisan ang katawan nito ay nangingibabaw pa rin ang appeal nito. He was handsome without even trying and lot of girls went crazy for him then. "Magsign ka na ba ng contract to join the national team?" tanong ng reporter. "I'm aiming for bigger competition, and that's really my goal, but now, I came here not to play but for my father." Isang buwan ang nakalipas ay inatake sa puso si Sebastian, mula ng pumutok ang isyu na may nakumpirma raw na hidden bank account ang senador. Nabagok ang ulo nito at hindi alam kung kailan magising o gigising pa ba. Ang dahilan sa pagbalik ni Dylan sa Pilipinas. Kaya nasaisip niyang hindi na kailanmang makipagkita rito at baka mapagbuntunan siya ng sama ng loob ng pamilya nito. "Anong masasabi mo sa mga nagsasabing, pampadivert mo lang 'to ng atensyon sa isyu ng dad mo?" tanong muli ng reporter kay Dylan. "Well, soccer is my passion since. It's my stress reliever after my school and work. I love this sport." "Ano naman ang reaksyon mo pagkasa ng kasong Graft ng ilang Senador laban sa 'yong ama?!" "You know, as much as I can, I tried to avoid the politic circus. All I can say, from what I've known on my Dad, he's very principled and disciplined man, I never be on my own now if not because of him. He will face it with dignity. I believe he's innocent." Napakaelequent nito at halata ang matalino. Napahanga na siya tuloy nito pero tama nga ba?! "Nandito ka na pala, Blaise!" Napaitlag siya sa pagkabigla sa sa boses ni Nida. Lumabas ito galing sa kusina. Dahil sa pagkadala niya sa pangyayari ay nakalimutan na niya tuloy batiin ito. "Good evening nay, okay ka lang ba rito mag-isa?" "Nananinibago pa rin, kumusta ang school mo?!" "Mabuti naman, thankful ako na may nakaibigan agad ako dun." "Maganda yon," wika nito na ininom ang dala-dalang baso ng ng tunic drink. "Para naman hindi ka maiilang. Siya nga pala, tumawag si Dolly kailangan kong dalawin ang kalenderya natin sa Isabela. Medyo naguguluhan pa siya duon sa pagmanage mag-isa." Napa-abot ang kilay nito ng makita si Dylan at nafeature sa TV rin si Revica at Sebastian. Tungkol sa pagsampa ng kaso sa Senador ang balita. "Karma ba naman, hindi mo alam na dumating na pala," wika nito. " 'Yan ba ang anak nila. Hmn, parang mana rin sa kanila na arogante. Isang bata lang na naging swerte dahil sa may kaya ang magulang." Hanggang ngayon ay hindi pa rin naibsan ag galit ng ina sa pamilya Reivas. Nagpipigil pa ito sa sarili habang nanunuod. "May dapat kang malaman nay," napalunok siya na para bang nag-aalinlangan pa. "Ano naman?" "S-si Dylan, ang anak nila, siya pala ang donor ko nuong nahospital ako ma, siya pala ang nagligtas sa akin." Naibagsak ni Nida ang hawak na baso sa table ng napakalakas. "Nagbibiro ka ba?" may galit ang boses nito. "H-hindi, nakipagkita siya sa akin kanina. Nagpakilala siya. Hindi nga ako makapaniwala eh." "Hindi- hindi! Ba't nila ginawa? Wag nilang sabihin na nakonsensya sila ng todo dahil pati bata nadamay nila?! Wala silang puso!" napaturo ito sa TV. "Kahit pa sabihing nailigtas ka nila, hindi ko pa rin sila mapapatawad dahil sa sinapit ng ama mo! Tingnan mo inabot ng karma. Di magtagal, makukuha rin natin ang hustisya para kay Philip. Ang kaliwang paa ng mga taong 'yan ay nakatapak na sa impyerno kaya, ikaw huwag mong pangarapin na makipaglapit sa pamilyang 'yan. Maliwanag ba?" "Nay?" "Ipangako mo sa akin na hindi ka na makipagharap sa mga taong 'yan. Hindi lang bangungot ang ibibigay nila sayo," pagbabala nito. "Ipangako mo, Blaise!" "Opo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD