Akala ni Blaise na panaginip lang ang lahat ng nangyari kagabi. Pero totoo ang lahat na yon. Parang nagfreeze siya ng sabihing mahal siya ni Dylan hanggang sa makatulog na siya na malalim na gabi. Sa pagigising niya ay iyon agad ang unang rumihestro sa kanyang isipan. Mahal ako ni Dylan. Mahal ako ni Dylan! Tila nagcelebrate ang kanang isip niya. Ibinagsak niya ang sarili sa kama. Hindi niya inasahan ang lahat na yon na akala niya ay isang fantasy lamang. Sinong mag-aakala na ang simpleng babaeng tulad niya ay magugustuhan ng almost royalty na lalaki? Hindi niya maiintindihan kung bakit nasiyahan pa siya sa pagtapat nito sa kabila ng hidwaan na namamagitan sa kanilang mga pamilya. Para bang siya na yata ang pinaka-fairest na babae sa mundo. Napahawak siya sa kanyang labi. Parang nanati

