Napapikit si Blaise, hindi niya kayang makipagsabayan sa pagtama ng kanilang mga mata. Nararamdaman niyang parang nilalanghap siya ni Dylan. Dahil duon ay parang kumuryente ang kanyang buong katawan. Isang tulak na lang ay muntik na silang magkahalikan. Sa pagdilat niya, nakitang napalunok ito na parang sabik-sabik ito sa kanya. Ewan niya ba't kung dapat nga ba siyang maguguilty dahil tuluyan na siyang nadala sa kung ano man ang sandaling iyon. Parang mayrong parte sa kanyang pagkatao ang nagkulang at si Dylan lang ang kailangan niya para matugunan 'yon. Ngayon lang yata siyang nahuhumaling ng husto sa opposite s*x. He made her turn on. Akala niya ay hindi pa niya mararanasan ang ganito. Tumunog ang isang malakas na kulog. Kasabay nun ay ang pagbagsak ng malakas na ulan na nagpatigil sa

