Napaluha siyang nang iniwan niya si Dylan. Hindi naman nawala ang nararamdaman niyang pagmamahal dito pero hindi talagang sila pwede sa isa't-isa. Ni hindi na niya nilingon ito, ayaw niyang isipin nito na may pag-asa pa silang dalawa. "Hiniwalayan ko na siya Tess, napakihirap kasi ng sitwasyon namin," humahagulhol siyang napaupo at si Tessa naman ay panay tapik sa kanyang balikat. Ikwenento niya rito ang nangyaring hiwalayan nila ni Dylan. "Sa tingin ko, dapat mo ng gawin 'yon Blaise, hindi nakakabuti si Dylan sayo, ang pamilya niya, sinisira nila ang buhay ninyo ni Tita Nida." Halos mag-aapat na araw ng nawawala si Nida. Tiyak siyang dinukot ito sa ibang dahilan. Kung kidnapper sana, matagal na itong tinawagan siya at humungi ng ransome. Lumipas ang mga araw ay naghinhintay pa rin siy

