Napatuop sa ulo si Blaise sa kanyang pagbangon sa pagkakinabukasan nun. Tila mabibiyak na ang kanyang ulo sa matinding sakit. Naalala nga niyang pumasok siya sa bar at nagpatangay siya ng alak. May hang-over pa siya. Napaigtad siya sa kama. Naalala niyang may naka-usap nga pala siyang lalaki bago tuluyang nawala ang kanyang alala. Nakahinga siya ng maluwag. Nandun pala siya sa guestroom sa condo ni Tessa. Akala niya nasa ibang kwarto na siya at may masamang nangyari na sa kanya habang wala siyang malay. "Wag kang mag-alala, nandito ka sa bahay namin!" may galit sa boses ni Tessa. "Anong nangyari?" "Anong nangyari?" nakapamewang ito. "What the hell you're thinking Blaise?! Papano na lang kung hindi dumating si Canon sa club na 'yon, napagsamantalahan ka na ng gamuhong lalaki na kasama m

