Kabanata I - Analyn POV's
"Good morning po Ma'am. Sorry po,for being late." Bati ko sa aming Teacher.
"O,Analyn , bakit late ka na naman." ang sagot ng kanyang guro .
"Kasi po,gumawa pa ako ng assignment ko sa Math kagabi kaya napuyat ako." Ang palusot ni Analyn pero ang totoo nag tilibabad sila ni Anthony magdamag.
"O sya,ipasa mo na kasi nagcheck na kami kanina,kaya ako nlng magcheck nyan." ang sabi ng kanyang guro
Kaya nagpanic si Analyn,"Ma'am ,eh naiwan ko po."
"Huli ka na Ann",ang malakas na kantiyaw ng kanyang mga kaklase. Pulang-pula ang kanyang mukha dahil doon,hiyang - hiya sa kanyang guro.
"Please keep quiet,ang hiyaw ng kanilang guro na si Ms. Salcedo. "Mag- usap tayo after all your classes,Ms. Villarreal".
"Opo",ang magalang na sagot ni Analyn.
Natapos ang lahat ng klase ko na hindi ako nakikinig mabuti sa mga leksyon ng aking mga guro dalhin sa antok. May isang klase pa akong nakatulog pero di na ako pinansin ng aking guro sa ESP.
Matalinong naman ako dahil kahit hindi ako nag-aaral matataas ang marka ko ,subalit noong magsimula akong mag - teen ager ay napapabarkada na ako. Lingid sa kaalaman ng kanyang mga magulang ,mas madalas na kasama ko ang mga spoil brat kong mga kaklase .
Ako nga pala si Analyn Sevilla Villareal. Nag-iisang anak nina Don Amancio Villareal at Donya Cecilia Sevilla. Ang kwento ng buhay ko ay parang roller coaster. Pero bilang isang teenager na anak mayaman noong 1990's masasabi kung suwerte ako sa aking mga magulang. Lahat ng layaw ko ay binibigay ng aking mga magulang lalo na ng aking ina. Buong buhay ko ang nakatututok ako sa aking pag-aaral simula grade 1 until grade 6 , valadectorian ako. Hindi dahil laging nagdodonate ang Papa ko sa aming paaralan ngunit dahil nag-aaral akong mabuti.
Nakilala ko si Anthony noong nasa third year high school ako. Galing siya sa kabilang bayan , nagtransfer siya sa school namin. Balita ko anak siya ng pinakamayamang tao sa bayan nila. Ngunit gusto daw ng magulang niya na matuto siya ng tamang asal kaya siya pinasok sa catholic school. Guapo, matangkad at matangos ang ilong, typical sa isang mestizong chinese and spanish origin. Nagtitilian ang mga girls at bakla sa campus kapag dumating siya.
Minsan break time namin, lumapit sa amin ni Susan si Anthony. " Hi , girls. I am Anthony Sanson, just called me Tony", pakilala niya sa amin ng pinsang kung si Susan." Hi, Tony my name is Susan and this is my cousin Analyn", tugon naman ni Su. Siniko niya ako dahil wala sa lalaki ang mata ko. "Ah, sorry ano iyon? "Ano ka ba pinsan , nakikipagkilala po sa atin si Anthony", sabi sa akin ni Susan. " Hi , Analyn nice to meet you", inaabot ni Anthony kamay niya sa akin upang makipagkamay pero di ko iyon pinansin kay ipinasok na lang niya sa kanyang bulsa.
Lumipas ang mga araw na laging nakikipag - usap si Anthony sa amin kaya naging tampulan ako ng inggit ng mga kakalase kung malandi at nakikipagflirt sa kanya. Yong iba lantaran ang pang -iisnab sa amin. Muntik ng nakipag-away ang pinsan ko sa kanila. Madalas na namin siyang kasama noon dahil nahihirapan kami sa math, kaya siya ang taga-gawa ng assignment namin.
Minsan sumama siya sa bahay dahil mayroon kaming group project. Pagdating ko kasi sa fourth year ay naging magkaklase na kami. Nagkataon noon na kaming tatlo ang magka-group. Pinakilala ko siya kina Papa at Mama. "Ma, Pa, si Tony nga po pala, clasmate namin ni Susan"." Hello po, magandang araw po", pagbibigay galang niya kina Papa at Mama. "Gagawa lang po kami ng aming project.", paliwanag nito sa mga magulang ko.
Kinagabigan, habang kami ay naghahapunan. Tinanong ako nila Mama." Ann, taga - saan nga pala si Tony", tanong sa akin ni Mama. "Taga-Campo Aro po", sagot ko sa kanya. "Sino ang kanyang mga magulang", tanong naman sa akin ni Papa. "Sina Don Alejando Sanson po at Donya Conchita", sagot ko naman. "Ano! ulitin mo nga", sabi pa ni Papa "Analyn, ngayon palang pinapayo ko sa iyo iwasan mo na siya", baba sa akin ni Papa. " Kung ayaw mong magalit ako sa iyo, umiwas ka sa kanya", dugtong pa niya.
"Pa, wala naman po kaming ginagawang masama ah", katwiran ko sa Papa ko. "Ki mabuti man o masama ang pakay niya sa iyo, lumayo ka sa kanya,"dugtong pa ng ama ko. "Huwag ka ng magalit sa anak mo, ako na ang magpapaliwanag sa kanya", alo sa kanya ni Mama. "Pagsabihan mo yang anak mo, Cecilia", sagot ni Papa kay Mama.
Pagkatapos namin kumain, hinatid ni Mama si Papa sa room nila. Ngunit di pa rin matanggal ang tanong sa isip ko kung bakit galit na galit ito kay Anthony ng malaman nito kung sino ang mga magulang niya. Kanina naman ng gumagawa kami ng assignment namin okay naman sila. Maya - maya , kumatok si Mama sa pinto ko. "Iha, pwede ba akong pumasok?, tanong ni Mama sa akin. "Po, opo Ma. Pasok po kayo", sabi ko sa kanya. "Anak, pasensyahan mo na ang Papa mo ha", lambing niya sa akin. "Ma, bakit ganoon ang reaksyon ni Papa ng malaman niya kung sino ang mga magulang ni Anthony", kawawa naman ang kaibigan namin. "Alam niyo po bang , maraming mga classmate namin ang naiinggit sa amin kasi sa amin lang siya nakikipagbarkada", lambing ko kay Mama.
Napansin kung hirap si Mama ipaliwanag sa akin ang dahilan nila ni Papa kaya sabi ko sa kanya, mabuti man o masama ang dahilan makikinig ako sa kanya. "Ma, okay lang po. Makikinig po ako ng explanation ninyo", alo ko sa kanya. "Anak, naalala mo ba ang kwento ng Lolo mo noong bata ka pa, yong tungkol sa humalay sa Lola mo habang siya nagbubuntis sa Papa mo," naiiyak na paliwanag ni Mama. "Anak, siya ang Lolo ni Anthony," "Ha, totoo po ba Mama?", tanong ko sa kanya. Matalik silang magkaibigan ng Lolo mo noon pero naging mahigpit silang magkaaway dahil doon. Simula noon hindi na sila nagkita pa. Alam kong mabait na bata si Anthony, pero anak huwag mo sana sawayin ang utos ng Papa mo sa iyo. Umiwas ka na sa kanya. Tumango na lamang ako para wala ng maraming kwento.
"Magpahinga na po kayo, Ma. Pakisabi kay Papa, mula bukas iiwasan ko na po si Anthony.