"Morning Pa, Ma" bati ni Anthony sa kanyang mga magulang. Kasalukuyang silang nasa komedor at nag-aalmusal. "Upo na iho, kumain ka na rin", bati sa kanya ng kanyang Mama." Opo", tugon niya.
"Saan ka pupunta ngayon? " tanong ng aking Mama sa akin. "Seguro naman panahon na para tulungan mo ang iyong Papa sa mga negosyo natin", dugtong pa niya.
" Mama, alam mo naman na ayaw ko humawak ng kahit anong negosyo, kaya nga doktor ang kinuha ko , di ba?" sagot ko sa aking ina. " Pero Anthony, pinagbigyan lang kita dahil yan ang gusto. Paano nman ang negosyo natin pagwala na kami ng Papa mo?" " Unless gustong mong ibigay nalang namin lahat sa charity." Di ako nakakibo sa sinabi ng Mama ko, alam kung mangyayari ito.
Sa isip ko, ayaw ko naman mabaliwala ang pinaghirapan ng mga magulang ko. Lalo pa na ang mga negosyong iyon ay nagmula pa sa mga Lolo at Lola ko.
Maya - maya tumonog ang celphone ko. "Ga, usap tayo importante, itext ko sa iyo ang address", mensahe mula kay Analyn. "Okay, see you Ga", text back ko sa kanya. Pagkatapos kumain nagmadali akong naligo at sumakay sa aking kotse na pinahanda ko agad sa aming driver/mechanic.
Pagkakita ko kay Analyn ay agad ko siyang niyakap at hinalikan sa labi. "Langga, I miss you", bati ko sa kasintahan ko. "I miss you too, Ga", sagot naman nito sa akin Analyn. "Ano bang pag-uusapan natin , bakit parang sobrang importante at dito pa tayo nagkita". "Ga, gusto ni Papa na pakasalan ko si Miguel San Jose." bungad ni Analyn. "Hindi ako papayag Ga"."Maghiwalay na tayo, Anthony". "Ayaw ko." Niyakap ko sa at hinalikan pero nagpupumiglas siya.
"Alam mo naman na mula pa noon kaya halos ayaw kung magpaligaw sa iyo dahil sa hidwaan ng pamilya natin." "Alam mo ba ang dahilan kung bakit sila mortal na magkaaway ha?" tanong sa akin ni Analyn. Ang alam ko lang dahil iyon sa negosyo.
"Ayon kay Lolo , matalik niyang kaibigan ang Lolo mo dati ngunit dahil sa isang babae naging mortla silang magkaaway"."Magkasintahan na noon ang Lola at Lolo ko ng ipinakilala ng Lolo ko si Lola sa Lolo mo." Ayon kay Lolo ng makita ng Lolo mo ang Lola ko ay iba ang tingin niya dito. Kinutuban ang Lolo ko na baka may gusto ang Lolo mo sa Lola ko. Mula noon halos araw - araw din dumadalaw ang Lolo mo sa bahay nila Lola. Hindi binigyan ng anuman kahulugan iyon ni Lola dahil alam niya kaibigan ito ng kanyang kasintahan. Ngunit noong nagpasya ng mamahikan ang mga magulang ng Lolo ko at naitakda na ang kanilang kasal naging iba ang ugali ng Lolo mo. Ganoon pa man hindi na iyon pinansin ni Lolo hanggang maikasal sila ni Lola. Nabalitaan na rin ni Lolo na may nobya na Lolo mo.
"Buntis na noon si Lola sa Papa ko ng magkayayaan silang maligo sa sapa. Magkakapareha silang apat, akala ni Lolo ay ayos na." "Ngunit, hu hu hu hu" nahagolhol si Analyn habang nagkukwento . "Hinalay ng Lolo mo ang Lola ko".Hindi ako makapaniwal sa ipinagtapat ni Analyn. "Paanong hinalay?" tanong ko sa kanya. "Ang sabi ni Lolo,kumuha lang daw siya saglit ng sanga ng dahon upang isapin sa damuhan, pero narinig niya na sumisigaw si Lola kaya bigla siyang bumalik. Nakita niyang nakapatong ang Lolo mo kay Lola kaya dumilim ang paningin niya,tinaga niya ang Lolo mo." patuloy na salaysay ni Analyn.
Natulala ako at di ako makapagsalita. Ang sabi sa amin ni Lolo ay dahil pinagtangkaan siyang patayin ni Don Manolo, ang Lolo ni Analyn. Hindi ko namalayan na wala na pala si Analyn sa tabi ko. Dali - dali rin akong umalis, di ko alam kung saan ako pupunta. Hindi rin kami nakapag-usap ng maayos ni Analyn. Namimiss ko na ang nobya ko pero bakit ganito ang pakiramdam ko. Parang may nakadagan sa dibdib ko na hindi ko maintindihan.
Umuwi ako sa mansyon namin upang makausap ang aking ama. "Pa, pwede po ba tayong mag-usap"? tanong ko sa akin ama. Nasa library kami dahil nakita kung maraming papeles sa ibabaw ng mesa niya. "Pa, pwede po ba akong magtanong?", tanong ko sa aking ama. Huminga muna ako ng malalim bago bago bumuka ang bibig ko. "Sino po ba si Don Manolo Villareal?", tanong ko sa kanya. "Bakit?Anong problema mo Anthony? Bakit tinatanong mo kung sino ang taong iyon? Wala akong sasabihin sa iyo." sabi ni Papa pero nagpatuloy akong magsalita.
"Ang alam ko matalik na magkaibigan sina Lolo at Don Manuel, bakit po sila nagkagalit?, tanong ko kay Papa. "Papa, nakikiusap ako sa inyo. Sabi ni Mama noon, iwasan ko si Analyn, pero Papa mahal na mahal ko kasi siya eh. Kaya, kahit ayaw ninyo lihim kami nagkikita ,dahil ayaw din ng mga magulang niya. Bakit po ba , ano naman ang ugnayan namin sa mga di ninyo pakaunawaan? Nakiusap ako kay Papa na magpaliwanag siya sa akin pero lalo siya nagalit. Pakiramdam ko may bulkan sa loob niya na gustong sumabong. Hinagis niya lahat ng papeles sa harapan niya. Dahil sa ingay, napatakbo ang sina Mama at Manang Melba sa library.
"Anthony, saan ba pupunta ang usapang ito? galit na boses ni Papa sa akin pero pinipilit kung kumalma. "Papa, kasintahan ko po kasi ang anak ni Don Amancio na apo ni Don Manuel", di pa ako tapos sa sinabi ko may dumapo na kamao sa mukha ko. "Tang-ina mo Anthony, iwalayan mo ang babaeng iyon". Minura na ako ni Papa. "Mahal na mahal ko si Analyn Pa, kahit anong mangyari ipaglalaban ko ang pagmamahalan namin. "Hindi maari, isusumpa kita pagginawa mo iyan. Ibibigay ko ang company natin sa charity . Huwag mo akong subukan Anthony." Nagwawala na si Papa ng husto kaya pinakalma siya ni Mama.
"Lumabas ka muna Anthony, kausapin ko ang Papa mo", sabi sa akin ni Mama. Hinila naman ako ni Manang Melba sa labas. "Anak halika, iwan muna natin ang mga magulang mo." Alo sa akin ni Yaya ko. Umiyak na lang ako sa balikat ni Manang Melba. "Manang, ang sakit sa loob ko kasi ayaw nila sabihin sa akin ang totoo, huhuhhu" " Tony, makinig ka anak , wala akong karapatan na magsalita pero mas maigi na sundin mo na lang sila. Hindi na ako kumibo, nagpaalam na lang ako kay Manang na pumunta ako sa silid ko.