Kabanata 6 - Analyn POV's

1147 Words
Mula noong college ako, pumayag na akong ligawan ni Anthony dahil napasigasig nito. At dahil may pagtingin din ako sa kanya, after my graduation in college ay sinagot ko na siya. Second college ako noon nagulat ako ng dumaan siya sa bahay namin at niyaya akong mamasyal kami sa bundok. Mayroong sa amin bundok na tinatawag na Ilong bukid, noon ko pa gustong pumunta doon pero natatakot ako sa mga naririnig kung kwento. "Langga, halika mamasyal tayo" , yaya sa akin ni Anthony. "Saan tayo pupunta,"tanong ko sa kanya. "Sa Ilong Bukid",sagot naman niya. " Ayaw ko, nakakatakot kaya. Sabi ni Manong Pedring mayroon daw Tikbalang at Kapre doon". " Wala magugulat ka maganda ang bundok na iyon at may sapa, magpicnic tayo." " Basta ayaw ko". Di na ako napilit ni Anthony kahit ilang beses pa niya akong niyaya noon. Kahit patago ang aming relasyon, masaya kami pareho. Pareho kaming nag-aral sa city kaya malaya kaming nakakadate kapag may panahon. Minsan pumunta siya sa apartment ko at ako naman pumupunta sa apartment niya. "Langga, nood tayo ng pelikula, sabi niya sa akin"."Sige, buksan mo ang DVD mayroon mga CD dyan pumili ka na lng, habang naghahanda ako ng meryenda natin dito". Pagbalik ko sa sala ay nakita kung nakasalang na ang pelikula nina Claudine Barreta at Rico Yam. Mga sikat silang love team noon. Naghahalikan sila sa pelikula , namalayan ko nalang dumampi ang malambot na labi ni Anthony sa aking labi. " Oy, nanamantala ka na naman", saway ko sa kanya. Hindi ako nagpapahalata kinikilig ako pero napansin nya nagbablush ang mukha ko. "Langga, ang ganda mo talaga,pwede na ba tayong "... habang pinahaba niya ang kanyang nguso at balak ulit akong halikan. "Che, sabi ko sa iyo respituhin mo ako eh". Hanggang di pa tayo tapos, makontento ka lang sa paghawak sa kamay ko". "Cge na nga, I respect your decision you know that, dahil mahal kita". "Magalit man ang pamilya natin, ipaglalaban kita sa kanila". Laging ganoon ang set-up namin ni Anthony sa buong college life namin, pero wala talagang sikreto ang di mabubunyag. Pagtapos ng graduation, nagtrabaho agad ako bilang assisstant ni Papa. Itinuro niya sa akin ang lahat ng pasikot - sikot sa pagpapatakbo ng company namin. Dahil napansin kung halos hindi maganda ang pakiramdam ni Papa lagi, sinabihan ko siya na huwag na siyang pumasok sa opisina at tatanungin ko na lamang siya kung may hindi ako alam. Dalawang taon na akong CEO ng Villareal Holdings Inc.at sa buong na iyon naging maayos ang lahat. Mababait at masisipag lahat ng mga employees ko. Binibigay ko sa kanila ang nararapat nilang binipisyo scholar lahat ng anak ng tao namin sa hacienda. Akala ko wala na akong problema pero hanggang dumating sa bahay namin ang mag-amang Don Tiburcio San Jose at ang anak niyang si Miguel. "Papa, pwede ba tayong mag-usap mamaya? " Okay, anak. Ano oras ka ba uuwi mamaya?"tanong sa akin Papa sa kabilang linya. "Sabay na tayo maghapunan Papa", sagot ko sa kanya. "Sige anak, sabihan ko si Manang Loring na ipagluto ka ng paborito mong lauya." Okay papa". Alas singko ng hapon , lumabas na ako ng opisina at binilinan ang guard na i check lahat ng ilaw at saksakan ng kuryente. Sumagot naman ito sa akin kaya dumiritso na ako sa kotse ko. "Kinis, ang haba na naman ng traffic. Parang Maynila na ang Visayas", nagmumura na ako sa isip ko. Kung wala kaming negosyo dito sa Pilipinas parang gusto ko munang magliwaliw sa ibang bansa. Wish ko lang naman. Tawagan ko na lang kaya si Anthony. Nilagay ko ang headphone sa tainga ko at dial ang number niya. "Hello Langga, kamusta ? I miss you so much", lambing sa akin ni Anthony. " Pwede bang magkita tayo,Ga? "May sasabihin akong importante sa iyo", sabi ko kay Anthony. "Langga, may problema ba? Parang ang lalim ng buntong hininga mo ah." Sagot sa akin ni Anthony. "Magtext ka sa akin kung kailan at saan tayo magkita,Ga. Importante ang sasabihin ko sa iyo , hindi ko kayang sabihin dito sa telepono," ang paliwanag ko kay Anthony. Sinabihan ko siya na nasa daan ako kaya need ko na ibaba ang celphone ko. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa relasyon namin pagkatapos namin mag-usap. Isang pagkatapos namin mag-usap ni Anthony, nakarating na pala ako sa bahay na di ko namalayan. Buti na lang ang subconcious mind ko ay alerto pa rin kahit maraming agam - agam ang aking puso. Sinalubong ako ni Papa sa pintuan namin. "Hi Pa, mukhang nalilibang kayo sa rancho ah", kunwari tampo ko sa kanya. "Iha, salamat at dahil sa iyo yon. Kung hindi mo ako pinalitan baka lalo akong depressed ngayon" , lambing sa akin ni Papa. Tumuloy na kami sa komedor at nakita ko na naghahain na si Manang Loring. Naghugas ako ng kamay at umupo na rin sa silya ko. Kinamusta ko ang mga alaga ni Papa sa rancho at ang mga kasama niya doon. "Anak , yong anak ni Mang Kanor ay magpapabinyag ng anak", sabi ni Papa." Sino po doon", tanong ko sa kanya." Si Merriam anak, nagsabi siya sa akin kung pwede ka raw magninang sa anak niya." "Sige po Pa, kailan po ba iyon? " " Sa susunod na sabado anak, kasabay ng fiesta dito sa atin", paliwanag ni Papa. "Anak, sana mag-asawa ka na para makita ko na rin ang apo ko". "Alam mo mabait naman yang si Miguel, maginoo pa". "Paano mo naman masabi iyon, eh hindi mo pa naman siya nakasama" , sagot ko sa kanya. "Anak, ang pagmamahal naman madaling pag-aralan. Alam mo bang noong una ayaw din ng Mama mo sa akin. Pero pinadama ko sa kanya ang lahat ng pagmamahal ko. Hindi na ako tumingin sa ibang babae mula ng makilala ko siya. Araw - araw pumupunta ako sa bahay nila. Kahit maraming kasambahay ang mga Lolo at Lola mo noon andoon pa rin ako para tumulong. Tuwang - tuwa ako noong sinagot na ako ng Mama mo." kwento ni Papa sa akin. Buong buhay ko ngayon ko lang nalaman ang love story nila ni Mama. Napakaganda pala ng kanilang love story, nasa isip ko parang kami rin ni Anthony , ayaw ko rin sa kanya dati. Ang kaibahan lang hindi siya dito sa mansyon nanligaw dahil galit sa kanya ang mga magulang ko. Hindi na natuloy ang gusto kong sabihin dahil nalibang ako sa mga kwento ni Papa. Mahigit dalawang ang panatili namin sa kumedor. Nagtatawanan pa kaming dalawa. "Iha, di ba may sasabihin ka sa akin?, tanong ni Papa. "Ah eh, wala iyon Pa gusto ko lang kayong makasama, lagi kasing di na tayo nagkakasabay sa hapunan." " May problema ba sa company , anak? tanong niya sa akin. "Wala po Pa" , sagot ko naman. Pahinga na tayo Pa. Humalik na ako sa pisngi sabay akyat sa room ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD