Kabanata 9 - Miguel POV

1063 Words
Mula ng makilala ko si Analyn , di na siya nawala sa isip ko. Marami na kong babaeng nakilala at karamihan ay naikama ko pa pero iba si Analyn. Ang kanyang ganda ay katulad ng isang diwata , maputi , matangos ang ilong at ang katawan ang parang hinulma na cola - cola. Napapatayo ang tinatago ko sa brief ko kapag naiisip ko siya. "Magandang gabi po Tito Amancio, pwede ko ba makausap si Ann" ang bati ko kay Don Amancio. "Aba iho, magandang gabi rin sa iyo. Teka, ipatawag ko muna kay Manang." Bati sa akin ni Don Amancio. Sinabihan niya si Manang tawagin si Analyn. Alas syete palang ng gabi pero pakiramdam ko ang tagal ng oras para mag - umaga. Kahit nag-uusap kami ni Tito Amancio, wala sa kanya ang attention ko. "Senor Amancio, wala po ang Senorita sa kanyang silid , hanapin ko lang po sa hardin", ang sabi ni Manang. Tumango lang si Tito Amancio. Pagkalipas ng dalawampung minuto ay bumalik na ito kasama si Analyn. " Papa, gabi na pala di ko napansin nalibang ako sa pag-aayos ng aking mga rosas." Hello, Miguel nandito ka pala", maglilinis lang ako sandali at pinawisan ako nakakareplant ng mga roses ko". Sa wakas napansin din ako ni Analyn. "Take your time ,Ann", ang sabi ko sa kanya. Pagkatapos ng 30 minutos bumaba na rin siya kaya niyaya kami ng Papa niya para maghapunan. Habang kumakain kami hindi ko mapigilan ang sumulyap sa kanya, mahinhin siyang kumilos parang di makabasag pinggan. Pagkatapos namin kumain ay iniwan na kami ni Tito Amancio sa sala. "Kamusta ka na , Ann?, tanong ko sa kanya. "Miguel , pwede bang wag muna natin madaliin ang kasal", pakiusap niya sa akin. "Hintayin ko ang sagot mo at handa akong maghintay", sabi ko sa kanya. Napansin ko na malungkot ang mukha niya, hindi ko pa siya masyadong kilala, pero sabi ni Papa magaling daw mamahala ng negosyo itong si Analyn. Di daw niya akalin na sa loob ng isang taon ay nadoble ang ang kita nila. "Basta hayaan mo lang akong manligaw sa iyo, kahit magkaibigan muna tayo , tatanggapin ko", halos pakiusap ko sa kanya. Kung tutuusin kaya kong sabihin mga magulang namin na madaliin ang paghahanda sa kasal pero mas pinili kong maghintay sa kanyang deisiyon. "May problema ba ,Ann?", tanong ko sa kanya.Umiling lang siya pero iba basa ang kilos niya. "Pwede sa susunod na araw ka na bumalik, medyo masama kasi ang pakiramdam ko", sagot niya sa akin. "Okay, uwi na ako.Seguro napagod ka sa garden." "Ihatid na lang kita sa kotse mo". Tumango na lang ako sa kanya. Gusto - gusto ko na siyang halikan pero nagtitimpi ako. Alam kung may iniisip siyang iba pero di ko matukoy." Bye, Ann". Good night! Good night Miguel , kita na lang tayo sa office bukas. Kinabukasan , pumasok ako ng maaga. Halos magkasabay kami ni Ann na pumasok. Kararating lang din nya sa parking lot. "Good morning Ms. Villareal", bati ko sa kanya. "Good morning too, Mr. San Jose", sagot niya sa akin. Pero parang di siya nakatulog mabuti. "Kamusta ang tunog mo,Ann?,tanong inis ko sa kanya. "Miguel, ang aga-aga nangbubully ka na naman", sita niya sa akin. "Di naman, pinapangiti lang kita. Para kasing pasan mo ang mundo", sagot sabay kindat ko sa kanya. Magkasabay kaming sumakay sa elevetor patungo sa 4th floor kung saan ang office namin. Makatabi ang office namin kaya maya - maya sinisilip ko siya sa kanyang silid. Kumatok ako sa pinto niya ng tatlong beses pero walang sumagot kaya sumilip na lang ako. Nakita ko nakatalikod siya sa mesa niya at umiiyak. Gusto ko siyang lapitan pero nagdadalawang -isip ako. "Ehem, ehem, sino nagpaiyak sa iyo at papatayin ko?", tanong ko sa kanya. "Wala, wala ito", agad niyang pinahid ang luha niya na parang walang nangyari. "May kailangan ka ba, Miguel?", tanong niya sa akin. "Yayain sana kitang maglunch eh, sumama ka muna sa akin para naman hindi ka nakamokmok dito," alo ko sa kanya. "Sige, pero pwede magdeliver na lang tayo." "Okay, ano gusto mo?" "Kahit ano, basta pwede kainin .Hindi naman ako masilan eh. Habang kami ay kumakain, tahimik lang si Analyn. Alam kung mayroon siyang malalim na problema. Alam ko hindi ito tungkol sa trabaho kasi madali niyang nabibigyan ng solution ang mga bagay - bagay tungkol sa trabaho. Hinayaan ko na lamang siya. Pagkatapos namin kumain nagpaalam na ako sa kanya na babalik na ako sa opisina ko. "Salamat sa free lunch Miguel", wika niya sa akin. "Don't mention", sagot ko sa kanya. Tawagan ko sana si Tito Amancio pero nagdalawang isip ako, baka magalit lang si Ann sa akin kapag nagtanong ako sa ama niya. Kalmado lang si Miguel pagkaharap niya si Analyn pero sa loob niya gusto niyang tuntukin kung sinuman ang nagpapaiyak sa dalaga. "Agnes, bantayan mo yang boss mo ha". "Yes , Sir". Tinawagan ko ang sekretarya niya para bantayan siya ksi naiinis ako sa kung sinuman ang nagpapaiyak sa kanya. "Mr. San Jose, magsisimula na daw po ang meeting sabi ni Ma'am Analyn", nagulat ako sa sekretarya ko sa intercom nawala na rin sa isip ko may meeting pala kami. Habang nakikinig kami sa report na marketing department panay ang sulyap ko sa kanya. Napapansin niya yata na nakatingin ako sa kanya kaya bigla akong tumingin sa speaker. "Miguel, pwede ba . Kanina ka pa. Well you give me space for a while, magtrabaho ka muna. "Wala naman akong ginagawa ah." "Wala ka dyan eh kanina ka pasulyap - sulyap sa akin. May sasabihin ka ba? tanong niya sa akin. "Ah eh, wala naman. Kanina ko pa kasi napapansin, ang lalim ng iniisip mo eh."paliwanag ko sa kanya. "Miguel , kung may problema man ako labas yan dito sa trabaho natin. Kaya pwede ba tigilan mo ako." "Opo, madam", mukhang naiinis na siya sa akin pero natutuwa pa rin akong inisin siya. Bigla naman nahinto sa pagsasalita si Mr. Castro, ang manager ng Marketing department dahil ang ingay naming dalawa. "Sir, Ma'am may tanong po ba kayo" " Wala naman , Mr. Castro just continue and don't forget to give us hard copy of your report ,okay." "Yes Sir". That will be all Sir Miguel and Ma'am Analyn. Tumayo na kaming lahat, dahil nahiya na akong kulitin pa siya di na ako nagpaalam sa kanya na uuwi na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD