"SINO SIYA mommy?" tukoy niya sa cute guy na nakatayo pagbaba niya ng hagdan. "Boyfriend mo? Gosh, ang bata pa niya, ah, mukhang kasing edad lang ni kuya Alfred," tukoy niya sa kapatid na kasalukuyang president ng kumpanya nila.
Tinampal siya nito. "Jiro. Siya nga pala ang anak ko. Starting tomorrow sa kanya ka na magtatrabaho."
Napasinghap siya. "Kinuha niyo ako ng bodyguard kaloka mommy." Exaggerated na pinaypayan niya ang sarili.
"Hindi. kapalit siya ni Manong Julius, yung driver mo. Anak niya ito." Hindi niya alam na may ganito ka-gwapong anak ang dati niyang driver.
"Ano ang natapos mo?"
"Second year college lang po."
"Ah, bakit hindi mo pinagpatuloy ang pag-aaral mo. Gusto mo ba habang nagtatrabaho ka sa akin. Pagpatuloy mo kung saan ka nahinto sa college," nakangiting sabi niya.
"Hindi na po. May asawa at anak na po ako. Mas priority ko sa ngayon ang pamilya ko kesa sa pag-aaral."
"Uh-uh," tumango tango siya. Nagpaalam na ito na aalis para dalhin ang mga gamit nito. Stay-in ang driver at mga kasambahay nila.
"Ah, muntik ko na nga pala makalimutan mommy. Tinawagan nga pala ako ni daddy hindi mo daw kasi sinasagot ang tawag niya. Pumunta daw tayo sa bahay bukas–"
"Bakit mamatay na siya?"
Pinanlakihan niya ito ng mata."Pinagsasabi mo mommy. Doon daw tayo mag di-dinner sa bahay request ni kuya Alfred. Ikakasal na si kuya," excited na sabi niya.
Nilapitan siya nito at hinaplos ang medyo kulot niyang buhok.
"Hindi tayo pupunta. Walang dahilan para pumunta tayo doon. hmmn..." anito na hinaplos ang pisngi niya.
Kasasabi ko lang ikakasal na si kuya Alfred...
"Pupunta lang tayo doon kapag nagbibigay na ng huling habilin ang daddy mo. Anyway, sinigurado ko naman na hindi ka mawawalan ng mana." Gosh, hindi talaga siya makapaniwala sa tinatakbo ng utak ng nanay niya.
Hinatak niya ito sa kusina at pinaupo sa dining table. Pinag-timpla niya ito ng kape at kumuha siya ng isang slice ng cake. Pagkatapos ay nilapag sa harap nito.
"Kape tayo mommy, para nerbyusin tayo ng konti, noh!. Buhay pa si daddy nukaba at malakas. Katunayan kaya pa niyang palitan si tita Megumi ng mga sampu. Stop sulking na, huh, baka isipin ko hindi ka pa naka-move kay daddy."
"Ano?! Wala na akong pake sa daddy mo."
Limang taon na pala ang nakalipas ng maghiwalay ang mga magulang niya. Naiwan si kuya Alfred at kuya Andrei sa daddy niya at siya naman ay piniling sumama sa mommy niya.
Hindi daw siya pwedeng magpaiwan sa mansyon dahil baka apihin lang daw siya ng tita Megumi niya at ng pinsan s***h kapatid niyang si Megan na doon na sa mansyon nakatira.
Talagang pinanindigan ni tita Megumi na palitan si mommy at ito na ngayon ang asawa ni daddy. At ngayon nga buntis na ito. Mukhang hindi naman affected ang mommy niya at masaya na sa buhay nito. Kasalukuyang abala ito sa cafe na na tinayo nito.
"Pero mommy kailangan talaga nating pumunta sa mansyon. Hindi mo ba nami-miss si kuya Alfred. Ikakasal na yung panganay mo."
"Sige nah. Pero sandali lang tayo doon."
Niyakap niya ito. "Mag-shopping nalang tayo."
"Mabuti pa nga."
"Ay gusto ko 'rin dumaan sa salon."
* * * * *
NAKAANGKLA SIYA sa braso ng ina habang naglalakad lakad sila sa mall.
"Saan mo gusto pumunta, mommy."
"Parang may gusto akong bilhin na bag."
"Sige. Ako na ang magbabayad." Tiningnan siya nito.
Malawak ang ngiti niya na naglabas ng credit card.
"Kanino galing 'yan?"
"Advance gift sa 'kin ni kuya Andrei."
Tumawa lang ito. May credit card 'din ito na galing sa daddy niya na hindi naman pinutol ng daddy niya kahit naghiwalay na ito.
Hindi pa kasama doon yung ilang milyon na binigay ng Daddy niya ng maghiwalay sila ni Mommy.
Hinatak na niya ang ina sa sikat na bilihan ng mga mamahaling bag. Nang makapili ito ay sumunod naman nilang pinuntahan ang department store. Habang nag titingin-tingin ang ina. Siya naman ay nagsusukat din.
"How about this one mo–" naputol ang sasabihin niya. Biglang nawala ang mommy niya.
Nang maramdaman niyang may nakatingin sa kanya. Paglingon niya. Isang dipa nalang ang lapit sa kanya ng hindi niya kilalang lalaki. Matangkad ito at nangawit ang leeg niya sa pagtingala dito.
"Hi, miss,"
Parang gusto niyang matawa. Hindi niya alam kung siya ba ang kausap nito.
"A-ako ba 'yung kausap mo?" sabay turo niya sa sarili.
He had those sexy smile plustered on the lips.
"Wala naman akong ibang nakikita na kasing ganda mo miss."
Hindi na talaga niya napigilan na hindi matawa.
Oo nga pala, madalas ay hindi agad nalalaman na hindi siya tunay na babae. Dahil para na 'rin siyang tunay na babae kung manamit, the way na maglagay siya ng make-up. Hindi 'rin malagum ang boses niya. Hindi 'rin siya mukhang 16 yrs old dahil matured ang mukha niya.
"Thank You," Nahihiyang sabi niya.
"Chris, by the way." pakilala nito sabay lahad ng kamay. "Hindi mo ako nakikilala, but I saw you sa kasal ng kapatid ko.
Kumunot ang noo niya. Nang maalala niya na naimbitahan pala sila ng mommy niya sa kasal ng anak ng amiga nito.
"Ah, oo." Hindi niya alam na kapatid ito ng bride, hindi kasi siya masyadong nakikipag halu bili sa mga guest at nasa dulo lang siya ng reception.
Tinanggap niya ang pakikipagkamay dito.
"Alexa."
"Let me treat you to lunch, kung okay lang?"
"Huh?" Hindi niya alam ang isasagot dito.
Napansin niyang nasa malapit lang ang mommy niya. Nakangiti ito habang nakatingin sa kanya.
"S-sige. Pero hindi ako nag-iisa. Kasama ko 'yung mommy ko."
"No problem," Nakangiting sabi nito.
Lumapit ito sa kanyang ina. "Okay lang po ba maam kung yayain ko kayo ng anak niyong kumain?"
"Sure. Tutal doon din naman ang tungo namin ng anak ko."
Dinala sila nito sa mamahaling french cuisine restaurant. Katabi niya ang ina samantalang kaharap nila si Chris.
Tumawag na ito ng waiter na ang agad naman lumapit sa kanila.
Nabigla siya ng mamukhaan ito.
Aki... mahinang sabi niya sa pangalan nito.
Mukhang nagulat din ito ng makita siya.
"Dito ka pala nagtatrabaho, Aki? Bakit hindi ka nalang sa cafe ko," biglang nagsalita ang mommy niya.
Hindi niya alam na umalis na pala ito sa Restaurant na nagawa pa niyang bilhin para ma-stalk lang niya. Kuya Andrei niya ang nagpapatakbo ngayon ng Restaurant dahil obviously baka bumagsak lang 'yun.
Napakamot nalang ito ng ulo. "Salamat po sa alok, tita." Pero sa kanya ito nakatingin.
Teka, bakit parang kung titigan siya nito para siyang may nagawang mali.
Nakangiti ito pero naniningkit ang mga mata. Parang nang-aakusa.
Pero kahit ganun ang gwapo nito sa paningin niya. Ang neat nito at formal sa suot na uniform. Maayos na nakasuklay at Ma-masa masa ang buhok nito na marahil sa gel.
Mabilis na inagaw niya dito ang menu. Nagkunwaring tumitingin siya sa mga nakasulat, sandaling sinilip niya ito. At hindi pa 'rin nito inaalis ang tingin sa kanya kaya binalik agad niya ang tingin sa menu.
" One Soupe à l’oignon, and one Salade Niçoise and Flamiche."
"How about you, Alexa?"
"Huh?" Napatanga siya. " C-Chocolate soufflé and Steak Tartare ang sa 'kin."
Nakita niyang nililista ni Aki ang order niya at sa mommy niya. Pagkatapos ay umalis na ito.
Tumagal ng ilang minuto bago na-i-serve ang mga order nila.
Masaya kausap si Chris, napapatawa nito ang mommy niya sa mga kwento nito. Kinda reminds him of Kuya Andrei. Laging may mga baon joke. Kinuwento din nito na nagtapos ito ng kursong architecture. Kahit wala siyang maintindihan sa sinasabi nito dahil panay ang silip niya sa unahan ng cashier.
Paano kanina pa niya napapansin na hindi inaalis ni Aki ang tingin sa puwesto nila.
Problema ba ng lalaking 'yon?
Umiling siya.
"Bakit Alexa? hindi mo ba gusto 'yung in-order mo?" biglang tanong sa kanya ni Chris.
Umiling siya. "Hindi. Actually masarap siya may bigla lang akong naalala."
Napayuko siya.
Napansin niyang tumatawa lang sa tabi niya ang mommy niya.
Ngumiti lang ito na ginantihan din niya ng ngiti.
Nang silipin niya si Aki sa pwesto nito ay napansin niyang wala na ito. Hinanap pa niya ito ng mata niya pero hindi na niya nakita ito.
Hanggang sa matapos at nagpaalam na sa kanila si Chris. Nag-alok pa nga ito na ihatid sila hanggang sa bahay pero tumanggi na siya.
Buong araw na ginulo ni Aki ang isip niya.