CHAPTER TWO

1677 Words
"MAGANDA SI Alexa di halatang bakla. Kung hindi ko lang alam na pinsan siya ni Megan iisipin kong magkapatid ang dalawang 'yun. Pero hindi ko alam na ganu'n ang tipo mo pare," sabi sa kanya ni Ristan. Na inakbayan siya. Tiningnan niya ito ng masama. Tumaas ang dalawang kamay nito. "Relax, wala naman akong ibig sabihin, dun." Naroon pa 'rin sa mukha nito ang nakakalokang ngisi. Siniko ito ng katabi nitong si Marlon. Ngayun wala na si Andrei kaya malakas na ang loob nito na magsalita ng hindi maganda sa kapatid ng kaibigan niya. Before him, Andrei was the team captain. Pero nagpatuloy pa 'rin ito. " Si Wendy, Captain; maganda, sexy at campus queen. Matagal ng nagpapansin sa 'yo yun, ah. Kung ako sa 'yo sunggaban mo na." Napatingin sa kanila ang ibang naroon sa locker, karamihan mga kasamahan niya sa laro at Business Ad department. Masamang tingin ang pinukol niya sa mga ito. "Malaki ang lamang ni Alexa doon. Pera, tanga! P.E.R.A , " tumatawang singit ni Jake kasamahan niya sa laro. Lalong nag-init ang ulo niya. "Kahit 'yang girlfriend mong si Megan walang binatbat sa yaman ng pamilya ni Alexa." Padabog na sinara niya ang locker at nilapitan ito. Binigyan niya ito ng isang malakas na suntok at napasadsad ito sa sahig. Mabilis na tumayo ito at ginantihan din siya ng suntok. "Tama na 'yan!" sigaw ni Harold na pumagitna sa kanila. Masamang tingin ang pinukol niya dito bago dumiretso sa shower room para kalmahin ang sarili. Hindi niya alam but when it comes to Alexa he couldn't hide his emotion. Tulad ni Andrei na overprotective pagdating sa bunsong kapatid nito he wanted to do the same for Alexa, ayaw niyang makarinig ng hindi maganda tungkol dito. Unti-unting kumalma ang pakiramdam niya ng masayaran ng malamig na tubig ang katawan niya. Napahawak siya sa kwintas na my singsing na nasa leeg niya. Lagi niyang suot ito at hindi niya kailanman hinubad. Napangiti siya. It was the only gift that Alexa gave to him when he was nine. A cute familiar face of a nine year old Alexa, flash his mind. "I want to marry Kuya Aki, when I grow up, but for now accept this gift as a sign that you will be the first and most important man in my heart!" sabay yakap ng maliit na katawan nito sa kanya. "Hindi ba dapat ako ang magbigay ng gift sa 'yo dahil birthday mo," nakangiting niyuko niya ito. "Hey! You told me I was the first important man? Why it turns out to be Aki now," singit ni Andrei at binuhat ito. "But Kuya Andrei. Why you look sulky? Ofcouse you are the first and most important kuya to me." At hinalikan nito sa pisngi si Andrei. Naputol ang pagbabalik-tanaw niya ng sunod-sunod na katok. "Captain. Pinapatawag kayo ni coach. Puntahan niyo nalang daw siya sa 105 room building." Pagkatapos patayin ang shower at magbihis, lumabas na siya. Naroon pa ang ibang mga ka-team niya. Pero dahil tapos na ang laro nila ngayong araw nagpulasan na ang iba sa mga hinandang activity ng school. Basa pa ang buhok niya ng dumiretso sa nasabing room building. Kinausap lang siya saglit ni couch at pinaalis na 'rin. Naisipan niyang pumunta sa hinandang booth ng mga senior high. Unang hinanap ng mata niya ang hinanda ng section ni Alexa. Nagbebenta ang mga ito ng mga pre-loved items na ang perang malilikom ay ido-donate sa napiling foundation na sinusuportahan ng school. Kanina pa siya nakamasid pero hindi pa 'rin niya makita ito kahit ang kaibigan nito. Naisip niyang tanungin ang isa sa mga kaklase nito. "Kanina pa nga po hindi bumabalik si Alexa. Pinahanap na namin siya kay Kate, ngayon silang dalawa naman ang nawawala." Sinubukan niyang tawagan ito, pero hindi nito sinasagot ang tawag. "Kitang-kita ko may pinag-ti-tripan na raman si Megan at mga barkada niya," rinig niyang sabi ng isang estudyante. Bumibili ito ng milktie na katapat lang ng booth nila Alexa. "Paano nakapasok 'yun eh suspended ng isang buwan." "Hindi ko alam. Pero hindi ako pwedeng magkamali sila yung nakita ko sa likod ng building." Hindi maganda ang kutob niya kaya umalis na siya sa lugar na iyon. Pinuntahan niya ang likod ng building ng mga senior high. Natatandaan niya na madalas tambayan ito ng mga estudyante. Nag tanong tanong na 'rin siya sa mga nakatambay doon pero hindi nito nakita si Alexa at kaibigan nito. Then something caught his eye. Pandora bracelet Kilala niya kung kanino ang bagay na napulot niya, kay Alexa. * * * * * NAGISING si Alexa sa hindi pamilyar na silid. "Alexa anak, kamusta ka na?" "Mommy... What happened? Si Kate, nasaan?" Akmang babangon siya ng pigilan siya ng mommy niya. "Walang masamang nangyari kay Kate. Ipanatag mo ang loob mo. Nandu'n siya sa kabilang silid at binabantayan ng kuya Andrei mo. Pero pwede ba ipaliwanag mo sa 'kin kung paano kayo napunta ni Kate sa abandonadong building ng school." Umiling siya. Hinawakan ang naka-bandage na ulo. Wala siyang matandaan maliban sa matigas na bagay na humataw sa ulo niya. Pero bago 'yon--- Tumingin muna siya sa ina saglit. "S-sorry, mommy... h-hindi ko po talaga matandaan," pagsisinungaling niya. "Ahh! Sobrang sakit." Umakto siyang sumasakit ang ulo. Alam niyang mas makakabuti na hindi sabihin sa ina na si Megan ang may pakana para hindi na ito mag-alala pa. Sigurado siyang susugurin nito si Megan at tita Megumi sa mansyon kung saan nang umalis sila ng mommy niya ay doon na ito tumira. Masyado ng nasaktan ang mommy niya at ayaw na niya itong ma-stress pa. "Sige. Magpahinga ka nalang," anito na hinalikan siya sa noo pagkatapos ay tuluyan ng lumabas ng silid. Ilang minuto palang na nakaka-alis ang kanyang ina ay siya namang bukas ng pinto. "K-kuya Aki?!" namumulang nag-iwas siya ng tingin. "Anong ginagawa nito dito?" Naramdaman niyang umupo ito sa tabi niya. Pero hindi pa 'rin siya humaharap dito. Simula ng ma realize niya na nagkakagusto siya sa kaibigan ng kuya niya, hindi na niya ito matingnan sa mga mata. Natatakot siya na baka layuan siya nito kapag nalaman nitong may pag tingin siya dito. Pero alam niyang normal lang na niyayakap at hinahalikan o kinukurot siya nito sa pisngi kahit noong bata pa siya. Para daw siyang manika. Malabong magustuhan siya nito. Tumaas ang baliho niya at nag-init ang buong katawan niya nang maramdaman ang mainit na labi nito na dumampi sa tenga niya. Hindi pa 'rin siya gumagalaw. "Ku-kuya aki... " Ano ba talagang gustong gawin nito? Ang patayin siya sa kilig. Umusog siya palayo dito pero lalo nitong nilapit ang sarili sa kanya at hindi niya namalayan na nakasampa na ito sa higaan niya. Parang mag sa-summersault ang puso niya sa bilis ng t***k niyon. Napapitlag siya nang bumaba ang labi nito sa leeg niya. Talagang pinag-ti-tripan na siya nito. Pumikit siya ng yumakap ito sa kanya. "Hmnn... You smell nice and warm." Saktong biglang bumukas ang pinto at pumasok ang kuya Andrei niya. Mabilis na naitulak niya si Aki at nalaglag ito sa higaan. Nakunsensiya siya ng makitang dumaing ito. Mukhang napalakas 'ata ang pagkakatulak niya. Umayos siya ng higa at umakto na parang walang nangyari. "K-kuya!" Napansin niyang kumunot ang noo ng kapatid niya pero hindi ito nagsalita. Nilapag nito sa lamesa ang basket ng prutas. Nakahinga siya ng maluwag mukhang wala naman itong napansin. "Kinausap ko si Kate at sinabi niyang si Megan ang may gawa nito sa inyo. Sinabi mo ba kay mama?" Umiling siya "Hindi kuya." "Mabuti. Mas magandang hindi na niya malaman," sabi nito at hinaplos ang pisngi niya. "Para hindi ka na malapitan ni Megan pababantayan kita kay Aki." "What?!" Tama ba ang narinig niya. "Ako nang bahala dito sa kapatid mo," anito na bigla siyang inakbayan. * * * * * "HINDI blessing-in-disguised yon, muntik na tayong masunog ng buhay!" aniya na pinitik ito sa noo. Mabuti nalang at may nakakita na dinala sila ni Kate sa abandonadong school building. Restricted area na ang lugar na iyon dahil nakitaan ng c***k ng lumindol. Hindi siya makapaniwala na binalak sunugin ni Megan at ng mga kaibigan nito ang room kung saan sila kinulong. Hindi nahuli ang mga ito at nakatakas, bukod doon wala si Megan ng binalak sunugin ng mga barkada nito ng building. Hinimas lang nito ang nasaktan noo. "Anong plano mo?" sabay tusok nito ng mga nakahiwang mansanas sa plato na nasa tabi niya. "Plano alin?" kumunot ang noo niya. Hinampas niya ang kamay nito at nilayu ang plato dito. Halos ito na ang nakaubos ng mga mansanas na na nakahiwa sa plato niya, si Aki pa naman ang naghiwa niyon. "Mapalapit sa taong gusto mo," kaswal na sabi nito. "Ay mukhang hindi ka na mahihirapan. Kitang-kita ko mukhang may gusto rin sa 'yo yung kaibigan ni Andrei. Sweet niyo ngang dalawa kanina, eh. Parang kayo lang yung tao sa loob ng kwarto. Kilig na kilig kami ni tita." Umikot lang ang bilog na mata niya sa sinabi nito. "Ganu'n lang talaga 'yon. Sweet." at pa-fall. Sikat at pinagkakaguluhan si Aki sa school. Bukod sa team Captain ito sa basketball. Ang daming magaganda, sexy at higit sa lahat tunay na babae ang nagkakagusto dito. Kabilang na doon si Wendy, ang campus queen at tourism student, na graduating na next year. Kaya hangga't maari umiiwas siya kay Aki alang-alang sa mga fans club nito. Minsan na siyang nakatikim ng masasakit na salita galing sa mga ito. Inabala nalang niya ang sarili sa pagbabasa ng mga stories sa app. Bukas pa siya makakalabas sa ospital samantalang si Kate ay kahapon pa na-discharge dahil hindi naman ito nasaktan. Nang makita nitong hinataw siya sa ulo ay bigla itong hinimatay sa takot. "Sige. Maiiwan na kita," paalam nito. "May date pa kami ng kapatid mo." Tinaasan lang niya ito ng kilay. Malabo. Subsob sa trabaho ang kuya niya. Saglit nga lang siya binisita ng kapatid niya at nagmamadali na 'rin umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD