CHAPTER ONE

1976 Words
"AW! KAWAII ang cute cute talaga ng baby Alexa ko. Look at him ate Megumi, hindi ba para silang pinagbiyak na bunga ng anak mo." Niyakap siya ng mahigpit ng ina matapos ipasuot ang cute na dress na kamukha ng mga damit ng manika niya sa kwarto. Nakailang ulit siyang kinunan ng ina ng litrato. "No. My Alexa much way cuter than her cousin." Sabay bawi nito. Tuwang-tuwa naman siya sa tuwing nagsusuot ng magagandang damit. Nakita niyang umikot ang mata ng Tita Megumi niya sa sinabi ng mommy niya. "Talaga bang okay lang kay Alejandro na bihisan mo nang damit pang babae 'yang anak niyo." "May tagapagmana na siya. Kaya hinayaan na niya ako sa gusto ko," balewalang sabi ng mommy niya. "Pero hindi mo ba naisip na kahihiyan ito sa pamilya natin." Hindi ito pinansin ng mommy niya at nilapitan ang pinsan niyang si Megan at pinagtabi sila saka kinuhanan ng litrato. "Alam ko ang frustration mong magkaroon ng anak na babae. Pero hindi tamang pagsuotin mo ng damit pambabae ang bunso mo at ngayon ay Alexa pa ang tawag mo sa kanya. Talagang wala ka na sa pag-iisip," naiinis na sabi nito. "Come here, Megan. maglaro muna kayo ng pinsan mo sa labas." "Yes. mommy." Wala siyang nagawa ng hilahin siya ng pinsan sa mismong garden nila sa likod ng mansion nila. "Anong gusto mong laruin natin Alex?" naka-pout na sabi ni Megan sa kanya. His mom always told him that he look like his cousin. "Gusto mo ba laro nalang tayo ng manika. Utusan natin si yaya na kunin yung mga manika ko sa kwarto," he suggested. "Yuck! Alexa are you gay?" sabi sa kanya ni Megumi. Sa tabi nito ang mga yaya nila na tumatawa lang sa sinabi ni Megan. "Tsaka bakit nakasuot ka ng damit ng katulad sa 'kin. Hubarin mo nga 'yan hindi bagay sa 'yo!" "P-pero si mommy ang nagpa-suot sa akin nito?" nakayukong sabi niya. "Sabi ni kuya Angelo. Gay daw ang tawag kapag ang lalaki naglalaro ng doll at nagsusuot ng damit pambabae," sabay turo nito sa suot niya. "B-but I love this dress... Mommy buy it to me." Yumuko siya. Sa edad na pitong taon ay aware na siya sa kung ano talaga siya na hindi siya normal sa mga kaedad niya na videogames o laruang baril ang hawak. Samantalang siya mas masaya siya sa paglalaro ng bahay bahayan, patunay na pinagawan pa siya ng malaking dollhouse ng mommy niya. Palagi din siyang nireregaluhan ng manika nito. Natutuwa rin siyang magsuot ng magagandang damit na binibili ng mommy niya sa kanya. And he like how her mom call him 'Alexa' instead of Alex or Alexander. "Diyan ka na nga! Ayokong makipaglaro sa gay!" Nagulat siya ng bigla siyang itulak ng pinsan niya. Bigla nalang siyang napahiga sa lupa. Napangiwi siya. Akmang tutulungan siya ng yaya niya ng pigilan niya. "Kaya ko na po yaya," sabi niya dito. "Pero may sugat kayo!" "Ouch!" Naramdaman niyang tumama pala ang siko niya sa matulis na bato kaya dumugo. May kaunting gasgas din siya sa braso niya. Sinubukan niyang tumayo. Hindi niya gustong maabutan siya ng mommy niya, tiyak na maghi-hysterical ito. Ayaw nitong nakikita siyang nasasaktan. "Ayos ka lang?" anang boses na hindi niya namalayan nakalapit na sa kanya. Nakalahad ang kamay nito. Pinilit niyang tumayo at hindi pinansin ang nakalahad na kamay nito. "S-sino ka? Paano ka nakapasok sa gate?" masungit na sabi niya habang pinapagpag ang nadumihang damit. Napakamot ito sa ulo at nginitian siya ng matamis. Siya naman ang napatanga. "Wow! Sa inyo 'tong malaking bahay," namamanghang sabi nito. "Anong pangalan mo, cute girl?" Dahil matangkad ito lumuhod ito para magpantay sila. "A-alexa..." Napaatras siya ng bigla nitong pisilin ang pisngi niya. Para itong mga kaibigan ng mommy niya pinanggigigilan din ang pisngi niya. "Sensya na mukhang madumi pala itong kamay ko, " nahihiyang sabi nito. "Katatapos lang kasi naming maglaro ng basketball ni Andrei, hindi pa ako nakakapaghugas ng kamay." Sinuklay nito ang kamay sa hindi kababaang buhok. 0 "Kilala mo si kuya Andrei?" Bakit hindi 'ata niya namumukhaan ito. Madalas kasing magdala ng classmate at kaibigan ang kuya Andrei niya. Pero ito ngayon lang niya nakita. "Classmate ko siya. Ngayon lang ako nakapunta sa bahay niya. Kapatid mo si Andrei?" Tumango siya. "Hmnnn... 'di ko 'ata alam na may cute siyang kapatid." Namula ang pisngi niya. Sandaling nakalimutan ang sugat sa siko. "Alexa, Anak!" Napatingin siya sa mommy niya. Agad siyang nilapitan nito gusto sana niyang itago ang dumudugong siko pero huli na at napansin na nito. "Baby, bakit may sugat ka? Tell me sinong nanakit sa princess ko? Yaya bakit hindi mo binabantayan ang alaga mo. " Nagsisimula na raman ang mommy niya. Tinatakot na raman nito ang yaya niya. "M-maam!" Ngumiti na malapad sa mommy niya kahit gusto niyang umiyak. "S-salamat po ito mommy, na–" "Maam, tinulak siya ng pinsan niya." putol ng yaya niya sa sasabihin niya. "Ano kamo?!" tumayo ito. "Who dare to hurt my daughter. Dito kalang anak, at pagsasabihan ko--" "Ayos nga lang po ako mommy!" Napatingin ito sa katabi niya. Nilapitan siya nito at niyakap. "And who is this young Man?" "Classmate po siya ni kuya Andrei." "Ganun ba?" Ngumiti ang mommy niya pagkatapos pasadahan mula ulo hanggang paa ang kaibigan ng kuya Andrei niya. "Akihiro Rosales po maam. 'Aki' nalang po," nahihiyang pakilala nito. "Huwag nang maam, tita Misaki nalang." "Aki..." mahinang ulit niya sa pangalan nito. "Tamang-tama Birthday mo na Alexa next week. Aki punta ka dito sa mansion, huh?" Nahihiyang napakamot ito. "Susubukan ko po'ng makapunta sa birthday nitong cute na kapatid ni Andrei, maam." Sumimangot siya ng kurutin ulit nito ang pisngi niya. Nahihiyang nagtago siya sa likod ng mommy niya. Hula niya ay namumula na ang pisngi niya. "Kuya!" Nagulat siya ng bigla nalang umangat ang katawan niya sa lupa. Mahigpit na yumakap siya sa leeg nito. Sa dalawa niyang kapatid-- ang kuya Andrei niya ang pinaka close niya. Tahimik at masungit kasi ang kuya Alfred niya- his older brother. "Ma! ano na raman ba 'tong pinapasuot niyo sa kapatid ko," reklamo ng kuya Andrei niya pero hindi naman galit. "Why? Are not your sister cute in that dress?" tumatawang sabi ng mommy niya. "Cute?" nagsalubong ang kilay nito. "Oo nah," sumusukong sabi ng kuya niya matapos pandilatan ng mommy niya. "Ouch! Kuya..." daing niya ng masagi ng kapatid ang braso niya. "May sugat ka? Napano 'to?" nag-aalalang sinuri nito ang siko niya. Umiling siya at sinubsob ang mukha sa leeg ng kuya niya. "Naku! Inaway na 'raman ng pinsan niya," sumbong dito ng mommy niya. "Kuya... I want ice cream," paglalambing niya dito. "Sige. Pero gamutin muna natin 'tong sugat mo." Nag-angat siya ng tingin. At hinarap ang kuya niya. "Can I call him Kuya Aki?" sabay turo niya sa kaibigan nito. * * * * * "HUY! BESHYWAP sumisilay ka na 'raman kay crush, ah," tumatawang pang-aasar sa kanya ni Kate. Classmate niya at matalik na kaibigan. Kasalakuyan silang nag-aaral sa St. Isabel University as grade 11th senior high. "Paki mo, huwag ka nga. Hala! Nawala-- Nasaan na yun?" Nalungkot siya ng hindi na niya makita si Aki. Kasalukuyang nasa locker ito at nagpapahinga sa katatapos lang na game nito sa basketball at bilang senior at team captain. Naunang grumaduate ang kuya Andrei niya dito dahil tumigil ito ng isang taon. "Lika na beshy... pag nahuli tayo dito ng mga boys. Nakakahiya... Baka makarating pa 'to sa kuya mo," sabay hila sa kanya ni Kate. Kate and his Kuya Andrei are in a relationship. Wala siyang nagawa kundi lisanin ang locker room ng mga varsity player ng school. "Pero sandali---aw!" Nang sinubukan niyang silipin uli si Aki ng isang beses, nang bigla siyang bumangga at napasubsob sa matigas na hubad na katawan. Amoy pawis, pero hindi mabaho. Parang naghalong amoy ng pawis at pamilyar na pabango. Gusto pa sana niyang magtagal sa malapad na katawan nito kung hindi lang niya narinig ang boses ni Kate. Napasinghap siya ng makilala ang taong nakatayo sa harap niya. Nakatukod ang kanang braso nito sa hamba ng pinto ng lockers room. Sa tangkad nito ay hindi manlang siya umabot hanggang dibdib nito. Wala itong pang-itaas kaya nagpipyesta ang magandang katawan nito sa harap niya and he couldn't take his eye off, from his tough body with muscle arms, his eyes gaze upon those broad shoulders and narrow hips down to... "What brings you here, princess, hmnn..." Napasinghap siya nang isang inches nalang ang pagitan ng mukha nila. Nakayuko na ito sa kanya. Parang hihimatayin siya sa kilig ng maamoy niya ang mabangong hininga nito. "Ah a-ano... a-alis na tayo Kate," nauutal na hinatak niya ang kaibigan na natulala nalang sa tabi. Hindi 'rin niya matagalan ang nakakalokang tingin na pinupukol ng dalawang ka-team ni Aki sa likod nito. Akmang aalis na sila ng kaibigan nang maramdaman niya ang pag-akbay sa kanya ni Aki pagkatapos ay bumulong ito. "Hintayin mo ako sa canteen mamaya..." Hindi siya sumagot at nagmamadaling umalis hatak ang kaibigan. Tumigil lang sila ni Kate ng makarating sa likod ng building. Hinihingal na naupo sila sa lilim ng puno. wala masyadong mga estudyante ang nakatambay sa area na 'to, malamang ay dahil yung iba ay nanonood ng laro at 'yung iba naman ay nasa booth na in-organise nilang mga senior student. Tumakas lang siya at hindi naman niya alam na sumunod sa kanya si Kate. Sobrang bilis pa 'rin ng t***k ng puso niya. "Nakakahiya... baka anong isipin nila," narinig niyang sabi ni Kate sa tabi niya. "Sshh... shut up! Basta huwag mong sasabihin kay kuya ang tungkol dito." Gulat na napatingin sa kanya si Kate. Alam niya na bukod sa kaibigan--ay ito 'rin ang mata ng kuya niya kapag may ginagawa siyang kalokohan lalo na kung involved si Aki. Creepy man pero nalaman ng kuya niya ang ginagawa niyang pang-i-stalk kay Aki kung saan ito pumupunta at kahit noong mga panahon na tumigil ito sa school. Nagawa pa niyang bilhin ang Restaurant sa tulong ng mommy niya, kung saan nagtatrabaho si Aki. Nalaman din niya na kaya tumigil ito sa pag-aaral ay dahil nagkasakit ang ama nito at ito ang nag-alaga sa dalawang maliit pa nito na kapatid. Ang Ina naman nito ay hindi nito maasahan dahil lulong sa pagsusugal. Hindi alam ni Aki pero tinulungan niya ito sa gastusin sa pagpapagamot sa ama nito. Palihim na binibigay niya ang pera kay Tita Elsa na ina nito. Alam niya kasi na hindi papayag ang binata kapag mag-alok siya ng tulong. Kahit ang alok na tulong ni kuya Andrei ay tinanggihan din nito. "Haayy... ang gwapo talaga ni Aki. May girlfriend na kaya siya?" parang sarili lang niya ang kausap niya. Bahagyang nasilaw siya sa araw na tumatagos sa puno. "Tingin mo --- Kate!" Napatayo siya mula sa pagkakaupo ng makita ang kaibigan na tinakpan ang bibig nito. Hindi niya namalayan ang paglapit ni Megan, ang pinsan niya. May mga kasama ito at hawak nito si kate. "Ano na raman ba 'to, Megan!?" sigaw niya dito. Mga bata palang sila ay hindi na sila magkasundo. "Pwede ba bitiwan niyo nga si Kate." Nagulat siya ng bigla siyang sampalin ni Megan. Hindi pa ito nakuntento at inulit pa nito. Halos mamanhid ang pisngi niya sa lakas ng pagkakasampal nito. "Dalhin niyo na 'yan sa napag-usapang lugar." Walang nakakaalam kahit sa school ang pagiging magkapatid nila. Ang alam lang ng lahat maging ng mga nakakakilala sa kanila ay magpinsan sila. Pero si Megan ang bunga ng affair ng daddy niya kay tita Megumi at dahilan ng annulment ng mommy niya. Matanda lang siya ng isang taon dito. Hindi niya alam kung saan sila nito dadalhin pero masama ang kutob niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD