CHAPTER 16
LUCIENNE'S POV
Kabila-kabila ang pinagmumulan ng ingay pero hindi katulad noon ay hindi ko iyon pinagtutunan masyado ng pansin. Sa halip ay magana lang akong kumain habang ang nakaupo sa harapan ko na si Nate ay tuloy sa pagkukuwento.
Nasa food park kasi kami. Hindi pa ako nakakapunta sa kahit isang food park sa tanang buhay ko kaya bago sa akin ang karanasan. Iyon nga lang hindi ko inaasahan ang dami ng tao nang makarating kami sa Barracks.
Park nga self eh. Ano namang ine-expect mo? Kasing tahimik sa museum?
Dahil na rin sa naganap na event medyo lowbatt na ako pagdating sa socialization. Hindi naman kasi talaga ako sanay sa maraming tao. Parte na iyon ng pagkatao ko. Pero dahil mas matindi ang kalam ng sikmura ko kesa sa kagustuhan kong tumakas sa pagharap sa mga tao ay hindi na lang din ako umimik. Nag pokus na lang talaga ako sa gusto kong kainin dahil infernes naman ang dami talagang mapagpipilian sa lugar na ito. Again. Food park nga kasi.
"Kaya sabi ko talaga sa sarili ko hindi para sa akin ang kurso ng engineering. Mahina talaga ako sa Math. I really can't understand people that are good with it. I mean, I get that they're amazing. Talaga namang nakakamangha sila. Pero hindi ko maintindihan kung bakit natutuwa sila sa numero."
Tinanguhan ko siya habang namumualan ang bibig ko sa shawarma na kinakain ko. Mabilis na nginuya ko iyon bago ako nagsalita, "Nakakarelate ako diyan. Noong college ako parang gusto ko ng isumpa iyong nagpauso na lagyan ng Math ang curriculum namin. Kasi 'yung totoo? Bakit kailangan ng algebra eh hindi ko naman iyon kailangan sa pagsusulat? In Math there's a continuous search for Y and X. In my world that's "why" and "Ex". Totally different thing."
"Bakit pa kailangang hanapin kung matagal naman ng nawala?" Natigilan ako sa sinabi ng lalaki dahil ramdam ko na may laman iyon. Mukhang maging siya ay nabigla sa sinabi niya kaya ngumiti na lang siya at inabot sa akin ang fries na nasa tabi niya. "Kain ka pa."
Kumuha ako no'n at kaagad ko iyong sinubo. Nang hindi ako kuntento ay kumuha pa ako ng kumuha at sunod-sunong kong sinubo iyon. Napatigil lang ako nang mapansin kong nakatitig na sa akin ang lalaki. "Ang takaw ko ba?"
He chuckled at my question, "Hindi. Nakakatuwa ka lang kasi panoorin. Ikaw lang ata ang babae na nakasama ko na hindi nangingiming kumain ng kumain. Usually kasi parang nahihiya pa."
Pinaikot ko ang mga mata ko. Seriously, why do women do that? "You know, I really don't understand that. Bakit mo itatago sa ka-date mo na marunong ka rin kumain? It's not like it's a crime to eat. Saka isa pa when you're with someone you're both trying to know more about each other. Kung sa umpisa pa lang ay tinatago mo na ang totoong ugali mo paano na kapag naging kayo na? Kaya nauuwi rin sa hiwalayan eh."
Muli akong kumuha ng pagkain at isinubo iyon. Buti nga sa food park ako dinala ni Nate. Ang tagal ko na rin hindi nakakakain ng ibang pagkain. Kung hindi kasi puro delivery ay ang sarili ko namang luto ang pinagtiya-tiyagaan ko. Makabili nga mamaya ng pwede kong iuwi sa bahay.
"So this is a date then?"
Napatigil ako sa akmang pagkagat sa hawak ko na barbecue. Tumingin ako kay Nate na ngayon ay ngiting-ngiti sa akin. Lumalabas tuloy ang biloy niya sa kanang pisngi.
"Uhh..."
Muling napatawa ang lalaki sa naging pag-aalanganin ko. Hindi naman kasi namin napag-uusapan ang bagay na 'yon. Basta ang alam ko ay magkaibigan kami. Lagi kaming nagkikita, masaya ako kapag kasama ko siya, at mukhang ganoon din naman siya sa akin.
"I'm just messing with you." he said with another chuckle. "Hindi naman ako nagmamadali. Alam kong marami ka pa ring iniintindi."
"Pero nag-iintay ka?" Kusang lumabas ang tanong na iyon sa mga labi ko bago ko pa mapigilan ang sarili ko.
Mukhang nagulat din ang lalaki sa naging tanong ko dahil natigilan din siya. Sandaling nakatingin lang siya sa akin na para bang hindi niya alam kung paano ako sasagutin. Pagkaraan ay sumilay ang maliit na ngiti sa mga labi niya bago siya nagkibit-balikat. "Hindi naman masamang maghintay kung ikaw naman ang hihintayin."
Ilang beses bumuka-sara ang bibig ko. Hindi ko alam ang isasagot sa sinabi niya. Mula kasi nang maging magkaibigan kami...o mas tamang sabihin ay mula nang magkakilala kami ay wala naman siyang pinakita sa akin na hindi maganda. Mabait siya, maalaga, at nakikinig siya sa mga hanash ko sa mundo. Kahit pa nga minsan sabog ang utak ko at kasing gulo ng buhok ko ang mga pinagsasabi ko sa kaniya.
Iyon nga lang pakiramdam ko hindi pa ako handa na palalimin kung ano ang meron kami. Masaya akong kasama siya at nalilibang ako para saglit kong makalimutan ang mga bagay na ayoko na sanang maalala pa. Pero pakiramdam ko takot na ata ang puso ko at hindi pa rin iyon handa na muling magpapasok ng isa pang tao.
Ang hirap kasing subukan na may papasukin ulit sa puso ko ngayong hindi ko alam kung wala na ba roon ang taong unang namalagi roon.
"Lucy?"
Napapitlag ako nang tawagin niya ang pansin ko. Dahil sa bigla kong pagkilos ay tumalsik mula sa kamay ko ang hawak ko na fries. Umangat ang kamay ko para sana bawiin iyon pero malayo na ang narating no'n. Imbis na bumagsak sa sahig ay kamalas-malasan na na-shoot iyon sa kalbong lalaki na nasa kabilang table.
"Hala!" singhap ko.
Napatutop ako sa bibig ko nang makita ko ang piraso ng cheesy fries na dumikit sa ulo ng lalaki na dahan-dahang napalingon sa direksyon namin ni Nate. Napakagat ako sa ibabang labi ko nang makita ko na nagsalubong ang kilay ng lalaki at para bang handa ng manapak.
"Pasensya na pare. Nagulat lang 'tong kasama ko." sabi ni Nate na tinapunan ng nagpapaumanhin na tingin ang lalaki.
Binuka ko ang bibig ko para humingi ng sorry pero sinarado ko lang ulit iyon nang makita kong sa akin naman lumipat ang mga mata ng lalaki na ngayon ay may fries pa rin sa walang buhok na ulo. Pilit na nilunok ko ang tawa na gustong umalpas mula sa mga labi ko. Ang sama ng ugali mo Lush! Ikaw na nga ang namerwisyo!
Tumikhim ako at pilit pinapormal ko ang ekspresyon sa mukha ko. Niyukod ko ng bahagya ang ulo ko, "Pasensya na po."
Saglit na nakatingin lang sa akin ang lalaki na hindi pa rin nagsasalita bago naniningkit ang mga matang pinalis niya ang fries at pagkatapos ay binalik na niya ang atensyon sa mga kausap. Bumaling ako kay Nate at mariing pinagdikit ko ang mga labi ko nang makita ko ang naglalaro sa mga mata niya. Mukhang hindi lang kasi ako ang natatawa sa nangyari.
Idinantay ko ang kanang siko ko sa lamesa at binukas ko ang palad ko para matakpan ang mukha ko nang magsimula ng manginig ang mga labi ko.
Hindi ko naman pinagtatawanan na kalbo 'yung lalaki. Wala namang masama sa kalbo. Hot pa nga kung minsan para sa ibang binabagayan no'n. Pero natatawa lang kasi talaga ako sa kapalpakan ko. Kahit saan kasi talaga ako pumunta imposibleng hindi ko ipahiya ang sarili ko.
"Stop laughing." Nate said while trying to fight his own.
Yumuko ako habang nagsimula ng yumugyog ang balikat ko. Kinurot ko ang sariling hita pero ilang saglit lang ay tuluyan na akong napabunghalit ng tawa. Looks like Nate lost his own battle to the hilarity of the situation when he followed suit.
Tinignan ko sa gilid ng mga mata ko ang kinauupuan ng mamang kalbo at pinanlakihan ko ng mga mata si Nate nang mapansin kong nakatingin na naman sa amin ang lalaki. Pilit pinigilan ni Nate ang sarili pero mukhang maging siya ay nawala na sa katinuan.
Malakas na himapas ko siya sa balikat bago ko nilakasan ang boses ko, "Ano ka ba Nate? Grabe nakakatawa ka! Paano mo namang napagkamalan na tissue ang napkin ng katrabaho mo?"
Tinutop ni Nate ang bibig na mukhang naiintindihan ang ginagawa ko pero imbis na matigil siya ay mas lalo lang iyong nagtulak sa kaniya para hindi makatigil sa ginagawa. Maging ako ay may luha na sa mga mata habang nararamdaman ko na ang panlalambot ng mga kamay ko dahil sa kakatawa.
"Tandaan mo, Nate. Ang tissue pwedeng pamunas sa luha ang napkin pang-"
Kumilos ang kamay ng lalaki at mabilis niyang tinakpan ang bibig ko. Napapahagikhik na hinawakan ko ang kamay niya at inalis ko iyon. Parehas kaming natigilan sa ginawa ko at nakita kong napatingin din siya sa kamay ko na nakahawak sa kaniya.
Mabilis na binawi ko iyon at nag-iwas ng tingin. Tumikhim ako para alisin ang tila ba bara sa lalamunan ko bago wala sa sarili na napatayo ako. "A-Ano...bibili muna ako ng inumin dito ka muna."
Bumuka ang bibig ni Nate para magsalita pero hindi ko na iyon hinintay at nagmamadaling umalis na ako. Pilit iniwasan ko ang mga lamesa ng mga tao na mukhang nagkakasiyahan at lumiko ako para makapunta ako sa gilid. Dumiretso ako sa beverage station kung saan thankfully ay wala pang pila hindi katulad kanina nang makita ko iyon.
"Kuya dalawang bottled of water po-"
Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ay may naramdaman akong bumangga sa akin. Mabuti na lang at nakakapit ako kung hindi ay baka sa lapag na ako pupulutin.
"Isang bucket pa ng beer."
Magkasalubong ang mga kilay na nilingon ko ang pinanggalingan ng boses na sigurado ako na siyang bumangga sa akin. Nakita ko roon ang lalaking kalbo na nasa kabilang lamesa na inookupa namin ni Nate na nakatayo na ngayon sa tabi ko.
Nginisihan ako ng lalaki na para bang nang-aasar bago ako tinignan mula ulo hanggang paa. Hindi pa siya nakuntento dahil hinarap niya pa talaga ang buong katawan niya sa akin at humakbang ng isa dahilan para mas mapalapit siya sa kinatatayuan ko.
"Maganda ka naman pala eh. Tatanga-tanga ka lang."
Nanglaki ang mga mata ko sa lumabas na salita mula sa bibig niya. Sa tanang buhay ko ay hindi pa ako napagsasalitan ng gano'n ng kahit na sino. Lalo pa at nanggaling iyon sa taong hindi ko naman kilala.
Given na ako ang may mali kanina. But is it really necessary to be this crude? "Excuse me?"
"Bakit? Hindi mo alam ang ibig sabihin no'n?" Nilingon ng lalaking kalbo ang kasama niya na halos hindi na maangat ang ulo sa sobrang pagkalasing. "Tanga ka nga talaga."
Napaawang ang labi ko at narinig kong napasinghap ang babae na nasa likod ng counter na bibilan namin. Mukhang maging ito ay hindi makapaniwala sa naririnig mula sa lalaki.
Nagtatagis ang mga ngipin na humarap na lang ako sa babae. "Miss 'yung dalawang bottled water na lang-"
"Kami ang nauna." sabi ng lalaki.
Mukhang hindi na rin natutuwa ang babae sa likod ng counter dahil walang kangiti-ngiting hinarap niya ang lalaki. "Uunahin muna namin si Ma'am. May pila ho tayo."
"Dalawang bote ng tubig lang ang bibilin niyan kami isang bucket ng beer."
"May pila ho."
Napapitlag ako sa pagkagulat nang bigla na lang sipain ng lalaki ang katawan ng stante ng partikular na booth na iyon. "Sabi ng kami ang nauna sa tangang to!"
"Sinong mas tanga sa atin? Pila pa nga lang hindi mo alam kung anong ibig sabihin." Kusang lumabas ang mga salitang 'yon mula sa bibig ko bago ko pa mapigilan ang sarili ko. Halatang lalong sumama ang timpla ng mukha niya sa sinabi ko pero parang nawalan ng preno na nag tuloy-tuloy ako. "Alam mo mas cute ka noong may fries sa ulo mo? Nag mukha ka kasing interesting. Hindi dahil wala kang buhok ha? Hindi naman kailangan ng buhok para maging cute. 'Yung kapitbahay ko dati nanganak walang buhok yung baby niya pero cute naman."
Tulalang nakatingin lang sa akin ang lalaki. Mukhang hindi niya maintindihan kung saan na napupunta ang pinag-uusapan namin. Why am I talking about babies again?
"Anyway, ayon nga. Pwede namang maging cute kahit kalbo. Kahit kalbo na may fries sa ulo. Ang mahalaga talaga personality. Ang kaso kalbo ka na nga pangit ka pa-" tinampal ko ang bibig ko. "I mean kalbo ka na nga pangit pa ng ugali mo."
Sa kakadaldal ko ay hindi ko na napansin ang naging pagkilos niya at kung anong tangka niyang gawin. Kung hindi ko pa narinig ang sigaw ng babae sa likod ng counter ay hindi pa ako makakaatras bago pa ako mahawakan ng lalaki na bakas na sa mukha ang galit.
"Dapat sa mga babaeng katulad mo tinuturuan kung paanong umakto sa harap ng lalaki!" halos nangangalit ang ngipin na sigaw niya sa akin.
Natigilan ako sa sinabi niya bago naguguluhang nilingon ko ang lalaking kasama ni mamang kalbo. "Broken hearted ba si Kuya? Parang ang laki ng galit sa amin ah. May pumatol sa taong 'to samantalang ang pag-uugali ay parang pinanganak siya noong panahon ng bato?"
"Meron namang nagkamali-"
Hindi natapos ng lalaki na mukhang mas kalmado ang sasabihin niya nang singhalan din ito ng mamang kalbo. Muli akong napaatras nang bumaling sa akin ulit ang galit na galit na lalaki. I think it's time to shut up now, Lucienne.
Umangat ang kamay niya at napapikit na lang ako pero bago ko pa maramdaman ang kamay niya sa balat ko ay may kamay na marahan akong itinulak sa tabi bago ako nakarinig ng malakas na sigaw mula sa lalaking kalbo. I opened my eyes and to my surprise I found the bald man on his knees while a familiar figure is towering over him.
Uh oh. I stifled a surprise cry when I heard a loud sound of skin slapping on another. Napakagat ako sa ibabang labi ko nang makita kong napabaling sa kaliwa ang mukha ng lalaking kalbo sa lakas ng pwersa mula sa ginawad sa kaniya na sampal ng pamilyar na pigura. A familiar figure that is no other than...Thorn.
What is he even doing here? Sa dinami-dami ng lugar sa mundo dito pa kami talaga magkikita? At bakit ba ang liit ng mundo para sa aming dalawa?
"Yan ba ang balak mong gawin sa kaniya? Mananampal ka ng babae?"
"Wala kang pakielam-"
Isang malakas na sampal ulit ang pinadapo ni Thorn sa mukha ng lalaki. "Ganito ba? Ganito ba ang dapat ituro sa mga babae kapag nasa harapan ng lalaki? Ganito ba dapat ang ituturo mo?"
Nakangangang pinapanood ko lang ang ginagawa niya. Paulit-ulit niyang sinampal ang kalbo na lalaki na di hamak na mas malaki ang katawan sa kaniya. Habang ang kasamahan naman nito ay halos kaparehas ang ekspresyon sa mukha ko habang pinapanood ang nangyayari sa kasamahan.
"Sagot!" dumadagundong ang boses na tanong ni Thorn.
"What's going on here?"
Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at ang walang kangiti-ngiting mukha ni Nate ang nabungaran ko. Nakatutok ang mga mata niya kay Thorn na ngayon ay hawak pa rin sa kwelyo ang tila wala ng malay na mamang kalbo.
"Umm...I got into a little trouble." I whispered.
"Are you assaulting a man?" Nate asked again.
Automatikong umangat ang kamay ko para hawakan ang braso ni Nate na para bang makakapagpatigil iyon sa kaniya sa pagsasalita. It's not just to stop him from angering Thorn more but also because what he said was absurd.
"It's my fault Nate." I told him but his eyes remained focused on Thorn's back.
Nang mapatingin ako sa gawi ni Thorn ay nakita ko kung paanong basta na lang niya sinalya ang hawak na lalaki bago lumingon sa amin. Nagbabaga ang mga mata niya sa galit nang tumingin siya kay Nate pero mas lalong nagliyab iyon nang dumako sa akin ang paningin niya.
"Next time that you will take your woman on a date, make sure that she's on your eyesight. Kinuha mo ng buo mula sa bahay niya ibalik mo din ng walang galos. Hindi iyong iuuwi mo na may marka na dahil sa kapabayaan mo."
"She's fine-"
"A few moments ago she wasn't."
Animo nagtatagisan ang mga tingin na nananatiling nakapako ang mga mata nila sa isa't isa. Nagpalipat-lipat hindi lang ang tingin ko kundi maging ng babae sa counter at ng kaibigan ng mamang kalbo sa kanilang dalawa habang iniintay na may bumitaw sa kanila sa ginawa. Pero mukhang walang kahit na sino sa dalawang lalaki ang may balak umatras.
It was Nate who spoke first. "She's hardly out of my sight."
"Then why didn't you see what's happening here? This man was about to slap her and where are you?"
"Hindi niya kasalanan, Thorn." singit ko sa pag-uusap nila. Seriously I had enough. Kailangan ba naming gawin talaga 'to rito kung saan ang dami ng taong naaagaw namin ang mga atensyon?
Parang hindi ako nagsalita na nanatili silang nakatingin sa isa't isa. Muling nagsalita si Nate, "I should educate you and tell you that Lucy can handle herself well. She's gone for awhile but I was about to follow. Hindi ko alam kung bago sa'yo ang konsepto na 'yon pero kaya ng mga babae ang sarili nila. I don't need to show a caveman act every time she's a few steps away from me."
"A few steps where she was about to get slapped because you were not there." Bumuka ang bibig ni Nate para sagutin iyon pero inunahan na siya ni Thorn. "Let me educate you. If you're any man at all you will know. You will know that she can handle herself, she can do anything she want on her own, and she can create as many trouble as she want to. But if you're any man at all you'll know that even if she can, even if you trust her that she can do well on her own that you should be damn well sure that she'll do all that safely."
Humakbang si Nate palapit kay Thorn pero hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa braso niya. Nakita kong bumaba doon ang mga mata ni Thorn pero nag-iwas na ako ng mga mata sa kaniya at sa halip ay nag-angat ako ng tingin kay Nate.
"I'm fine, Nate. We should go."
"Not before I put that man in prison."
Nilingon ko ang lalaking kalbo na nakahandusay pa rin sa sahig. Akmang magsasalita ako para sana sabihin na 'wag na iyong gawin pero naunahan ako ulit ni Thorn.
"It's about time na may gawin ka." nagtatagis ang mga bagang na sabi ng lalaki sa direksyon ni Nate.
Halos bumaon ang mga kuko ko sa braso ni Nate nang sa malalaking mga hakbang ay lumapit siya kay Thorn na mukhang handa naman sa balak niyang gawin. Kaagad na hinarang ko ang katawan ko sa pagitan nila bago pa may makakilos sa kanila at pagkatapos ay malakas akong umirit na parang pinupunit na yero.
Dalawang pares ng mga mata ang nagbaba ng tingin sa akin pero namewang lang ako at pinaglipat-lipat ko ang mga mata sa kanila. "Hindi ako marunong sumipol."
"Get out of the way, Lucy." Nate said, clearly not amuse.
"Her name is Lucienne." Thorn growled. And very clearly, he's not even a bit amuse.
Malakas na sinalpak ko ang mga kamay ko sa mga dibdib nila bago ko inulit ang tili s***h sipol ko. "Tama na! Wala akong pakielam kung Lucy o Lucienne o Kokey ang itawag niyo sa akin! For the love of God, just stop!"
Itinaas ko ang mga kamay ko nang mukhang may sasabihin sana sila dahilan para parehas silang mapatigil. I can feel the heat of their stare but do I care?
No.
I had a long day. Ang gusto ko lang kumain at pagkatapos ay matulog. Gusto ko ring bumili ng pagkain na iuuwi ko para hindi na ako magluluto bukas pero mukhang hindi mangyayari 'yon dahil sa dalawang 'to na hindi ko maintindihan kung bakit parang mag-asawang malapit ng mag divorce kung mag-away.
Itinuro ko si Nate at pagkatapos ay pinandidilatan ito ng mga mata na inginuso ko ang lalaking kalbo. "Gawin mo kung anong gusto mong gawin sa kaniya. You can't probably detain him that long but do what you please. I don't care." Hindi ko na siya inintay na may sabihin pa dahil kay Thorn naman ako tumingin. "Really, Thorn, thank you for saving my ass. Pero pwede ba? Go away and let me be!"
Iginala ko ang mga mata ko sa paligid namin ngayon kung saan madami ng tao ang ngayon ay pinapanood kami na para bang palabas kami sa telebisyon. Tuluyan ng napatid ang pasensya ko at sinikmatan ko silang lahat, "Kayo din! Alis!"
"Ako, Ate?"
Bumaling ako sa nagsalita at nakita ko na ang lalaking kasama ng mamang kalbo iyon. Kung hindi ako nagkakamali ay isang bote na lang ang pagkakaiba nila ng kaibigan niyang nakikipag-friends na sa sahig. "Hindi kita kapatid. Mukha na kitang tatay. Kaya 'wag mo kong kausapin!"
Napaatras ang lalaki na bahagyang nanglaki ang mga mata. Mukhang kahit bangenge sa pagkalasing ay hindi pa naman ito baliw para inisin pa lalo ang isang babae na katulad ko na halatang wala ng natitirang kapit sa emosyon.
"Ikuha niyo ako ng taxi!" sigaw ko ulit.
Nagtaas ng kamay ang nanonood lang na security guard na para bang isang mabait na estudyante bago nagmamadaling lumabas para kumuha ng taxi para sa akin. Sa malalaking hakbang ay sumunod ako sa kaniya pero humarang ang katawan ni Nate sa daraanan ko.
"Let me take you home."
Umiling ako at pilit na ngumiti, "I just want to go home. Alone."
"Lucy-"
"Thank you for the dinner. I really am sorry for how things turned out. Gusto ko lang muna mapag-isa."
Para mapagbigyan ko ang sarili ko na buong maramdaman ang mga emosyon na unti-unting gumigising sa akin. I need to be alone inside the safety of my own home so I can let my control go. I can't do it here. Hindi sa harapan ni Thorn.
I tried to bury my feelings for too long but I'm not stupid not to know that I'm not doing to well. Mas lalo ko iyong nakumpirma ngayon nasa harapan ko ang taong akala ko kaya kong alisin sa memorya ko. Isang bagay na alam kong imposible gayong kahit anong gawin ko ay hindi ko man nga lang siya masimulang alisin sa puso ko.
I turned my eyes to meet Thorn's and for one moment...one single moment, I just wanted to get lost in his gaze. Pero hindi pwede. Hindi na dapat.
"Let me educate the both of you. The most important thing that a man can do for a woman in times like this is to ask her first if she's okay. Before anything else."
_____________________End of Chapter 16.