CHAPTER 17
LUCIENNE'S POV
Pabagsak na umupo ako sa sofa at basta ko na lang inihagis kung saan ang hawak ko na bag. Nakatingin sa kisame na inaalala ko ang mga nangyari sa food park. Hindi talaga ako makapaniwala na makikita ko siya ro'n.
It took me two hours before I got home. Imbis kasi na umuwi ay namalagi muna ako sa coffee shop na alam kong bukas pa ng ganitong oras. Gusto ko lang mapag-isa. I just want to recollect myself for a while.
Sa loob ng apat na buwan kahit anino ni Thorn ay hindi ko man lang nakita. Tinanggap ko naman iyon. Alam ko naman na kasi na tapos na kung anuman ang namagitan sa amin. Naiintindihan ko iyon pero bakit kung kailan nagsisimula na akong kalimutan siya ay saka naman siya dadating ulit para lituhin ang puso ko?
Nakakapagod ng magsimula ulit. Uulitin ko na namang alalahanin lahat ang namagitan sa amin para magawa kong ipaintindi sa sarili ko na malaki man ang naging epekto no'n sa akin ay hindi ibig sabihin gano'n din sa kaniya. Hindi ibig sabihin na nahulog ako ay gano'n din ang ginawa niya.
Napatingin ako sa kanan ko nang marinig ko ang pagtunog ng cellphone ko. Napabuntong-hininga ako dahil sigurado ako na si Nate iyon. Malamang gustong siguraduhin kung nakauwi na ba ako ng maayos.
Imbis na kunin ang cellphone ay muli kong ibinalik ang mga mata ko sa pagtingin sa kisame na para bang masasagot no'n ang mga katanungan sa utak ko. Kung bakit kailangan bumalik ni Thorn? Bakit kailangan niyang guluhin ulit ang isip at puso ko? Kung bakit hindi ko mapigilan ang sarili ko na maapektuhan? Kung bakit miss na miss ko na siya?
Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga kasabay ng panlalabo ng mga mata ko. Ikinurap ko ang mga iyon para pigilan ang luha ko sa pagbagsak na nagtagumpay naman ako na gawin. Sanay na ako. Ilang beses na ba ang nagdaan na kailangan kong gawin iyon kada may makakapagpaalala sa akin tungkol sa kaniya?
Muling naagaw ng tunog na nagmumula sa cellphone ko ang atensyon ko. Nakakaramdam ng pagkahapo na pinilit ko ang sarili ko na tumayo mula sa pagkakaupo at inabot ko ang shoulder bag ko. Kinapa ko roon ang cellphone at pagkatapos ay hinugot ko iyon.
Napakunot-noo ako nang makita ko na hindi pangalan ni Nate ang naka-display doon kundi mga numero lang. Binuksan ko ang mensahe at natigilan ako nang maintindihan ko kung kanino iyon nanggaling.
FR: Unknown Number
Are you okay?
FR: Unknown Number
Lucienne, are you okay?
Hindi lang dalawang mensahe iyon. Mukhang kanina pa niya ako minemessage mula nang makaalis ako sa food park. Halos pare-pareho lang ang laman ng mga mensahe. Ilan sa mga iyon ay nagpapakilala siya dahil iba na ang numero na iyon habang ang karamihan sa mga iyon ay tinatanong niya lang ako kung okay ba ako.
Kaagad nanlabo ang mga mata ko ngunit sa pangalawang pagkakataon ay pinigilan ko ang luha ko sa tuluyan noong pamumuo. Halos maramdaman ko ang pagbakat ng cellphone ko sa kamay ko sa sobrang higpit nang pagkakahawak ko ro'n bago ko iyon na malakas na binato kung saan.
Sa isang iglap ay nakatayo na ako at basta ko na lang hinaklit ang bag ko bago tuloy-tuloy na dumiretso ako sa labas ng bahay para tunguin ang kinapaparadahan ng sasakyan ko. Nang makasakay doon ay walang pag a-atubili na pinaandar ko iyon. Mabuti na nga lang at gabi na kaya wala ng masyadong tao ang dumadaan sa bahay kundi ay malamang naatrasan ko ang mga iyon dahil halos hindi ko na tinignan ang likuran at basta ko na lang inatras ang sasakyan.
Nang magawa kong ibaba ang sasakyan sa kalsada ay kaagad kong inapakan ang gasolina para pasibadin iyon. Tutok ang mga mata ko sa daan habang ang utak ko naman ay naka pokus sa iisang lugar.
O mas tamang sabihin na sa iisang tao.
Naririnig ko ang ilang mga sasakyan na binubusinahan ako lalo na at ilang beses na akong nagpapalit ng linya mula ng makarating ako ng highway. Hindi ko akalain na sa ilang taon ko na nasanay na mag "lola driving" o ang mabagal lang na pagmamaneho ay mababali pala ngayon dahil sa galit na nagliliyab sa buong katawan ko.
Nagtagis ang mga ngipin niya nang makalabas siya ng Cavite at nang mamataan niya ang may karamihan na sasakyan sa harapan niya. "Bakit ba laging traffic dito sa MCX?! Expressway tapos traffic? Utang na loob!"
I'm a calm person. Nakakulong lang ako sa sarili kong mundo kaya wala namang kahit na anong dahilan para magkaroon ako ng dahilan para magalit. Pero mula nang dumating si Thorn sa buhay ko ay ginulo na niya ang buong systema ko. Ngayon naman na akala ko ay unti-unti ko ng nahahanap ang ako na malaya mula sa mga emosyon na pilit na humihila sa akin pababa ay ngayon naman babalik siya?
Diniinan ko ang busina nang ilang mga sasakyan ang pilit na humaharang sa akin para hindi ako makaalis sa linya na kinaroroonan ko na katapat mismo ng exit. "Ano walang magpapadaan sa akin? Anong magagawa ko kung dito ang exit ng mga galing Cavite? Papasok ako ng Las Pinas gano'n kasi ayaw niyong magpadaang mga madadamot kayo?!"
Ilang sandaling pakikipagitgitan pa ay nakalusot na ako. Ilang hibla bago makarating sa susunod na exit. Ganoong kadamot ang mga sasakyan na akala mo maaagawan ng daan. Wala namang problema ung magpalipat-lipat ka ng linya. Kung kailangan mo bakit hindi? Lalo na kung iba ang exit mo. Ang nangyayari kasi sa sobrang kadamutan ng mga tao ay lalong nagkakaroon ng congestion sa dulo kung saan dapat lalabas ang mga sasakyan. Nahihinto ang mga nasa likod dahil kailangan na tuloy mag cut ng ilang sasakyan ang dapat papasok sa daan na iyon dahil nga ayaw nilang padaanin.
"Pasok Kuya! Pinadadaan na kita!" sigaw niya nang makita niya ang isang sasakyan na hindi pa ipasok ang maliit niya naman na kotse papasok sa linya na kinaroroonan ko. Samantalang ang laki-laki na ng awang.
Hindi ko alam kung ilang sandali pa ang lumipas. All I'm sure is that it took me half of my the usual travel time to reach the place that I'm so focused to go to.
Nang matanaw ko ang pamilyar na building ay lalo kong inapakan ang gasolina at basta ko na lang iyon na niliko papasok sa entryway ng parking. Hindi na ako nag abala pa na maghanap ng paparadahan at inihinto ko na lang ang sasakyan sa tapat ng pintuan at pinatay ang makina.
Nakita kong lumabas ang guard na nasa lobby pero bago pa bumuka ang bibig niya ay itinaas ko ang kamay ko at walang salitang dumiretso ako sa loob ng gusali. Mukhang nakita niya naman ang madilim kong anyo dahil walang nagawa ang guard kundi kunin ang radiyo niya para marahil alertuhin ang mga nasa itaas.
I entered the elevator and I almost punched a hole on the panel when I pressed the button for the floor I intend to go to. Ramdam ko ang init na nagmumula sa akin habang nakahalukipkip na masamang nakatingin lang ako sa umaandar na numero ng elevator. Kung posible lang siguro ay may literal ng makikita sa akin na apoy sa tindi ng nararamdaman ko na pagkainis.
Kaagad akong napadiretso ng tayo nang bumukas ang pintuan ng elevator. Kaagad akong lumabas mula ro'n. Di kalayuan ay namataan ko ang isang babae na may kausap sa telepono na hawak niya. Hindi ko kailangan maging henyo para malaman na kausap niya ang guard sa baba dahil sa paraan ng pagkakatingin niya sa akin at sa patuloy pa rin na pagkausap sa kung sinuman ang nasa kabilang linya ay parang kinukumpirma na niya na ako ang pinag-uusapan nila.
Hindi ko na hinintay na matapos sa pakikipag-usap ang babae at nilagpasan ko siya. Narinig ko ang pagkilos niya bago ilang sandali ay nasa harapan ko na siya. "Miss Simons-"
"Nasaan si Thorn?"
"Ma'am hindi na ho kasi kayo client ng Dagger-"
"Nasaan si Thorn?!"
Halos mapatalon ang babae nang tumaas ang boses ko. Namilog ang mga mata niya pero bago pa siya makapagsalita ay nakarinig ako ng mga yabag na palapit. Nilingon ko ang pinanggalingan ng tunog at hindi nawala ang inis sa mukha ko nang makita ko na si Trace iyon. Isa sa mga kapatid ni Thorn.
"Lush-"
"Nasaan si Thorn?" ulit ko.
"May problema ba?"
Sa malalaking hakbang ay tinawid ko ang distansiya sa pagitan namin at sinalubong ko ang mga mata niya. "I swear to God, if you make me repeat one more time, Trace."
"I think you need to calm down first. Pwede naman nating pag-usapan kung ano man ang naging problema niyo ng kapatid ko. Why don't we go to the pantry, Lush?"
Mariing itinikom ko ang mga labi ko at hindi na muling nagsalita na nilagpasan ko siya at nagamamadaling tinungo ang mga opisina nila. Madali ko lang naman sigurado mahahanap ang kay Thorn.
Narinig ko ang pagtawag niya sa akin pero hindi ko siya pinansin. Bawat daanan ko ay binubuksan ko ang pintuan. Ilan sa mga iyon ay ang gulat na mukha ng isa sa mga kapatid ni Thorn ang nabubungaran ko pero sinasarado ko lang ulit ang pintuan bago pa sila may masabi sa akin na kahit na ano.
Sa pinakadulo ng pasilyo ay binuksan ko ang huling pintuan. Naningkit ang mga mata ko nang mahagip ng mga mata ko ang name plaque na nakapatong sa desk na naroon. Looks like I found his office.
Pumasok ako sa loob habang magkasalubong ang mga kilay na ginala ko ang paningin ko sa paligid. He should be here. Kung wala siyang case na hawak ay dapat nandito siya at kung meron naman siyang trabaho hindi siya dapat nasa Cavite.
"Lucienne?"
Marahas na napalingon ako sa pintuan ng comfort room ng office ni Thorn. Halata ang gulat sa mga mata niya habang nakatingin sa akin na nakatayo lang sa gitna ng opisina niya.
"Lucienne, what are you doing here?"
"Am I okay?" I repeated.
Bumaha ang kalituhan sa mga mata niya, "Madaling-araw na bakit bumiyahe ka pa papunta rito?"
"Am I okay?!"
Mukhang naintindihan niya na ang ibig kong sabihin nang mapansin niya ang galit sa mukha ko. Lumapit siya sa kinaroroonan ko pero hindi ako umatras kahit na iyon ang inuutos ng buong systema ko. Ang lumayo palayo sa lalaki na alam kong may kakayahan na saktan ako. Saktan ako ulit katulad ng patuloy niyang ginagawa.
"Lucienne-"
Hindi niya nagawang tapusin ang sasabihin nang sa isang iglap ay nakalapit ako sa kaniya. I planted my hands on his chest and pushed him to no avail. He didn't budge and instead he just looked at me with his eyes where I can see his visible pain.
"Am I okay? Iyon ang itatanong mo sa akin? Pagkatapos ng lahat. Lahat ng pinaranas mo sa akin. Iyon ang itatanong mo?"
"I wanted to make sure-"
"Why do you care?!" I screamed those words at him, finally losing the ounce of grip that I have left. Kasabay no'n ay tuluyan ko nang pinakawalan ang mga luha na pilit kong pinipigilan. "Why do you even care when you left me?"
Umangat ang kamay niya na para bang hahawakan niya ako pero automatiko akong lumayo. Binaba niya ang kamay habang muling lumatay sa mga mata niya ang sakit, "Hindi kita iniwan."
Pagak akong tumawa sa sinabi niya, "I woke up and you were already gone, Thorn. You made me feel all those things, made me so much happy that I ever been for years, you made me fall in love, and then you yanked them away. You ripped all those from me when you left me!"
"Hindi kita iniwan!" Dumagundong ang boses niya sa apat na haligi ng opisina pero nanatili ako sa kinatatayuan ko at nakatingin lang sa kaniya. "You made the choice for me. You pushed me away."
"You let me. Dahil iyon naman ang gusto mo di ba? I was just a case-"
"Stop saying that." he growled. "Stop trying to convince yourself that you were just part of the job for me. Alam mong hindi 'yan totoo. Alam mo na higit pa tayo ro'n."
"I don't. That's what we are."
Napasinghap ako nang maramdaman ko ang mga kamay niya na humawak sa mga braso ko. For a moment I felt fear but it vanished as soon as I looked into his eyes. Seeing nothing but pain. No anger. Just raw pain.
"I left because you needed me to."
Sunod-sunod na umiling ako. Sa tingin niya ba talaga ay kaya kong paniwalaan iyon? Kaya kong paniwalaan na hindi siya umalis dahil sa babae na hindi pa siya handang bitawan? "Thorn, ang gusto ko lang matapos na 'to. If you want to stay out of my life then please...please stay of it for good."
"Iyon ba talaga ang gusto mo? Na bitawan lahat ng meron tayo?"
Ikinuyom ko ang mga kamay ko nang maramdaman ko ang pagdagsa ng emosyon sa kaloob-looban ko. Kung paanong parang muling bumukas lahat ng mga sugat na akala ko ay unti-unti ng naghilom sa akin. Pero hindi pa rin pala talaga.
"You left." I whispered.
"You needed me to and I did to prove you that I'm over her. I am done. I want to be with you. I want to see you get excited with little things, to see you wear your outrageous clothes, look at you while you're so absorbed in writing, I want to listen to you as you tell me about the things that matters to you. Gusto kong manatili sa tabi mo dahil lahat ng 'yon ayokong mawala sa akin."
"That doesn't make sense, Thorn."
"Umalis ako dahil iyon ang tama. I needed to see Elisa. She's not my daughter and you know that. Pero kailangan kong malaman kung anong nangyayari sa kaniya. She's sick, Lucienne."
Pakiramdam ko ay panibagong sakit ang pumasok sa puso ko. Dahil alam ko kung ano ang parte ng batang iyon sa buhay ni Thorn. Dahil isang beses sa buhay ng lalaki ay inakala niyang kaniya ang bata. He thought she was his. He even named her because he once thought that she was his daughter.
"Thorn-"
"You said it isn't fair for you to wonder if I will ever choose you. What you don't understand is that there's no choice. Ikaw ang nasa hinaharap ko at matagal ng nasa nakaraan ko si Eloise. What she did and what she took when I found out about Elisa, it's something that won't ever be easy for me to remember. It was f****d up, Lucienne. But she's not part of my present nor will she ever be in my future. Tapos na kami bago ka pa lang dumating sa buhay ko. But I can't convince you to understand that when you're trying your hardest to make yourself believe the worst in us."
Pinahid ko ang mga luha sa mga mata ko pero walang katapusan ang pag-agos no'n. "Hindi mo pwedeng sabihin sa akin na hindi ka naguluhan. That she didn't rattled something in you. You were gone and you didn't come back. Gunter said that you have questions that you want answered-"
"Gunter said s**t. Wala siyang alam dahil hindi siya ang nasa katayuan ako. I know he meant well but I am not him. He got a lot of questions from his past. Mga tanong na hindi niya magawang sagutin hanggang ngayon. I understand that but it doesn't mean it's the same with me. I know that I'm done with Eloise. I don't know her play or why she's trying to get back in my life. Pero tapos na kami."
"Then why? Bakit ang tagal?" Naramdaman ko ang pangangatal ng mga labi ko pero nagpatuloy ako, "Bakit hindi mo ko binalikan agad? Why did you drop the case when I needed you?"
"I went to Eloise to see Elisa. I fixed them up to Dagger's array of connections to get them what they need for Elisa's treatment. She has BMF. Bone Marrow Failure. Pagkatapos no'n hinarap ko si Eloise. Para patunayan sa'yo na tapos na kami. We talked about what happened. About her betrayals. We talked about how she destroyed me. And, yes, Lucienne...she wanted us to have another chance. Pero tapos na ko. What we had is just a part of my past that I can't erase. It's not something that I want or I will ever want again. Hindi dahil kay Elisa kundi dahil hindi ko na makita ang sarili ko na kasama si Eloise. All I can think about in the future is seeing you with your unicorn and mermaid outfits talking about the most random thing." Tuluyan nang dumampi ang kamay niya sa pisngi ko at wala akong nagawa kundi manatiling nakatingin sa kaniya habang pinapawi niya ang luhang dumadaloy pa rin mula sa mga mata ko. "I dropped the case because I don't want you think that that's what we all are. You are more than that to me. You were always been more than that. Sa tingin ko nagsimula iyon sa umpisa pa lang na sigawan mo ako tungkol sa pagkain ng isang galon na ice cream. Or maybe it's the first time I laid my eyes on you and you were obviously trying to imagine me naked."
"S-Stop trying to make me laugh when I'm angry at you."
"I want to laugh and I am still angry at you."
Naguguluhang nag-angat ako ng tingin sa lalaki, "Bakit ka magagalit sa akin? Ikaw 'tong ang tagal nawala?"
"Because you blocked every access I have to you, you didn't listen when I tried to talk to you, and you continue to doubt what we have. Bukod sa problema kay Elisa kailangan ko rin harapin ang nangyayari sa'yo. I dropped the case and transferred it to my brothers but it doesn't mean I wasn't doing anything for you. Kaya nga ako nandoon nang araw na mahuli ang killer. That made me angrier knowing you were put in danger because of Dagger's negligence but it also angered me when I saw that I wasn't long gone and you were already dating."
Nanglaki ang mga mata ko, "Thorn-"
"It's enough that I need to tolerate that boss of yours and now I have another man to worry about. Si Eloise ay nasa nakaraan ko na. Pero si Aquilan at si Navarro? You let them in your present where I should be the only one inside."
Si Nate ang tinutukoy niya sa pangalawang sinabi niya. "Hindi ko sila-"
"That boss of yours with his arms around you and that police officer holding your hands are burned in my brain. They're touching you. They're touching what's mine."
"You didn't call!"
"You blocked me! I tried to reach you but I stopped myself when I saw you with Aquilan. You clearly made a choice and that's not me."
"Then why did you came back?!" I was still shouting and I'm beginning to see that I make no sense.
"Because I didn't want to leave in the first place! I attended your event, acted like a stalker by following you in that food park, then I saw you with him on a date!"
"He's not my date!"
"He's holding your hand!" he bellowed back.
"It doesn't mean anything!"
"It does when he's holding what is mine! When he's holding the woman I love!"
Hindi ko na nagawang makapagsalita nang sa sumunod na sandali ay nakapaloob na ako sa mga bisig niya habang ang mga labi niya ay sakop-sakop ang sa akin. It wasn't like the first time that we kissed. This time I can feel his frustration, his anger, and his longing. His kiss before felt like it was telling me that I am his. But this time his claiming me. Owning me.
Ipinilupot ko ang mga braso ko sa balikat niya habang tila hinihila na idinikit ko ang katawan ko sa kaniya. Narinig ko ang mahina niyang pag-ungol at sa isang iglap ay naramdaman ko na lang na umangat ang katawan ko. Kaagad kong iniyakap ang mga binti ko sa bewang niya nang maramdaman ko na kumilos siya papunta sa kung saan.
Ilang sandali lang ay naramdaman ko ang matigas na desk niya sa likod ko bago niya ako ipinatong sa ibabaw no'n. Narinig ko ang pagkahulog ng ilang mga gamit na mukhang hinawi niya pero hindi ko pinagtuunan ng pansin iyon at sa halip ay nanatili akong nagpapakalunod sa halik niya.
I can feel the lick of flames touching every part of skin. Like it's asking for water and Thorn is the only one that can give that to me.
Our lips moved in perfect sync, firm yet soft, engulfing my entire body with nothing but bliss. Bahagyang nanginig ang katawan ko nang umakyat ang isa niyang kamay patungo sa likod ng ulo ko habang ang isa ay bumaba sa bewang ko hanggang makarating iyon sa aking hita.
My hands, like they have a mind of their own, roamed around his body...trying to search for more heat that I am slowly getting addicted to. Nang maramdaman ko ang mga buton ng damit niya ay isa-isa ko iyong kinalas pero kaagad na pinigilan ng kamay niya ang akin at inilagay iyon pabalik sa balikt niya.
I don't know how long we stayed that way. With my arms and legs around him, his hard bulge creating friction on my softness. I didn't moved away and instead I pulled him closer like we were not near enough. I am new to this but it feels so natural. With him it's like there's nothing for me to be afraid of.
Muling gumapang ang kamay ko patungo sa butones ng damit niya at ng pigilan niya ako ulit a pinaglandas ko iyon pababa ng pababa hanggang sa marating no'n ang harapan ng lalaki.
Mabilis na hinuli ni Thorn ang kamay ko bago marahang pinutol ang halik na namamagitan sa amin. I groan in protest but he didn't claimed my lips again and instead he buried his face on my neck.
"I'm not going to take you right here, baby." he whispered.
"Why?"
Nag-angat siya ng mukha at marahang hinawi niya ang buhok ko na tumatabing sa mukha ko bago bumaba ang daliri niya sa gilid ng pisngi ko pababa sa mga labi ko. "Tempting but our first time won't happen on top of a desk."
Naguguluhang tinignan ko siya, "Kung hindi natin gagawin ngayon then we won't experience make-up s*x. I read something about it and they said it's great."
Sandaling natigilan si Thorn na para bang hindi niya maproseso kaagad ang sinabi ko. Pagkalipas ng ilang sandali ay pinuno ng lalaki ang kwarto ng malakas nitong halakhak. Napasimangot na lang ako ngunit kaagad din iyong napawi nang kintalan niya iyon ng mabilis na halik.
"What kind of books were you reading?" he asked.
"Romance. Para sa research. Gusto kong sumubok magsulat ng romance eh kaso wala naman akong masyadong alam do'n."
"I'll help you with your research."
Ako naman ang natigilan sa paraan nang pagkakasabi niya no'n. Kaagad gumapang ang init sa magkabila kong pisngi na para bang ngayon lang pumasok sa utak ko ang nangyari sa pagitan namin at ang maaaring mangyari sa nalalapit na hinaharap. And the promise of Thorn's help with research. Yum.
"Lucienne?"
"What?"
"Magkakaroon ulit tayo ng pagkakataon para sa...make-up s*x na sinasabi mo." sabi niya.
Pinaikot ko ang mga mata ko. As if posible iyon. Nangyayari lang naman iyon katulad sa mga nabasa ko kapag nag-away ang isang couple at nagbati ulit.
"We'll have more chance in the future to make-up. With the way you over think and-"
Pinutol ko ang sasabihin niya at pinaningkitan ko siya ng mga mata, "So ako talaga ang may kasalanan? Hindi pwedeng tayong dalawa?"
Gumuhit ang ngiti sa mga labi niya bago niya ako hinawakan sa bewang para mas lalong mapalapit sa katawan niya. Sa paraan ng pagkakangiti niya ay para bang sinasabi niya na hindi niya na kailangan i-point out sa reaksyon ko na parang naghahamon na ako ng away. "I'll have my fair share."
"Eh bakit-"
"You make life challenging, Lucienne Simons."
"Ako talaga-"
Hindi ko na nagawang ituloy pa ang mga sasabihin ko dahil sa isang iglap ay muling magkadaop ang mga labi namin. Thorn showed me that he can kiss gentle, he can kiss intensely, and now he's showing me that he can do both.
Research. Yum.
___________________________End of Chapter 17.