CHAPTER 18
LUCIENNE'S POV
Napatigil ako sa pagbabasa nang may mapansin ako. Bahagya kong binaba ang hawak ko na libro habang nakikiramdam. I've been reading for a long time and I'm almost on the first half of the book when I got distracted.
Kunot ang noo na suminghot ako nang parang may kakaiba akong naamoy.
Wait. How long has it been?
Impit na napatili ako at inihagis ko sa sofa ang libro bago ako tumayo at nagmamadaling tumakbo papunta sa kusina. Kaagad kong binuksan ang oven dahilan para kumalat ang usok sa paligid na nagmumula sa loob no'n. Hinablot ko ang kitchen towel na nakasabit sa drawer sa tabi at ginamit ko iyon para mahila ang rack na nasa loob ng oven iyon nga lang ay naramdaman kong dumikit ang kamay ko sa mainit na bagay nang tangkain kong iangat iyon.
"s**t!"
Malakas na tunog ang nilikha ng tray na hawak ko nang basta ko na lang iyon iitsa sa lababo. Pagkatapos no'n ay binuksan ko ang gripo para itapat doon ang kamay ko na nadikit ko sa itaas ng oven nang hilahin ko ang tray.
Nang sa tingin ko ay hindi na umaapoy ang likod ng palad ko ay pinatay ko na ang gripo at binalingan ko ang manok na niluto ko para sa lunch. I thought I'm going to do better this time. I even set an alarm para hindi na mangyari ang kapalpakan ko noon nang minsan akong sumubok na mag roast ng chicken sa oven. I made it so special and now it's ruined! It's supposed to be a Garlic Herb Butter Roast Chicken!
Mas malala pa ngayon ang sinapit nang manok na niluto ko kesa noong unang beses akong sumubok. 'Yung dati kong niluto nasunog lang, itong isang 'to parang na-cremate.
Natigil ako sa pagdadalamhati sa sinapit ng manok ko nang marinig ko ang cellphone ko na tumutunog. Lumabas ako ng kusina at kinuha ko ang aparato na nakapatong sa coffee table para sagutin iyon. "Hello?"
"I'm an hour away but I'm stuck in traffic."
Napabuntong-hininga ako nang marinig ko ang boses ni Thorn. May usapan kasi kami na pupuntahan niya ako sa bahay. I offered to cook lunch for him and he agreed. Dapat pala sinabi ko na lang na sa meryenda na siya pumunta. Banana cake lang sa Carmela's pwede na tapos ako ang gagawa ng juice. May effort pa rin ako.
Now I can't order lunch. Kasi nasabi ko na sa kaniya na ako ang magluluto. "Palpak ang lunch na ginawa ko. My chicken turned out bad."
"I can still eat it."
"I don't think so. This one looks like as if it's been cooked in the fires of hell."
Narinig ko ang pagtawa ng lalaki sa kabilang linya at sa kabila ng iritasyon na nararamdaman ko sa sarili dahil sa kapalpakan ko ay hindi ko mapigilan ang ngiting kusa na sumilay sa mga labi ko. It feels good to talk to him again.
This is the first time that we will meet after what happened in his office four days ago. Siya ang naghatid sa akin sa bahay noon habang ang kapatid niya na si Trace ang nagmaneho ng sasakyan ko. Pagkatapos no'n ay hindi kami nagkaroon ng pagkakataon na magkita ulit dahil kailangan nitong harapin ang mga kailangan asikasuhin sa Dagger. But we stayed connected. He calls me at night when he's about to sleep. Alam niyang gising pa ako sa gabi dahil magsusulat pa lang ako. Then he'll call me during lunch time because he also know that I'll be awake at that time.
"I'll pick you up. We can go to the restaurant near Dagger. It's new." sabi niya nang manatili akong tahimik.
"Ang layo naman. Saka mapapagod ka magpabalik-balik."
"Di 'wag kang umuwi."
Kaagad pumasok sa utak ko ang iba't ibang eksena na nagmula sa namagitan sa amin sa opisina niya. I can still feel the kiss we shared on my lips. "Saan naman ako matutulog? I hate to say this, pero hindi guest-friendly ang kwarto niyo sa headquarters."
He chuckled, "Right. Then we'll stay at my place."
Sa pagkakataon na ito ay iba na ang mga pangyayari na pumapasok sa utak ko dahil ang mga iyon ay nanggagaling na sa librong binabasa ko kanina na naging dahilan kung bakit nakaligtaan ko ang niluluto ko.
I can almost remember the lines perfectly from Maya Banks' Sweet Persuasion. Flesh against flesh. The only sound that echoed through the room was the harsh slap of his body meeting hers and the soft grunts that somehow escaped his tightly closed mouth. He spread her wide as he arched over her one last time.
"We're miles away and I can still hear what you're thinking about."
Napapitlag ako nang muli kong marinig ang boses ni Thorn. Guilty na ngumuso ako kahit pa hindi naman niya iyon nakikita. "I doubt that." sabi ko sa lalaki. "Pero okay lang ba? I mean...I just..."
"May guest room ako, Lucienne. I'm not going to jump you just because you're in my house. We can just watch a movie, talk for awhile, and sleep separately."
"Ay bakit?" tanong ko sa lalaki bago ko pa mapigilan ang sarili ko. Tinampal ko ang sarili kong bibig nang marinig ko ang mahina niyang pagtawa, "F-Fine. I'll pack a bag."
"I'll call the restaurant for a reservation." Thorn said with a smile in his voice. "Why were the lunch got ruined anyway? Anong ginagawa mo?"
"Nag re-research lang."
Namayani ang katahimikan sa kabilang linya nang marahil ay marinig ni Thorn ang pagiging defensive sa boses ko. Ilang sandali itong nanatiling tahimik bago muling nagsalita, "Nang hindi ako kasama?"
Napaubo ako sa narinig na sinabi ng lalaki. Alam naming pareho na iba ang ibig sabihin ng salitang iyon dahil sa nangyari nang huli kaming nagkita. I can feel my face flushing with heat at the thought of what it means to us.
"Ewan ko sa'yo." Iyon na lang ang tangi kong nasabi sa lalaki. "Wag ka munang tumawag ng reservation. Mamaya na pagdating mo rito. Now hang up because you're driving."
"You're bossy."
"Thorn."
"Fine." he said with a chuckle. "I'll see you later."
Nang matapos ang tawag ay binaba ko ang cellphone sa lamesa at naglakad ako para pumasok sa kusina at linisin ang kalat ko. When I'm done, I went up to my room. Mabilis akong nag-shower para maalis ang amoy sunod na kumapit na sa damit ko at pagkatapos ay nag-ayos na ako.
Hindi pa rin ako magaling mag make-up kaya hanggang basic lang ako. I can do my eyebrows now but that's as far as I can do. Thankfully ay marami akong natutunan sa mga reader ko na nakausap ko online. One of them loves make-up and she taught me to do the basic. So now my make up routine is moisturizer, primer, BB cream, cheek and lip tint, mascara, and eyebrows.
Iyon nga lang tamad pa rin akong magsuklay. Lalo ngayon na maikli na ang buhok ko ay pinapabayaan ko na lang 'yon na matuyo. Nakakatamad kasi lalo na at bihira naman akong may puntahan. Kaya pag nasa bahay lang zombie face is life pa rin talaga.
Nang matapos sa ginagawa ay kumuha ako ng bag para maglagay doon ng dadalin ko na mga damit at ilang mga toiletries at make-up. I was about to turn away from my closet when I remembered something. Kaagad kong kinuha ang jacket ko na kapares ng kay Thorn bago ako lumabas mula roon.
I just finished putting on my black denim pants and black blouse with flared sleeves when I heard the doorbell. Nagmamadaling bumaba ako at halos takbuhin ko ang pintuan para magawa kong buksan 'yon.
Bahagya pa akong hinihingal ng bumungad sa akin si Thorn na may maliit na ngiti sa labi na nagbaba ng tingin sa akin. "Hey."
"Hey." he said and pulled something from his back.
Sunod-sunod na napakurap ako nang makita ko ang maliit na unicorn na hawak niya. May hawak iyon na bulaklak na kulay rainbow. Hindi ko ma-imagine na si Thorn mismo ang bumili nito.
"Thanks." nakangiting sabi ko sa kaniya. Binuksan ko ng malaki ang pintuan bago ito muling binalingan, "Pasok ka muna."
Tinalikuran ko siya at tumuloy ako sa sala. Kinuha ko ang libro na binabasa ko kanina at nilagay ko iyon sa tote bag kung saan naroon ang mga dadalin kong damit. Ipinasok ko rin doon ang unicorn na bigay ni Thorn dahil gusto kong dalin iyon. I grab my phone and snatched my shoulder bag from the sofa before I turned to Thorn again. Natagpuan ko siyang pinagmamasdan lang ako sa ginagawa ko.
"What?" tanong ko.
"You look different."
Nagkibit-balikat ako, "May make-up ako."
"Not that. Maganda ka naman kahit meron o wala niyan."
Tinignan ko ang sarili ko. Wala namang kakaiba sa akin. "Hindi pa ako nagsusuklay?"
"Hindi ka naman nagsusuklay kahit noon pa."
Pinaikot ko ang mga mata ko. "Whatever. Ako na ang mukhang mangkukulam."
"Maganda ka pa rin."
Tinikom ko ang bibig ko para pigilan ang sarili kong mapangiti. Masyado na kasing humahaba ang buhok ko dahil kay Thorn. Baka makarating na 'yon sa mga kababaihan na paniguradong pinapantasiya siya. Magbigti pa ang mga iyon gamit ng long hair ko.
"You don't have colors."
Nagtatakang nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "Anong ibig mong sabihin?"
"Your clothes. Hindi na katulad noon. You're not wearing clashing colors or a unicorn and mermaid colored clothes."
Natigilan ako sa sinabi niya. Lahat kasi ng mga iyon ay naitapon ko na. Si Thorn lang kasi ang naaalala ko sa mga bagay na 'yon. I love those though.
"I don't have them anymore, Thorn." I whispered.
"Ako ang dahilan."
Hindi ako sumagot at nakita kong nagbaba siya ng tingin dahil alam niyang ang kasagutan sa likod ng hindi ko pagsasalita.
Bumuntong-hininga ako at lumapit ako sa kaniya, "I'm the same person. Gusto ko rin naman ang mga suot ko ngayon. At least hindi na ako pinagtitinginan ng mga tao."
"You didn't care about those."
"I still don't. Kaya nga mamaya na mamaya rin mag o-online shopping na ako ulit. I mean I can still wear my new clothes when I have an event or I need to go somewhere that I need to wear appropriate clothes. Pero kung gagala lang ako kung saan o mag go-grocery o nasa bahay, I can be comfortable with my colors."
"Lucienne-"
"Ayokong maalala ka. Kasi pag naaalala kita nasasaktan ako. So I changed. I decided to throw away everything that reminded me of you. It isn't right. Hindi dapat ako nagbago dahil lang sa nangyari but that's the only way I know how to cope. And it's not a bad thing. Kasi natuto ako ng mga bagay na ayokong subukan noon."
"I'm sorry." he said in a quiet voice.
"I have a part on what happened to us." sinundot ko ang braso niya at nginitian ko siya. "Hindi naman ako sobrang nagbago. I just opened myself to the world a little. Kaunti lang kasi ayoko pa rin talaga sa maraming tao. I love spending time here in my new home. Kapag nandito ako komportable pa rin ako sa sweatpants at t-shirt. Nagbabalik-loob na rin ako sa pagsuot ng kulay itim. I can now wear them without looking like a being straight from someone's nightmare. Kaya lang naman ako nagsusuot ng makukulay noon ay dahil minsan ng napuna ang pananamit ko dahil mukha raw akong laging a-attend sa lamay." Idinipa ko ang mga kamay ko bago ako nag peace sign sa kaniya na para bang isa akong anime na babae na nag po-pose para sa poster. "I'm still Lucienne but I'm still getting to know her and I'm accepting those that I'm beginning to learn about her."
Umangat ang kamay niya at nilaro niya ang ilang hibla ng buhok ko sa pagitan ng mga daliri niya. "I want to know her too."
I smiled at him and he looked down at me as if he's trying to memorize it. Ako na ang unang nag-iwas ng tingin dahil pakiramdam ko ay natutunaw ako sa pagtitig niya. Binitbit ko na ang mga gamit ko pero kinuha niya lang sa akin ang tote bag at iminuwestra ang kamay na mauna na ako. He's always a gentleman.
"Let's go. We can talk about your research on the way."
Yep. He's a gentleman. Pero medyo bastos. Yum!
********************************************
HINDI KO MAPIGILAN ang mapahikab nang makapasok kami sa loob ng building ng Dagger at tumuloy sa elevator. Naramdaman kong pumaikot sa bewang ko ang braso ni Thorn at kusang napadikit ako sa kaniya na para bang natural na natural iyon sa akin.
Dahil na-traffic kami ay hapon na kami nakarating sa restaurant na sinasabi niya. Mabuti na lang at pumayag naman ang manager ng Lotus Avenue para bigyan pa rin kami ng table. Thorn and I enjoyed the food but I enjoyed talking to him more.
"Sleepy?" he asked.
"Medyo. Pero okay lang. Pwede naman ako mag-intay sa lobby habang kausap mo ang client niyo."
"We have a room."
"I hate Dagger's rooms." nakangiwing sabi ko sa kaniya. "Okay lang talaga ako sa lobby."
"My sofa is more comfortable. You can stay with me."
Kaagad nag-init ang mukha ko dahil alam ko kung gaano kakomportable ang sofa sa office niya. I'm well acquainted with it since I spend time there...with Thorn. Yeah right. Mas tumagal kang nakaupo sa kandungan ni Thorn kesa ang umupo sa sofa niya.
Pinilig ko ang ulo ko para maitaboy ang nasa isip ko bago ako nagsalita, "Okay."
Naglalaro ang amusement sa mga mata niya nang magtama ang mga paningin namin. Katulad ng dati ay para pa rin niyang nababasa ang mga tumatakbo sa utak ko.
Bumuka ang mga labi ko para sana pagtakpan ang pangmamanyak na ginagawa ko sa kaniya sa isip ko nang hindi matuloy iyon dahil sa pagbukas ng elevator. Kaagad naagad ng pansin ko ang kinaroroonan ng isang babae na kausap ni Trace. The woman looks like as if she will have a panic attack any moment. Wait. Bakit parang kilala ko siya?
"Lia, just stay. Pwede kong tawagan si Gunter. Patapos na siya sa isa niyang case kaya kung may problema ka talaga-"
"No. It's okay. I have a security team. Napadaan lang ako talaga kasi may pinuntahan ako na malapit dito."
"Lia-"
"It's a mistake, Trace. I shouldn't have come here. Please...'wag mo na lang sabihin kay Gunter." sabi ng babae bago umatras.
Hindi na niya hinintay ang iba pang sasabihin ni Trace at tumalikod na siya. Nagmamadali niyang tinungo ang kinaroonan namin at dahil kalalabas lang namin ng elevator ni Thorn ay nakaharang kami sa daraanan niya.
Nanglaki ang mga mata ko nang mag-angat siya ng tingin sa amin. She looks like a princess straight out of a book— No. She simply looks like she's a princess that came out of her ivory tower to glimpse at her people. There's an air around her that feels different.. as if the air won't exist without her approval.
Maliit lang siya, petite, may mahabang buhok na kulay brown but with lighter shades that looks natural, porcelain skin, long lashes, full lips, and her light brown eyes are strikingly beautiful. Despite her small frame she looks like as if she can command thousands of her army to do her bidding. There's something...regal about her. I know her!
Saglit lang akong tinignan ng babae dahil kaagad lumipat ang atensyon niya kay Thorn. Lalong namutla ang mukha niya bago nagmamadali kaming nilagpasan para pumasok sa elevator. Umikot ako para lingunin siya pero pinigilan ako ni Thorn sa pamamagitan ng paghapit sa akin palapit sa katawan niya.
"That's Lia Asterio! The musical prodigy!" I exclaimed.
"She is. She's also the person who broke my brother's heart." Thorn said.
Napanganga ako at nilingon ko si Trace na nakatingin sa ngayon ay nakasarado ng pintuan ng elevator. "Ex-girlfriend mo si Lia Asterio?!"
Tumingin sa akin si Trace at kumunot ang noo niya na parang naguguluhan siya. Pagkaraan ng ilang sandali ay naningkit ang mga mata niya. "Bakit parang hirap na hirap kang paniwalaan?"
"Weh? Ikaw talaga? Bakit?"
Tumingin si Trace kay Thorn bago nagsalita, "Ayusin mo 'yang girlfriend mo Kuya at baka ipakagat ko 'yan sa aso ko."
"You're midget dog won't even scare a three year old child."
Lalong nalukot ang mukha ng nakababatang kapatid ni Thorn. "For your information, Pochi is fierce!"
Napahagikhik ako nang talikuran na niya kami at nagmamartsang tinungo ang sarili niyang opisina. Pang-lima sa magkakapatid si Trace pero pagdating sa ugali ay para ito ang bunso. O pwede silang maghati ro'n ni Domino.
"Pochi?" natatawa pa rin na sabi ko kay Thorn nang igaya niya ako papunta sa opisina niya.
"She's a West Highland Terrier. Ireregalo niya dapat sa babaeng nililigawan niya noon. Iyon nga lang turns out the woman he's trying to charm so he can get inside her pants is a lesbian. Hindi na niya naibalik 'yung aso dahil naawa siya. Pochi mastered the puppy dog eyes so he can't win there."
Hindi ako makapaniwala ang maton na lalaki ay makakapag-alaga ng maliit na aso. Small dogs looks so fragile. Small but terrible nga lang. Ang iingay kaya ng mga maliliit na aso. Saka nabasa ko noon. Mas may chance pa namanakmal ang maliit na aso katulad ng chihuahua kesa sa malaking aso katulad ng labrador.
"So Lia Asterio?" I said to Thorn once we were inside his office.
"Gunter's ex."
Napanganga ako sa sinabi niya. Kaya naman pala ang daming hugot sa buhay ni Gunter. Base na rin sa reaksyon ng babae kanina ay mukhang may malalim talaga na nangyari sa pagitan ng dalawa. She looks scared.
Umupo ako sa sofa habang si Thorn naman ay lumapit sa desk niya. Pilit na nag pokus ako sa pinag-uusapan namin kahit na may ibang umuukilkil sa utak ko habang nakatingin sa desk ng lalaki.
"Napakinggan ko na ang ilan sa mga kanta niya. She's great."
"Probably. But a shitty girlfriend."
Natigilan ako, "Hindi mo siya gusto?"
"I don't like anyone that hurt one of my brothers or my sister."
Kumurba ang ngiti sa mga labi ko sa sinabi niya. Panganay si Thorn sa magkakapatid. Isa pa nasa personalidad na niya ang pagiging responsable. He never takes things lightly. Kaya hindi na nakakapagtaka na protective din siya pagdating sa mga kapatid niya.
"Alam mo kung naging kapatid kita ang swerte ko siguro."
"I'm your man and that's better than having me as your brother."
"Bakit?" tanong ko sa kaniya habang pilit iniignora ang una niyang sinabi.
"I don't kiss my siblings and I have no plans to do the kind of research I intend to do with you with them. Sa'yo may balak ako. A very intensive one."
Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Noong college ako hindi ko inaatrasan ang mga output na kinakailangan kong gumawa ng mahabang research. But it's not my favorite thing to do. Pero ngayon pakiramdam ko kung parte ito ng Thorn Curriculum, I will probably ace this subject.
Umangat ang sulok ng labi ng lalaki bago niya binuksan ang computer na nasa harapan niya. Kailangan niya kasing makausap sa video call ang kliyente nila. Hindi naman nagtagal ay pumainlang sa paligid ang boses ng isang tao mula sa desktop sa harapan niya.
Nangalumbaba ako habang pinapanood ko siya sa ginagawa niya. He's back to the serious Thorn that I'm well acquainted to. Ganoon kasi siya sa akin noong simula. But now I can see the difference. Mas nagiging palangiti na kasi siya ngayon at palatawa. O dahil komediyante lang kasi talaga ako.
Napapitlag ako nang marinig ko ang pagtunong ng cellphone ko hudyat na meron akong text message. Nagpapaumanhin na tinignan ko si Thorn bago ko binuksan ang bag ko para kunin ang phone ko at i-silent iyon. Pero bago ko magawa iyon ay nahagip ng mga mata ko ang mensahe na galing kay Nate.
Nagtataka man ay binuksan ko iyon at nagsalubong ang mga kilay ko sa nabasa kong nakasulat sa mensahe niya.
FR: Nate
Where are you? Are you okay? Tinatawagan na ng
mga kasamahan ko si Magnus Aquilan. Please tell
me you're okay.
Bago ako makasagot sa kaniya ay bumalibag ang pintuan ng opisina ni Thorn nang pumasok doon ang nagmamadali na si Trace. Kaagad siyang lumapit sa media cabinet na nasa isang bahagi ng opisina. Sa taas no'n ay may malaking TV. Kinuha niya ang remote at binuksan niya iyon.
"Mr. Garcia, we have a situation. I'll send you the files that you need." Kaagad nagpaalam si Thorn sa kausap bago siya humarap sa kapatid. "Anong nangyayari?"
Imbis na sumagot si Trace ay nilipat niya ang channel sa TV. Napako roon ang atensyon namin ni Thorn nang makita namin na may binabalita tungkol sa nangyaring krimen kumakailan lang.
Napatutop ako sa bibig ko nang maintindihan ko kung ano ang nangyayari. The newscaster is reporting a crime about a body that the police found in Cavite. Nagsitaasan ang mga balahibo ko nang makita ko ang mga naka-black and white na litrato.
Nagawa ng ma-identify ng pulisya ang biktima at ngayon ay may larawan ng lalaki na makikita sa screen ng telebisyon. Kilala ko ang lalaki. I knew him because it was the man at the food park. Next to that image is a close-up picture of a symbol found written on his body. The same symbol that the police found on a lot of victims before.
My signature.
________________________End of Chapter 18.