CHAPTER 19
LUCIENNE'S POV
Isang umuusok na tasa ng tsaa ang ibinaba sa harapan ko dahilan para mapaangat ako ng tingin. Ang maamong mukha ni Nate ang sumalubong sa akin. Halos isang oras na ang nakararaan ng dumating siya kasama ng iba niyang kasamahan sa pulisya. Kausap nila ang team nila Thorn kanina sa conference room habang ako ay nanatili na lang sa opisina ni Thorn.
"Salamat." sabi ko sa kaniya at pilit an ngumiti. "Tapos na kayo?"
Umupo siya sa tabi ko bago napapabuntong-hininga na umiling. "Hindi pa rin."
Pinagsalikop ko ang mga kamay ko nang maramdaman ko ang panginginig ng mga iyon. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari. Akala ko bumalik na sa normal ang lahat. Akala ko tapos na ang lahat ng bangungot na dumating at yumanig sa tahimik ko na buhay. Pero hindi pa pala.
The man on the news was no other than the man we met on the food park. Ang sabi nila Nate ay isang-araw lang nila nagawang i-detain ang lalaki dahil hindi naman malala ang ginawa nito. Nate wanted him to stay for awhile in prison but he can't do that. Kaya pinalipas na lang nila ang pagkalasing ng lalaki sa pulisya bago nila pinakawalan nang mag-umaga.
He said that the man was apologetic. May pinagdadaanan lang dahil nagkaroon ng problema sa misis niya. He even asked how to contact me so he can say sorry. But now he's dead. Gano'n din ang taong sumuko na nagsabi na siya ang pumapatay. Someone killed them.
And that someone knows my every move. Someone that is following me.
Kaya natatagalan sa pag-uusap ang team ni Nate at ng Dagger. Kailangan nilang makuha ang CCTV footage ng mga lugar na pinuntahan ko lalong-lalo na sa food park para magawang makita kung sino ang laging naroon sa bawat puntahan ko.
"How can this be possible, Nate?" I whispered.
"I don't know, Lucy. I wish I can give you answers. Ang alam ko lang gagawin namin ang lahat para masiguradong magiging ligtas ka." Ginagap ng lalaki ang kamay ko at marahang pinisil iyon. "Gagawin ko lahat para masigurong hindi ka mapapahamak."
"But how about those people? Who would protect them?"
"Lucy-"
"Kasalanan ko lahat ng 'to."
Hinila ko ang kamay ko na hawak niya at inangat ko ang dalawa kong kamay para isubsob doon ang mukha ko. "Hindi mo kasalanan. This is the fault of a crazy sick-f**k. Lahat ng ginawa niya ay kasalanan lang niya."
Naiintindihan ko iyon noon pero ngayon para gusto ko ulit kwestiyunin kung totoo nga ba na wala akong kasalanan. How can I tell that to myself if all these things won't happen if not because of me? Sa akin lahat nagsimula.
Hindi ko maintindihan kung bakit ako. Kung bakit kailangan na mangyari 'to sa akin at sa lahat ng mga taong nadadamay. Hindi ko kailanman ginusto na mangyari ito.
"Lucy, wala kang kasalanan."
Umayos ako ng upo at sumandal ako sa sofa dahilan para mapasandal ako sa nakaunat na braso ni Nate. I didn't move away. Sa loob ng apat na buwan siya ang madalas kong nakasama. Kahit hindi niya naman kailangan hindi niya pinutol ang koneksyon naming dalawa. He's my friend. Ang una kong naging malapit na kaibigan sa buong buhay ko. He's my only friend aside from Magnus which is different because he's also my employer.
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at nagtama ang mga mata namin. "Do you really believe that?"
"Without a doubt." he said sincerely.
Habang nakatitig sa mga mata niya ay parang gusto kong paniwaalan ang mga salitang binitawan niya. He's always been a source of comfort for me. Kahit parang pakiramdam ko ay bumabaligtad na ang buong mundo ko. I guess that's what it feels like to have a friend.
Kaibigan ko siya pero hindi ako bulag para hindi makita na hindi lang iyon ang gusto niya mula sa akin. Thorn managed to change me when I opened my heart to him. Natuto akong maintindihan hindi lang ang sarili kong damdamin kundi maging ang sa iba.
"You're my first close friend, you know?"
Sumilay ang ngiti sa mga labi niya at kahit hindi ko na dinugtungan ang sinabi ko ay pakiramdam ko alam niya kung anong tumatakbo sa isipan ko. "Hindi pa nagsisimula pero parang na-friendzone na ko."
"Nate-"
Sumandal siya sa sofa patagilid dahilan para maging pantay ang mga mata namin. "It's okay Lucy. Alam ko naman na meron ng nag mamay-ari sa puso mo sa umpisa pa lang. Kaya kong maging kaibigan mo kung iyon ang kailangan para manatili ako sa buhay mo."
"I don't think it's fair to you."
"You're a great person, Lucy. To have you in my life even as a friend is something I don't see as unfair." marahan niyang sabi sa akin at binigyan ako ng maliit na ngiti. "If he will ever took you for granted, you should know that I will not let you go again."
"Nate-"
"I just want you to know that."
Sandaling hindi ako nakapagsalita. We both know that it might not happen. Alam ko ang sarili kong puso at alam kong alam din iyon ni Nate. He just needed to say it so I would know. So I would understand that there's always that choice.
"You're a great person too, Nate. Sana mahanap mo ang taong makakapagpasaya sa'yo ng lubos."
"Saka na. Kakabasted mo pa lang sa'kin eh."
Nanglaki ang mga mata ko sa sinabi niya dahilan para mapahalakhak siya sa naging reaksyon ko. My own laugh joined him after awhile, giggling at the hilarity of what he said.
Nasa ganoon kaming tagpo nang marinig ko ang isang pagtikhim. Nag-angat ako ng tingin habang nakasandal pa rin sa braso ni Nate para lang mapadiretso nang makita ko si Thorn na nakatayo sa pintuan ng opisina at nakatingin sa amin.
Wala akong mabasa na kahit na ano sa mga mata niya. There's nothing in his eyes as if he's sealing it away. Professional. Like how he used to look when I first met him.
"Your team is leaving, Navarro." Thorn said directly to Nate.
Tumayo ako mula sa sofa at automatikong pumunta sa siko ko ang kamay ni Nate para alalayan akong makatayo. Tumango siya sa direksyon ni Thorn bago bumaling sa akin. Bahagya siyang yumuko at hinalikan ako sa pisngi na kalimitan niyang ginagawa at pagkatapos ay umatras siya para umalis na.
I watched him walked towards Thorn. Tumabi ang lalaki para makadaan si Nate pero nakita kong direkta nakatingin sa akin si Thorn. Some of his facade are slipping, giving me a glimpse of the anger he's trying to hide.
When we're finally alone, I hesitantly moved towards him until I'm standing in front of him. Nag-angat ako ng mukha at sinalubong ko ang ngayon ay naglalagablab na niyang mga mata. "Thorn-"
"Don't do that again."
Malakas ako napabuga ng hangin, "Thorn, he's my friend. Nag-uusap lang kami-"
"And I'm your man." he said in a hard voice. "Don't do that s**t again."
Pakiramdam ko ay nagningas ang apoy sa akin sa sinabi niya. Matalim ko siyang tinignan at bago ko pa mapigilan ang dila ko sa pagrepeke ay nakapagsalita na ako, "He's my only friend. Ngayon lang ako nagkaroon ng kaibigan pero alam kong hindi ibig sabihin na in love ako ay kakalimutan ko na na mayroon akong kaibigan. Friends shouldn't forget their friends just because their in a relationship!"
Hindi ko inaasahan ang naging pagkilos niya dahil sa isang kisap ng mata ay naramdaman ko na lang ang paglapat ng labi niya sa akin at sinakop niya iyon sa isang mainit at malalim na halik. It was every bit as great as his other kisses but it was an angry kiss. It was also something more. An act of possession...like he's staking a claim.
Nang maghiwalay ang mga labi namin ay sinandal niya ang noo niya sa akin habang parehas kaming malalim ang paghinga. When he finally speak again, there's tenderness in his voice and warmth that is hard to miss, "I don't share, Lucienne. You're mine and I am yours. That means I won't let any woman touch me and I want you to do the same. Hindi ko inaalis sa'yo na maging kaibigan siya. Wala akong balak na ilayo ka sa kaniya. But I will be the only one touching you and I'm the only one you'll get that close with, your head on his arms, your face being that close to his. That's mine."
"I didn't mean...I-"
"I know and now I'm telling you. That's the kind of man that I am. What I want to know is if you can be that kind of woman for me?"
Noon pa man alam ko na ang pagiging protective niya. That's his job. Hindi na rin nakakapagtaka na ganoon siya talaga biglang tao. He protect those he considered his.
Gusto kong mainis at ipaliwanag sa kaniya na wala namang dahilan para maging protective siya. But I understand where he's coming from. And I don't care if tons of feminists group will hunt me and burn me bound on a cross but the way he's acting is hot. I don't care if I submit to him. Kasi alam kong hindi niya hihingin iyon kung hindi importante sa kaniya ang isang bagay. He will never do things that he will not do for me if I ask.
"Alam mo, Thorn?"
"What?" he asked in a quiet voice like mine but I can hear the tension in his.
"You're good for research. Sayang hindi ko dala ang laptop ko."
Gumuhit ang ngiti sa mga labi niya bago niya muling hinagkan ang mga labi ko. Hinapit niya ako palapit sa katawan niya at nagniningning ang mga mata na nagsalita siya, "You can borrow mine."
**********************************************
KANINA antok na antok na ako. Ngayon naman na komportable na ako sa pagkakahiga sa kama sa guest room ni Thorn ay hindi naman ako makatulog. Hindi naman kasi sanay ang systema ko na matulog ng ganitong oras kahit pa sabihing madaling-araw na. Sa mga oras na 'to kasi nagsusulat pa ako.
Napapabuntong-hininga na umikot ako dahilan para mapadapa ako sa kama. Tinignan ko ang painting na nakasabit sa taas ng headboard ng kama. At the back of that painting, at the back of that wall, Thorn is probably asleep right now.
His condominium is great. Pagpasok pa lang nila kanina ay talagang namangha na siya sa ganda ng lugar. Parang pinaayos talaga sa designer ang loob ng bahay niya. Malaki rin ang lugar na hindi nakakapagtaka dahil nasa pent house ang unit niya. He had a great space, an amazing kitchen, and fantastic bedrooms.
Ngayon lang ako nakakita ng kumot na kasing lambot ng kumot na gamit ko ngayon. At ang kamay niya...pakiramdam ko lulubog ako nang humiga ako. Memory foam lahat. I should shop for a new bed. Kung ganito ang kama ko baka hindi ako sinasakitan ng likod na kadalasan kong nararanasan dahil na rin sa matagal na pagsusulat. Sign of aging na kasi.
Muli akong umikot hanggang sa napatihaya naman ako. Nang hindi maging komportable ay lumipat ako para tumagilid. Ilang beses pa akong nagpaikot-ikot na para bang turumpo ako na nasa ibabaw ng kama. Kung ito ang feeling ng namamahay parang ibang level naman sa akin. Baka akalain ni Thorn sinasapian ako.
Nasa ganoong isipin ako nang marinig kong tumunog ang cellphone ko na nakapatong sa bed side table. Sinagot ko ang tawag nang makita ko na si Thorn iyon. "Hello?"
"I can feel you moving around."
Napangiwi ako. Nakaistorbo pa ata ako sa pagtulog ng lalaki. Knowing Thorn paniguradong apat na oras lang ang tulog niya. Siguradong pagod na siya. "Sorry. I'll stop now. Naninibago lang siguro ako."
"Open your door."
"Bakit? Palalayasin mo na ako?"
Narinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya bago ako nakarinig ng mahinang pagkatok sa pintuan. Nakatapat pa rin sa tenga ang cellphone na lumapit ako sa pintuan at binuksan ko iyon.
Nabungaran ko si Thorn na nasa aktong pagkatok ulit gamit ng paa niya. Hawak niya kasi sa isang kamay ang cellphone niya habang sa isa ay may dala siyang tub ng ice cream at dalawang kutsara. May ngiti sa mga labi niya na kaagad nawala nang makita niya ang ayos ko.
Maikling shorts at sando lang kasi ang suot ko. Ganoon naman ako kahit noon pa na sinubukan ko lang baguhin nang magsama kami sa safe house. Lahat man ng pambahay ko ay mukhang pantulog at kahit pinanglalabas ko rin ang mga iyon hindi ibig sabihin gano'n din ang mga pantulog ko. Sanay akong hindi balot na balot kapag natutulog kasi mas mabilis akong inaantok kapag ramdam ko ang lamig ng paligid. Natural na kasi akong mainitin.
"Fuck." Thorn whispered.
Nagmamadaling pinatay ko ang tawag bago ako tumakbo papasok ng kwarto at hinablot ko ang unicorn jacket na dinala ko. Ang nag-iisang jacket na natira sa mga damit ko noon. Ang couple jacket namin ni Thorn.
Kaagad na sinuot ko iyon bago ko muling binalikan si Thorn. Mukhang nakabawi naman na siya at tinignan niya ang suot ko na jacket dahilan para sumilay ang ngiti sa mga labi niya. "You still have that."
"I couldn't resist."
Sandaling nagtama lang ang mga mata namin na para bang tahimik kaming nag-uusap bago muling bumukas ang mga labi niya para magsalita, "Midnight snack?"
Tinignan ko ang dala niya at tumango ako. Kumilos siya para tumalikod at sinundan ko naman siya. Tumuloy kami sa kinaroroonan ng balkonahe niya at inunahan ko na siya para mabuksan ko ang pintuan. We went out and he gestured for me to take a seat.
Akmang uupo ako sa single chair na nandoon nang maramdaman ko ang kamay niya na marahang humila sa akin dahilan para mapaupo ako sa loveseat na nandoon. Bago pa ako makakilos ay umupo siya sa tabi ko. The loveseat is small. Dahil malaking tao si Thorn ay halos wala ng espasyo sa pagitan naming dalawa.
Binuksan niya ang tub ng ice cream at pagkatapos ay ibinigay niya sa akin ang isang kutsara. Kinuha ko naman iyon bago ko siya ginaya na kumukutsara na roon.
"Were you worrying about the killer?"
Imbis na tumingin sa kaniya ay tinutok ko ang mga mata ko sa harapan namin kung saan kita namin ang mga ilaw na nagmumula sa mga establishimento na nakakapagtakang bukas pa. Sabagay, Maynila kasi. Hindi ata natutulog ang lugar na 'to.
"Siguro. Kahit naman pilit kong hindi inaalala nasa likod pa rin ng isip ko ang mga nangyayari."
"We will find him, Lucienne. This will be over soon."
"I thought it's already over." I whispered. "I wanted it to be over."
Napalingon ako sa kaniya nang maramdaman ko ang isa niyang kamay na hinawakan ako sa ilalim ng baba ko para marahang ibaling ang mukha ko sa direksyon niya. "I will keep you safe."
"Alam ko. Pero iyong mga taong madadamay...hindi ko mapigilan ang sarili kong isipin sila. Ilan pa bang buhay ang dapat ibuwis?"
"He's getting desperate. And that is not good, Lucienne. It's not good for him. Dahil sa pagkakataon na ito ay nag-iwas siya ng trail. We will find his crumbs then we will end this."
"Will you be okay?"
Hindi ko magawang pigilan ang takot na bumalatay sa boses ko. Hindi naman iyon nakaligtas kay Thorn na marahang hinaplos ang pisngi ko. "I will be once you're safe."
Binalot kami ng katahimikan habang pinakikiramdaman lang namin ang isa't isa. Pagkaraan ay muling kumuha ng ice cream si Thorn at imbis na isubo iyon ay inumang niya sa akin ang kutsara niya. Nahihiya man ay binuka ko ang mga labi ko para tanggapin iyon.
"Let's change the topic." he murmured as his eyes dropped to my lips.
"Anong pag-uusapan natin?" tanong ko pabalik habang hindi ko mapigilan na mamula sa paraan ng pagkakatingin niya sa akin. Please tell me that it's about research!
"Your new house."
Pinigilan kong mapanguso sa narinig. Kumuha ako ng ice cream at isinumpal ko iyon sa bibig ko bago ako muling nagsalita, "I'm just renting it out. Pero baka umalis na rin ako."
"Bakit?"
"Ayaw ibenta ng may-ari. I already put up my house on the market and I don't want to go back there anyway. Gusto ko ng bagong lugar. Isa pa masyadong snob ang mga tao sa dati kong tinitirhan."
"Then don't go back. May hindi ka ba gusto sa tinitirhan mo ngayon?" kunot ang noo na tanong niya.
"Wala. I love that place. I want to stay there as long as I can but I can't rent for the rest of my life. Hindi naman ako bumabata."
"You're twenty-six, Lucienne. You're practically a baby."
Pinaikot ko ang mga mata ko, "Baby ka diyan. Baka baby mo lang."
"That too." natatawang sabi niya. "Hindi ka pa matanda. You already accomplished so much kahit sa ganiyang edad."
"I'm old."
"Ano ang tawag mo sa akin kung gano'n?"
Natigilan ako dahil sa panahon na nagkakilala kami ay hindi ko man lang alam kung ilang taon na siya. Hindi ko nga alam kung kailan ang birthday niya. Ang weird lang dahil ang dami ng nangyari sa amin. At marami pang mangyayari. Yum! "Ilang taon ka na ba?"
"Thirty-three."
Napatawa ako sa sinabi niya, "You're not thirty-three. Baka nga parehas lang tayo ng edad."
"I'm thirty-three."
Tinitigan ko siya para tignan kung nagbibiro siya. At max he's probably thirty. Hindi siya mukhang thirty-three.
"Ilang taon na si Luna kung gano'n?"
"She's twenty-five" kaagad nitong sagot sa tanong ko. "Isang taon lang ang pagitan naming magkakapatid. It's not healthy but my parents wanted to have a girl so they kept on trying. Hindi na rin kasi sila bata noon so they don't want to waste time. Iyon nga lang lahat ng ipinagbuntis niya puro mga lalaki. After Domino they tried again but they didn't got pregnant. Kaya dalawang taon ang tanda ni Domino kay Luna."
"Wow. Superwoman ang nanay mo."
"That she was." nangingiting sabi niya.
"Wow." ulit ko.
Natawa lang siya sa sinabi ko bago muling kumain ng ice cream. Ilang sandali na para lang kaming sira na nag ngingitian habang nagpapatuloy sa pagkain bago muling nagsalita si Thorn. He never miss much. Isa iyon sa ugali niya. "So you want to buy the place?"
"Oo sana." sabi ko at napabuntong-hininga. "Kaya lang hindi pa sigurado ang may-ari kung ibebenta niya. Hindi ko masisisi. Ang ganda rin kasi ng bahay na 'yon. Ang ganda pa ng tanawin."
"I don't think the owner will let you own the house."
Muli akong napabuntong-hininga, "Iyon na nga."
"Unless you marry him."
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya, "Ang weird naman na deal 'yon. Saka paano mo naman nasabi na iyon ang gusto ng owner-"
Napatigil ako sa pagsasalita nang kumurba ang malawak na ngiti sa mga labi ni Thorn. Nanglaki ang mga mata ko nang maintindihan ko ang ibig sabihin no'n.
"Omg." I whispered.
"I asked my agent to approach Aquilan when he went out to find a house for you. Pinarerentahan ko kasi ang ilan sa mga properties ko but I never rented that house. I want to live there permanently kapag naayos na naming magkakapatid na mailipat ang Dagger sa Cavite."
"Lilipat kayo sa Cavite?" bago pa niya masagot iyon ay naunahan ko siya. "And you asked your agent to rent your house for me?"
Kinuha sa akin ni Thorn ang hawak ko na kutsara at inilagay niya iyon sa lamesa kasama ng ice cream na hawak niya. Umikot siya para mapaharap sa akin at hinila niya naman ako para wala akong magawan kundi mapaupo halos sa kandungan niya dahil maliit lang ang kinauupuan namin.
"Matagal ng plano ng Dagger na lumipat sa Cavite. We're a private security and investigation company. Hindi namin kailangan ng gulo ng Maynila dahil hindi kami mga police. Isa pa kailangan namin ng mabilis na access sa mga tagong lugar dahil normal naman sa trabaho namin ang dinadala sa safe house ang mga nagiging kliyente namin. Manila is too crowded for the kind of business that we have."
"And the house?" I pressed.
Muli niya akong hinapit dahilan para tuluyan na akong mapakandong sa kaniya. Marahan niyang hinawi ang buhok ko at gumapang ang kamay niya papunta sa likod ng batok ko. He gently tugged me closer so I can look at him straight into the eyes.
"I never intended to let you go. Gagawa at gagawa pa rin ako ng paraan para makabalik ako sa buhay mo. I love that house. I want to live there someday with the woman that I will love. So it doesn't matter to me that she get to live there first if it means someday that I will be together with her and the family that we will make."
Kasabay ng pamamasa ng mga mata ko ay ang pagdampi ng labi niya sa akin. Bago ko pa mapigilan ang sarili ko ay kusang yumakap na ako sa balikat niya at sumubsob sa dibdib niya.
"I love that house too." I whispered.
"I'm glad."
"Hindi ko alam kung kaya kong maging kasing superwoman ng nanay mo."
Mahina siyang tumawa sa sinabi ko, "I just want a girl that looks like you."
Warmth enveloped my heart at what he said. We haven't known each other for long. Pero alam ko na ito ang gusto at masaya akong malaman na ito rin ang gusto niya. This is it for me. Everything that I've been running from. Everything that I would never thought would make me this happy.
Nag-angat ako ng mukha at nginitian ko siya, "Or a boy that looks like you."
________________________End of Chapter 19.