CHAPTER 20 LUCIENNE'S POV Kalam ng sikmura ko ang gumising sa mahimbing ko na pagkakatulog. Paano ba naman kasi fiesta ata ang napanaginipan ko dahil puro pagkain ang naroon. Pasalamat na lang ako na hindi naging horror o thriller base na rin sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon. Nag-iinat na bumangon ako mula sa kama at tinignan ko ang orasan na nasa bedside table. Ala-sais pa lang ng umaga. Hindi na ako nagtataka na hindi mahaba ang naging tulog ko dahil nagugulo ang katawan ko sa iba na namang oras ng pagtulog ko. Kahit sabihin kasi na madaling-araw na kami naghiwalay ni Thorn ay kung ikukumpara iyon sa normal na tulog ko ay maaga pa iyon masyado. Dala na rin siguro ng stress mula sa mga pangyayari at sa pagod na rin ay nakatulog naman ako kaagad. Nagkakamot sa ulo na pumunta ako ng

