Chapter 14: Vulnerable

2733 Words
CHAPTER 14 LUCIENNE'S POV Hindi ko magawang ihiwalay ang paningin ko mula sa kaniya. Mula nang makarating kami rito sa opisina nila ay wala man lang namagitan sa amin na mga salita except for when he asked me if I'm alright. Naging mabilis din ang mga pangyayari. One moment I thought that there's no end to what's happening in my life and then the next it's finally over. "Alam mong mali ang ginawa mo, Lush. Paano kung nagawa ka talagang kunin ng taong iyon? For god's sake you went away without your bodyguard. Do you have a death wish?" Napabuntong-hininga ako at pilit na inalis ko ang mga mata ko mula kay Thorn na nasa loob pa rin ng interrogation room at kausap ang taong nagtangkang dumakip sa akin. Bumaling ako sa boss ko na si Magnus Aquilan na kaagad pumunta sa kinaroroonan namin nang mabalitaan niya ang nangyari. "Kung hindi ako umalis ng walang kasama hindi magtatangkang lumapit sa akin ang taong 'yan at hindi siya mahuhuli." pangangatwiran ko. "Or you could have been killed." Hindi ko nagawang makasagot sa sinabi niya. Bukod sa alam ko namang mali ako ay mukhang kaunti na lang ay mapuputol na ang pasensya sa akin ng boss ko. Siya nga naman ang gumawa ng paraan para masiguradong ligtas ako tapos ako pa itong nag lagay sa sarili ko sa kapahamakan. Napatingin ako sa isang parte ng kwarto nang maramdaman ko pa ang isang pares ng mga matang nakatingin sa akin at sa hindi na mabilang na pagkakataon ay muli siyang napabuntong-hininga nang mamataan niya si Gunter na madilim ang anyo habang nakatingin sa kaniya. I'm probably the first person who made a fool out of him. Hindi maganda para sa reputasyon din ng Dagger. "I'm sorry." I said sincerely. "Hindi ko rin alam kung anong nangyari sa akin. Alam kong mali ako. You're all just trying to protect me. Ang laki na ng ginawa mo para sa akin, Sir. Writer mo lang naman ako pero sobra-sobra na 'yung mga naitulong mo sa akin." "I told you, I'm not just doing this because you're one of my writers." Tumango-tango ako at sa kabila ng mga nangyayari ay pilit na nginitian ko siya, "Alam ko naman na hindi na iba ang trato niyo sa amin na writers ninyo. Kaya maraming salamat, Boss." Bumuka ang bibig niya na para bang may sasabihin pa siya pero bago niya mautloy iyon ay nakalapit na sa kaniya si Luna na kanina ay pinagmamasdan lang siya. Napilitang magbaba ng tingin ang boss ko nang tapikin ni Luna ang balikat niya na para bang matagal na silang magkakilala. "Wag mo na ipilit. Boss-zone ka na. Nandito naman ako na magandang single na ready to mingle." Napakunot ako ng noo sa nagiging takbo ng usapan nila lalo na nang ngumiti lang si Luna at umabresete sa lalaki na pinaghalong gulat at inis ang nakabalatay sa mukha. Mukha namang hindi tinatablan si Luna sa reaksyon ng lalaki dahil matamis lang siyang ngumiti bago hinila palabas ng interrogation room ang boss ko. Wala na akong nagawa kundi sundan lang sila ng tingin dahil muli akong napabaling sa kinaroroonan nila Thorn nang makarinig ako ng malakas na kalabog mula roon. Nanglaki ang mga mata ko nang makita ko si Thorn na nakatukod ang mga kamay sa lamesa habang nagbabaga ang tingin sa lalaking kaharap niya na ngayon ay may dugo na sa gilid ng mga labi. "I'm not going to ask again." Thorn warned. "Answer my questions." Imbis na magsalita ay nanatiling walang reaksyon ang lalaki na kaharap ni Thorn at nanatiling nakayuko lang. Isa iyon sa hindi ko maintindihan. I've written a lot of books concerning serial killers and psychopaths at ang dami ko rin na naging research about those. I was expecting a different reaction from the killer. Pero ngayong nakikita ko siya ay para bang sumusuko na siya at wala ng pakielam sa kung ano man ang mangyari sa kaniya. "Kahit hindi ka magsalita malalaman at malalaman pa rin namin kung sino ka. Kung saan ka nanggaling, sino ang pamilya mo, at kung ano pang kaya namin na mahukay mula sa pagkatao mo. Do us a favor and make our job easier and those people around you. Unless you want us to drag them down to this filthy path you made for yourself." Nang marinig ng lalaki ang salitang pamilya ay napatingin siya kay Thorn. May kung anong takot na bumalatay sa mga mata niya bago muling sumarado iyon at ngumisi lang ang lalaki. "Ano namang mapapala niyo kung sabihin ko sa inyo ang pangalan ko? Mabubura ba no'n ang mga nagawa ko na?" Muling umigkas ang kamao ni Thorn dahilan para halos matumba mula sa kinauupuan ang lalaki. Mabilis na nakalapit sa kaniya si Thorn at akmang uulitin niya ang pagsuntok sa lalaki nang biglang magsalita sa intercom si Coal, isa sa mga Dawson. "Lay off brother or I'll send Gunter inside to do the questioning." Hindi man lang lumilingon sa gawi namin na nanatiling nakatingin lang si Thorn sa killer bago marahas niyang binitawan ang kwelyo ng damit no'n. "Name." may talim sa boses na muling sabi ni Thorn. Halata ang tinitimping galit sa kabuuan niya at mukhang hindi naman iyon nakalagpas sa killer. Kahit na sino naman ay makikita na nasa dulo na ang pasensya ni Thorn. It's like the killer knows that the next outburst from Thorn won't be just putting a fist on his face. "Kevin Robles." "May kilala ka bang Rebecca Dario?" tanon ni Thorn. "Meron." "Who is she?" Bumaba ang tingin ko sa screen sa harapan ni Coal na ngayon ay may larawan ng isang babae. Mukhang nakakonekta iyon sa loob ng interrogation room dahil lumabas din ang kaparehas na larawan sa monitor na nandoon. "Una kong biktima." Katabi ng larawan ng babae ay ang kuha nito nang matagpuan ito. May nakatakip sa mukha nito na garbage bag at may masking tape na nakadikit doon kung saan nakasulat ang salitang "Waitress" habang sa tiyan nito ay inukit gamit ng patalim ang salitang "Magnanakaw". Katabi no'n ay ang kopya ng lagda ko sa pagsusulat. Sunod na ipinakita ay ang mukha ng isa pang babae. Isa namang abogado iyon at sa balat niya ay inukit ng killer ang salitang "Sinungaling". Marami pang lumabas na imahe sa screen. May babae at may lalaki. Lahat ng iyon ay pinangalan ng killer. Lahat sila namatay sa paraan kung paano ko ilarawan ang mga pagpatay sa sarili kong mga libro. Ang tanging naiiba lang ay ang lagda ko na hindi naman kasama sa mga storya ko. Bahagya akong napakunot-noo nang may mapansin ako. Sa unang tingin ay hindi iyon kapansin-pansin dahil iba-iba naman ang pusisyon ng mga katawan nang matagpuan pero lahat ng biktima ay nakapwesto ang isang kamay malapit sa leeg. May iba na parang sakal ang sarili katulad sa pangalawang biktima at may iba naman na parang nakalagay lang sa ilalim ng ulo na animo mahimbing na natutulog. Hindi ko alam kung anong koneksyon no'n. Maari namang wala dahil wala namang nabanggit sila Thorn tungkol doon. Pero sa hindi malamang dahilan ay para bang pamilyar sa akin iyon kahit na wala naman akong sinulat na ganoon sa mga libro ko. "Saan nagsimula ang lahat at bakit?" muli ay tanong ni Thorn. Nagkibit-balikat ang killer na para bang wala lang sa kaniya ang mga ginawa niya na para bang hindi importante ang mga buhay na tinuldukan niya. Na para bang wala siyang mga pamilya na binigyan ng pagdadalamhati dahil sa karumaldumal na paraan na pagkuha niya sa buhay ng mga iyon. "Gusto ko lang. Masaya ako sa ginagawa ko. Dapat lang makita ng mundo kung ano ang totoong sila. Iyon ang dapat sa mga kagaya nilang mapagkunwari." "Anong koneksyon mo sa kanila? May relasyon ka ba sa mga taong naging biktima mo?" "Wala. Minamanmanan ko lang sila. Minsan nakakasalubong ko lang sila...basta nararamdaman ko kapag hindi sila totoo. Kapag may tinatago sila. Ako ang executioner nila. Ako ang dapat nilang katakutan dahil ilalabas ko lahat ng kasinungalingan nila." "Do you think all of these made you what? Their god?" "Oo." "Pero hindi kumokopya ka lang. You're copying someone's work. Picking bits from books that should be fiction." "Mas magaling ako dahil kaya kong gawing totoo ang sinusulat lang ni Lush Fox. Duwag siya dahil hindi niya magawa ang kaya ko. Kaya nga siya ang susunod. Para malaman ng lahat na hindi lang ako basta kumokopya sa isang taong mapagkunwari. Nagsusulat siya na para bang kaya niyang gawin ang mga nilalagay niya sa pahinga ng mga libro. Pero ang kaya niya lang ay gumawa ng hindi totoo. Dahil hindi niya iyon kayang panindigan. Kaya siya ang susunod. Siya ang panibagong dadagdag sa koleksyon ko." Nag-iwas ako ng tingin at napayuko na lang ako habang yakap ko ang sarili ko. Pakiramdam ko ay nanlalamig ako sa mga naririnig. Kung paanong nagagawa ng isang tao na sikmurain ang ganitong bagay. I can write bloody scenes but I can't execute those actions and put blood on my hands. To see how life drain from other people because of my own hands. Nagsusulat ako ng mga ganoon pero hindi para sa mga kataong katulad ni Kevin Robles. Hindi ako gumagawa ng libro na parang nagsisilbing recipe ng mga katulad niya sa mga pagpatay na maaari nilang gawin. I never justified the actions of the antagonist in my stories. Though I do write the point of view of the killer a lot of times but the story always end at the right side of the scale. "Anong koneksyon mo kay Lush Fox?" "Maliban sa siya ang susunod kong biktima? Kung paano ko ikasisiya na makita ang dugo na aagos mula sa kaniya at kung paano ko maramdaman ang paghiwa ng patalim ko sa malambot niyang balat? Maliban doon...wala na." Muling umalingawngaw sa paligid ang pagkalabog na nagmumula sa interrogation room. Nag-angat ako ng mukha at nakita ko si Gunter na pumasok na sa loob at nagmamadaling nilapitan si Thorn na ngayon ay duguan na ang kamao habang ang killer ay wala ng malay sa sahig na hindi pa rin tinitigilan ni Thorn. Hindi ko pa siya nakikita na ganito. He's always calm and even if he's angry, I never felt that I will be in any danger when I'm with him. I know that even now he won't do anything to me...even now that it seems that the danger is coming from nowhere but from Thorn himself. He looks so out of control. Kahit si Gunter ay nahihirapang patigilin siya dahilan para maging si Coal ay pumasok na sa loob ng kwarto. The anger radiating from him is downright frightening. I never seen anything like it. Gusto kong patigilin siya pero pakiramdam ko ay napako na ako sa kinatatayuan. Nag-angat ako ng tingin nang maramdaman ko ang kamay na humawak sa balikat ko. Nalingunan ko si Nate na kanina ay tahimik lang na pinanonood ang mga nangyayari. Marahang iginaya niya ako palayo sa kinaroroonan namin kung saan rinig ko pa rin ang ingay na nagmumula sa interrogation room. "Let's go, Lucy- Lucienne. You don't need to see this." HINAPIT ko sa katawan ko ang jacket na kanina ay pinatong ni Nate sa balikat ko. Nakaupo lang ako sa sofa sa reception ng Dagger habang ang lalaki ay kausap ang mga kapatid ni Thorn. Bukod sa kanila ay may dalawang lalaki rin na nakasuot ng uniporme ng pulis. Ililipat na kasi nila si Kevin Robles sa pulisya. The state of the man they pulled out by a stretcher was questionable. Mabuti na lang at nakipagkasundo si Nate sa mga Dawson na hindi niya sasabihin ang totoong mga nangyari at ang ipapaalam niya lang sa mga kasamahan niya ay kaya naging ganoon ang stado ng killer ay dahil sa naganap na engkwentro nang tangkain niyon na dakipin ako. "Here." Kasunod ng pamilyar na boses na iyon ay ang pagbaba ng mainit na kape sa harapan ko. I looked at the hand of the man that I love. Yes. The man I love. Dahil kahit hindi ko gusto at kahit na alam kong masasaktan ako ay hindi ko na kayang itanggi iyon sa sarili ko. Hindi ko na kayang takbuhan kung ano ang totoo kong nararamdaman. "Your hands..." I whispered as I looked at the gauze wrapped around his hand. Tumingin si Thorn sa sariling kamay, "It's nothing." "Hindi mo dapat ginawa iyon. Baka magkaro'n ka pa ng problema sa trabaho mo." "I lost control. That tend to happen when I'm with you." Anong ibig niyang sabihin? Kasalanan ko kung bakit nangyayari ang mga ito? Kung bakit niya na gawa iyon? Mukhang nabasa niya ang nasa isip ko dahil umuklo siya habang ang mga kamay niya ay nakahawak sa sariling mga tuhod. "Hindi ko sinasabing kasalanan mo. I just happen to lose control when it's about you. Hindi mo alam kung paano ako natakot nang tumawag sa akin si Gunter at sabihin niyang nawawala ka. Those hours that you were gone were torture." "Bakit?" bago ko pa mapigilan ang sarili ko ay kusa ng lumabas ang tanong na iyon. "Bakit may pakielam ka pa sa kung anong nangyayari sa akin kung umalis ka na? Hindi na ako ang trabaho mo. Hindi na ikaw ang may hawak sa kaso ko." "You're more than just a case and you know that." "You left." Alam kong hindi nakalagpas sa kaniya ang sakit na bumalatay sa mga katagang iyon na binitawan ko. Napadiretso siya at akmang lalapit sa akin pero tumayo na ako at bahagyang lumayo sa kaniya. Ayokong makita niya pa kung ano ang iba ko pang nararamdaman. "I'm fine, Thorn. I'll be okay now. Tapos na lahat. Hindi mo na ako kailangan intindihin. You can just go on with your life and I'll do the same." "Hindi ko ginusto na iwan ka. I did what I had to do." Tumango ako at ngumiti kahit pakiramdam ko ay muling dinudurog ang puso ko. "Alam ko." "Hindi mo naiintindihan-" "Everything is okay now. Pwede na tayong bumalik sa buhay natin noon bago pa natin nakilala ang isa't-isa. I just want my normal life back. Iyong masaya ako kahit mag-isa ako. Iyong hindi ko kailangan idepende sa iba ang kasiyahan ko." Huminga ako ng malalim at kahit na ang gusto na lang ay tumakbo palayo at magtago ay pilit na pinahakbang ko ang sarili ko palapit sa kaniya. Kita ang pagkabigla kay Thorn nang ipalibot ko ang mga kamay ko sa bewang niya habang ang mukha ko ay nakakubli mula sa kaniya. So he won't see the tears starting to fall from my eyes. "Thank you for everything, Thorn. I was happy despite my situation because for the first time after years of being alone, I finally felt how to really live. I think...I'll be okay now." Nang maramdaman ko ang kamay niyang dumampi sa likod ko ay kaagad akong kumawala sa kaniya. Kailangan. Kasi pakiramdam ko kung hindi ko gagawin iyon ay baka hindi ko na naisin pa na umalis mula sa tabi niya. I need to stop reaching for him. Kasi baka ako na lang ang umaabot habang siya ay sa iba na nakahawak ang mga kamay. I remember Gunter's words. Kapag daw muli kaming nagkita ni Thorn ay alam na namin ang sagot sa mga katanungan na umiikot sa aming dalawa. I know the answer now and maybe he knows too. Hindi nga lang siguro parehas na sagot ang meron kami. Hindi para sa isa't-isa. Hindi para sa akin. Love is really a vulnerability. It destroyed my walls and vanished my armor which made me powerless. I got wounded, lashed at, and the pain feels like it's never ending. But I can't control it. I can't stop my heart. Hindi naman tumitigil ang pagmamahal ng isang tao dahil lang hindi iyon maibigay sa kaniya pabalik. And I guess that's okay. It's okay to love him even though he won't do the same because he's worth loving. Paano ko pagsisisihan ang isang bagay na nagturo sa akin kung paano maging masaya ng totoo? Kahit sandali lang. "Lush." Kita ang pag-aalala sa mukha ng boss ko na si Magnus nang makita niya ang mukha ko. May desperasyon sa mga mata na umiling ako at mukhang kaagad niya naman iyong naintindihan. Lumapit siya sa akin at iginaya ako palabas sa lugar na iyon. Akmang aalisin niya ang suot ko na jacket pero narinig namin ang boses ni Nate di kalayuan sa amin. "Keep it." Sandaling nagtama ang mga mata namin ni Nate na masuyong tinanguhan lang ako bago ako tuluyang inalalayan ni Magnus paalis ng lugar na iyon. "Where do you want to go, Lush?" Saan nga ba? Sa bahay ko kung saan magagawa kong balikan kung ano ako noon? Pero bakit malaking parte sa akin ang tila hinahanap ang lugar kung saan nanatili ako sa sobrang ikli lang na panahon? Lugar kung saan lahat ng ako ngayon ay naroon? "I don't know." I whispered. "Anywhere but here." ______________________End of Chapter 14.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD