Chapter 3: Ice Cream

2435 Words
CHAPTER 3 LUCIENNE'S POV Hindi ko magawang i-alis ang mga mata ko sa laptop ko na kasalukuyan na nakapatong sa coffee table. Pinapalabas doon ang isa sa mga paborito ko na pelikula. Kahit na bahagya kong naririnig ang mga pagkilos sa paligid ko at paminsan-minsan ay napapatingin sa mga napapadaan ay muli lang bumabalik ang mga mata ko sa pinapanood. Matagal na rin mula nang huli akong nakapag movie marathon. Masyado kasi akong abala sa pagsusulat kaya kadalasan isa-isa lang ang panonood ko. Iba pa rin ang pag movie marathon. Imagine a nonstop movie watching, good food to eat, with you in your most comfortable clothes? Heaven! My eyes blinked automatically when the film I'm watching gave another jump scare. Nagugulat din naman ako sa mga nakakatakot na palabas pero sa pagkakataon na ito ay inaasahan ko na kasi iyon. Ilang beses ko na rin kasi itong napanood. Hinihintay ko na nga lang ang mga susunod na episode no'n kaya nagsimula ulit ako sa simula habang naghihintay. Ipinatong ko ang dalawa kong siko sa coffee table at idinantay ko ro'n ang mukha ko habang pinapanood ang pang-anim na episode ng The Walking Dead. "Ang gwapo talaga ni Andrew Lincoln. Kahit na mukhang ang dungis niya." bulong ko habang pinapanood ang bidang lalaki. "Pero bakit kaya hindi na lang sila magpasabog o kaya manunog sila? Mas malaki ang coverage ng pagpatay no'n kesa iyong baril ang gamit nila. May stock sila ng bala pero walang gasolina?" "You know it's not really wise to talk about killing when you're still basically a suspect for multiple murders." Nilingon ko ang nagsalita at nabungaran ko si Thorn na nakatayo na pala sa gilid ko at nakatingin sa pinapanood ko. Lumipat sa akin ang tingin niya at katulad ng dati ay wala pa rin akong makita na kahit ano do'n. May emosyon pa kaya ang taong 'to? "Nanonood lang ako ng zombie movie. Saka isa pa nandito naman ako sa poder niyo. Walang ibang makakarinig sa akin kundi kayo lang." Hinawi ko ang magulo kong buhok na muli lang tumabing sa mukha ko. Ngumiti ako sa lalaki at inabot ko ang box ng pizza na nasa tabi ng laptop ko. "Gusto mo?" "No." Napapakamot na lang ako sa may hoodie ko na ulo at muli kong binaba ang kahon ng pizza. Ang hirap namang maging friendly. Kung naging babae lang siguro ang taong 'to iisipin ko na pinaglilihian niya ako. Napakasungit eh. "Okay...? Sige na asikasuhin mo muna ang mga pinagkakaabalahan mo. Pasensya na sa istorbo." Bahagyang napakunot-noo ako sa sinabi ko dahil parang mali ata ang sinabi ko. Hindi naman ako ang nang-istorbo dahil siya ang lumapit sa akin. Ay hayaan na! Sensitive pa naman si Bossing Thorn kaya mas mabuti ng 'wag na galitin masyado. "Fighting!" "I want the list?" Kaagad na sinarado ko ang laptop ko at iniwas ko 'yon sa kaniya. Paano niya nalamana ng ginawa ko eh wala naman akong pinagsasabihan no'n? "Anong list? Wala na ah! Mapagbintang kayo. Kinuha niyo na di ba?" Lalong nalukot ang noo niya sa pinagsasabi ko. Inilahad niya ang kamay niya pero mahigpit na niyakap ko lang ang pobreng laptop ko na naglalaman na ngayon ng listahan ng mga nakita kong "inspirasyon" sa lugar na ito. Natatandaan ko pa naman ang mga sinulat ko sa papel na kinuha nila dahil kasusulat ko pa lang no'n. Sariwa pa sa memorya ko. Isa pa ay mula ng bumalik kami rito kanina ni Thorn pagkatapos kunin ang ilang mga gamit ko sa bahay ay ilang beses kong nakitang dumaan ang mga lalaking laman ng listahan ko. Pugad ata ang lugar na 'to ng mga gwapo. Kung siguro mas una ko silang nakilala wala akong problema ngayon dahil romance ang isusulat ko at hindi ang genre na kinahuhumalingan ko. Kahit saan kasi ako tumingin ay may naglilipanang mga gwapitos. Napapaisip nga ako kung requirement ba iyon bago pumasok bilang empleyado sa lugar na ito. "I want the list I asked you to write." Sunod-sunod na napakurap ako sa sinabi niya. Nang magawa kong maintindihan kung anong tinutukoy niya ay alanganing napangiti ako. "Ahh! 'Yung listahan!" "Ano bang listahan ang iniisip mo?" "Wala naman." mabilis na sagot ko. Nakita kong bumaba ang mga mata niya sa laptop ko pero mabilis kong inabot ang papel na nakapatong sa coffee table at tumayo bago ko pinagwagwagan ko iyon sa ere para magawang kong iligaw ang daang tinatahak na ng utak niya. Ayokong makumpiska na naman ang listahan ko ng future nobela no. Iyon ang back-up plan ko kapag bumagsak na ang career ko sa pagsusulat ng horror, thriller, at gore. Kinuha sa akin ng lalaki ang papel at tinignan iyon. Halos wala pang ilang segundo na tumutok doon ang mga mata niya ay ibinaba niya na 'yon at diretsong tinignan ako sa mga mata na para bang gamit ng tingin niya ay gusto niya akong itapon palabas ng building. "Apat na tao lang ang nilista mo na may koneksyon sa'yo?" tanong niya at muling nagbaba ng tingin sa papel. "Ang publisher mo, ang editor mo, at ang dalawang empleyado sa convenience store na pinuntahan mo apat na buwan na ang nakakaraan." "Umm...oo?" Napakagat ako sa ibabang labi ko nang lamukusin niya ang papel at basta na lang itapon sa kung saan. Hala nagalit na talaga yata. "Sa tingin mo ba biro lang lahat ng nangyayari? Hindi mo ba maintindihan kung gaano kaseryoso ang nangyayari? Someone is killing innocent people out there. Hindi siya titigil hanggang hindi niya natatapos ang gusto niya at iyon ay ang sundin ang mga librong ginawa mo. Your fifth book is already out at ang pang-anim ay hindi muna ilalabas dahil inaabangan iyon ng killer. Ang unang tao na pinatay sa panglima mo na libro, ang paraan kung paano siya pinatay, ay siyang ginawa sa inosenteng empleyado dalawang buwan lang ang nakakaraan. With all the killings in your fifth book, are you not even worried what will happen next? Hindi mo ba naiisip kung kailan mababalitaan na lang nating lahat na may mamatay sa paraan na eksaktong tutugma sa deskripsyon sa libro mo?" Pakiramdam ko ay tumatarak ang mga salitang namumutawi mula sa kaniya sa akin at sinusugatan ako ng mga iyon. Alam ko naman kung gaano kaimportante ang mga nangyayari. Naiintindihan ko 'yon. Hindi niya lang alam kung gaano kabigat dalin ang katotohanan na 'yon. But what can I do? What can I possibly do? "I am worried." I whispered. "You don't look worried." he growled. "You're here watching whatever godforsaken movie that is and you're eating leisurely as if you're on vacation." May kung anong unti-unting nabubuhay sa akin na emosyon na hindi ko alam kung kailan ko huling naramdaman. Galit. Isang bagay na hindi ko nararanasan sa matagal na panahon. Kung tatanungin nga ako ay hindi ko magagawang sabihin kung kailan ko huling naramdaman iyon. I don't have much interaction with anyone to make me feel that way. Hindi rin ako ang klase ng tao na kayang mag-invest sa ganoong klase ng emosyon. It's just too much for me to care enough to be pushed to anger. Pero iyon ang eksaktong nararamdaman ko ngayon. "Ano bang gusto mo bang gawin ko? Tumunganga hanggang sa matagpuan niyo ang taong gumagawa ng lahat ng 'to?" tanong ko sa kaniya na may bahid na ng inis sa boses. "You asked me to make a list. Ayan na sa harapan mo. Ginawa ko na." "Ano ba sa tingin mo ang maitutulong ng listahan mo? You listed two people that are so unlikely to be the perpetrator because they're the one helping you and you also put on the list other two people that are also unlikely to be the murderer because they're considered as the witnesses against you." balik niya sa akin. "Then what should I do? Sabihin mo sa akin kasi baka maintindihan ko. Kasi hindi ko na alam ang nangyayari. Hindi ko alam kung anong kailangan niyo sa akin at kung ano sa tingin niyo ang magagawa ko para sa inyo. I can tell you the possible next victim but you already know that because you all read the book. That's the only thing I can give you because that's all I know." Hindi siya nagsalita at nanatiling nakatingin lang sa akin. Ang kaninang walang bahid na emosyon niyang mga mata ay ngayon ay nagbabaga sa mga iyon. I get it that they're desperate for answers. Naiintindihan ko na gusto lang nilang masolba ang kaso. But I don't know what to do to help them. Umuklo siya sa lamesa at muli siyang pumilas ng papel at inabot iyon sa akin. Kinuha ko iyon pero blangkong tinignan ko lang iyon bago muling nag-angat ng tingin sa kaniya. "Wala na akong kayang ibigay sa inyo." bulong ko. "Think." he said with finality. "Friends, relatives, even your parents." "I have no one." Kita ang pagkabigla sa kaniya sa sinabi ko. Iyon ang totoo. Kaya hindi ko magawang isipin kung ano pang maitutulong ko sa kanila dahil wala naman akong tao na maaaring sabihin sa kanila. I don't have anyone. Wala akong kaibigan dahil iyon ang ginusto ko. I just want to be alone where no one can bother me with meaningless attachment that will just hurt me in the end. "Parehas na galing sa ampunan ang mga magulang ko. Walang umampon sa kanila kaya nang dumating na sila sa tamang edad ay napilitan silang umalis ng bahay ampunan. Nagkakilala sila sa isang factory kung saan pumasok sila bilang trabahador. Nagsimula sila sa wala pero dahil masisipag sila nagawa nilang makapagpundar kahit paano. Iyong tama lang. Ikinasal sila at matagal silang nagsama pero hindi sila nabiyayaan ng anak." Ikinuyom ko ang mga kamay ko dahil ito ang unang beses na naikuwento ko ang bagay na ito. Wala naman kasi akong kahit na sino na maaari kong pagsabihan at hindi rin ako komportable na isiwalat sa ibang tao ang tungkol sa pagkatao ko. Iyon na lang ang meron ako na naiwan sa akin ng mga magulang ko. Mga memorya. "Hindi ko alam kung saan ako nanggaling basta ang natatandaan ko lang ay inampon nila ako noong bata pa lang ako. Hindi ko alam kung sino ang totoo kong mga magulang. Basta para sa akin sila ang mga magulang ko." Sobrang bata pa ako noong mga panahon na nasa ampunan ako kaya hindi ko na magawang maalala kung ano ang mga nangyari sa akin doon. Minsan may mga bagay akong naaalala na hindi ko alam kung saan nanggagaling na pakiramdam ko ay nagmula sa mga panahon na nasa ampunan pa rin ako pero hindi ko magagawang matiyak kung produkto lang iyon ng imahinasyon ko. I just don't have any recollection of my childhood memories. Ang tanging malinaw sa akin ay ang mga pagkakataon na nakasama ko ang mga kinikilala kong magulang. "My parents died in a car crash a few years ago the same day I graduated in college. I was there." Itinaas ko ang suot ko na jacket dahilan para tumambad sa kaniya ang gilid ng bewang ko kung saan may malaking peklat. "I was lucky to be alive but they're not as fortunate. They died on the spot." Nanatili siyang nakikinig sa akin at hindi hinihiwalay ang mga mata mula sa direksyon ko. Pilit na pinuwersa ko ang sarili ko na magsalita kahit ang gusto ko na lang ay magkulong sa kung saan at magsulat ng kahit na anong bagay na magagawa akong lunudin sa mga salita na hihila sa akin paalis ng realidad. "Wala akong kaibigan sa kolehiyo. Ayokong masayang ang pampaaral nila sa akin kaya nakapokus ako sa pag-aaral ko. Bukod do'n ay hindi talaga ako nagkakaro'n ng kaibigan dahil sa pagiging socially awkward ko. Then after my parents died, I was forced to create a life for myself. Sinimulan ko ang career ko sa pagsusulat at inabala ko ang sarili ko sa trabaho. I just don't have the time to socialize. Not that I even want to. I don't like attachment because in the end of the day it's only me that I can count to. Kaya bakit kailangan kong mag aksaya ng panahon sa mga bagay na panandalian lang?" Hindi siya sumagot at hindi rin naghihintay ng tugon na nagpatuloy ako. "So I don't have anyone that I can put on the list, Mr. Dawson. I don't have anyone that I might have problems with because I don't have any connections to anyone in the first place. I don't have a family that I can run to when I'm scared, a friend to share gossips with while eating a gallon of ice cream, or anyone that I can celebrate anything in my life with." I can feel the heaviness inside me that I didn't even know I was carrying, suddenly being lifted from me. Siguro nga hindi naman ako kasing bato katulad ng inaakala ko. Siguro nga isang parte sa akin ang nahihirapan din na mag-isa ako. Lalo na sa mga ganitong pagkakataon na pakiramdam ko gumuguho lahat ng inaapakan ko. Walang salita na tumalikod siya at naglakad paalis habang ako ay naiwang nakatingin lang sa direksyon na tinahak niya. Nanlalamot ang tuhod na napaupo ako sa sofa at mariing ipinikit ko ang mga mata ko. I didn't want to remember. I tried so hard to stop myself from remembering my parents. Minsan hinahayaan ko lang isipin sila sa paraan na kaswal lang. Like they're just part of the thoughts that are running in my head. Hindi ko hinahayaan na isipin ang mga panahon na kasama ko sila. Panahon kung saan parang napakalayo sa klase ng buhay na meron ako ngayon. Everything was just so simple back then. We were happy. I was happy. Ipinilig ko ang ulo ko at nang muli akong magmulat ng mga mata ay muli kong ibinalik ang kurtina sa utak ko na tumatabing sa mga ala-alang ayoko ng maalala. Muli kong binuksan ang laptop ko at nagsimulang manood kahit na hindi ko na magawang maintindihan ang mga eksenang lumalabas do'n. Napatigil ako mula sa pagpapanggap na nakatutok ang atensyon ko sa palikula nang maramdaman ko ang presensiya ng kung sino na malapit sa akin. Nakita ko ang isa sa mga kapatid ni Thorn na si Axel na tipid na nginitian ako. "Pinapabigay ni Kuya." Nagtatakang kinuha ko iyon mula sa kaniya pero bago ko pa siya magawang tanungin kung ano iyon ay muli siyang nagsalita. "Narinig namin ang pagtatalo niyo kanina. Pagpasensyahan mo na lang si Kuya Thorn. Mukha siyang suplado pero sa totoo lang malambot ang puso no'n. If he's being hard on you that is because he just want to help you." He didn't wait for my answer and he just turned around to leave. Nagbaba ako ng tingin sa inabot niya. Binuksan ko ang paper bag at sa pagkabigla ko ay may nakita ako ro'n na isang galon ng ice cream. On top of it is a note. ***I don't gossip but I hope an ice cream is enough. I'm sorry. -Thorn*** ______________________End of Chapter 3
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD