CHAPTER 4
LUCIENNE'S POV
Nag-angat ako ng mga mata mula sa monitor ng laptop na kung saan kanina ay tutok na tutok ang atensyon ko at napatigil ang mga kamay ko sa tuloy-tuloy na pagtipa nang bigla na lang bumukas ang pintuan ng kwartong tinutuluyan ko.
Nanglaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino ang taong nakatayo ro'n ngayon. "Bossing!"
Humakbang papasok ng kwarto ang may-ari ng Quetzal Publishing Corporation na siyang pinagtatrabahuhan ko. In the industry of publishing no one will look at him and not know who he is. With his tall stature, aristocratic features, formal expression, and his unsmiling face; Magnus Aquilan breaks all stereotype about book nerds. Dahil walang kahit isang patak sa kaniya ang mukhang geeky...kahit pa na siya na ata ang pinaka well-read na taong nakilala ko. He doesn't even shy away from romance novels. Dahil bago pa makapasok sa publishing house niya ang mga libro ay siya muna ang unang kritiko no'n.
"Lucienne."
Napangiwi ako sa pagbanggit niya sa pangalan ko. Buong-buo talaga. Partida na lang na tama ang pronunciation hindi katulad ng iba na lu-si-yen ang bigkas sa pangalan ko. Lash-si-yen kasi. Pinaarteng pagbigkas. "Lush na lang, Bossing. Close naman tayo."
"Are you okay?"
Inikot niya ang mga mata sa maliit na kwarto na ginagamit ko dito sa headquarters ng Dagger Private Security and Investigation. Kama lang, isang cabinet, at isang bedside table ang meron dito. Kaya hindi na ako nagtataka kung bakit may hindi pagkapaniwala sa mukha niya sa nakikita. "Okay naman po. Hindi naman ako mapili sa tulugan. Hindi rin naman matigas ang kama ko. Saka malakas ang wifi nila rito infernes. Hindi nag ba-buffer kapag nag ma-marathon ako ng TV series saka walang lag kapag naglalaro ako ng mobile games."
Matamang nakatingin lang siya sa akin na para bang hindi niya maintindihan kung ano ang sinasabi ko. O baka nag-iisip lang siya kung tama bang binisita niya pa ako dahil katulad noon kapag nagkikita kami ay mukhang pinapasakit ko na naman ang ulo niya.
"That's not what I meant Lucienne."
Napakamot ako sa pisngi ko habang nakatingala pa rin ako sa nakatayong bulto niya. "Okay lang ako, Bossing. Ang mga tao sa labas ang hindi. Hindi naman ako ang sinasaktan ng kung sino mang kinulang sa turnilyo na taong 'yon. Wala akong karapatang magreklamo."
"This is a lot even for you and you know it."
Totoo naman ang sinasabi niya. Kahit anong gawin kong iwas sa isipin na isa ako sa may kasalanan sa nangyayari ay hindi ko mawaglit iyon sa isip ko. Pakiramdam ko kasi kung sana hindi ko na lang ginawa ang mga libro na iyon ay baka wala ng taong nasasaktan ngayon. Hindi ko rin maiwasang tanungin sa sarili ko kung bakit sa dinamidami ng tao sa mundo ay ako ang nakakaranas ng ganito ngayon? Ano bang meron sa akin na lahat ng nagpapasaya sa akin ay lagi na lang kinukuha sa akin?
Pero kasi kahit anong gawin ko hindi ko na mababago kung anong nangyayari. Kahit anong gawin kong tanong at paninisi sa sarili ko wala naman iyong maidudulot na kahit na ano sa kasalukuyan. Katulad noon ay wala akong magagawa kundi pilitin ang sarili ko na magpatangay sa agos ng mga pangyayari. That's how I always cope with the things that always befall me.
Pagkaraan ay nagkibit balikat ako bilang sagot sa sinabi niya. Tinakpan ko ang pag-aalala na muling namumuo sa akin at ngumiti ako sa kaniya. "Bossing baka gusto mong umupo? Ang sakit na kasi ng batok ko kakatingala sa iyo eh."
"Lucienne."
"Lush." giit ko.
"Lucienne." he repeated. Proving me that he's stubborn more than me. "You're my most celebrated writer but sometimes I think you don't really grasp how well known you are. Hindi mo ba naisip kung bakit kita hinayaan na itago ang pagkatao mo sa publiko?"
Napabuntong-hininga ako. Siguradong ito na talaga ang oras para sa katapusan ng career ko. Mukhang malaki ang naging epekto nang mga nangyayari hindi lang sa akin kundi sa publishing house. Wala akong social media at hindi ako tumitingin sa balita kaya hindi ko alam kung anong nangyayari pero baka binabatikos na pati sila.
"Bossing, pasensya na talaga. Hindi ko naman alam na ganito ang mangyayari. Kung dito na talaga matatapos ang pagiging writer ko sa inyo-"
"I'm not terminating your contract. What I'm saying is you are important to us like how you are important to the people that are supporting you. Hindi namin gusto ang nangyayari pero hindi ikaw ang sinisisi ng kahit na sino. I want you to know that because I'm pretty sure in this age you are the only person who don't have social media. Ayokong kung ano-ano na naman ang pumasok sa utak mo samantalang abot-abot na pagpapalakas ng loob ang mga mensahe na natatanggap namin mula sa mga mambabasa mo." He crossed his arms and looked at me intently. "And Thorn Dawson told me that you're thinking of writing a romance novel."
"Wow. Binisita mo lang ako kasi hindi mo matanggap na magsusulat na ako ng romance? Hindi kaya magtampo ang mga romance writer mo?" Nag peace sign ako nang magsalubong ang mga kilay niya sa sinabi ko. "Joke lang po. At bilang sagot sa tsismis na nasagap mo, na-inspire lang naman ako dahil ang daming pagala-galang inspirasyon sa lugar na 'to. My realization lead me to the fact that I'm not really immune to good looking people after all. Saka wala naman sigurong masama na sumubok sa ibang writing category, Bossing."
"Ayokong tumigil ka sa pagsusulat ng gusto mong isulat dahil lang sa nangyayari."
"It's not really about that. Talagang nabuksan lang ang mga mata ko dahil sa mga naglalakad na maskels at abs dito. But what do we know? Malay mo Bossing eh magawa kong paghaluin ang dalawang genre. Trust my greatness and astigness."
Matamang nakatingin lang siya sa akin na para bang tinitimbang ang sinasabi ko. Nag papa-cute na kumurap kurap lang ako habang nakatingala sa kaniya at nang hindi ako makuntento ay nag heart pa ako ng pa-Korean style.
"Take a break, Lucienne. Hindi mo naman kailangan magsulat pa sa ngayon. May royalties ka pa kaya hindi mo kailangang alalahanin ang pera." he said after a while.
"Depende 'yan, Bossing. Alam mo naman ang writing braincells ko. Siya ang masusunod at hindi ako." nakangiting sabi ko habang inaayos ang suot ko na hoodie sa pagkakatakip no'n sa magulo kong buhok. "Relax ka lang bossing, ang dami mo na ngang ginawa para sa akin. Kung hindi dahil sa iyo baka hanggang ngayon hindi pa ako aware sa mga issue na nangyayari tungkol sa akin. Hinanapan mo pa ako ng bodyguard. 'Wag mo na akong alalahanin at baka makumbinsi mo na ako na ako talaga ang number one favorite mo."
"You are my favorite."
Napangisi ako. "Pakiulit. Para ma-record ko tapos ipagkakalat ko. Siguradong mag ii-strike ang mga writer mo."
"They're also my favorites."
Napatawa ako sa sinabi niya. Naiimagine ko na kasi kapag totoong nag-alsa nga ang mga writer. Natural pa naman sa amin ang pagiging emosyonal. Actually sa kanila lang ata pala. Hindi talaga ata ako normal.
"Baka hindi na ako makabisita sa susunod. They're moving you on a different safe house and it won't be safe for you kapag nagpabalik-balik ako do'n." pagkaraan ay sabi niya. "But I will try to call you as much as I can and update you. Hanggang hindi rin nahahanap ang perpetrator ay naka on-hold muna ang huling libro mo."
May binaba siya na paper bag sa bed side table ko at pagkatapos ay naglakad na siya papunta sa pintuan ng kwarto. Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko at tinawag ko siya. "Hindi mo na kailangan mag-abala masyado, Bossing. Alam ko naman na marami ka pang mga writer na hinahandle."
Tumigil siya sa akmang paglabas ng kwarto at lumingon siya sa akin. May kung anong dumaan sa mga mata niya na hindi ko matukoy nang magtama ang mga paningin namin. "Who said I'm doing this because you're one of my writers?"
Umm...what?
**********************************************
INILIBOT ko ang paningin ko sa paligid habang nasa harapan ko ang laptop ko at yakap-yakap ko. Halos wala pang gamit ang malaking bahay na kinaroroonan namin ngayon maliban sa isang mahabang sofa at maliit na telebisyon na nasa gitna ng living room. Dahil din nakabukas ang mga bintana ay rinig ko ang mga ingay na nagmumula sa labas.
Napapitlag ako nang may gumalabog sa likod ko at nalingunan ko si Thorn na ibinaba ang dalawang maleta at isang malaking bag. Infernes ha? Parang Thor na Thor talaga ang datingan ni Bossing Thorn. Look at that pecks!
"Bossing, tama ba talaga ang pinuntahan natin? Okay lang naman sa akin kahit mukhang mas maraming tao sa lugar na 'to pero....wala kasing gamit? Pwede naman akong matulog sa sofa pero pa'no ka? Alangang sa sahig ka? O ako sa sahig?" Nang hindi siya umimik ay muli akong nagsalita. "O tabi tayo? Pwede naman-"
"Bibili tayo ng mga gamit sa malapit na mall dito. Bahay ito ng kaibigan ko na nakatira na ngayon sa ibang bansa kaya wala ng natirang mga gamit maliban sa mga iyan. Pwede rin nating palitan 'yan kung gusto mo." paliwanag niya. "At kaya tayo nandito ay mas madali na maitago ka dahil maraming mga tao sa paligid. Hindi ka mabilis maituturo kung sakaling may makakilala sa iyo dahil maraming pumapasok at lumalabas sa lugar na ito. Dahil iisa lang naman ang daan sa lugar na ito hindi din naman ako mahihirapan na tutukan iyon."
Ginapangan ako ng kilabot sa sinasabi niya. Iniisip ba nilang kilala ako hindi lang bilang Lush Fox nf taong gumagawa nito? "Pero wala namang nakakakilala sa akin bilang si Lush Fox maliban-"
"Hindi natin dapat ialis ang posibilidad na maaaring makagawa ang killer ng paraan para malaman kung sino ka. And the way the case is going, mapipilitan ang Quetzal Publishing na ilabas ang identidad mo dahil iyon ang hinihingi ng autoridad." Nang mapansin niya ang pamumutla ko ay nagpatuloy siya sa pagpapaliwanag. "Don't worry, only the authorities will know you. Hanggang kaya namin ay pananatiliin pa rin namin na nakatago ka sa buong publiko."
Nakahinga ng maluwag na tumango ako sa kaniya. It's not like I'm not thankful to my supporters but I just want to write. Gusto kong magsulat ng mga libro na mamahalin nila. Ang mga libro na iyon ang gusto kong matandaan nila at hindi ako bilang tao. Naging manunulat naman ako hindi para makilala ako kundi para makilala ang libro ko. I became a writer to be heard and not just to be known.
"Magpalit ka muna ng damit mo para makabili na tayo ng gamit." sabi ni Thorn at hinila na ang sarili niyang maleta.
Nagbaba ako ng tingin sa sarili ko at napakunot noo ako. Wala namang problema sa suot ko. Iyon naman ang lagi kong suot. "Okay naman na ako."
Lumingon siya sa akin at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. "Nakapantulog ka."
"Hindi ah. Naka jogging pants ako at long sleeves na blouse. Hindi pantulog ang tawag dito."
"It's colorful."
Muli kong sinipat ang jogging pants ko na kulay yelow na tadtad ng unicorn. Ang long sleeves ko naman na blouse ay kulay pink at may horn pa ng unicorn ang nakakabit na hoodie. Ano bang problema ng taong 'to sa damit ko? "And?"
"Hindi appropriate na isuot panlabas iyan."
Napakamot ako sa ulo ko. Hindi naman kasi ako lumalabas. Sa mga coffee shop lang ako pumupunta at ang mga 'yon naman ay walang pakielam kahit na anong suotin ko kapag pumapasok ako sa establishimento. Magrereklamo pa ba sila eh hindi naman ako nagtitipid sa paglaklak ng kape nila?
"Wala akong ibang damit puro ganito lang. Sabi kasi ni Bossing noon masyado daw madilim ang mga damit ko." sabi ko habang iwinawagwag ang mahabang sleeves ng jacket ko. "Kaya nang makakita ako sa Shopee ng mga cute na damit binili ko na. Mura pa. Guto mo ipadala ko sa'yo ang link ng shop na pinagbilan ko?"
"No."
Napasimangot ako sa mabilis na pagsagot niya. Kung makatingin pa sa akin parang isang krimen ang ginawa ko sa pagsuot ng binili kong damit at ang pag-iisip na magiging interesado siya na tignan ang pinagbilan ko no'n.
Sa pagtataka ko ay binuksan niya ang maleta niya at may hinila siya mula doon. Pagkatapos no'n ay lumapit siya sa akin at sa pagkagulat ko ay basta na lang niyang isinuot sa akin ang itim niya na jacket. Akmang lalayo ako pero hinila niya lang ang sungay ng hoodie ko at inilabas iyon sa jacket. Itinaas niya iyon dahilan para matakpan ang ulo ko.
"Bumili ka rin ng suklay."
Napangiwi ako at hinawakan ko ang mahaba kong buhok. Gano'n na ba talaga kalala ang buhok ko? "May suklay ako no, FYI."
"Kailan mo huling ginamit? Noong 1980?"
Napamulagat ako sa kaniya. Ako lang ba o talagang nag joke siya? Parang hindi kasi bagay sa kaniya. Pakiramdam ko kasi hindi si Thorn ang klase ng tao na alam ang salitang "joke". Isang tingin kasi sa kaniya mukhang parang hindi pa siya nakakaranas tumawa man lang.
Sinundan ko siya ng tingin nang lagpasan niya ako at muling naglakad palabas ng bahay. Nagmamadaling sinundan ko siya nang hindi man lang niya ako nilingon at nagtuloy-tuloy lang sa paglalakad niya.
"Sino pala sa mga kapatid mo ang makakasama natin sa bahay? O may iba pa kayong empleyado? Tanungin mo kaya sila kung ano pang kailangan nila na baka hindi natin mabili-"
"Ako lang ang makakasama mo."
"Ay wiwi ng kabayo!"
Kasabay ng malakas ko na pagsigaw no'n ay ang pagkawala ng balanse ko. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko habang hinahanda ko na ang sarili ko na lumagapak sa matigas na semento. Nanatili akong nakapikit kahit na hindi ko naramdaman ang malakas na pagtama ng katawan ko sa sahig at sa halip ay malambot at mainit na bagay ang pumalibot sa akin. Bakit ang bango? Wow. Amoy yummeh. Inangat ko ang mga kamay ko at kumapa ako pero napatigil ako sa ginagawa ng madampian ng mga kamay ko ang matigas at malapad na bagay. Wow wow.
"You're weird."
Nagmulat ako ng mga mata at napasinghap ako nang makita ko kung gaano kalapit ang mukha ng lalaki sa akin. Alam ko naman na hindi semento ang sumalo sa akin kundi siya. Hello? I'm a writer. Gore man ang sinusulat ko hindi ibig sabihin hindi ko alam ang mga cliche na tagpuan sa romance novels at movies.
Imbis na lumayo ako sa kaniya ay pinisil ko pa lalo ang braso niya na hawak ko. Curious lang ako kung kasing tigas nga 'yon katulad ng iniisip ko. "Hello, Bossing."
He continued looking at me as if he's trying to figure me out. Pero dahil kasing gulo ng buhok ko ang pagkatao ko ay hindi na ako nagtataka na hindi niya nagawang mahanap ang sagot sa mga iniisip niya. Naiiling na itinayo niya na ako ng maayos pero imbis na talikuran ako gaya ng inaasahan ko ay yumuko siya at hinawakan ang laylayan ng jogging pants ko.
Sunod-sunod na napakurap ako nang ayusin niya ang laylayan no'n at itinupi. "Kaya ka nadadapa kasi ang liit-liit mo pero ang haba ng mga damit mo."
"M-Makapagsabi ka naman ng maliit." tumikhim ako para alisin ang bikig sa lalamunan ko. "Hindi ako maliit. Matangkad ka lang."
Umayos siya ng pagkakatayo nang matapos na siya at pagkatapos ay hindi na nagkomento sa sinabi ko at tumalikod na siya para lumabas. Sinundan ko siya hanggang sa makarating kami sa sasakyan niya. Ilang sandali lang ay lulan na kami ng kotse at pinaandar niya na 'yon papunta sa malapit na mall.
Hindi naman nagtagal ay nakarating din kami do'n. Halos ten minutes away lang 'yon mula sa bahay. Nang makarating doon at maiparada na ng lalaki ang sasakyan ay wala ulit salita na pinatay niya na ang makina ng sasakyan habang ako naman ay nakasunod lang sa kaniya.
Sa saglit na nakasama ko ang lalaki ay napag-alaman ko na hindi siya talaga iyong klase ng tao na palasalita. Kahit sa mga kasamahan niya at mga kapatid sa Dagger Security and Investigation ay gano'n din diya. Unless he's being riled up or he wants to point something out ay tahimik lang talaga siya. Buong byahe nga namin mula sa headquarters nila papunta sa safe house ay halos hindi siya nagsasalita maliban na lang kapag tinatanong ko siya. Lahat na ata ng maisip ko tinatanong ko sa kaniya para lang marinig ko ang boses niya. Concern lang naman ako kasi baka mapanisan siya ng laway.
"Wag kang lalayo sa akin. Kung may gusto kang puntahan magsabi ka para samahan kita." sabi niya nang makapasok kami sa loob ng tindahan ng mga furniture at appliances.
Pinagala ko ang tingin ko sa paligid. Kahit na hindi naman weekend ay marami pa ring mga tao. Sa loob ata ng ilang taon ay ngayon lang ako na-expose ulit sa ganitong karaming tao dahil hindi naman ako umaalis ng bahay.
Kaagad akong nakaramdam ng panlalamig kahit na nagsisimula nang mamuo ang pawis sa noo ko sa kabila ng malamig na buga ng hangin mula sa airconditioning ng mall. Mukhang ni-re-reject ng buong pagkatao ko ang sitwasyon na kinalalagyan ko. Nawala kasi sa isip ko na ngayon lang ako tatapak ulit sa lugar kung saan maraming mga tao akong kinakailangan makasalamuha.
"Lucienne."
Another person that can pronounce my name right. Pinilit kong ipokus ang atensyon ko sa boses niya pero naagaw ang pansin ko nang mga taong dumadaan sa paligid ko. "I-I need a moment."
Nagtataka man ay humakbang siya ng ilang steps palayo sa akin pero kaagad akong lumapit sa kaniya habang nanlalaki ang mga mata. "Hindi ko sinabing umalis ka. J-Just give me a second."
"What's happening?"
"I don't know." I told him honestly. "Hindi lang ako sanay. Ito ang unang beses sa loob ng ilang taon na napunta ako sa lugar na maraming tao."
He looked at me as if he's trying to wait for me to finally have a grasp on my sanity. Nang makita niyang matagal pa bago mangyari iyon ay sa pagkabigla ko inabot niya ang kamay ko at hinila niya ako palapit sa kaniya. Ibinaba niya ang kamay ko at pagkatapos ay ikinapit niya iyon sa dulo ng suot niya na t-shirt bago ako binitawan. "Mas mabilis nating mabibili ang kailangan natin mas mabilis kang makakaalis dito."
Mahigpit ang kapit sa kaniya na nagsimula na kaming maglakad papunta sa mga kailangan sa bahay na tutuluyan namin. Mukhang hindi niya naman kailangan ng tulong sa pag-iisip ng kailangan dahil mukhang alam niya na kung ano ba ang dapat bilin kahit wala naman siyang listahan. In no time, he already found what we need. Beds, cabinets, things for the kitchen and living room, at kung ano-ano pang kakailanganin namin.
Muli kaming naglakad hanggang sa tumigil kami sa tapat ng mga coffee maker, microwave, at toaster na kalapit lang ang mga nakadisplay na TV. Habang nakikipag-usap siya sa sales boy ay napako ang atensyon ko sa telebisyon na ngayon ay may pinapakitang trailer ng pelikula na mukhang horror movie.
"Infernes hindi nagtippid sa effects. Kaya lang mas maganda sana kung mas detail lang sa senaryo. I mean, kung may scene na sasaksakin niya 'yung mata nung bida bakit kina-cut tapos sa susunod na shot puro dugo na lang tas nakatakip pa ang kamay sa mata? Mas makatotohanan pag nagawan nila ng paraan pa'no makikita na umaagos talaga 'yung dugo at kung paanong magkakabutas sa mata. Realistic." Lumingon ako sa kaliwa ko nang may maramdaman ako ro'n na nakatingin sa akin. Namataan ko ang isa pang sales boy na mukhang narinig lahat ng sinabi ko. "Sa tingin mo?"
Napaatras siya bigla na parang nahihintakutan at napangiwi na lang ako nang masagi niya ang electric fan sa likod niya. Buti na lang nahawakan niya kaagad iyon kundi baka nagbayad pa siya kapag nagkaron iyon ng damage. Konsensiya ko pa 'yon.
"Nanakot ka pa."
Nag-angat ako ng tingin kay Thorn na tapos na pala sa kausap niya kanina. "Nag co-comment lang ako ro'n sa nakita kong trailer. Hindi kasi maganda. Hindi naman ako nanakot ah."
"The poor guy looks like he was scared that you're about to stab him."
"Hindi ako bayolenteng tao." Napaisip ako sa sinabi ko at pagkatapos ay dinugtungan ko iyon. "Bayolente lang akong mag-isip."
Lumingon ako sa sales boy na ngayon ay malayo na mula sa kinaroroonan namin. Ewan ko ba talaga kung bakit gano'n na lang ang epekto ko sa mga tao. "Bakit kaya lagi na lang may natatakot sa akin? Lagi namang makulay nitong mga nakaraan ang sinusuot ko. Tadtad na nga ako ng unicorn eh. They said that anything about unicorn looks cute. So cute na dapat ako ng lagay na 'to. Kaso sa iba kapag ako ang may suot parang hindi unicorn ang nakikita nila kundi kabayo na symbolo ng isang kulto."
"I agree."
Pinaningkitan ko siya ng mga mata. Hindi man lang itinanggi. "Salamat sa vote of confidence ha? Oo na mukha na akong leader ng kulto. Ako na ang mukhang walking horror movie-"
"I agree that you look cute."
________________End of Chapter 4.