Chapter 5: Questions

3530 Words
CHAPTER 5 LUCIENNE'S POV Panay ang subo ko ng chips na hawak ko habang pinapanood ko ang mga tao sa harapan ko na kasalukuyang pabalik-balik sa paglabas at pasok sa bahay. Kasalukuyan kasi nilang pinapasok ang mga pinamili namin kanina sa mall. Kanina tumutulong pa ako sa kanila kaso nang ilang beses kong maibagsak ang mga hawak ko lalo na nang tumulong ako sa pagbuhat ng kahon na ang ending ay naibagsak ko sa paa ni Thorn ay binigyan na niya ako ng matalim na tingin at itinuro ang sulok kung saan ako nakaupo ngayon sa isa sa mga dining chair na tinanggalan niya na ng plastic. Kahit na sinungitan ako eh bumawi naman dahil binigyan ako ng pagkain. Come to think of it. Parang laging pagkain ang pambawi niya kapag sinusupladuhan niya ako. "Saan po ilalagay 'tong isa pang kama?" "Sa master's bedroom." narinig kong sagot ni Thorn. Napakunot-noo ako. Akala ko nalagay na iyong isa pang bagong kama sa master's bedroom kaya bakit ilalagay doon ang pangalawa? Baka mali lang ako. Inilipat nila siguro iyong isa pa sa guest room. Nakakapagtaka lang eh parehas lang naman ng klase iyon. Baka may gasgas o ano. Sensitive siguro si Thorn sa mga gano'n. Only perfection touches his skin ganern. Humagikhik ako at kaagad ko naman tinakpan ang bibig ko para walang makarinig. Pero huli na iyon dahil napatigil ang isa sa mga delivery man nang mapatingin sa gawi ko. Napangiwi ako ng mabitawan niya ang bitbit niya na paa ng coffee table. Buti na lang bakal iyon at mukhang hindi naman nasira. Hinawi ko ang kulot ko na buhok na hindi ko pa rin nasusuklay pero imbis na maalis iyon ay bumalik lang iyon sa pagkakatabing sa mukha ko. Ngumiti na lang ako sa kaniya pero nang makita kong hindi nabago ang ekspresyon sa mukha niya ay napabuntong-hininga na lang ako. Bakit kaya kapag ngumingiti ako mas natatakot pa sa akin ang mga tao? Ang ganda naman ng ngipin ko. Nag tooth brush din naman ako. "Bakit tooth brush ang tawag sa tooth brush kuya?" tanong ko at ng hindi siya sumagot ay nagpatuloy ako. "Bakit hindi teeth brush eh marami ang lilinisin mo hindi lang naman isa?" "P-Po?" Masyado atang pang genius ang naging tanong ko. Makagawa nga ng case study tungkol do'n. Umiling ako at inabot ko sa direksyon ng lalaki ang hawak ko na pakete ng chips. "Gusto mo?" Sunod-sunod na umiling siya at basta na lang niya kinuha ang kanina ay bitbit niya at pagkatapos ay inilagay niya iyon sa harapan ng sofa bago nagmamadaling lumabas. Muli akong napabuntong-hininga at dinampot ko ang cellphone na nakapatong sa lamesa sa tabi ko. Binuksan ko ang camera no'n at pagkatapos ay tinignan ko ang sarili ko. Napangiwi ako nang makita ko ang itsura ko. Kaagad na pinunasan ko ang bibig ko na may kumalat na palang bakas ng cranberry juice na iniinom ko kanina. Kawawa naman si kuya. Baka akala gagawin ko siyang dessert ko. Lalo tuloy nakadagdag iyon sa natural ng nakakatakot kong anyo. Bukod kasi sa tamad akong magsuklay kaya laging parang dinaanan ako ng bagyo ay talaga sigurong nakadikit na sa aura ko ang pagiging "creepy" ko. Masyado na rin kasing matagal mula nang magkaroon ako ng interaksyon sa ibang mga tao. I just don't know how to act or talk anymore. Idagdag pa ro'n na hindi naman talaga normal ang takbo ng utak ko kaya bukod sa natatakot sila sa akin ay na we-weirduhan din sila. "Pwede mo ng ilagay ang mga gamit mo sa master's bedroom. Bukas ko na aayusin ang ibang mga gamit." Nilingon ko si Thorn na siyang nagsalita. Akmang bubukas ang bibig ko para sumagot pero tuloy-tuloy na naglakad siya palabas ng bahay para marahil kausapin ang mga tumulong sa amin sa pagdala ng mga gamit.  Tumayo na ako mula sa kinauupuan ko at pinatong ko muna ang kinakain ko sa lamesa bago ako lumapit sa mga maleta ko at kinuha ang isa do'n. Hinila ko iyon at pagkatapos ay umakyat na sa second floor. Binuksan ko ang unang pintuan na namataan ko pero nang makita ko na walang gamit ro'n ay sinara ko na lang ulit iyon at lumapit ako sa isa pang pintuan. Huli na para maisip ko kung bakit wala ang isa sa kama sa unang kwarto na pinasok ko. Nang tuluyan kong mabuksan ang pintuan sa pangalawang kwarto ay sunod-sunod na napakurap ako sa tumambad sa akin na tanawin. Bukod sa malaking cabinet at bed side table ay may dalawang malaking kama ang naroon ngayon. Ang isang kama ay malapit sa bintana habang ang isa naman ay nakaiwas doon. Napatalon ako mula sa kinatatayuan ko nang mula sa kung saan ay sumulpot sa tabi ko si Thorn na hila-hila ang isa ko pang maleta at ang kaniya. Sa balikat niya ay nakasukbit ang isa ko pang bag. Kaagad na tumabi ako para makapasok siya sa kwarto nang makita kong kinunutan niya ako ng noo. Nanatiling nakatayo ako roon  habang nakadikit ang likod ko sa pader na pinagmasdan ko siya. Inilagay niya ang isang maleta sa kama na nasa malapit sa bintana habang ang akin naman ay itinabi niya sa isa pang kama. "Umm...bossing Thorn?" "You don't need to call me that way. If you can't call me Dawson then Thorn is fine." Muli akong napakurap habang nanatili akong nakatingin sa kaniya na para bang hindi ko maproseso ang sinabi niya. Kaya imbis na intindihin iyon ay tinuro ko ang isa sa mga kama bago ko inilipat iyon sa isa pa. "B-Bakit nandito 'yong isang kama?" He crossed his arms on his chest and looked at me in a way that seems like he's trying to read my thoughts. My eyes dropped on his arms and I can't help but stare. Mas lalong na-emphasize ang muscles niya sa ginagawa niya. "May problema ba?" tanong niya. "Ha?" tanong ko at pilit na inalis ko ang mga mata ko sa braso niya. Pero imbis na kumalma ang kung ano mang estrangherong pakiramdam na nagwawala ngayon sa buong systema ko ay mas lalo pa iyong lumala nang magtama ang mga mata namin. "Problema? Saan?" "You asked about the bed?" Para akong binatukan sa sinabi niya at napakamot ako sa pisngi ko. Pagkaraan ay hinawakan ko ang pinto at bago ko pa mapigilan ang sarili ko ay sinimulan ko iyong isara at ibukas ng paulit-ulit na para bang ginagawa ko iyong pamaypay. Sa mainit eh anong magagawa ko? "Bakit nandito ang kama mo? O kama ko?" tanong ko nang magawa kong pakalmahin ang sarili ko ng bahagya. Binitawan ko ang pintuan at muli kong tinuro ang kama. "Bakit dalawa ang kama dito?" "Akala ko ba kahit magkatabi ta'yo okay lang sa'yo?" Nalukot ang noo ko sa paraan ng pagtatanong niya. Seryoso ang mukha niya at wala rin akong mabasang kahit na ano sa mga mata niya. Pero bakit pakiramdam ko...binibiro niya ako? Baka guni-guni ko lang. Mukhang hindi siya iyong klase ng tao na marunong no'n eh. "Pero...pero dalawa naman ang kama. Kaya hindi ko kailangan magpaka-good samaritan. Kaya bakit nandito parehas? Nagkamali ba ang mga delivery man kanina? Pwede naman kitang tulungan ilipat 'yang isa sa kabila." Lumapit siya sa kama na malapit sa bintana at binuksan niya ang maleta niya. Hindi lumilingon sa akin na nagsalita siya habang may hinahanap do'n. "I'm tasked to protect you. Kung may makakapasok sa bahay na ito ay mas mabuti ng magkasama tayo. That's the reason why my bed is close to the door. Iyon din ang rason kung bakit malayo sa bintana ang kama mo. If someone will try to infiltrate the place or run the house down with bullets, you'll be fine." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "Paano ka? Delikado para sa'yo-" "It's my job, Lucienne." Natigilan ako sa sinabi niya. Tama naman ang sinabi niya. Ito ang trabaho niya. Trabaho niya na bantayan ako at itaya ang kaligtasan niya para sa akin. But it doesn't feel right. Hindi tamang masaktan siya dahil lang sa akin. I don't want anyone to get hurt anymore just because of a person like me. Wala namang espesyal sa akin. Nagsusulat lang ako. Writer lang ako. Pero bakit nangyayari ang mga ito? "Do you think someone will really try to hurt me?" I whispered. "I don't know." he answered straightly. "Hindi ko alam kung may balak pa bang iba ang killer maliban sa pagsunod sa mga sinusulat mo. But it's better to be safe. Sa kaniya man o sa mga taong maaaring maging interesado na hanapin ka. The person who's doing this angered a lot of people and if I'm being honest some of that are being branched out to you." "They're blaming me." "Not all of them. Pero may mga taong hindi naiintindihan kung ano ba ang nangyayari. Hindi nila naiintindihan na wala kang kasalanan sa mga nagaganap. You're a victim like they are and you need to be protected from all these." "But who will protect them?" Kita ko ang pagkagulat niya sa naging tanong ko pero kaagad naman siyang nakabawi mula roon. "The authorities are doing everything they can." Nagbaba ako ng tingin sa mga kamay ko. Habang ako ay pinoprotektahan niya ay ang mga tao na nasa labas na maaaring maging biktima ng killer ay walang kaalam-alam sa maaaring mangyari sa kanila. While I'm being protected people are at risk. Dahil kaya ng boss ko na humanap ng mga tao para protektahan ako. Dahil kaya niyang maglabas ng pera. Because I'm known. But those people have more to lose than me. Sila may pamilya panigurado. May mga kaibigan. "You deserve to be protected like everyone else, Lucienne." "Because I have money?" I whispered. "Dahil may kayang maglabas ng pera para sa akin." "No. It's because someone cared enough to find protection for you. Kaya mali ka. You said you have no one when you obviously have someone who cares for you." I opened my lips to respond but no words came out of my mouth. Nang makita niya iyon ay umayos siya sa pagkakatayo at sinukbit niya ang tuwalya na hawak niya sa balikaat niya. "I'm going to take a shower. Don't leave this room." Hindi na niya inintay ang sasabihin ko at tumalikod na siya para pumasok sa banyo na naroroon sa kwarto. Sandaling nanatili lang ako sa kinatatayuan ko habang umiikot pa rin sa utak ko ang mga pinag-usapan namin. Nawala lang ako sa tila pagkakatulos doon nang marinig ko ang lagaslas ng tubig mula sa banyo. May animo imaginary na tunog ang pumainlang sa isip ko na parang nagsisilbing signal sa biglang pag activate ng utak ko. Mabilis na lumapit ako sa kama at tumalon ako ro'n. Tinakpan ko ang mga mata ko na para bang makakatulong iyon para maalis ang mga imahe na tumatakbo sa utak kong nagsisimula ng lumutin. "How can a shower be this torturing?" Impit na napatili ako nang muli kong marinig ang lagaslas ng tubig. Tumingin ako sa gawi ng banyo at para bang nakalaklak ng energy drink ang utak ko na umaatikabong mga senaryo ang pumasok sa utak ko habang nakatingin doon. I can see water running down his well-defined body. Nakikita kong nakahawak ang mga kamay niya sa pader ng banyo habang nakayuko siya, ang buhok niya ay tumatabing sa mukha niya habang patuloy ang pagbagsak ng tubig sa kaniya. I think I'm going crazy. Or crazier.  *********************************************** MABILIS na uminom ako ng tubig at nang matapos ay nakangiting sumandal ako sa kinauupuan ko. Hinawakan ko ang tiyan ko at pumikit pa ako na parang ninanamnam ko ang kinain. I just had the most delicious meal I ever had for a long time. Nagmulat ako ng mga mata at nakita kong nakatutok sa akin ang atensyon ni Thorn. Nginitian ko siya bago nagsalita. "Ang tagal ko ng hindi nakakakain ng masarap na home cooked meal. Usually instant lang ang pagkain ko o fastfood. Kapag gusto ko naman ng healthy na pagkain umoorder na lang ako sa mga restaurant." "It's just a simple meal." "Oo nga pero masarap. Parang gourmet. Buti marunong kang magluto." Nagkibit-balikat siya at uminom bago nagsalita. "My mom taught us to cook. Hindi raw dapat kami umasa sa mga magiging asawa namin pagdating ng araw dahil hindi lang daw trabaho ng mga babae ang pagluluto." "Wow. She must be a great mom. Bihira kasi sa panahon ngayon ang mga lalaki na ganiyan ang sasabihin. Hindi na kasi nawala ang stereotype na mga babae lang ang dapat kumikilos sa bahay kahit supposed to be ay partnership ang isang relasyon." "She used to say that too." "Like I've said, she must be a great mom." I said with a smile. "She was." Nawala ang ngiti sa mga labi ko sa sinabi niya. Was. Bumuka ang bibig ko para magtanong pero mukhang inaasahan niya na iyon dahil tumayo na siya. Dinampot niya ang plato ko pero kaagad kong pinigilan ang kamay niya. Natigilan siya at kaagad ko naman siyang binitawan na para bang napaso. "Ako ng bahala sa hugasin." sabi ko. "I'll take care of it-" Pinutol ko ang sasabihin niya at kinuha ko ang plato ko mula sa kaniya at pagkatapos ay dinampot ko na rin ang sa kaniya. "Ako ng bahala. Ikaw na nga ang nagluto eh. Isa pa hindi mo ba alam na ako ang pinakamagaling na taga-hugas sa buong universe?" He looked down at me with a knotted forehead. "I don't think there's any way you can prove that." Nginisihan ko siya at pagkatapos ay naglakad na ako papunta sa kusina. Kaagad na dumiretso ako sa lababo at sinimulan na ang paghuhugas ng mga pinagkainan namin. Hindi man ako magaling sa pagluluto pero at least marunong ako maghugas. Ito lang ata ang kayang i-master ng mga taong hindi marunong magluto. "You don't need to wash the dishes, Lucienne." Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at nakita kong hawak niya ang ilan pang mga ginamit namin na mga lalagyan ng pagkain. "I'm already doing it. Ilagay mo na riyan." "Lucienne-" "Unless gusto mong ako ang magluto bukas at ikaw ang maghugas okay lang naman sa akin. Warning lang though. Last time na nagluto ako eh hindi na nagamit ang pinaglutuan ko na kawali dahil dumikit na lahat do'n ng niluluto ko." pananakot ko sa kaniya habang nagpapatuloy sa ginagawa. Hindi ko na lang dinagdag na kaya lang naman nangyari iyon ay dahil naaliw ako sa pinapanood ko. Besides, I think his cooking will still taste better than mine. "Bodyguard kita di ba? Hindi naman kita yaya." I heard him sigh before he put down the dishes beside me. Pero imbes na umalis gaya ng inaasahan ko ay lumayo lang siya ng kaunti at nanatiling nakatayo doon. Nilingon ko siya at nakita kong nakahalukipkip na naman ang mga braso niya habang pinapanood ako. "What?" I asked. "Doon ka na lang sa labas." "You don't want me to wash the dishes so I'll just do my job." Pinaikot ko ang mga mata ko. Mula kanina ay hindi niya ako iniiwan mag-isa. Kung siya ang may ginagawa ay lagi niya akong pinapapuwesto sa lugar kung saan makikita pa rin niya ako. Paranoid much. "Kwentuhan mo na lang ako kung tatayo ka lang din diyan." sabi ko sa kaniya. "Hindi ako palakuwento." "Pansin ko nga." nangingiting sabi ko. "Eh di magtatanong na lang ako tapos sumagot ka. Wala naman sigurong masama ro'n dahil kahit anong gawin natin ay magkakasama tayo ng matagal." I continued sponging the dishes with soap at nang mabanlawan ko na ang mga iyon ay sinimulan ko naman iyong tuyuin. Nag-angat ako ng tingin mula sa ginagawa nang wala akong marinig na sagot mula sa lalaki. "Hindi ka na nagsalita riyan." "Wala ka pa rin namang tinatanong." Oo nga naman. "Bakit security and investigation agency ang itinayo niyo na magkakapatid?" "My father is a US army veteran. Army doctor naman ang nanay namin." "Pero bakit dito niyo sa Pilipinas itinayo?" "My father is American but my mother was half Filipino. Dito lumaki si Mama at pumunta lang siya sa ibang bansa nang kunin siya ng mga magulang niya. But when she met my father and they retired they decided to moved back here. Doon nila naisipan na itayo ang Dagger." paliwanag niya. "At lahat kayo sumunod sa yapak niya?" "Not all of us. My sister didn't. Bukod sa pagpunta sa Dagger para ipakita sa amin na buhay pa siya at nag travel lang kung saan-saan o tanungin kami tungkol sa mga controversial cases namin ay wala na siyang ibang ipinupunta sa headquarters." Napamulagat ako. May kapatid sila...na babae? Kahit kaunting beses ko pa lang silang nakitang magkakapatid na magkakasama ay hindi ko makakalimutan kung gaano ka-evident ang testosterone kapag nasa paligid sila. I can't even grasp on the thought that their parents can produce a girl with all the androgenic hormones. Pakiramdam ko kasi ipinanganak sila na ready to rumble na. Parang mga baby warrior na sumisigaw ng "Sugod mga kapatid!" dahil gano'n katindi ang aura nilang lahat. "You have a sister." I said with wonder. "Yes. She's a journalist." "Let me guess, a war correspondent?" I asked. Kung veterans ang parents niya at silang magkakapatid naman ay mga klase ng lalaki na mukhang atapang atao, then his sister might be a badass too. He chuckled and I immediately went to another shock because of it. Pakiramdam ko ay umilaw ang mundo sa nakikita kong ngiti sa mukha niya. If anyone will ask me to describe his smile, I'll tell them it looks like a cure for a dangerous disease or the answer for world peace. "Luna Alondra Dawson won't step foot on any war zone unless she can color the uniforms pink or lilac, her favorite color. She's a fashion magazine journalist." Ipinilig ko ang ulo ko sa sinabi niya. I can't even imagine how that's possible. Totally worlds apart. "Wow." Hindi na ako muling nagsalita at nagpokus na ako sa ginagawa ko. Nang muling mamayani ang katahimikan ay sa pagkagulat ko siya na ang bumasag no'n. "Your next question?" Tumingin ako sa kisame habang pinupunasan ang hawak ko na pinggan habang nag-iisip. Nang muli akong magbaba ng tingin sa kaniya ay nagsalita ako. "What's your favorite color?" His lips quivered as if fighting back a smile. "Black." "Huh." I said and looked down at the plate I'm holding. Mula ata ng unang beses ko siyang makita ay wala akong nakitang ibang kulay na pag-aari niya. Kahit kotse niya itim eh. "Nagtanong pa ko obvious naman." "Next." "Favorite movie?" "Fight club." Napatango-tango ako. "Anong pinakaayaw mong naibigay sa iyo na case?" "I can't tell you." Lumingon ako sa kaniya at muli siyang nagsalita. "But I can tell you that it's not your case that I hate." Binalik ko ang atensyon ko sa ginagawa ko. Hindi naman ako magagalit kung sinabi niya na ang akin ang pinakaayaw niyang trabaho na nahawakan niya. Kasi talaga namang magulo ang sitwasyon ko ngayon at walang kahit na sino ang matutuwa pa para i-handle ang case ko. Though it would be a different thing if he hates this case not because of the job but because I'm making it difficult for him to do his job. In short ako ang problema at hindi ang kaso. "Do you think I'm creepy?" I asked him. "Yes." Sanay ako na marinig iyon sa ibang tao. I also embraced it since I'm making money because of my "creepiness". Pero hindi ko alam kung bakit parang may kung anong kumurot sa puso ko na manggaling iyon sa kaniya. "You're creepy-cute. It's not a bad thing." Animo dumaan si Elsa galing sa Arendelle habang kumakanta ng Let It Go at bilang ginawang yelo ang pagtatampo ko at napalitan iyon ng ibang pakiramdam. "I know right." biro ko para pagtakpan ang nararamdaman ko. "Magsuklay ka lang talaga." Binaba ko na ang huling plato sa lagayan no'n at nakapamewang na hinarap ko siya. "Lubayan mo ang buhok ko." He shrugged and looked at me with his serious face again. Sa kabila niyon ay pakiramdam ko na naman ay binibiro niya ako ulit. Kahit na ang hirap paniwalaan na marunong siya talaga ng bagay na iyon. "Marunong akong magsuklay. Gusto mo?" Inismiran ko siya at nalagkad na ako palabas ng kusina. Naramdaman kong nakasunod siya sa akin. "Marunong din ako." "Right." I can hear the sarcasm in his tone. I crossed my arms and looked at him with squinted eyes. "Mag sha-shower na ako." Gaya ng inaasahan ay sinundan niya ako hanggang makarating kami sa kwarto. Dumiretso ako sa maleta ko na hindi ko pa na a-unpack habang siya naman ay umupo sa sarili niyang kama. I can't believe that he really offered to brush my hair. Anong akala niya sa akin hindi marunong magsuklay? Tinatamad lang ako no. Makaligo na lang at baka akalain niya naman ay hindi ako marunong maligo. Kung i-o-offer niya nga lang na turuan akong maligo baka sakaling hindi na ako marunong bigla. Ipinilig ko ang ulo ko dahil sa mga dumadaang isipin sa utak ko na para bang maitataboy no'n ang mga makamundong mga suhestiyon na umiikot sa utak doon. Ang halay, Lucienne! "I can do it you know. I wouldn't mind." Nanlalaki ang mga matang nilingon ko si Thorn. Niyakap ko ang sarili ko at napaatras. Did he just...did he read my mind? "Hoy! Hindi ako easy to get no! Ano ka hilo? Bakit naman kita hahayaan na paliguan ako? Ano ako baby? Baby mo? Hindi ako baby!" His jaw dropped in surprise and confusion crossed his eyes. Natutop ko ang bibig ko nang ma-realize ko na iba ang tinutukoy niya. "A-About ba sa suklay ang sinasabi mo?" Animo robot na dahan-dahan siyang tumango. I mirrored his action and nodded my head too before I turned around and walked towards the bathroom. Nang makapasok doon ay pabalibag na isinarado ko ang pintuan at ini-lock iyon bago nagmamadaling sumampa ako sa tuyong bathtub. Impit na napapatili na nagpapadiyak ako at humilata ro'n habang paulit-ulit kong naririnig sa utak ko ang mga pinagsasabi ko kanina. Life why?!  _____________End of Chapter 5.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD