CHAPTER 6
LUCIENNE'S POV
Nanatili akong nakapikit kahit na gising na gising na ang diwa ko. Naririnig ko kasi ang pagkilos ni Thorn na mukhang bumabangon na mula sa kama niya. Gaya ng inaasahan ay hindi ko rinig ang mga yabag niya na parang kasing tahimik ng paglakad ng pusa. He's a huge person but he always walks as if he's floating on air.
Hinapit ko ang kumot na nakatalukbong sa akin para mapalapit iyon lalo sa katawan ko nang marinig ko ang dahan-dahang pagbukas nang pintuan ng banyo na sumarado rin pagkaraan. Nanatili ako sa kinaroroonan ko habang nagpapanggap pa rin na tulog.
Hindi ko kasi alam kung paano haharapin ang lalaki. Nakakahiya talaga ako kagabi. Kung hindi nga lang nag mukha pang eighty years old ang balat ko dahil sa tagal kong nakababad sa tubig kagabi ay hindi talaga ako lalabas ng banyo.
Sana naging isda na lang ako. Tapos tatalon ako sa toilet bowl dahil baka sakaling tanggapin ako ng angkan ni Nemo kapag nakasalubong ko sila pag nakarating na ako sa karagatan.
Buti na lang talaga ay mabait si Bossing Thorn dahil nang lumabas ako kagabi ng banyo ay nakahiga na siya sa kama niya at nakaharap sa kabilang direksyon ng kama ko. Hindi rin siya umimik kahit alam ko naman na hindi pa siya tulog.
Nanigas ang katawan ko nang makarinig ako ng lagaslas ng tubig. That frigging thing was the reason why I can't face him right now! Kung bakit naman kasi kapag kasama ko ang lalaki ay aktibo ang imahinasyon ko. Bukod pa do'n ay parang lagi akong napapahiya sa kaniya na para bang panig sa kaniya ang buong universe. Pati ang walang kamalay-malay na tubig ay parang kampi sa kaniya at ipinahamak pa ako.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakahiga sa kama ko. I should have probably escape and find a nearest mountain and bury myself there but I was too late. Nahigit ko bigla ang hininga ko nang marinig ko ang muling pagbukas ng pintuan. Pinigilan ko ang sarili kong gumalaw at hindi ko rin pinakawalan ang hininga ko sa takot na baka mahalata niyang gising na ako.
"Lucienne, wake up."
Tila lobo na tinusok ng karayom na malakas kumawala ang hangin na pinipigil ko. Dahil sa biglaan iyon ay sunod-sunod na inihit ako ng ubo at wala na akong nagawa kundi umupo habang hinahampas-hampas ko ang tapat ng puso ko na para bang makakatulong iyon sa bigla kong pagkasamid.
Nang kumalma na ang pag-ubo ko ay dahan-dahan akong nag-angat ng mukha at tinignan ko ang lalaki sa likod ng mahaba kong buhok na nakatabing sa mukha ko. Nakita kong napangiwi siya nang makita ang itsura ko.
"Maligo ka na...at mag-ayos." sabi niya habang tinuturo ang kabuuan ko. "Kailangan na nating bumaba. We'll eat breakfast then after that we'll do your list."
"M-Mauna ka na. Susunod ako kaagad."
"Until the security system is not installed you will stay where I am." he said in a tone that says that there's no way I can contest what he said.
Nilingon ko ang bed side table at tumingin sa orasan na nakapatong doon. Nalukot ang mukha ko nang makita ko na mag a-alas siete pa lang ng umaga. "I can't believe you wake me up this early. Walang matinong tao ang gumigising ng ganitong oras."
"More than half of the world is awake by this time, Lucienne. Ganito ang normal na gising ng mga tao."
"So hindi ako normal?"
Imbis na sagutin ang tanong ko ay tinignan lang niya ako habang nakahalukipkip ang mga braso. Pinaikot ko ang mga mata ko kahit hindi naman niya nakikita dahil para na rin niyang sinagot ang tanong ko sa pananahimik niya. Whatever. Normal is boring.
Bago pa ako makapag-isip ay tumayo na ako dahilan para mahulog ang kumot na nakabalot sa akin. Kita ko ang pagkabigla sa mga mata ng lalaki dahilan para maalala ko na maikling shorts at sandong manipis nga lang pala ang suot ko. I wear anything I like the whole day and that usually means sweatpants, jackets, leggings, jogging pants, pajamas, pull overs, and big shirts. Pero kapag matutulog ay talagang gusto ko komportable ako at hindi naiinitan. Hirap kasi talaga akong makatulog at nakakatulong ang lamig ng temperatura para tuluyan akong antukin since the drop on body temperature can induce sleep.
Mabilis na kumilos ako at kinuha ko ang tuwalya na nakasampay sa isang upuan malapit sa malaking kabinet at ibinalot ko iyon sa sarili ko bago ako nagmamadaling humugot ng damit na susuotin ko mula sa loob ng cabinet. Hindi ko na pinansin kung ano ang nahablot ko at basta na lang ako tumakbo papunta sa banyo. I think this bathroom would be like my solitary room for this prison of a place.
Labag man sa loob dahil bukod sa maaga pa ay ayoko talagang lumabas ng banyo ay nagsimula na akong maligo. Ayoko ng painitin ang ulo ni Bossing Thorn gano'ng ilang kapalpakan na ang ginawa ko sa harapan niya. Mamaya niyan ay mawalan siya ng pasensiya sa akin at bigla na lang akong ipasa sa iba niyang mga kapatid.
Bakit parang ayaw mo na atang mahiwalay kay Thorn, Lucienne? Close na kayo?
Nanggigigil na binuksan ko ang shower para magawa kong iligaw ang magulong kong isip, para lang mapasigaw nang tumama sa akin ang malamig na tubig. Pakiramdam ko ay na-freeze ako mula ulo hanggang paa sa pakiramdam no'n na kaagad bumalot sa akin.
Nanginginig na pinagpatuloy ko ang paliligo kahit na iyon ang huli kong gusto na gawin. Kung makakapagreklamo lang ang bawat himaymay ko ay malamang ginawa na ng mga ito. Tulog pa kasi talaga ang kaluluwa ko. Hindi ko na matandaan kung kailan ako huling gumising ng ganitong kaaga. Hindi kasi ako natutulog ng maaga. Matulog ng umaga pwede pa.
"Let it go, let it go, can't hold it back anymore. Let it go, let it go! Turn away and slam the door. I don't care what they're going to say! Let the storm rage on. The cold never bothered me anyway."
************************************************
PINAGMASDAN ko si Thorn na nasa harapan ko at abala sa ginagawa niya. Nakaupo ako sa isa sa mga high stool ng center island. I told him we could eat here para hindi na kailangan maghanda pa ng kahit na ano sa dining table.
Dahil abala siya ngayon sa pagluluto ay malaya akong tignan siya dahil nakatalikod siya sa akin. His movements are precise and sure. Halatang hindi talaga iba sa kaniya ang pagkilos sa kusina.
Nakakamangha siyang panoorin. Malaki siyang tao at isang tingin sa kaniya ay iisipin ng kahit na sino na wala siyang alam sa kagamitan sa kusina maliban na lang kung gagamitin niya iyong panlaban sa mga masasamang loob. The kitchen utensils looks so small with his grasp. Parang any moment ay madudurog niya ang mga iyon pero sa kabila niyon ay nanatiling sigurado ang kilos niya at mabilis.
Napatingin ako sa cellphone niyang nakapatong sa lamesa kung saan nandoon ako nang biglang tumunog iyon. Thorn didn't look away from what he's doing and he just continued. "Who's calling?"
Sinilip ko ang cellphone. Base sa pangalan na nandoon ay mukhang ang kapatid niyang babae ang tumatawag. "Luna?"
Bumuntong-hininga ang lalaki na ngayon ay inaasikaso naman ang kanin na natira namin kagabi at ngayon ay sinasangag niya. "That brat. Siguradong may nasagap na naman iyon na impormasyon sa mga kapatid namin. Probably about you."
"Baka mangangamusta lang."
"Hindi 'yan tumatawag kapag walang kailangan." sabi niya na bahagyang lumingon sa akin. "Answer it."
Napakurap ako sa sinabi niya. "You want me to answer your call?"
"Yes."
"Let me rephrase, hinahayaan mo akong galawin ang cellphone mo?"
Lumingon siya sa akin habang nakakunot ang noo niya na para bang nagtataka sa sinasabi ko. "Yes. Just put it in loudspeaker. Hindi 'yan titigil hanggang hindi sinasagot ang tawag niya."
I don't know a lot about people but I don't think they will just let anyone touch their belongings specially as private a cellphone is for them. Nakakapagtaka lang na komportable siya sa gano'ng bagay lalo na at hindi pa naman kami gaanong matagal na magkakilala.
Naiilang man ay sinagot ko ang tawag nang muling tumunog ang cellphone. Gaya ng sabi niya ay pinindot ko ang loudspeaker para magawa niyang marinig ang tao sa kabilang linya.
"Kuya!"
The voice sounded so feminine and small. Mga bagay na hindi ko inaasahan na marinig mula sa kapatid ni Thorn. Iba kasi ang naiimagine ko sa kapatid nila na babae. Iyon bang astigin, matangkad, at kayang magpaiyak ng lalaki kung gugustuhin. Dahil kasi nakita ko na lahat ng mga kapatid niyang lalaki ay para bang hindi ko ma-imagine na tutubuan ang lahi nila ng babaeng-babae na kapatid.
"The answer is no." Thorn said before his sister can say anything else.
"Wow. Nakakatampo ka kuya ah. Hindi ba pwedeng nangangamusta lang? Kailangan lagi akong may hihingin sa'yo pag tumatawag ako?"
"Oo."
Parang gusto kong sawayin si Thorn sa paraan ng pagsagot niya sa kapatid niya. Para kasing gano'n ang instinct sa kahit na sinong makakarinig ng boses ng kapatid niya. Para kasing aping-api ang babae at malapit nang pumalahaw ng iyak.
A tinkering bells resonated when Thorn's sister suddenly burst laughing. "I do want something. At ikaw lang ang makakatulong sa akin-"
"No."
"Is she there? Nakikinig ba siya?"
"Luna-"
Pinutol ng babae ang sasabihin ni Thorn at muling nagsalita. "Hi Lush Fox! I'm actually a fan. Madami akong kopya ng libro mo. I was wondering if I can meet you for an interview? Don't worry walang picture kasi alam kong ayaw mong malaman kung sino ka-"
"Luna Alondra." Thorn growled as he turned off the stove and loudly placed the plates of food on the center island. Humarap siya sa akin at naumid ang dila ko nang makita kong madilim ang mukha niya nang hablutin niya ang cellphone. Pinatay niya ang loudspeaker at pagkatapos ay itinapat niya iyon sa tenga niya. "You're not interviewing her."
Hindi ko na narinig ang sinabi ng babae pero base sa ekspesyon sa mukha ni Thorn ay lalo lang iyong nagpainit ng ulo niya. "I can get information on my own source. You can keep all that to yourself. Hindi mo iinterviewin ang kliyente ko- of course I'm protective of her! I'm holding her case aren't I?"
Suminghot-singhot ako habang inaamoy ang pagkain sa harapan ko. Kukuha lang ako ng konti. Nakakahiya naman sa kaniya kapag hindi ko siya inintay.
Dahan-dahang tumusok ako ng hotdog mula sa lalagyan niyon at tahimik na kakain sana ako nang mapatingin sa gawi ko si Thorn. Nahinto ako sa akmang pagkagat doon pero nang igalaw niya ang kamay niya bilang senyales na magpatuloy ako ay nagsimula na akong kumain.
"Gunter won't take you here kahit pa umiyak ka ng dagat sa kaniya." pagpapatuloy niya sa pakikipag-usap sa kapatid niya. "How do you even know about that? No- Luna! Gunter and Trace will put the system up. Hindi ka sasama. Kung gusto mo ng interview then do it after her case. That is kung papayag siya. You will not ambush my client for an interview."
Sinawsaw ko ang hotdog sa ketchup at muli akong kumagat doon. Nang hindi na makuntento ay kumuha na ako ng kanin at pagkatapos ay naglagay na rin ako ng omelette. I closed my eyes and moan in satisfaction. Sunod-sunod na sumubo ako na para bang mauubusan ako. Napatigil lang ako nang makita kong nalagyan ang daliri ko ng ketchup. Nagpalingon-lingon ako habang naghahanap ng pamunas pero nang wala akong makita ay dinilaan ko na lang ang daliri ko.
"Okay."
I looked at Thorn's direction when I heard a change in his voice. Natagpuan ko ang lalaki na ngayon ay titig na titig sa akin.
"Ok." he said again in a voice that almost sounded robotic. "Ok."
Nauulinigan ko ang boses ng kapatid niya sa kabilang linya na mukhang nagsasalita pa rin pero imbis na patuloy na kausapin ang babae ay sa pagtataka ko ay binaba na niya ang tawag. I quirked my head to the side, confused at his reaction. Anong meron at parang namatanda siya? Galit ba siya at ang dami ko nang nakain?
"Hindi ko naman inubos. 'Wag kang judger." sabi ko at muling tumusok ng hotdog. Imbis na kainin iyon ay inabot ko iyon sa kaniya. "Peace offering."
"Hindi 'yan ang gusto ko."
Muli akong napakunot-noo sa sinabi niya. Ang dami niyang niluto tapos hindi niya gusto? "Ako gusto ko. Mahilig akong kumain ng hotdog eh kasi isa 'to sa mga favorite ko. Kaso hindi 'yung ganitong klase. Gusto ko 'yung malaki saka mas mahaba na hotdog. Mas masarap."
Lumapit siya sa akin at muli akong binalot ng pagtataka. He's acting really weird. Dahil kaya sa pag-uusap nila ni Luna? "Nag-away ba kayo ng kapatid mo? I can give her an interview you know? Basta walang pictures. Malay mo baka makatulong para kahit paano ay maisalba ang image ko na naghihingalo na ata ngayon."
Hindi siya nagsalita at nagpatuloy lang siya sa paglapit sa akin hanggang sa nasa tapat ko na siya. Muli kong inalok sa kaniya ang hotdog na hawak ko pero hindi man lang niya tinignan iyon.
"Okay ka lang ba Bossing Thorn?" may pag-aalala sa boses na tanong ko. Nagsisimula na akong mailang sa pagkakatingin niya sa akin kaya nagsimula ng rumepeke ang bibig ko para mapagtakpan ang pagkailang ko. "Hindi ko talaga uubusin 'tong inihanda mong pagkain. Nasarapan lang talaga ako sa omelette mo. Masarap din ang hotdog mo. Ikaw ang may the best itlog at hotdog in the world."
Itinaas ko pa ang isa kong kamay at nag thumbs up pero hindi na niya iyon nakita dahil sa pagtataka ko ay bigla siyang pumikit.
"Bossing? Okay ka lang? Baka nagututom ka na talaga. Sorry na. Akala ko kasi sabi mo magsimula na akong kumain." Nang muli siyang dumilat ay inangat ko uli sa direksyon niya ang hotdog pero binigyan niya lang iyon ng masamang tingin. "Okay, hindi na kita aalukin. Isusubo ko na lang 'tong hotdog mo-"
"Lucienne."
"Po?"
"Be quiet for a minute."
Itinikom ko ang bibig ko nang makita ko ang kaseryosohan sa mukha niya. Titig na titig siya sa akin habang sari-saring emosyon ang tumatakbo ngayon sa mga mata niya. Wala akong maintindihan sa mga iyon kaya nanatili na lang akong tahimik habang hinihintay ko siyang magsalita.
But to my surprise, he raised his hand and wipe something on the side of my lips. Napapitlag ako sa ginawa niya at napaatras. Isang maling desisyon dahil naramdaman ko na lang ang pagkabuway ng kinauupuan ko dahilan para magsimula akong mahulog patalikod. Pero hindi nangyari iyon nang hilahin ako ni Thorn palapit sa kaniya habang ang isa niyang kamay ay nasa likod ko. Dahil sa maging siya ay nagulat sa nangyari sa akin ay hindi niya nagawang paghandaan ang bigat naming dalawa. Naramdaman kong pinalibot niya ang mga braso niya sa katawan ko bago kami tuluyang mahulog sa semento.
I felt his hand covered my head while his other cushion the fall so he won't crushed me with his body. Narinig ko ang paghugot niya nang hininga nang tumama siya sa kung saan habang ako naman ay nanlalaki ang mga matang nakatingin sa kaniya. Naramdaman kong dahan-dahan niyang binitawan ang ulo ko at pagkatapos ay itinukod niya iyon sa kabilang gilid ko. I lay there with my hair scattered around me, finally seeing clear for the first time because my thick curtains are now on the side of my face.
Mukhang hindi rin nakaligtas iyon sa pansin ni Thorn dahil imbis na tumayo ay muli siyang napatitig sa akin. I can feel his hot breath fanning my face and I can smell his fresh earthy scent.
"I don't know why you do it." he said in a quiet voice.
"Do what?" I whispered back.
"Hide your face." Kita ang pagtatalo sa mga mata niya na para bang nakikipaglaban siya sa kontrol niya sa sarili. He's looking at me in a way that no one ever did. "Why would you hide a face like this when millions of men could kill for it?"
Pakiramdam ko ay nanuyo ang lalamunan ko sa sinabi niya. Wala rin kahit na sinong nakapagsabi sa akin ng mga salitang iyon. I don't think he's seeing the same thing I'm seeing. I'm just ordinary. Kaya hindi ko maintindihan kung anong ibig niyang sabihin.
Inangat ko ang tinidor ng hotdog na sa hindi malamang dahilan ay hawak ko pa rin. "Gusto mo?"
"That's not what I want to eat right now."
Hindi ako ulit nakasagot sa sinabi niya. Pakiramdam ko kasi ay hindi pagkain ang tinutukoy niya. He looks almost predatory. Like he already caught his prey on his net and now he's taking the price that he deserved. But there's no price here so it doesn't make any sense.
Muli niyang pinikit ang mga mata niya habang malalim ang mga paghinga niya. Nang muli siyang magmulat ng mga mata ay wala na ang kaguluhan na nakikita ko sa kaniya kanina at sa halip ay napalitan iyon nang blangko niyang ekspresyon. Kumawala ang hangin na hindi ko alam na pinipigilan ko pala nang tuluyan nang mawala ang bigat niya na nasa ibabaw ko nang tumayo na siya.
"This is work. I need to work and you need to be safe. You're my client and this is work. Don't make it complicated for me, Lucienne."
Umm...what?
___________End of Chapter 6