HAPTER 7
LUCIENNE'S POV
Why would you hide a face like this when millions of men could kill for it?
Halos hindi kumukurap na nakatitig lang ako sa salamin sa harapan ko habang paulit-ulit kong naririnig ang sinabi ni Thorn kaninang umaga. Hindi ko kasi talaga maintindihan kung anong ibig niyang sabihin at mukhang wala naman din siyang balak ulitin ang sinabi niya dahil mula pa kanina ay hindi niya ako pinagtutuunan ng pansin. Patuloy lang siya sa pag-aabala sa sarili niya sa laptop at cellphone niya. Partida na lang hindi pa rin niya ako iniiwan mag-isa kahit mukhang hindi niya ako gustong makasama sa iisang lugar.
Napapabuntong-hininga na hinawi ko ang buhok ko na kasinggulo na ng utak ko ngayon at pagkatapos ay inilapit ko ang mukha ko sa salamin. Ano kayang ibig sabihin ni Thorn kanina? Bakit naman makikipagpatayan ang kahit na sino para sa mukha ko?
"Ano kayang problema ng isang 'yon? Ano bang nakita niya sa mukha ko?" tanong ko sa sarili ko habang sinisipat ang sarili sa salamin. Nang hindi ako makuntento ay iniangat ko pa ang buhok ko na para bang itatali ko iyon sa isang ponytail pero nanatili lang akong nakahawak doon. "Uso ba sa panahon ngayon ang may landingan ng eroplano sa noo? Baka trend kaya nabighani si Bossing Thorn."
Napahagikhik ako sa iniisip. Sa gandang lalaki ba naman ni Thorn ay kahit airport ang tingin niya sa akin ay hindi ako magrereklamo. Landingan ng puso niya. Wew!
Kinurot ko ang magkabilang pisngi ko para bahagyang gisingin ang sarili ko. Mahirap na at baka tuluyang umasa ang naninibago kong pagkatao. Sa kabila kasi ng edad ko ay pakiramdam ko ngayon ko pa lang nararamdaman ang mga bagay na nakakaharap ko mula nang makilala ko si Thorn. Hindi naman ako ganito. Hindi ako iyong klase ng tao na nakakaramdam ng ganito...iyon bang kiligin.
Yuck. Feeling bagets, Lucienne?
Parang hindi ata bagay sa akin ang mga gano'ng bagay. Even so, these feelings are not entirely...unwelcome. Kasi pakiramdam ko ngayon ko pa lang nararanasan kung paano maging tao. Kung paano makiramdam katulad ng iba. Kung paano maging normal.
Nang slight.
Muli kong kinurot ang sarili ko bago ako nagpasiya na lumabas na ng banyo. Dumiretso ako sa sala pagkatapos kung saan naabutan ko si Thorn na kasalukuyang inililigpit na ang laptop niya at ilan pa niyang mga kagamitan.
"We're going out." sabi niya habang ang pokus niya ay nakatutok sa ginagawang pag-aayos ng mga gamit niya. Hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin. "Kung handa ka na pwede na tayong umalis."
Sanay akong hindi pinapansin ng mga tao. Hindi pala. Sanay ako na walang pumapansin sa akin dahil hindi naman ako na e-expose masyado sa tao. Kung makakasalamuha ko naman sila ay laging negatibo ang nagiging pagpansin nila sa akin.
Pero kay Thorn iba ang nararamdaman ko. Sa kaniya kasi pakiramdam ko walang kakaiba sa akin na para bang iba ang nakikita niya mula sa nakikita ko...at sa nakikita ng iba. Kaya kahit na alam kong hindi ko naman dapat maramdaman ito ay isang parte sa akin ang naapektuhan sa pinapakita niyang indifference patungkol sa akin.
"Handa ako kung handa ka." bago ko pa mapigilan ang sarili ko ay kusang dumulas ang mga salitang iyon mula sa bibig ko. Napatutop ako sa bibig ko nang makita kong natigilan si Thorn sa ginagawa bago lumingon sa akin. "A-Ang ibig kong sabihin, kapag tapos ka na riyan pwede na tayong umalis."
What's wrong with you Lucienne? Na-expose ka lang sa gwapo parang naging bidang babae ka na sa pinaka-cliche na story na meron sa mundo. Hindi pwede iyon. Hindi ako gano'n. Get a grip on yourself.
Sandaling tinignan lang ako ni Thorn na para bang inaarok niya ang nasa isip ko pero nang mukhang hindi niya rin maintindihan ang sarili ko na hindi ko 'rin magawang espelingin ay tinalikuran niya na ako at nagsimulang maghalughog sa isang lalagyan na nakapatong sa tabi ng kinauupuan niya kanina.
"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko habang pilit sinisilip ang ginagawa niya na hindi ko naman magawa dahil sa malaki niyang bulto na nakaharang doon.
"Sa palengke."
"Hindi sa grocery?"
Humarap siya sa akin at nagbaba ako ng tingin sa hawak niya. I turned my head to the side while looking at it, confusion evident on my eyes. Imbis na sagutin ang obvious naman na katanungan sa mga mata ko ay walang salitang ipinatong niya sa ulo ko ang hawak na cap. Inagapan ko naman iyon at inayos nang muntik pa iyong mahulog dahil sa basta na lang niyang pagbitaw doon kahit hindi pa nakaayos.
"Bakit pa kailangan pumunta sa grocery kung mas malapit ang palengke? Hindi naman tayo bibili ng marami."
Nagkibit-balikat ako at tumango-tango. Tama nga naman siya. Isa pa okay na rin iyon. Hindi ko na matandaan kung kailan ako huli nakatapak sa gano'ng lugar. Actually, puro convenience store lang kasi talaga ata ang pinupuntahan ko. Iyong mga lugar na paniguradong kakaunti lang ang tao.
"Hubadin mo 'yang suot mo."
Napapitlag ako sa biglang pagsasalita ng lalaki at nanglalaki ang mga matang napatingin ako sa kaniya.
Ano raw? Hubadin ko ang suot ko? "Umm...okay lang naman ako."
"Mainit sa palengke at mainit ang panahon. Wala akong balak isugod ka sa ospital kapag bigla ka na lang na-heat stroke."
"Pagabi naman na ah."
Hindi na siya nagsalita pa at tinitigan na lang ako. Sa paraan nang pagkakatingin niya sa akin parang sinasabi niyang makuha ako sa tingin. Parang any moment bigla na lang niya akong bibigwasan. "Fine. 'Wag ka ng magalit, Bossing Thorn. Kanina pang umaga mainit ang ulo mo ah."
"Hindi ako galit." sabi niya habang nananatili pa rin na seryoso ang mukha. Tinalikuran na niya ako at lumapit sa pintuan para sana buksan iyon.
"Okay! Sabi mo eh." pag-sang ayon ko kahit na nakabakas naman na sa mukha niya ang totoo niyang emosyon. Bago pa siya lalong mainis sa akin ay binaba ko na ang zipper ng suot ko na jacket at akmang aalisin ko na sana. Pero bago ko pa iyong magawa ay may mga kamay na agad pumigil sa akin. "Anong-"
"Don't you have any self preservation at all, Lucienne?!"
Napaatras ako sa bigla niyang pagbulyaw. "Ha?"
"Bakit ka dito nagpapalit ng damit?"
"Sabi mo hubadin ko."
"Not in front of me!"
Napatakip ako sa tenga ko dahil sa lakas ng dumadagundong niyang boses. "Aray! Bakit ka ba nakasigaw?! Ano bang problema mo?!"
"Ikaw!"
"Sabi mo maghubad ako!" sigaw ko.
"Hindi sa harap ko!"
"Ano naman kung sa harap mo?! Bakit apektado ka ba?!" Nang hindi siya makasagot sa tanong ko ay nanggigigil na hinubad ko ang jacket ko at ibinato ko iyon sa kaniya. Dahil hindi niya iyon inaasahan ay hindi niya nagawang saluhin iyon at tumama lang sa dibdib niya bago bumagsak sa sahig. "Nakasando naman ako ah! Ano bang nangyayari sa'yo?!"
"Get dress, Lucienne!"
"Nakadamit na ko! It's a free country I can do what I want! May iba nga riyan kahit halos bra na lang ata ang suot lumalabas pa rin ng bahay! Ako nakasando lang, issue?! Sabi mo mainit di ba?! Sabi mo maghubad! O ayan na!"
"Lucienne-"
"Hindi kita maintindihan! Lagi na lang problema sa'yo ang suot ko! Lagi na lang akong problema pagdating sa'yo!" nakakatulig na sigaw ko. Hindi na ako magtataka kung bigla na lang may reresponde sa amin dahil pakiramdam ko dinig hanggang kabilang mundo ang boses ko. "Sa tingin mo ba masaya ako na kasama ka rito?! Gwapo ka, maganda ang katawan, at minsan gusto ko na lang sumabit sa'yo dahil pakiramdam ko sa laki mong tao kaya mo akong protektahan sa lahat ng bagay na pwedeng makapanakit sa akin. Maganda ang boses mo na gusto na lang kitang pakinggang magsalita kahit na ang hirap gawin no'n dahil kalahating pipe ka ata. Pero hindi ako manhid! Kung ayaw sa akin ng tao bakit ko ipipilit ang sarili ko?! I just don't have a choice because that's been robbed away from me!"
"Lucienne-"
"You said men could kill for my face. That's the nicest thing that anyone ever told me. Pero pagkatapos mong sabihin iyon, you ruined it by becoming distant. Hindi kita maintindihan. Tapos ngayon paghuhubadin mo ako tapos magagalit ka dahil nagtanggal ako ng jacket? Bakit ba lahat ng gawin ko mali sa'yo? Lahat na lang kasalanan ko."
"Lucienne, that's not what I meant-"
"Ewan ko sa'yo!" bulyaw ko ulit. Sa unang pagkakataon ay nakaramdam ako ng pag-iinit sa mga mata ko na para bang sandali na lang ay bubuhos na ang lahat ng naiipon na luha roon. "Hindi kita bati! Ayoko na sa'yo! Mag-isa kang mamalengke dahil hindi ako sasama sa'yo! Ilang taon na akong nabubuhay sa instant food. Ilang taon na akong hindi nakakain ng paborito kong seafood dahil sa cup noodles ko na lang nalalasahan 'yon pero okay lang! Ang tagal ko ng hindi nakakakain ng halo-halo kasi laging maraming tao sa Chowking at for some reason ayaw nilang mag deliver sa address ko kaya puro halo-halo flavor ice cream na lang ang kinakain ko! Ang tagal ko na rin na hindi nakakakain ng barbecue dahil kada magtatangka ako na bumili sa mga nahahanap kong nagtitinda lagi na lang biglang naka-reserve na iyong mga pagkain dahil lang sa ayaw nila akong bumili! Kaya nakukuntento na lang ako sa barbecue sa convenience store na hindi naman lasang barbecue! Pero okay lang. At least alam ko kung anong aasahan ko sa mga pekeng pagkain na 'yon. Kesa naman sa'yo na yummy nga pero hindi ko naman alam kung kailan ako magkakamali dahil sala ka sa lamig at init! Ayoko na sa'yo! Hinding-hindi na kita kakausapin kahit kailan!"
Hindi ko na maintindihan kung ano-ano ang pinagsasabi ko sa kaniya. Pakiramdam ko kumawala na lahat ng kung ano mang natatago sa kaloob-looban ko. I don't even know if I'm making any sense. Basta naiinis ako sa kaniya. Pakiramdam ko naapi ako.
Because for the first time in my life, I now realized what it's like to be attracted to a person that I know won't ever see me the way I want him to. Kasi hindi ako kasing perpekto katulad niya. Dahil hindi ko maaabot kung ano ang lebel na meron siya.
Hindi ko alam kung bakit ang gulo ng mga akto niya sa akin. Siguro talagang hindi niya lang ako gustong makasama. Maybe he's trying to get along with me but I guess it's not possible. Siguro ang hirap ko talaga pakisamahan. Kasi ang weirdo ko mag-isip, manamit, at maging lahat ng gawin ko laging hindi normal.
Why would you hide a face like this when millions of men could kill for it?
That’s what he said but his actions does not match his words. Hindi ko siya maintindihan at hindi ako sigurado kung gusto ko pa siyang intindihin. Kasi pakiramdam ko lalo lang gumugulo ang utak ko dahil sa mga bagay na sinasabi at ipinaparamdam niya.
"Lucienne, I'm sorry that's not-"
"Wag mo kong kausapin! Hindi kita bati!"
Nanatili siyang nakatingin sa akin na para bang hindi niya mawari kung paano niya ako pagpapaliwanagan habang ako naman ay lukot ang mukhang hindi rin nag-aalis ng tingin mula sa kaniya. Hindi na ako magtataka kung pulang-pula na ng mukha ko na pakiramdam ko ay nagliliyab na sa sobrang pag-iinit niyon.
"Umm. Hello? Is this a bad time?"
Sabay kaming napatingin sa pintuan ni Thorn dahilan para maputol ang pagtatagisan namin ng tingin. Nabungaran ng mga mata namin ang dalawang tao na alanganing nakangiti sa amin. Isang lalaki na pamilyar ako at isang babae na hindi ko kilala.
The woman raised her hand towards our direction and waved. "Hello!"
************************************
NANATILI akong nakasubsob sa kama ko kahit pa naririnig ko ang mga malalakas na pagtatalo sa labas. Nang magsimula na naman kasing tumaaS ang boses ni Thorn at sa pagkakataong ito ay hindi na patungkol sa akin ay nilayasan ko na sila at pumunta ako sa kwarto. Iyon nga lang iniwan kong bukas ang pintuan dahil kahit na nakikipagtalo si Thorn sa kapatid niya ay nakuha pa rin niyang utusan ako. What a controlling, paranoid, arrogant, handsome, yummy and with define muscles, asshole!
"Hello. Can I come in?"
Inilingon ko ang ulo ko sa direksyon nang nagsalita pero muli ko lang isinubsob ang mukha ko sa kama nang makita ko na si Trace iyon. Isa sa mga kapatid ni Thorn na lalaki.
"I'm busy." I mumbled.
"Doing what?"
Rinig ko ang ngiti sa boses niya dahilan para muling mabuhay ang inis sa dibdib ko. "Basta busy ako. Pasensya na pero wala talaga ako sa mood makipag-usap. Wala ka namang kinalaman sa away namin pero ayoko rin na kausapin ka dahil kalahi mo ang taong 'yon." Nang hindi pa ako makuntento sa paliwanag ko ay dinugtungan ko iyon. "At hindi ko siya bati kaya sorry pero damay ka."
I heard him chuckle in response to what I said. Mukhang hindi naman na siya nagtangkang pumasok ng kwarto pero alam kong hindi pa rin siya umaalis sa pintuan dahil nararamdaman ko pa rin ang tingin niya.
"You can go now." I mumbled again.
"I can't. Because my controlling, paranoid, arrogant, handsome, yummy with well define muscles, asshole of a brother told me to look out after you."
Wow. Ang laki talaga ng galit sa akin ng mundo. Hindi pala ako nakuntento na isipin lang iyon at malakas ko pa palang nasabi. Great. "I'm fine."
"Sure you are. Pero dito lang ako. Ayokong malintikan sa kapatid ko. Mainit pa naman ang ulo no'n dahil sa biglang pagdating namin ni Luna."
"Hindi niya gustong pumunta si Luna rito."
"Of course. Luna can be a pest kaya malamang pinoprotektahan ka lang ni Kuya sa kakulitan ng isang 'yon. But Luna said Thorn kept on telling her "okay" noong nag-uusap sila. She took advantage kasi mukha raw wala sa sarili si Kuya nang tumawag siya. She even recorded it. That's why we're both here."
"I'm not a pest, you pest."
Hindi ko na kailangan lumingon para alamin kung sino ang nagsalita. Hindi naman madaling kalimutan ang boses niya. She's the complete opposite of her brothers but...also in someway, the perfect replica. Obviously hindi lalaking-lalaki ang boses niya katulad sa mga kapatid niya at hindi rin siya kasing laki at kasing tangkad ng mga iyon. But she's similar to them in the aspect of looks and the way she carried herself. Kahit na saglit ko lang naman siya tinignan hindi maitatago no'n na magandang babae siya. Like her brothers, her looks is captivating. She also has this commanding aura that makes me think that even if she's a woman, no one can mess with her.
"Hi, Lucienne." narinig kong bati ng babae kasabay ng mga yabag na tila palapit sa kinaroroonan ko. "I'm Luna. I like your name by the way."
Itinagilid ko ang ulo ko at nakita ko na nakaupo na siya sa ibabaw ng kama ni Thorn. Nginitian niya ako nang makita niyang nasa kaniya na ang atensyon ko.
"Hi." I whispered.
"Pasensya na kung ang pangit ng tiyempo namin. Ayoko nga lang talagang palagpasin ang chance dahil ngayon lang ako makakameet ng kliyente ni Kuya. Lagi kasing tinatago ng mga kapatid ko ang mga kliyente nila dahil alam nilang sobrang curious ako sa mga iyon. They're handling well known people after all."
"I'm not well known."
"Of course you are. Nakaabot na nga hanggang ibang bansa ang mga libro mo. I'm a fan actually. I love how you beautifully construct words."
Naweweirduhan na tinignan ko siya. Hindi ko alam kung niloloko niya lang ba ako o kung totoo ang sinasabi niya. "I write gore. People don't usually call that beautiful."
"It is for me. Marami naman kasing klase ng mga sulatin. I like yours because the way you write your books and the way you put words together looks so real."
"Kaya tignan mo kung anong nangyari sa akin." napapabuntong-hininga na sabi ko. "Kung normal lang siguro ako na writer baka ang tahimik ng buhay ko ngayon. Hindi ko na rin kakailanganin guluhin ang buhay ng kapatid mo na hindi matagalan ang presensiya ko sa buhay niya."
"Hindi ka naman naging manunulat para maging normal, Lucienne. You were born to be different. Gano'n naman lahat ng mga writer. O kahit na sinong humiwalay ng daan mula sa inaasahan mula sa kanila para lang sundin ang klase ng buhay na tumatawag sa kanila. There's no such thing as normal when it comes to people that keeps on pushing through for their dreams. Kasi lahat ng taong gano'n ay sa oras pa lang na nagdesisyon na tahakin ang daan patungo sa magulo, nakakawindang, at fulfilling na paglalakabay ay nakatakda na para sa isang kakaibang buhay." paliwanag niya habang nilalaro sa mga kamay ang tablet device ni Thorn na kanina ay nakapatong sa bed side table. "Not everyone is as lucky as you to live a fulfilling life. Maraming tao sa mundo na gumigising araw-araw para lang harapin ang trabaho at ang buhay na tanging pera ang maiuuwi pagkatapos ng araw. A life where they already forgotten what they are passionate about in the first place because responsibility and the fixation of the world for money became the priority. But you on the other hand is creating worlds that will live forever even after you're not in this world anymore. And for me that's amazing."
Hindi ko magawang makasagot sa sinabi niya. I never thought of it that way. Sa paraan ng pagpapaliwanag niya tungkol do'n ay pakiramdam ko ay may bumalot na pagmamalaki sa puso ko. Because it's not easy to survive in the world base on passion alone. Yet I'm still here. Kahit na may humaharang sa daan ko patungo sa buhay na gusto ko.
"You're good with words." I blurted out before I can even stop myself.
"That's because I'm a journalist." she said with a waved of her hands as if dismissing it. "Hindi ako kasing amazing mo though. Tell me, paano ka nag come-up sa storya na nakasanayan na ng mga tao na manggagaling mula sa iyo? How did you established what you amazingly did while not conforming to the trends?"
"Luna." I head Trace said with a warning in his tone. "Alam mo kung anong sabi ni Kuya sa pagtatanong kay Lucienne tungkol sa trabaho niya."
Luna rolled her eyes. Nginitian niya ako at pagkatapos ay sumenyas sa direksyon ni Trace. Lumapit ang lalaki at may binigay sa kaniya na bag. "Alam kong galit ka kay Kuya kaya hindi mo na rin kami bating mga kapatid niya, pero can you spare me? For sisterhood na lang or something. Besides, kampi ako sa'yo. I know what it's like to live with this jerks."
"Luna." Trace said again.
"Totoo naman ah." nakataas ang kilay na sabi ng babae sa direksyon ni Trace. Nang hindi makasagot ang lalaki ay muling bumaling sa akin si Luna. "So habang naghahanap ng iba't ibang klase ng seafood si Kuya dahil puro cup noodles daw ang kinakain mo, habang bumibili siya ng halo-halo sa Chowking, bilan ka ng totoong barbecue, at habang naghahanap siya ng mabibilan ng grill para mapagluto ka niya sa susunod, ako na muna ang bahala sa'yo."
Napaupo ako nang wala sa oras sa sinabi niya. Paulit-ulit na rumerehistro sa utak ko ang sinabi niya. Talagang naghahanap si Thorn ng mga iyon na sinabi ko lang naman dahil sa inis ko sa kaniya kanina? "He's doing all that?"
"Of course. You're angry at him right? Si Kuya Thorn man ang pinakamasungit sa lahat next to my brother Gunter but he's also the most gentleman at less ang pagka-asshole kesa sa iba naming mga kapatid."
"Hey!" reklamo ni Trace. "Mabait ako."
Muling pinaikot ni Luna ang mga mata niya. "Kelan? Pagtulog ka? You're the easiest to approach but you're also the meanest."
"That's not true-"
"Ginupit mo lahat ng buhok ng mga barbie ko dahil lang sa aksidente kong nasira ang paborito mong toy truck. That might be ages ago but a girl never forgets."
"You smashed my truck with a hammer! That's hardly an accident!"
"At kinalbo mo lahat ng barbie ko!"
Itinaas ko ang kamay ko para patigilin sila at mukhang effective naman dahil kahit napipilitan ay nakasimangot na humalukipkip na lang si Trace. Ang babae naman ay ngumiti na nang bumaling sa akin.
"Thorn is really doing all that?" I asked again.
"Oo nga. Hindi matatahimik ang kalooban no'n hanggang hindi nawawala ang inis mo sa kaniya. He's usually like that. Last time when he made me cry, he bought me the newest and most expensive phone I've been asking him and my other brothers to buy for me." tumingin sa kisame si Luna at pagkatapos ay ngumisi. "I think it was fake tears."
"So he's like this to everyone?"
"Nope. Doon lang para sa mga taong espesyal sa kaniya. I'm her baby sister so I'm special." she said with a bright smile. "So what do you think that says about him when it comes to you?"
Pakiramdam ko ay may kung anong bumukas sa kaloob-looban ko. Isang bagay na gusto kong manatiling nakasarado dahil ayokong umasa. I'm not used to it. Hindi ako sanay na makaramdam ng mga ganitong bagay.
"I-I don't think that's how it is."
Nagkibit-balikat ang babae. "Hindi mo naman kailangan tanggapin ang lahat ngayon. Baka nga kahit si Kuya hindi pa naiiisip ang mga implikasyon nang ginagawa niya. That's the problem with people when they're starting to open up their stubborn hearts. Lagi silang huli sa balita. Mas nakikita pa ng iba dahil sila mga in denial pa."
"I...that's...that's impossible-"
"Walang imposible." putol niya sa sasabihin ko. "But I'm not going to make you see what you should discover on your own. Pero bakit hindi mo ako hayaan na tulungan ka ng konting-konti lang patungo sa resultang iyon?"
Naguguluhang tinignan ko siya bago ko nilingon si Trace na sumusukong sumandal na lang sa pinto. He shrugged his shoulders when he met my eyes. "Just humor her. There's no stopping her anyway."
"Anong-"
Hindi ko ulit natuloy ang sasabihin ko nang bigla na lang tumayo si Luna at lumapit sa kinauupuan kong kama. Walang pasakalyeng umupo siya sa kama at sa pagkabigla ko ay binuksan niya ang dala niyang bag at itinaktak ang laman niyon sa kama.
My eyes widened with amazement and fear at the things in front of me. Ilan sa mga iyon ay pamilyar ako pero hindi maintindihan ng utak ko ang mga nakikitang kong nagkalat sa harapan ko.
"Wala akong kapatid na babae so this should be fun!" pumapalakpak na sabi ni Luna.
"W-What?"
"Makeover time!"