CHAPTER 8
LUCIENNE'S POV
"Wow."
The woman in front of me looked like as if her eyes will fall out of its sockets. Nakaporma rin ang mga labi niya ng korteng "O" na para bang nahipan ng hangin at na-stuck na iyon sa ganoong itsura. Umaalon-alon ang mahaba niyang buhok na maayos na sinuklay at ginamitan ng kung ano-anong produkto, her cheeks have a hint of blush that looks natural, there's a shine on her that makes her skin glow every time the light hit her skin, and I...I don't know her.
"Hala anong ginawa mo sa akin?" bulong ko habang titig na titig pa rin sa salamin sa harapan ko.
"I'm a genius right?"
"Wow." sambit din ni Trace na nakikiusyoso na rin sa amin. Halos magitgit na niya ang kapatid niya dahil nasa harapan ko na rin siya habang hawak ang mga brush na pinahawak sa kaniya ni Luna kanina habang abala ang babae sa pag aayos sa akin.
Umangat ang kamay ko at idinampi ko iyon sa pisngi ko. Hindi ko alam kung anong pinaggagawa niya kanina dahil nakatulog na ako sa tagal kong nakapikit. Maliban na lang ng sinimulan niyang i-thread ang kilay ko. That's the most horrible and painful moment of my life.
"So bright." I said, still whispering.
Nakangiting hinila ni Luna ang kinauupuan ko para bahagya akong mapaharap sa puwesto niya kung saan kasalukuyan siyang nakaupo sa kama. Infernes, para sa maliit na babae ang lakas ng isang 'to.
Kumuha siya ng isa sa mga nakakalat na bagay sa kama at pinakita sa akin iyon. "This is a moisturizer. Importante 'to para marejuvenate ang skin mo lalo na at lagi kang puyat. Para mukha pa ring fresh at hydrated ang skin. Kahit hindi ka mag me-make up importante na gumamit nito."
Sunod-sunod na napakurap ako habang nakatingin sa hawak niyang bilog na bagay. "Umm..."
"Wala naman akong nilagay masyadong make-up sa iyo. Sobrang light lang ng foundation saka kaunting blush at highlighter. Swerte mo dahil kahit wala kang ginagamit na skin care product ang clear pa rin talaga ng skin mo. Parang walang pores." litaniya niya habang naghahalughog sa mga gamit niya at pagkatapos ay may inangat na naman para ipakita sa akin. "This is a natural eyeshadow palette. Kahit isang base lang na manipis ang ilagay mo perfect na."
"Ano...Luna..."
Pinutol niya ulit ang sasabihin ko at nagpatuloy lang sa pagpapaliwanag. "Ito naman cheek at lip tint. Hindi ito ang ginamit ko sa'yo ngayon pero maganda 'to kasi two in one na. Lalo na kapag nagmamadali ka. Ito namang isang 'to ay mist. Maganda 'yan para looking fresh pa rin ang make-up mo kahit matagal na bago ang huli mong retouch."
"R-Retouch?" I asked in confusion.
"Yes. And oh! Don't forget your hair. Medyo marami akong ginamit sa iyo na product kasi nakakaloka ka girl! Sayang ang haba ng buhok mo kung hindi mo aalagaan. Virgin pa. Comb your hair okay?"
Pakiramdam ko buong pagkatao ko ang namula sa sinabi niya. I don't even know how that's possible. "V-Virgin? Nalalaman ba 'yon sa buhok lang?"
Natigilan si Luna at napakunot-noo sa sinabi ko habang si Trace naman na nakatitig pa rin sa mukha ko ay biglang inihit ng ubo. Tinapik-tapik niya pa ang dibdib niya na para bang may bumara roon na kung ano.
Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Luna nang mukhang maintindihan niya na ang ibig kong sabihin at pagkatapos ay napabunghalit siya ng tawa. "Omg you're such a sweet thing. Hindi 'yon ang ibig kong sabihin no! What I mean is hindi pa nasasayaran ng kahit na anong kemikal ang buhok mo na dala ng rebonding, coloring, at kung ano-ano pa."
Napakamot ako sa ulo ko dahil sa sinabi niya pero natigilan ako nang maramdaman ko ang malambot kong buhok. Hindi ko nagawang pigilan ang sarili ko at hinaplos-haplos ko iyon na para bang nababalatubalani ako roon. Hindi ko na kasi matandaan kung kailan ko huling naramdaman na ganoong kalambot at kadulas iyon. Hindi ko naman kasi masyado talagang pinagtutuunan ng pansin ang mga ganoong bagay dahil lagi lang naman akong nasa bahay. Hindi ko kailangan mag-ayos.
"Here. Bago lahat ng 'to. Nandiyan din ang mga pang kilay, mascara, at kung ano-ano pa na pwede mong gamitin. Naikuwento ka kasi sa akin ng mga kapatid ko kaya naisipan kong bumili ng mga 'to nang mapadaan ako sa mall. I don't have a sister so obviously I don't have anyone to play barbie with." sabi niya at inabot sa akin ang maliit na bag kung saan niya isinilid lahat ng mga gamit. Pagkatapos no'n ay tumingin siya sa kapatid niya at pinaikot ang mga mata. "Dahil lahat ng barbie ko pinapangit ng kutong-lupa na 'yan."
"You ruined my truck." he returned to her.
"Whatever."
Nagbaba ako ng tingin sa hawak ko na bag. Kahit wala naman akong alam tungkol sa mga ganito ay nasisiguro ko namang hindi mura ang mga ito. Hindi ko nga alam kung bakit pinagkagatusan niya ako gano'ng hindi pa naman niya ako nakikita sa personal.
"Luna, thank you dito pero hindi kasi talaga ako marunong gumamit ng mga 'to. Sayang lang. Saka hindi bagay kasi talaga sa akin. Hindi naman ako umaalis kaya hindi ko rin kailangan." sabi ko sa babae at pagkatapos ay inabot ko pabalik ang bag.
"Anong hindi bagay eh ang ganda mo nga ngayon? Not that you're not pretty before. You're pretty and cute as you are but now you look like a woman who cares. I mean, I'm all for bare face and no effort beauty. Pero kung aalis ka o may gathering magandang alam mo kung paano gamitin ang mga ito. And sometimes we girls just deserve a little bit of pampering and that's not a bad thing."
"A-Ano kasi...lagi lang talaga akong nasa bahay."
She beamed at me and then she hand me back the bag. "Hindi na ngayon kasi siguradong balang-araw isasama ka ni Kuya sa kung saan-saan. Dahil din kilala na kita at kilala mo ako, I will invite you to my parties!"
Dahan-dahang lumingon ako kay Trace habang sigurado akong kitang-kita sa mukha ko ang pangamba sa sinabi ng babae. Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin na balang-araw ay isasama ako ni Thorn sa kung saan pero pakiramdam ko gusto kong magtago sa bundok dahil sa huli niyang sinabi. Si Luna kasi iyong klase ng tao na isang tingin pa lang alam mong laging may ganap sa buhay.
"You'll be okay." he said with a chuckle.
Bumaling sa kaniya si Luna at pagkatapos ay masama ang tingin na humalukipkip ang babae. "Pwede iwan mo muna kami? Magpapalit pa ng damit si Lucienne."
"Fine." Mataman niyang tinitigan ang kapatid na para bang binabalaan. "Behave. I'll just be outside the door."
"Umm...bakit? Okay naman ako." sabi ko at nahihintakutang tumingin kay Trace na kinindatan lang ako bago hinila pasarado ang pintuan. "Anong nangyayari?"
Imbis na sagutin ako ay inalalayan ako ng babae para makatayo ako at pagkatapos ay may inabot siya na paper bag na hindi ko napansin kanina. Isinuot niya ro'n ang kamay niya at pagkatapos ay may inilabas na kung ano.
"Try this."
Tinitigan ko ang piraso ng damit na ngayon ay hawak ko na para bang biglang may lalabas na mahika doon. "B-Bakit?"
"That's my other gift. Gusto kong makita kung bagay." ngiting-ngiti na sabi ng babae habang tumatalon-talon pa sa kinatatayuan niya na para bang hindi na siya makapaghintay.
"T-This is...this is a dress."
"Yup!"
"I don't have any dress."
Natigilan ang babae at napanganga. "Omg! I should buy more!"
Sunod-sunod na umiling ako habang iginagalaw ko pa ang mga kamay ko bilang pagtanggi. Sobra-sobra na ang ibinigay niya. Isa pa hindi naman kasi talaga ako nagsusuot ng bestida kasi mas kumportable ako sa mga leggings o kahit anong mahahaba at maluluwang na mga damit.
"Luna..."
She pouted and clasped her hands tightly in front of her chest. "Will you try it for me? Please?"
Pakiramdam ko ay may kung anong bumundol sa puso ko habang nakatingin sa kaniya. She looks so tiny and pitiful kahit na di hamak na mas matangkad siya sa akin. Sa paraan ng pagkakatingin niya sa akin ay para bang iiyak na lang siyang bigla kapag tinanggihan ko siya. Now I know kung bakit nahihirapan siyang tanggihan ng mga kapatid niya. Although it's obvious that she's being manipulative, hindi mo pa rin talaga magagawang tanggihan siya dahil nakakabagabag ng damdamin ang paraan ng pagkakatingin niya.
"O-Okay."
"Yey!" she exclaimed.
Napipilitan man ay wala na rin akong nagawa kundi pumunta sa bathroom para sundin ang gusto niya. Nang makapasok doon ay iniladlad ko ang damit habang nakapikit at hinahanda ang sarili sa maaari kong makita. Malay ko ba kung ano ang inihanda niya? Mamaya see through ito o kaya iyong klase na nakikita ko sa mga movie na wala ng itinago sa harapan at likod.
Huminga ako ng malalim at pagkaraan ay binuksan ko ang mga mata ko. Napatitig ako sa damit na hindi tumapat sa kahit na anong ine-expect ko. Hindi mapigilan na kusang sumilay ang ngiti sa mga labi ko.
I guess she don't really want to change me. Mukhang gusto niya lang talaga akong mag enjoy.
Kahit nga sa pag make-up sa akin ay hindi niya itinodo. Inaasahan ko rin kasi kanina na makapal ang ayos ko na para bang sa mga nakikita kong make-up sa hollywood movies.
Isinuot ko ang damit at ilang sandali lang ay lumabas na ako. Napatingin sa akin si Luna na kanina ay abala sa cellphone niya at pagkatapos ay napangiti siya nang makita ang ayos ko. "It's so cute! Nagustuhan mo?"
Nagbaba ako ng tingin sa suot ko na itim na dress. Hanggang tuhod iyon at sadiyang maluwag para komportable at malaya pa rin ang paggalaw ng magsusuot no'n. Pero bukod do'n ay nagustuhan ko ang naka print sa gitna niyon. May unicorn kasi ro'n at may nakasulat sa baba na 'Be a unicorn in a field of horses.'
"Yes." I said with a small smile. "Thank you. Hindi mo naman kailangan gawin ang lahat ng 'to.
She waved her hand to dismiss what I said. "Mahilig talaga akong makielam sa buhay ng tao. Isa pa pinapanood sa akin ng mga Kuya ko ang footage mo sa headquarters. Bukod sa gusto kita bilang writer natuwa din kasi talaga ako sa personality mo. Biruin mo kaya mong sindakin ang mga kapatid ko?"
"That's because I'm creepy."
"Hindi mo naman kailangan maging katulad ng lahat." Tumayo siya at lumapit sa akin bago umangkala sa braso ko. "Pero magsuklay ka talaga kasi sayang ang hair. And use my gifts."
Tumango ako na ikinangiti niya lang lalo. Iginaya niya ako palabas ng kwarto kung saan naabutan namin si Trace na nagkukumahog na lumayo sa pinto. Mukhang nakikinig siya sa mga nangyayari sa loob. Baka natatakot na kung anong pang te-terrorize ang gawin sa akin ng kapatid niya.
"Tsismoso much?" tanong ni Luna.
"Nagsalita ang taong hindi nabubuhay sa tsismis."
Nalukot ang mukha ni Luna at pagkatapos ay inismiran niya ang kapatid niya bago ako hinila para pumanog na ng bahay. Ang isa niyang kamay ay busy sa pagtipa sa hawak na cellphone. Nang makarating kami sa baba ay bumaling siya sa akin dahilan para bahagya akong mapaatras.
What now?
Itinapat niya sa akin ang screen ng phone niya kung saan nakita ko ang sarili ko ro'n. Sandaling napatitig ako roon na puno ng pagtataka. "Anong meron?"
"It's a video call." Luna said, her forehead knotting as she looked at me. "Wala kang messenger?"
"Messenger?"
"Omg! Paano ka nakikipag-usap sa mga kakilala mo?"
Hinaplos ko ang mahaba kong buhok habang nag-aalangang sinagot ang tanong niya. "Wala naman akong kinakausap sa video call. Saka ayoko ng social media kaya hindi ko alam 'yang mga iyan."
"Wow. You're amazing." she said in awe.
Tinignan ko ang cellphone niya na nakaharap pa rin sa akin. Lumapit ako ro'n para titigan iyon. Mukhang may tinatawagan siya. May nakalagay din sa taas no'n na 'Luna and the 7 Beasts GC.'
Anong ibig sabihin ng GC?
Umangat ang kamay ko at pagkatapos ay pinindot ko ang nakita kong parang star sa screen. May lumabas na mga square sa screen na mukhang nag lo-load pa at basta na lang ako pumindot ng isa. Saktong ginawa ko iyon ay bigla na lang may nagsulputan na mga tao sa screen. Mga taong pamilyar na ako.
"Luna, we're in a meeting at bakit noo mo lang ang kita?" tanong ni Coal.
Napahagikhik si Luna at bahagyang nilayo ang screen na ang lapit na pala sa akin. The moment that she did, the color of the screen that is showing my face changed and it turned dark. Napatitig ako doon nang imbis na ang itsura na nakita ko sa salamin kanina ay isang babaeng may mahabang buhok ang lumabas doon. I opened my mouth to talk but to my surprise the woman in the screen suddenly opened her mouth as if screaming in the most gruesome way that is only possible in movies.
"f**k!"
"s**t s**t s**t!"
"What the hell!
"What the f**k is that thing?!"
"Luna! Cut it out!"
Nanggaling ang mga sigaw na iyon sa mga kapatid ni Luna na ngayon ay kita ang pagkagulat sa mga mukha. May isa pa nga sa mga ito na hindi na kita sa screen at nakaturo na lang sa kisame ang cellphone na para bang nahulog sa kung saan nang basta na lang niyang itinapon iyon. It's Domino's camera I think.
"What? What's happening?" tanong ni Luna at pagkatapos ay iniharap niya ang cellphone sa sarili niya. Impit na napatili rin siya sa nang makita ang sarili niya doon at pagkatapos ay nagmamadali siyang pumindot habang kagat-kagat niya ang ibabang labi niya na para bang pinipigilan niya ang sarili niya na mapahagikhik. "Omg sorry mga Kuya! Napindot lang 'yung filter."
"Luna!" I hear someone bellowed from the phone.
"Sorry!" she said, outright laughing now. "Here. Tignan niyo na ang gusto kong ipakita sa inyo."
Iniharap niya ulit sa akin ang cellphone. Rinig ko ang pagsinghap ng ilan sa kanila habang ang iba naman ay hindi makapaniwalang nakatitig sa akin pero hindi ko na sila nagawang pagtuunan ng pansin nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan.
I can feel my heart thundering in my chest as I saw Thorn entered the house. Hindi siya nakatingin sa amin dahil abala siya sa napakarami niyang dala. Dumiretso siya sa coffee table habang binabalanse pa rin ang mga bitbit niya at pagkatapos ay ipinatong doon ang hawak niya sa kaliwa niyang kamay.
"Kuya Thorn, look!"
Hindi ko na nagawang awatin si Luna na tawagin ang pansin ng kapatid niya nang bigla na lang mag-angat ng tingin si Thorn. His body froze the moment he locked eyes with me. The usual formal expression in his eyes that are sometimes blank are now full of activity as if he was taken aback by what he's seeing.
"H-Hi." mahina kong sabi.
"Kuya!" sigaw ni Trace at mabilis na kumaripas ng takbo palapit sa kapatid niya. Nang sa tingin niya ay hindi siya aabot ay initsa niya ang sariling katawan dahilan para mapadapa siya habang ang mga kamay niya ay nakadipa sa harapan niya.
I grimaced when I heard his body thud on the floor but I breath a sigh of relief when I saw that he managed to save the food that Thorn was holding on his other hand.
"Wew! That was close!" Trace breathed.
"Shh." saway ni Luna.
"Don't shh me! Tulungan mo na lang kaya ako?"
Naririnig ko sila pero hindi ko sila magawang tignan dahil muling napako ang paningin ko kay Thorn na titig na titig pa rin sa akin. Para bang hindi niya magawang maproseso ang kung anong nakikita niya. Hindi ko siya masisisi. Halos hindi ko nga rin nakilala ang sarili ko. Pero...nagustuhan niya kaya? O na we-weirduhan siya?
"Anong ginawa niyo kay Lucienne?" tanong ni Thorn sa mahinang boses.
Pakiramdam ko ay nalaglag ang puso ko sa lumabas mula sa bibig niya. Hindi niya nagustuhan. Baka ang weird nga ng dating sa kaniya na ganito ang itsura ko.
"Sinuklayan, minoisturize, nilagyan ng kaunting make-up." Luna said proudly.
Hindi man lang siya nilingon ng lalaki na titig na titig pa rin sa akin. "Lucienne-"
"Maghuhugas na lang ako ng mukha. Pasensya na-"
"Are you comfortable with it? Wala ka bang nararamdaman na kakaiba? Baka mangati ka sa pinaglalagay niyang kapatid ko. You should be tested first dahil baka may allergy reaction ka sa ibang mga content ng ginamit sa'yo."
"Hala. Hindi ko naisip 'yon." bulong ni Luna. "Hindi ka pa naman sanay sa make-up."
Hindi pa rin inaalis ni Thorn ang tingin niya sa akin. "Lucienne?"
"I-I'm fine. Pero kung pangit tatanggalin ko na lang- I mean kung weird pala. Pangit naman talaga ako dati at creepy. You know-"
"I don't know." putol niya sa sasabihin ko. "Maganda ka naman dati pa kahit wala 'yan."
Pakiramdam ko ay may imaginary na mekaniko sa puso ko na ngayon ay kasalukuyang jina-jump start ang puso ko dahil nagsimula na naman iyong tumibok ng mabilis. Hindi na ako magtataka kung lalabas na lang iyon mula sa dibdib ko at tatalon papunta kay Thorn. Which would be creepy because there would be a lot of blood that will burst out of my chest.
"As long as you're comfortable with it." dagdag niya.
Tumikhim ako para alisin ang tila kung ano na bumabara sa lalamunan ko. "O-Okay lang naman."
"Nice dress."
"Umm...thanks."
Inalis na ng lalaki ang tingin niya sa akin at pagkatapos ay nagbaba siya ng mga mata sa kapatid niya na ngayon ay nakadapa pa rin sa semento habang nakataas ang mga kamay na salo-salo ang mga pagkain na nabitawan ni Thorn kanina. Napakunot-noo ang lalaki, "Anong ginagawa mo diyan?"
"Wow." hindi makapaniwalang sabi ni Trace. "Nag moment lang kayo nakalimutan mo na ang sarili mong kapatid?"
Hindi na sumagot si Thorn at sa halip ay kinuha na lang niya ang mga pagkain mula kay Trace at naglakad papunta sa dining table. "Isunod mo 'yung iba pa."
Akmang lalapit ako papunta sa pinagpatungan niya ng mga pagkain pero napatigil ako nang muling lumingon ang lalaki. "Ikaw, Trace, ang inuutusan ko."
Bumuntong-hininga ang lalaki. "Yes, Kuya."
"Luna?"
"Po?" tanong ni Luna na hawak pa rin ang cellphone niya. Kita doon ang iba pa nilang kapatid na kaniya-kaniyang reaksyon. Some of them looks amuse while some looks like as if they're contemplating on something.
"Patayin mo na 'yan o babawiin ko 'yang cellphone mo na ako ang nagbigay."
Walang salitang pinatay ni Luna ang cellphone at pagkatapos ay patalon-talon na lumapit sa kapatid niya at umabrisete. "Gwapo mo ngayon Kuya ah. Pero bakit parang namumula ang mukha mo?"
"Luna." he warned.
"Ay hindi pala! Myghad. I need glasses." she exclaimed. "Pero gwapo ka talaga, Kuya. Iyong pamumula mo ang ibig kong sabihin."
Nanatiling nakasunod lang ang tingin ko sa kanila habang nananatili ako sa kinatatayuan ko. Sumunod din sa kanila si Trace na bitbit ang iba pang mga pagkain.
Totoo ba ang sinabi sa akin ni Luna? Na iba talaga ang turing sa akin ni Thorn? O dahil lang sa talagang ginagawa niya lang iyon dahil kliyente niya ako? Parte ba ito ng trabaho niya?
A part of me don't want to believe that. Gusto kong maniwala na may iba pang dahilan kahit na alam kong mahirap paniwalaan. Kasi sino lang ba ako? I'm not that special. He's too out of my league. Mahirap siyang abutin.
Pero bakit gusto kong umasa? Bakit gusto ko...na maging espesyal sa kaniya?
"Lucienne?"
Napakurap ako nang marinig ko ang boses ni Thorn. Lumingon ako sa kaniya at nakita kong wala na ang dalawa niyang kapatid na siguro ay may kinukuha sa kusina. Sa pagkagulat ko ay naglakad si Thorn palapit sa akin dahilan para mapaatras ako.
"Are you okay?" he asked.
"O-Oo naman."
"Then let's go. Marami akong biniling pagkain na sabi mo gusto mo."
I guess Luna is right about that part. Mukha ngang gustong bumawi ni Thorn mula sa naging pagtatalo namin. "Hindi mo naman kailangang gawin iyon. May kasalanan din naman ako sa naging pagtatalo natin kanina. Hindi naman kasi masama ang pinagagawa mo sa akin You've been trying to help me and giving me things that will make me comfortable with our situation tas ako pa iyong hindi makaintindi agad."
"It's okay. It's not entirely your fault because it was mine too."
Sandaling nakatingin lang ako sa kaniya bago ako tumango pagkaraan. He turned towards the dining area and he started walking habang ako ay nasa likod niya at nakasunod sa kaniya. Is it his duty or am I special to him? Duty or special? Duty or special? Duty? Special?"
"I hope you'll like the food. I asked them to make it special just for you."
Hindi ko alam kung anong nangyari. Basta kasunod ng malakas na galabog ay natagpuan ko na lang ang sarili kong nakadapa na sa sahig. Hindi ko makuhang masaktan dahil pakiramdam ko ay paulit-ulit kong naririnig ang sinabi ni Thorn na salita na kanina ko pa iniisip.
Special. Special. Special. Special.
"s**t! Lucienne are you alright?"
Naramdaman ko ang mga kamay niya na pumalibot sa akin at pagkatapos ay tinulungan akong makatayo. Napaigtad ako nang siya na mismo ang nag-ayos sa bahagyang lumilis na damit ko. He made sure that he won't touch my skin out of respect perhaps but despite that I can feel the heat from his fingers.
"Okay ka lang?" tanong niya ulit.
"O-Okay lang naman." pagbibigay katiyakan ko sa kaniya. "Ano ulit 'yung sabi mo kanina?"
"Sabi ko sana magustuhan mo iyong mga pagkain."
"Na special?" tanong ko ulit.
I want to hear it again. Simpleng bagay lang iyon at hindi naman niya tinutukoy ang kung anong nasa isip ko pero gusto kong marinig iyon ulit mula sa kaniya.
Kumunot ang noo ng lalaki na mukhang nagtataka. "Oo. May special halo-halo rin."
Nginitian ko siya nang malaki dahilan para lalong kumunot ang noo niya. Nilagpasan ko siya at lumapit ako sa mga pagkain na binili niya habang sa isip ko ay tumatakbo ang salitang binitawan niya.
Paulit ko nga sa kaniya mamaya tapos i-re-record ko para may ring tone ako.
________________________End of Chapter 8.