CHAPTER 9
LUCIENNE'S POV
Natigil ang mabilis ko na pagtipa sa laptop nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan ng bahay. Sandaling tinapunan ko ng tingin si Thorn na siyang pumasok at akmang ibabalik ko na ang atensyon ko sa ginagawa ko pero muli lang akong napatingin sa kaniya nang mag rehistro sa utak ko ang isang bagay. Isang napakagandang bagay.
Napaawang ang mga labi ko habang sinusundan ng tingin si Thorn na kasalukuyang naglalakad papunta sa ilalim ng hagdanan at mukhang may kinukuha mula sa storage doon.
Ang aga namang pamasko nito.
Nangalumbaba ako habang nakatingin sa lalaki na nakatalikod pa rin sa akin at bahagya kong ibinaba ang monitor ng laptop ko para mas matignan ko siya. Sa mga taong nabuhay ako sa mundo, maliban sa pelikula, ay ngayon pa lang talaga ako nakakita sa personal ng lalaking walang damit. Well, walang pang itaas ang mas tamang sabihin. Kung pwede nga lang walang damit talaga eh di eberibadi happey happey.
Hindi talaga ako nilinlang ng pangdama ko. His body felt hard and it's no wonder since he looks hard.
Wait parang ang bastos.
What I meant was his body looks ripped. Kitang-kita na inalagaan niya ang sarili niya at hindi iyong klase na ginugol niya lang sa gym para makuha ang klase ng katawan na meron siya. Though I have no doubt that he often visit the gym too ay sigurado rin ako na malaking porsiyento ng dahilan kung bakit maganda ang katawan niya ay dahil sa mga natural activities na ginagawa niya. He's probably the kind of person who jogs for miles and miles and take it as an easy task.
Napakagat ako sa matigas na bagay nang yumuko ang lalaki dahilan para matutok ang atensyon ko sa pang upo niya.
Walang tapon talaga sa taong 'to. Kung si Captain America ang America's Ass, Thorn would probably be one of the Philippine's top contender to be the country's representative.
Sumilay ang ngiti sa mga labi ko habang nakakagat pa rin sa kung anong matigas na bagay na kagat-kagat ko nang humarap si Thorn na may dala-dalang mga kagamitan sa magkabila niyang kamay. The tools he's carrying are probably heavy by the way his arms tensed. And his chest...grabe parang ang sarap mag dive at magpakalunod sa kaniya.
"Are you hungry?"
Lalong lumawak ang pagkakangiti ko habang pinagpapala ko pa rin ang mga mata ko sa katawan niya. Sheyt! "Sobra. Yum."
"Tatapusin ko lang ang ginagawa ko tas ipaghahanda na kita ng pagkain." Narinig ko ang sinabi niya pero nananatiling nakapako ang atensyon ko sa mga muscle niyang parang inaakit ako para manguyapit doon.
"Okay lang. Nabubusog na ako." bulong ko.
Kung hindi lang ako may kagat-kagat na bagay ay baka impit na napatili ako nang makita kong palapit na ng palapit sa akin ang pinakatititigan ko hanggang sa halos abot kamay ko na iyon. Akmang aangat na nga ang isa kong kamay para gawin ang naisip ko nang maunahan ako ng nagmamay-ari ng katawan na balak ko sanang pasadahan ng kamay.
I gasped sharply at the same time I blinked fast as a bit of my sanity surge right through my system. Agad gumapang ang init sa mukha ko nang magtama ang mga mata namin ni Thorn na hindi ko mabasa ang mga emosyong nakabalatay sa mga mata.
Marahan niyang itinulak ang noo ko dahilan para mabitawan ko ang monitor ng laptop ko na siya palang kinakagat ko kanina. "Walang lasa 'yan."
Sinarado ko ang laptop ko sa pagkabigla habang inaapuhap ko ang mga salitang dapat kong sabihin sa kaniya. Bago ko pa magawang makaisip ng sasabihin ay natigilan ako habang ang mga mata ko ay namimilog sa pagkabigla.
"s**t!" I shouted.
"What?" he asked, clearly concern.
Nagmamadaling binuksan ko ang laptop ko na bigla ko na lang naisara kanina. Pakiramdam ko ay sasabog na ang dibdib ko sa sobrang t***k no'n na para bang any moment ay bigla na lang akong hihimatayin dahil inatake na ako sa puso.
Ayan! Karma kasi ang manyak mo!
"Lagot na! Sana gumana ang autosave ko." atungal ko. "Babe, please? 'Wag mo akong biguin! Help me!"
Natigil ako sa pagkausap sa laptop ko nang biglang mawala iyon sa mga kamay ko. Nag-angat ako ng tingin at nakita ko si Thorn na kunot na kunot ang noo habang titig na titig doon. "Anong kailangan mong gawin ko rito?"
"Anong ginagawa mo?" nagtatakang tanong ko.
"Sabi mo tulungan kita."
Sunod-sunod na napakurap ko sa sinabi niya. Akala niya siya ang "babe" na tinutukoy ko? "Umm...bossing, ganiyan lang talaga kasi ako maglambing sa laptop ko. Pwedeng pakibalik sa akin? May pinagdadaanan kasi kaming dalawa."
Natigilan ang lalaki na tila na-freeze siya sa kinatatayuan niya. Sandaling nakatitig lang siya sa laptop ko bago siya parang robot na gumalaw at inabot sa akin iyon pabalik. "May gagawin pa ko."
Tumango ako at kinuha ko na sa kaniya ang laptop. Sinundan ko siya ng tingin nang makita ko siyang nagmamadali papunta sa labas kung saan may inaayos siya kanina. Napapitlag pa ako nang basta na lang niya binitawan ang screen na pintuan dahilan para gumalabog iyon.
"Pwede ko rin naman siyang tawaging babe kung gusto niya. Nagselos pa ata sa'yo eh baby naman talaga kita eh. Siya..." napangiti ako at ipinadiyak ko ang mga paa ko habang hawak-hawak ang laptop para hindi mahulog iyon. "Gusto kong maging baby niya."
Mahina kong tinampal ang monitor ng laptop ko na para bang kaibigan ko iyon na inaasar ako habang kilig na kilig na ako. Kung may makakakita lang sa akin ngayon baka kung hindi tumakbo na iyon palayo, ay baka lumapit na iyon sa akin at talian ako para hindi ako makapangaggat at makapanghawa ng ibang tao.
Pinigil ko ang mahaharot na cells sa katawan ko na hindi ko alam kung saan nagmula. Basta ang alam ko lang nabuhay ang mga iyon nang makilala ko si Thorn. Kahit naman ata bangkay mabubuhay dahil sa kaniya. That fes, that bade, tas idagdag pa na siya iyong klase ng tao na alam mong mapoprotektahan ka. Complete package!
Inasikaso ko muna ang laptop ko at nakahinga ako ng maluwag nang makita kong na-save naman ang sinusulat ko kanina. Ginaganahan kasi akong magsulat at dalawang chapter na ang natatapos ko sa romance novel na sinusulat ko.
Tinuloy ko pa rin kasi iyon. Pero sa pagkakataong 'to hinaluan ko na ng nakasanayan ko ng isulat at dahil hindi ko alam kung paano ko maibabalanse ang gore at ang romance ay nagdesisyon ako na sa action ihalo iyon. At least hindi malayo at madali ko lang maiipasok ang gore kung gugustuhin ko.
"Wala pa nga lang title. Una dahil wala lang talaga akong maisip at pangalawa dahil hindi ako magaling gumawa ng title."
Kinopya ko ang file ng mga natapos kong isulat at dinuplicate ko iyon sa ibang folder. Pagkatapos niyon ay sinend ko ang kopya sa sarili kong email. Paranoid talaga ako pagdating sa mga nobela ko. Mamaya kung anong mangyari sa laptop ko mabuti na iyong alam ko na safe ang laman nito.
Nang matapos sa ginagawa ay isinarado ko na muli ang laptop at pagkatapos ay nag-iinat na tumayo na. Lumapit ako sa bintana at sumilip doon. Napangiti ako nang mamataan ko si Thorn na kasalukuyang inaayos ang gate. Mukhang patapos na rin siya doon dahil saglit lang siyang nagtagal doon bago siya lumapit sa isang bahagi ng bakuran kung saan nakalagay ang garden hose at pagkatapos ay naghugas na ng kamay. Nang matapos ay iniladlad niya ang mahabang hose at diniligan ang mga halaman.
Infernes din talaga. Hindi lang bagay sa kaniya ang mga mabibigat at panglalaking mga gawain kasi kahit pagdidilig nagagawa niyang pagmukaing pang-macho.
Naiiwan niya na ako ngayon sa bahay. Iyon nga lang may limit ang layo niya sa akin. Dapat nasa iisang vicinity pa rin kami. Ang tanging nagbago lang ay hindi niya na ako kailangan sundan kung gusto kong umakyat at siya naman ay nasa baba. Nakabit na kasi ang security system kaya nababantayan niya na ako kahit nasaang parte man ako ng kabahayan.
Natigilan sa ginagawa si Thorn nang may mag doorbell sa bahay. Napatingin ako sa gate at sigurado akong nagliwanag ang mga mata ko nang makita kong may delivery man doon. Nagkukumahog na tumakbo ako para umakyat sa kwarto at pagkatapos ay nagmamadaling kumuha ako ro'n ng pera. Parang toro sa bilis na bumaba ako pero nasa kalahati pa lang ako ng hagdanan nang marinig ko ang malakas na boses ni Thorn.
"Woman!" he bellowed. "Mababalian ka ng leeg sa ginagawa mo."
Tumigil ako sa pagmamadali at dahan-dahan akong bumaba ng hagdanan na para bang prinsesa sa pelikula para lang asarin siya. Nginisihan ko ang binata ng makababa ako at makita ko siyang naniningkit ang mga mata na nakatingin sa akin na para bang alam niya kung ano ang nasa isip ko.
"What is this?" he asked and pointed at the huge box beside him.
"Inorder ko sa Shopee. Akala ko next week pa dadating."
Tumakbo ako papunta sa kusina at kumuha ng kutsilyo bago nagmamadaling bumalik ako sa sala. Akmang bubuksan ko na sana ang kahon nang pigilan ako ni Thorn. Napapakunot-noo na nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "Bossing Thorn?"
"Let me."
Hinayaan kong kunin niya ang kutsilyo habang nasa tabi lang ako at halos hindi na mapakali sa kinatatayuan. Ganito kasi talaga ako kada may bibilin ako online. Hindi rin naman kasi ako nag sha-shopping dahil ayoko nga sa maraming tao kaya talagang nakadepende ako sa online shopping. Hindi kailangan masyadong mag-effort. Hindi na ako nagsayang ng gas hindi pa ko napagod maghanap ng mga bagay na pwede ko namang bilin sa mas murang halaga. Mahal nga lang kadalasan ang shipping fee at bihirang nasa isang store lang ang kailangan ko. Kaya ang ending dalawang shipping fee ang binabayaran ko.
Nagtatakang nilingon ko si Thorn nang imbis na buksan ang kahon ay kinuha niya ang cellphone niya at itinapat iyon doon. "Umm? Dati ka bang nag side line sa courier company? O gusto mong makita ng ibang tao kung ano ang condition ng box ng dumating para kapag nag rate na ako mamaya?"
He looked at me as if he's thinking whether he'll put me inside the box and never let me out or put me in a box and shipped me somewhere else.
"I'm scanning the box, Lucienne. Hindi mo alam kung napalitan na ang laman niyan at bomba na ngayon ang nasa loob."
Nanlalaki ang mga matang napaatras ako para lang muling mapaabante nang maisip ko ang lalaki. Mabilis na hinawakan ko siya sa braso at hinila ko siya ng ilang hakbang paatras. "Ayokong mamatay ka, Bossing. Sayang ang lahi mo. Magpapalaganap ka pa ng magandang lahi sa mundo. Ayoko pa ring mamatay."
"Kasi sayang ang lahi mo?" tanong niya.
"Oo. Magpapalaganap pa ako ng "matalinong" lahi." pagdidiin ko sa salitang matalino dahil hindi ako tiwalang pasok na pasok ako sa isa pang kategorya.
"Maganda din naman ang lahi mo." sabi niya.
Katulad ng ilang beses ng nangyayari ay sunod-sunod na namang rumagasa ang kilig sa buong pagkatao ko na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakakasanayan. Masama pa ro'n ay tila nakipaghawak-kamay doon ang "maharot" cells ko dahilan para mag evolve iyon sa hindi ko maintindihang emosyon.
Ipinilig ko ang ulo ko na para bang makakatulong iyon para bumalik ako sa katinuan. "Let's go!"
Hinawakan niya gamit ng isang kamay ang akin na nakahawak sa braso niya at pagkatapos ay marahang inalis iyon. Tumingin siya sa cellphone niya nang may tumunog doon at pagkaraan ay may maliit na ngiti sa labi na muli siyang lumapit sa kahon.
"Bossing!"
"Relax, Lucienne. It's safe. I already scanned it."
Natigil ang pag-aalala ko at namamanghang lumapit ako at sinilip ang cellphone niya na ngayon ay nakapatong na sa coffee table. Napatango-tango ako nang makita kong may nakarehistro sa screen na "Scanned complete" at may salitang "clear" sa baba niyon.
"Amazing." I murmured.
"But Lucienne, this is the last time that you will order anything from anywhere."
Humarap ako sa kaniya at napahalukipkip. Mukhang makakaranas na naman ako ng mahabang sermon ni Bossing Thorn. "May gusto lang naman akong bilin."
"Then we can go to the nearby mall. Kung hindi ka kuntento ro'n pwede tayong lumayo." Ipinatong niya sa lamesa ang kutsilyo at pagkatapos ay binuksan ang kahon bago humarap din sa akin. "This is not safe."
"As if naman may mabibili ako sa mall ng mga nakita ko online. Saka hindi nga ako mahilig lumabas."
"Then tell me if you want to order something and we'll send it to the headquarters. Pagkatapos no'n ipapadala ko rito kaila Trace o sa kung sinong pwede sa kanila."
"Isn't that the same thing?" I asked.
"No. Because my brothers know what they are doing. Alam nila kung paano hindi masundan at mag-iwas ng bakas na magtuturo sa kung nasaan ka ngayon."
Napalabi ako sa sinabi niya nang ma-realize ko ang pagkakamaling nagawa ko. Ang kulit mo rin naman kasi talaga Lucienne. Pinahihirapan mo pa si Thorn alam mo namang ayaw niyan sa mga pasaway. "Pasensya na, hindi ko na uulitin. May nakita lang kasi ako na gusto kong bilin. Hindi...hindi pa rin kasi talaga ako sanay na ganito ang buhay ko. Sanay ako na malaya ako sa kung anong gusto kong gawin."
"This is not your life, Lucienne." he said with a serious tone in his voice. "Don't get used to this. You won't need to fear or hide forever. This is just temporary."
Tahimik na tinimbang ko ang katotohanan sa sinabi niya. Minsan kasi pakiramdam ko parang wala ng katapusan ang ganito. Iyong para bang kahit paghinga ko parang hindi ko alam kung tama pa ba dahil baka pati iyon matunton nang kung sino man ang gumagawa ng mga krimen na nakakonekta sa akin. The only thing that's making me forget all of that is that Thorn is with me. Kahit saglit lang, kahit na nandito naman siya talaga dahil sa problema ko, kahit saglit lang...nakakalimutan ko ang lahat.
"Hey."
I blinked hard and looked up at him. There's such gentleness in his voice that I never thought he would be capable to give.
"I'm fine."
"Lucienne-"
Hindi ko siya pinansin at lumapit na ako sa kahon at pagkatapos ay naghalughog doon. Gaya ng inaasahan ay muling nausog sa likod ng utak ko ang mga alalahanin ko nang makita ko ang mga laman no'n.
I'll think about it later. Kapag na sa tamang oras at lugar na ako. When the night is awake and the world is asleep...I can drown myself with thoughts again.
"Tiyaraaan!" sabi ko at may hinugot na kulay rosas na bagay. "Ang cute no? Naka fifty percent off 'to ngayon. Wala nga lang unicorn design kaya pwede na 'tong zebra pattern. At least pink. Parang babae na babae."
Nakatingin siya sa akin na para bang wala siyang balak putulin ang pinag-uusapan namin kanina. Nakahinga lang ako ng maluwag nang mapabuntong-hininga siya pagkaraan tanda ng pagsuko. "Aanhin mo 'yan eh hindi ka naman marunong magkumot?"
Napangisi ako. Kada umaga na lang ata kasi kung hindi kalahati lang ng katawan ko ang nababalutan ng kumot ay natatagpuan ko na lang 'yon sa sahig. Paiba-iba kasi talaga ang temperatura ko. Basta ayoko ng naiinitan ako.
"Magkukumot na ako ngayon." sabi ko at pagkatapos ay inihagis sa sofa iyon bago muling tumingin sa kahon. May bedsheet pa akong binili na may nagtatakbuhang unicorn na design at mga punda. Inilagay ko iyon kasama ng kumot na binili ko.
"Madami pa akong binili!" ngiting-ngiti na sabi ko.
"Huhulaan ko kung ano." Lumingon ako sa kaniya at naghihintay na nakatingin lang ako sa kaniya. Hindi man lang nililingon ang mga nailabas ko na na gamit na nagsalita siya, "Unicorn?"
Kung sabihin niya iyon ay para bang nilalabanan niya ang buong pagkatao niya para lang magawang ilabas sa mga labi niya ang salitang "unicorn".
"Judgmental ka. Hindi lang unicorn ang binili ko." Pagkasabi niyon ay humugot ako sa box at inilabas ko ang ilang mga damit na nakita ko rin sa partikular na store sa Shopee. Natuwa kasi ako dahil ang dami niyang tinda na gusto ko. "Bumili rin ako ng mga damit."
"Na unicorn?"
"Marami na ako no'n." sabi ko. "Mermaid naman."
He looked up at the ceiling as if he's trying to focus his attention there to forget about me. Pinaikot ko ang mga mata ko at muli kong binalingan ang kahon na may iba namang mga gamit na hindi pasok sa "theme" ko.
Swerte ko kasi talagang halo-halo ang laman ng shop na iyon. Kaya nakabili din ako ng mga scented candle para kay Luna, nakakita rin ako ng toy truck na balak kong ibigay kay Trace para lang asarin siya, dalawang notebook, sandamakmak na ballpen...na unicorn at mermaid ang disenyo, laptop sticker, jenga blocks, Bad Dog Toy, mga unan na unicorn at mermaid, pitong cap para kay Thorn at sa mga kapatid niya, at dalawang jacket.
"No wonder that cost you almost four thousand."
"Mura na nga kaya 'tong mga 'to sa dami kong binili. Kung sa mall 'to malamang ubos na ang cash ko." sabi ko sa kaniya habang nilalagay ang mga cap na hawak ko sa sofa. "Speaking of cash, ito 'yung bayad ko."
"It's fine."
"Hindi 'yon fine. Pinaghirapan mo ang pera mo at ako ang makikinabang sa mga 'to kaya hindi pwedeng hindi kita bayaran." sabi ko at ipinatong ang pera sa coffee table bago ako humarap sa kahon para kunin ang dalawang jacket na natitira na lang do'n.
Yumuko ako para abutin iyon pero dahil mataas ang kahon ay muntik pa akong ma-shoot doon kung hindi ko lang naramdaman na hinawakan ako sa braso ni Thorn at hinila patayo. Nakangiting nilingon ko siya at nag thumbs up. "Thank you!"
"Pwede mo naman kasing baligtarin na lang ang kahon." sabi niya.
Oo nga naman, Lucienne The Menace. "Sabi ko nga."
"Alam mo namang maliit ka."
Naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya. Hindi pa talaga nakuntento nagdagdag pa ng insulto. "Katulad nga ng sinabi ko sa'yo noon. Hindi ako maliit matangkad ka lang."
"Iyan naman lahat ang sinasabi ng mga maliliit."
"Kasi nga matangkad ka." nakapamewang na sabi ko. "Saka FYI lang, Bossing Thorn. Normal lang ang height ko. Para sa iba matangkad na ko."
"Sino namang may sabi sa'yo eh kahit si Luna mas matangkad pa sa'yo."
"Hello? Higante kasi ang lahi niyo. Buti nga naging cute size si Luna."
"She's 5'7. That's a normal height and she's not that tall. You're the cute size one."
"Normal din ako!" sigaw ko at binato ko sa kaniya ang hawak ko na kaagad niya namang nasalo. "Anong masama sa 5'4? Hindi maliit 'yon!"
"You're small."
"Lahat ng tao maliit sa taong matangkad!"
"Exactly." pag sang-ayon niya.
Natigilan ako at napahalukipkip dahil alam ko namang talo na ako. Maliit naman talaga ako. Gusto ko nga lang ipaglaban ang karapatan naming mga maliliit. Hindi porke cute size kami eh basta-basta na lang kami papayag na maliitin. Kahit maliit talaga kami.
"Here." he said before he handed me what he's holding. There's something in his expression despite it having the same neutral guise that makes me think he's trying his best not to burst out laughing. "There's nothing wrong with being small by the way."
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napapadiyak ako sa inis habang padaskol na kinuha sa kaniya ang inaabot niya. "Tantanan mo ang height ko!"
Mukhang hindi niya na napigilan ang sarili niya dahil tuluyan ng sumilay ang ngiti sa mga labi niya. Ngiting hindi kasing tipid ng mga binibigay niya sa akin dahil umabot pa iyon sa mga magaganda niyang mata.
"Whatever." I said and looked down at the two jackets in my hands. Kulay puti ang mga iyon at walang ibang disenyo maliban sa imprenta no'n. Kinuha ko ang mas malaki d=roon bago ko iyon ibinato ulit sa direksyon niya. "That's yours."
Iniladlad niya ang jacket at sa pagkakataon na ito ay ako naman ang napangiti nang makita ko ang biglang pagkunot ng noo niya. Nag-angat siya ng tingin sa akin dahilan para mas lumawak ang ngiti ko dahil sa nakikita kong pagkahindik sa itsura niya.
"I'm not wearing this." he said.
"Of course you are. Binili ko 'yan para sa'yo. 'Wag kang ungrateful."
"The hood has a horn."
"Yep." I said still smiling.
"And there's a printed words saying "I'm a Unicorn." in front."
Iniladlad ko ang akin na kaparehas din ng sa kaniya. "Dapat ikaw lang ang bibilan ko pero nagandahan din ako kaya bumili ako ng akin. I hope you don't mind."
Nanatili siyang nakatingin sa akin na para bang hindi niya maintindihan ang sinasabi ko. Pinipigilan ang sarili na mapatawa na isinuot ko ang jacket at inangat ko ang hood no'n na may sungay at pagkatapos ay inangat ko ang dalawa kong kamay para mag peace sign sa kaniya.
"Astig no?" tanong ko.
"I'm not wearing this."
"Bigay ko 'yan sa'yo-"
"No."
Pagkasabi niyon ay tinalukuran niya na ako at naglakad papasok ng kusina habang ako ay nakasunod lang ng tingin sa kaniya. "Hindi raw susuotin pero dala-dala naman niya. Ito talagang babe ko. Masyadong pakipot."
Natigilan ako sa naisip ko. Babe ko?
Babe?
Pwedz na pwedz!
****************************************
HINDI ako mapakali sa kinahihigaan ko. Hindi ko na alam kung ilang oras na akong naghihintay na antukin pero nagawa ko na lahat ng dapat kong gawin ay hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. I already finished another two chapters and my eyes are already hurting because they're already tired, napagbigyan ko na rin ang sarili kong isipin ang sitwasyon ko na gawain ko na sa loob ng ilang linggo na pananatili namin dito ni Thorn, at nakapanood na ako ng paborito ko na TV show na hindi ko naman magawang pagtuunan ng buong atensyon ko.
Napapabuntong-hininga na bumangon ako para umupo. Nilingon ko ang kinahihigaan ni Thorn na tulog na. Mabuti pa siya.
Nangalumbaba ako at tinitigan ko siya. He looks peaceful. Malayo sa nakasanayan kong makita sa kaniya. Lagi kasi siyang on alert. But I have no doubt na kaya niyang bumalik sa gano'n once na nakaramdam siya ng panganib. He's paranoid that way. Kahit pa siguro tulog siya.
Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya dahil mamaya magising pa siya sa ginagawa kong pagtitig sa kaniya. Malakas pa naman ang pakiramdam ng taong 'yan.
Dahil walang mapagdiskitahan ay inabot ko na lang ang bag na pinaglagyan ni Luna ng mga binigay niya sa akin na make-up. Binuksan ko ang ilaw sa bed side table sa gawi ko at nang matiyak kong hindi magigising si Thorn ay binuksan ko ang bag ng make-up at sinimulang pag-aralan ang mga iyon.
Kung may makakakita siguro sa akin ngayon baka akalaing baliw ako. Sino ba namang mag me-make-up sa madaling-araw na wala namang pupuntahan?
Nang matapos akong mag moisturize at maglagay ng primer ay naglagay na ako ng foundation. Kinontian ko lang iyon katulad ng turo ni Luna.
Mabagal lang ang pagkilos ko dahil ayokong magkamali. Mahirap na mamaya masayang ko pa ang mga product na bigay ni Luna at magmukha pa akong clown.
Hindi ko alam kung gaano na ako katagal sa ginagawa ko. Pasilip-silip ako sa salamin at okay naman ang nakikita ko. Hindi rin makapal ang blush on ko at mukhang natural lang at gano'n din ang highlighter. Hindi na nga lang ako nag eyeliner at nag mascara na lang ako dahil pakiramdam ko hindi ko pa kaya iyon at ayokong subukan iyon ngayong sabog ako. Mukha kasing kumplikado iyon base na rin sa ilang beses na pag-ayos ni Luna ro'n nang lagyan niya ako.
"I think I can do the eyebrows. Luna said I can just fill it lightly to look more natural." I whispered.
Imbis na kunin ang isa sa mga powdered na pangkilay ay iyong pencil ang hinanap ko. Bakit ko pa pahihirapan ang sarili ko di ba?
Binuksan ko ang pencil at sinimulan ko ng guhitan ang kilay ko. Sandaling napakunot noo ako nang maramdaman ko na parang basa iyon. Ito ba 'yon o may iba pa? Alam ko may dalawang pencil na pang eyebrow
Ipinagkibit balikat ko na lang iyon at nilagyan ko na rin ang kabila. Medyo harsh ang pagkakakilay ko pero sabi naman ni Luna matatanggal iyon basta brushin ko lang. Kinuha ko iyong "spoolie" brush kung tawagin ni Luna at isinuklay ko iyon sa kilay ko. Sa pagtataka ko ay walang nangyari at nanatiling kulay na kulay lang iyon.
Paulit-ulit na kinaskas ko iyon hanggang padiin na ng padiin ang ginagawa ko pero wala pa ring nangyayari.
Nagsisimula na akong kabahan na binitawan ko ang brush at kinuha ko ang kanina ay pinanglagay ko sa kilay ko. Pinaningkit ko ang mga mata ko dahil hindi masyadong mabasa iyon dahil sa mahina lang naman ang pinaggagalingan ng liwanag.
Nagmamadaling inabot ko ang cellphone ko at inilawan ko iyon at napasinghap ako sa nabasa. Liquid eyeliner. A waterproof liquid eyeliner. I just put a waterproof liquid eyeliner on my eyebrows!
Bumuka ang bibig ko para sumigaw pero walang boses na lumabas doon. Tama ako. Dalawang pencil eyebrows ang meron at dalawang eyeliner din. "Ahh. Ahh. Ahhhhh...."
Daig ko pa ang boses ng multo sa The Grudge sa lumalabas na tunog sa bibig ko habang pilit binubura ang nasa kilay ko. Tinignan ko ang daliri ko at dinilaan ko iyon at muling kinuskos ang kilay ko pero gaya ng inaasahan ay walang nangyari.
Mabilis na tumayo ako mula sa kama at tumakbo ako papunta sa bathroom. Binuksan ko ang ilaw at kaagad kong binuksan ang gripo sa wash basin at binasa ko ang kamay ko bago ko hinugasan ang kilay ko na imbis na matanggal ay parang kumalat lang ang produktong nakalagay doon.
"No..." I whispered as I look at myself in the mirror with a horrified expression on my face.
Tinakpan ko ang kilay ko habang nakatingin pa rin sa salamin. Maganda naman ang make up ko. Pero pwede ba akong mabuhay na tinatakpan ang kilay ko? Can that bandana thing work with this? Alam ko ulo lang ang tinatakpan no'n hindi kilay.
Inalis ko ang kamay ko at pakiramdam ko gusto na lang maglupasay nang makita ko ang nangyari sa mga kilay ko.
Nope! Hindi pwede 'to! Baka may paraan pa!
Tumakbo ako palabas ng banyo. Hindi ko na nagawang patayin ang ilaw no'n sa pagmamadali ko. Kinagat ko ang ibabang labi ko para mapigilan ko ang sarili kong mapatili nang muntik pa akong madapa. Kung hindi lang ako nakakapit sa gilid ng kama ay baka basag na ang mukha ko ngayon. Pangit na nga ang kilay ko mababasag pa ang mukha ko.
Kinuha ko ang cellphone ko at nag search sa Youtube. Pero dahil nagkahiwalay-hiwalay na ang buong pagkatao ko ay hindi ko na ma-digest ang mga pinagsasabi roon. I continued searching until I found a vlog about Madam Kilay. Natawag ng atensyon ko ang kilay ng babae na di hamak na mas malala kesa sa estado ng kilay ko ngayon.
Napasandal ako sa kama habang naluluha na pinapanood siya habang nakikipagharutan sa boylet niya na obvious ang pagkaadik sa kaniya kahit pa na agaw pansin ang kilay niya. "Someday...someone's gonna love me...ahh...ahh..."
Nakadalawang video pa ako bago ko binaba iyon at muling inabot ang salamin ko. Parang gustong bumaha ng luha ko sa hindi pa rin nagbabagong anyo na mga kilay ko. Hindi naman ako vain na tao. Ngayon lang ako nagtangkang mag-ayos. Pero hindi ko rin naman gustong magmukhang kampon ni Pirena sa Encantadia.
"I need to take this out. I need...I need...surgery."
Tumayo ako mula sa pagkakasalampak ko at lumapit ako sa kinahihigaan ni Thorn. Akmang yuyuko na ako para gisingin siya pero bago ko magawa iyon ay biglang nagmulat ang mga mata niya. Nanlaki ang mga mata niya nang mapatingin sa akin at bigla siyang napaupo. Dahil malapit ako sa kaniya at hindi ako kaagad nakakilos ay tumama ang ulo niya sa naghihintay kong noo.
Kung hindi ko lang naidiretso ang katawan ko ay malamang bumaligtad ako sa impact ng pagkakatama niya sa akin.
"A-Aray...." sabi ko at tuluyan ng napaiyak.
"f**k!" he cursed as he knife up off the bed. "Are you okay?"
"Do I look okay?" I asked him while tears are falling from my eyes. Hinilot ko ang nasaktang noo na pakiramdam ko lumubog ng dahil sa kaniya. "Kailangan ko na nga ng surgery inalog mo pa ang utak ko."
"What?" he asked in astonishment. Kita ang pagkalito sa mga mata niya na mukhang antok pa. "What surgery? Are you okay?"
"I'm not okay! Look at me!"
Nang manatili siyang nakatingin sa akin na parang hindi niya maintindihan ang nangyayari ay itinuro ko gamit ng dalawang kamay ko ang mga kilay ko. "I need someone to take these out!"
"By doing a surgery?"
"Well I can't take them out!"
Isinuklay niya ang kamay niya sa buhok niya bago siya huminga ng malalim na para bang iniipon niya ang pasensya niya na nasusubok na naman. Bago pa ako makahuma ay hinawakan niya ako sa kamay at hinila papunta sa kama ko bago niya ako marahang itinulak doon para mapaupo.
Naghalughog siya sa mga gamit na nakakalat sa kama ko at pagkatapos ay may kinuha ro'n. Sandaling natigilan siya ng makita niya ang naka-pause na video sa cellphone kong nakabukas pa rin kung saan kita pa rin si Madam Kilay.
"I'm not even going to ask." he murmured before he opened a bottle of liquid. Nilagyan niya no'n ang bulak na hawak niya sa isang kamay bago siya bumaling sa akin. "Iangat mo ang ulo mo."
"Ha?"
Imbis na sagutin ako ay hinawakan niya ako sa ilalim ng baba at pagkatapos ay inangat ang mukha ko bago pinunasan na niya ang kilay ko. Marahan ang pagdampi ng kamay niya na malayo sa kabuuan niya na parang kayang dumurog ng kahit na anong mahawakan niya. But he's so gentle...his hands moving as if it's the faintest touch of a feather.
Hindi mapigilan ang sariling napatitig ako sa mga mata niya habang siya ay abala sa ginagawa niyang pagtanggal sa nilagay ko sa mga kilay ko.
"It's waterproof so you can use a make-up remover for it. It's better to use this for any kind of make-up kasi siguradong tanggal lahat." he said while he keep on wiping me with the cotton. Hindi na siya nakuntento sa kilay dahil buong mukha ko na ngayon ang pinupunasan niya. "And before you asked, I will just remind you that I have a sister who constantly asked for us to buy her things."
Ngumuso lang ako at hindi na nagkomento. Inistorbo ko na siya at ngayon tinutulungan pa niya ako kaya wala akong karapatang magkomento pa.
Thank goodness I don't need a surgery.
Nang matapos sa ginagawa ay basta na lang niya iniitsa ang mga hawak niya sa kama at pagkatapos ay tinulungan akong makatayo. Bago pa ako makapagsalita ay hinila niya na ako hanggang sa makarating kami sa banyo.
Walang salitang kumuha siya sa isa sa mga malinis na wash cloth at binasa niya iyon bago niya pinunasan ang mukha ko. Nang makuntento siya ay pinatay na niya ang ilaw ng banyo at iginaya ako palabas.
Nang makarating sa tapat ng mga kama namin ay bumaling ako sa kaniya para magpasalamat at ng makabalik na siya sa pagtulog pero bago ko pa magawa iyon ay naramdaman ko ang kamay niya na bumalik sa pagkakahawak sa akin at hinila ako.
Pahiga sa kama niya.
Nanlaki ang mga mata ko at hindi ako nakagalaw nang maramdaman ko ang init ng katawan niya na dumikit sa akin na para bang niyayakap ako no'n kahit na nakadantay lang naman ang ulo ko sa isa niyang braso na nakadipa.
"Umm...Bossing Thorn."
"You can't sleep because there's a lot in your mind. Hindi mo maintindihan ang nararamdaman mo kahit na alam mong protektado ang lugar na ito ng security system na inilagay namin. Anyone from the headquarters' control room is also watching you like a hawk specially when I'm asleep. You're feeling that way because no matter how protected you are, there's still the unknown that you need to fear. That's normal and that's understandable."
"O-Okay. Pero pwede naman ako sa kabilang kama kasi maiistorbo kita-"
"I can feel you tossing and turning on your bed, Lucienne. Alam kong gising ka pa. I thought you were just watching a movie kaya hindi kita masyadong pinagtuunan ng pansin."
"Sorry." bulong ko at akmang tatayo na ako pero sa pagkagulat ko ay gumalaw ang braso niya na dinadantayan ko dahilan para mapausog ako palapit sa dibdib niya kung saan tila kinulong niya na ako. "M-Mas maiistorbo kita kung nandito ako."
"You'll be able to sleep."
"I don't think so-"
"Trust me you will." pagputol niya sa sasabihin ko.
"Thorn..."
"Because it's always better to share your burden with someone. Someone that can take that load and carry it with you so you can feel secure that it won't crush you with its weight."
And with that...I couldn't say anything more. Dahil tama siya. Dito sa loob ng mga bisig niya ay pakiramdam ko ay hindi ako magagawang abutin ng kahit na sinong magtatangka na saktan ako. In his arms...I feel safe.
Listening to his heartbeat, feeling his warmth, and hearing the rhythm of his breath...I feel safe. Within moments I felt my eyelids grew heavy until they finally shut closed. Dahil sa tulog na tuluyan na akong tinangay ay hindi ko naramdaman ang mga bisig na humigpit sa pagkakayakap sa akin at pares ng mga matang masuyong nakatingin sa akin bago maging siya ay hinila na ng antok dala ng kapayapaan na nararamdaman.
________________________End of Chapter 9.