CHAPTER 10
LUCIENNE'S POV
Nanginginig ako sa kinatatayuan ko na para bang kinukuryente ako at hindi ko magawang itigil ang isa kong paa sa pagtapik no'n sa semento habang ang mga mata ko naman ay tutok na tutok sa pinapanood ko. Paminsan-minsan ay gumagalaw ang kamay ko na tila hindi nakakonekta sa katawan ko dahil hindi sumusunod iyon sa mensahe na pinapadala ng utak ko.
"So bright." I whispered while my eyes are still transfixed on the television
Bahagya na akong nahihilo sa ginagawa ko at sa pinapanood ko dahil bukod sa umaalog-alog ang katawan ko ay nasisilaw talaga ang mga mata ko sa nakikita ko sa pinapanood ko. Hindi kasi sanay ang buong pagkatao ko na makakita ng mga taong sobrang liwanag.
At sobrang kulay. Bakit kaya sa kanila ibang tignan?
Ginaya ko ang ginagawa ng mga babae sa harapan ko at iginalaw ko ang katawan at mga kamay ko pero katulad ng ilang beses ko ng ginawa sa paulit-ulit kong pag replay sa kanta na ito ay para pa ring disconnected ang mga kamay ko na hindi malaman ang gagawin.
"Wew! Pang isang taon na exercise ko na 'to ah!"
Nagpatuloy ako sa pagsayaw kahit na alam ko na malabong nagagaya ko ang mga sumasayaw sa telebisyon. The mind is a powerful thing. Kung hindi ko magawa iisipin ko na lang na nagagawa ko dahil baka magkaroon ng himala na magawa ko nga. Kahit malabo.
"Yes. I can see her now."
Napatigil ako sa pagkorte ng question mark gamit ng hintuturo ko katulad ng ginagawa sa pinapanood ko nang marinig ko ang boses ni Thorn. Nilingon ko ang direksyon ng binata at nakita kong nakapasok na pala siya ng bahay.
Nasa labas kasi siya kanina at may kinakausap sa cellphone niya. Mukhang importanteng bagay ang pinag-uusapan nila dahil may dala pa siyang laptop at earphones kaya imbis na istorbohin ko siya at kulitin para mawala ang pagkainip ko ay pinaglaruan ko na lang ang smart TV.
Which by the way I'm amazed. Napaka-smart na talaga ng mga bagay ngayon.
"Hi Bossing!" bati ko at inulit ko ang pagkorte ng question mark sa hangin. "Galing ko no?"
Ibinaba niya ang cellphone niya na nakatapat pa rin sa tenga niya at bumuka ang mga labi niya na parang may sasabihin pero naunahan ko siya ulit ng kinuha ko ang remote para i-rewind ang pinapanood ko kanina. Nang mahanap ko ang napansin ko kanina ay hininto ko iyon sa parte na iyon at muling humarap kay Thorn.
"Alam mo kung anong tawag dito?" tanong ko at lumapit pa ako sa TV para ituro ang tinutukoy ko. May suot kasi na sumbrero na puti ang babae pero imbis na normal na cap ay parang tela lang iyon na hindi malaman. Nakakita na ako no'n dati pero nakalimutan ko ang tawag.
"Bonnet." mabilis na sagot niya.
"Wow. Amazing mo talaga bossing Thorn." sabi ko at pagkatapos ay muling tumuro. Sa pagkakataon na ito ay ang babaeng may suot naman no'n ang ipinakita ko sa kaniya. "Siya kilala mo? Ang cute niya no?"
Nagsalubong ang mga kilay niya habang may kung anong nakabalatay sa mukha. Ang una ay parang katulad ng mga nakaraan ay kinukuwestiyon niya ang katinuan ko at ang pangalawa ay parang sumusuko na siya na intindihin pa ang mga trip ko sa buhay.
"I'm more amazed that you think that I can answer your question." he said after awhile. "And no."
"Nagtatrabaho ka sa Dagger Security and Investigation tapos hindi mo alam? Hawchudyou?" Pinagdiinan ko pa ang salitang "Investigation" na hindi nakaligtas sa lalaki na naningkit kaagad ang mga mata bilang reaksyon.
Inaasahan ko na pagagalitan niya ako dahil sa ilang linggo na nakasama ko siya ay nasanay na ako sa ugali niya na iyon. Daig pa kasi talaga niya ang pari sa pananermon. Kahapon nga lang hindi ko alam kung gaano kami katagal nag-usap tungkol sa kung bakit masamang mag-init ng tubig sa microwave na siyang nahuli niyang ginagawa ko nang kakain sana ako ng cup noodles.
Pero imbis na sermon ang lumabas sa bibig niya ay muli niya lang inangat ang cellphone niya at itinapat iyon sa tenga niya. "Gun, search for the person she's asking- okay. Good. And order me the thing, Gun, bago pa mag online shop ang isang 'to." sabi niya sa kausap na hindi inaalis ang tingin sa akin. Pagkaraan ay binaba niya na ulit ang aparato at pagkatapos ay inilagay sa bulsa niya. "Her name is Sana. She's Japanese but she's a member of a Korean girl group, Twice."
Kumorte ng pabilog ang mga labi ko sa pagka-amaze at pinalakpak ko pa ang mga kamay ko. Infernes ang bilis niyang nasagot ang tanong ko. "Amazing."
"Gun called to remind us, you specifically na puno ng security cameras ang lugar na 'to. Maliban sa kwarto na pinapatay nila kapag matutulog na tayo at siyempre sa bathroom. Kaya pinapanood na nila kanina pa sa headquarters ang ginagawa mong...pag sayaw." Bumuka ang bibig ko para magkomento sa sinabi niya pero nagpatuloy siya, "Hindi sila tumawag dahil sumasayaw ka. They just want to remind you incase you're going alone in the room and you want to change clothes. Do that in the bathroom."
"O-kay." eksaheradong sabi ko.
"Bibilin na rin ni Gun iyong bonnet na gusto mo. Baka makalimutan mong hindi ka pwedeng magpadala ng kahit na ano rito."
Ngumuso ako. Hindi pa rin talaga nakakalimutan ang online shopping spree na ginawa ko. Wala naman akong balak mag order. Ilalagay lang sa cart pwede pa.
Pero kahit nagsusungit ang isang 'to, nakakatuwa rin na hindi ko na kailangan sabihin sa kaniya dahil ginagawa niya na ang isang bagay dahil may gusto ako na kung ano. Siguro iyong iba hindi magiging gano'n kapokus sa mga gusto ko lalo na kung hindi naman importeng bagay.
"What's that song?"
Napakurap ako ng muli siyang magsalita. Sinundan ko ang tinitignan niya at nakita kong nakapako na ang mga mata niya sa telebisyon. Napangiti ako at kaagad na pinindot ko ang play button para muling pumainlang ang musika sa paligid.
Sinabayan ko ang ginagawa nilang pagsayaw at nang makarating ako sa parte kung saan kailangan kong kumorte ng tandang pananong sa hangin ay iniharap ko ang kamay ko kay Thorn at ginawa iyon.
"What is love?!" sabay ko pa sa kanta. Iyon lang naman ang tangi kong kayang bigkasin sa buong kanta dahil iyon lang ang naiintindihan ko.
Bahagyang napayuko ang lalaki na para bang ikinukubli niya ang emosyon sa mukha niya pero hindi niya na nagawang itago dahil kitang-kita ko ang ngiti niya na kumurba sa mga labi niya. Sunod-sunod na tumikhim siya bago siya nag-angat ulit ng tingin pero hindi pa rin niya magawang papormalin ang ekspresyon sa mukha niya.
Sa pagkakataon na ito ako naman ang naningkit ang mga mata sa reaksyon niya. Humalukipkip ako at masamang tinignan ko siya, "Kapag nakabisado ko 'yan ma-a-amaze ka rin sa'kin. Alam mo ba kung anong sinabi ni Benjamin Franklin? Sabi niya "You can do anything you set your mind to." kaya malay mo bukas makalawa nasa Korea na ako kasi Kpop Idol na ko. Pag ako sumikat who you ka na sa'kin."
"Sikat ka na." pigil pa rin ang ngiti na sabi niya.
"Gusto ko 'yung cute na sikat. Katulad nila." sabi ko at itinuro ang telebisyon.
Baka may magic sa Korea na magiging kasing liwanag din nila ako kapag nakaapak ako sa lupa nila at nalanghap ko ang hangin.
Makapunta nga ng Korea. Baka ito na ang sign para i-try ko na sumakay ng eroplano.
Ano kayang damit ang bagay sa Korea? Tanggap kaya nila ang mga unicorn ko? Saka malamig do'n di ba? Mukhang kailangan kong mamili talaga ulit. I also need a dictionary! Mamaya mawala pa ako do'n tapos walang makaintindi sa akin.
Nahugot ako mula sa pagpaplano ng future Korea trip ko nang mapansin ko ang pagkilos ni Thorn. Sa pagtataka ko ay naglakad siya palapit sa akin hanggang sa halos ilang dangkal na lang ang nasa pagitan naming dalawa.
I was taken aback for a moment. Nasa harapan ko na naman kasi ang katawan niya na hindi ko na magawang alisin sa isip ko kung anong itsura kapag hindi niya suot ang t-shirt niya. Sandaling nakatitig lang ako sa kaniya habang tila kinakapos ako ng hininga dahil pakiradam ko ay hinihigit niya lahat ng hangin sa paligid namin.
"Sikat ka na creepy-cute. Pwede na 'yon."
Sunod-sunod na napakurap ako sa pagkakatitig sa dibdib niya at nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "Hindi ko alam kung matutuwa ako na tinawag mo akong cute o magagalit akong tinawag mo kong creepy."
"Right." Napapitlag ako nang umangat ang kamay niya at ipinatong niya iyon sa ibabaw ng ulo ko. "Sa tingin ko hindi na akma sa iyo ang creepy-cute. You're just cute."
Halo-halong emosyon ang umiikot sa buong systema ko sa paraan niya ng pagkakasabi niyon at sa inaakto niya. Hindi nakakatulong na kapag ganitong malapit siya ay naaalala ko ang isang beses na magdamag ko siyang katabi na matulog. Kung paanong sa haba ng panahon na namuhay akong mag-isa ay nang gabi lang na iyon ako nakaramdam ng ginhawa sa pagtulog. Sleep is not something that I enjoy. Kapag natutulog ka kasi dapat panatag ka. I guess I wasn't really as comfortable and secured like I thought I was. Para bang isang parte sa akin ang naghahanap pa rin ng seguridad na nahanap ko ng gabing iyon nang makasama ko sa pagtulog si Thorn.
Ang sarap siguro sa pakiramdam kung araw-araw kong nararamdaman iyon. Iyong matagal na matagal. Kaya lang alam ko naman na trabaho lang ang dahilan kung bakit siya nandito. Kahit pa may mga pagkakataon na naiisip ko ang posibilidad na baka may iba pang dahilan sa mga kinikilos niya. That I'm special to him.
Kaya lang kailangan kong magising sa realidad. Baka kasi magsimula akong umasa sa isang bagay na hindi pala totoo.
Hindi ko pa nararanasan na magkaroon ng relasyon sa kahit na anong paraan. Friendship man o romantic relationship. Para kasi sa akin noon isang malaking responsibilidad lang ang pagkakaroon ng attachment sa ibang tao. Ako rin ang mahihirapan kapag nawala sila.
Wala naman kasing kasiguraduhan kung gaano katagal mo makakasama ang isang tao. Minsan parang malulunod ka sa kasiyahan dahil kasama mo sila habang minsan naman malulunod ka sa katotohanang hindi mo na sila makakasama.
"Anong gusto mong dinner?" tanong ni Thorn pagkaraan.
Hindi ko nga lang maiwasang isipin kung ano kayang pakiramdam kung panghabang-buhay na 'to? Kasama ko siya, napapangiti ko siya, pinoprotektahan niya ako, at lumilipas ang mga araw na magkasalo kami sa lahat ng mga bagay.
Ano kayang pakiramdam na maging kaniya?
"Lucienne?"
I blinked hard when I heard him call my name, "Ha?"
"Ang sabi ko anong gusto mo?"
"Ikaw."
Natigilan ang lalaki na parang nagulat sa sinabi ko. Hindi ko siya masisisi dahil maging ako ay hindi makapaniwala sa lumabas sa bibig ko at sa maaaring maging implikasyon no'n. Kahit pa na iyon naman talaga ang nasa isip ko at hindi ang hapunan ang tinutukoy ko sa naging sagot ko.
Get a grip, Lucienne!
"A-Ang ibig kong sabihin ikaw na ang bahala. Hindi ko kasi alam kung anong gusto ko." nauutal kong sabi sa kaniya.
"Ako alam ko kung anong gusto ko."
Kumuyom ang mga kamay ko na para bang makakatulong iyon para higpitan ko rin ang kapit sa puso ko na pilit kumakawala mula sa kontrol ko. Para bang nabubuhay iyon sa bawat akto at mga salita ni Thorn.
Kumalma ka, puso. Hindi ka pwedeng umasa kung hindi mo naman talaga alam kung ano ka sa buhay niya. You can let yourself float on the heart fluttering feelings but you can't drown when you don't know if he will swim to you to stop you from sinking.
***********************************************
NAG-ANGAT ako ng tingin mula sa laptop ko nang maramdaman ko ang paglapit ni Thorn. Namataan ko siyang umupo sa mahabang sofa kung saan nandoon din ako. Pagkatapos kasi naming kumain nang niluto niya para sa gabi na iyon ay pinaalis na niya ako ng kusina dahil ayaw niya akong patulungin na magligpit ng mga pinagkaininan namin.
"New book?" tanong niya at lumingon sa akin bago tumungga sa hawak na can ng beer.
"Oo. Mangangalahati pa lang ako."
Hindi ko mapigilan na hindi mapatitig sa kaniya lalo na sa adams apple niyang bahagyang gumagalaw dahil sa ginagawa niyang paglagok. Kahit ano talagang gawin niya para pa rin siyang nang-aakit. Kung ako sa mga product company si Thorn ang kunin nilang endorser. Effective kasi ang ginagawa niya kasi parang gusto ko rin na uminom ng iniinom niya kahit hindi pa naman ako nakakatikim no'n.
Wala naman kasing dahilan para uminom ako. Hindi ako heart broken para magpakalango sa alak katulad ng mga nababasa kong ginagawa ng iba, hindi rin naman ako pumupunta sa mga party para makaranas ng inuman, at hindi ko rin kailangan kumbinsihin ang kahit na sino na tanggapin ako sa social circle nila sa pamamagitan ng pag aktong cool sa harapan nila.
"I don't know how you do it."
Sinundan ko ng tingin ang kamay niya ng ibaba niya sa coffee table ang beer. Look at that hand. Parang ang sarap makipag holding hands. "Ang alin?"
"Write books. Kapag pinasusulat kami ng report para sa isang natapos na kaso ay isa sa sakit ng ulo namin ang magsulat. Nahahabaan na kami kahit minsan hanggang tatlong pahina lang iyon. Paano pa kaya kung isang buong libro katulad ng ginagawa mo?"
"Kapag interesado ka sa sinusulat mo magagawa mo. Ako kasi ang may kontrol kapag nagsusulat ako ng libro. Hindi katulad sa research, reports, at kung ano-ano pa na hindi pwedeng baguhin ang katotohanan. I can bend different realities when I'm writing because I'm writing fiction."
Muli niyang kinuha ang beer para uminom at katulad kanina ay napatitig ulit ako sa kaniya. Pakiramdam ko sa bawat lagok niya no'n ay natutuyo naman ang lalamunan ko. Parang gusto ko na lang siyang panoorin pero at the same time gusto ko ring agawin ang iniinom niya.
"Why gore?" he asked again.
I looked at the trickle of wet on his fingers that he got from holding the cold can of beer. Napalunok ako ng wala sa oras dahil sa mga naiisip ko habang nakatingin doon kaya pilit kong inayos ang katinuan ko para magawa ko siyang sagutin, "A-Ano kasi...ewan ko ba. No'ng una kasi talaga interested na ako sa horror at thriller. Wala kasing boring moments. Nang subukan kong sumulat na-realize ko na masaya palang isulat ang gore. Napaka-descriptive kasi at natutuwa ako sa mga mind games na inilalagay ko. Iyong pakiramdam na binibingwit mo ang mga mambabasa at dinadala mo sila sa lugar kung saan bawat hintuan nila ay may nadadala silang mga tanong. Kaya hindi ko magawang bitawan ang gore kahit pa na hindi naman iyon talaga ang patok sa maraming readers. Kaya nakakamangha na madaming sumuporta kahit na hindi ko sinunod ang nakasanayan na genre dito sa Pilipinas."
"But you're writing romance right now." he reminded me.
Ngumiti ako at tumingin ako sa laptop ko. Pinindot ko ang save button niyon at pagkatapos ay ipinatong ko iyon sa lamesa bago ako humarap kay Thorn. "Hindi ko naman kayang panindigan 'yon. Nahahaluan ko pa rin talaga ng mga nakasanayan ko na."
"What is it about?"
Pakiramdam ko ay huminto ang oras sa buong mundo sa tanong niya. Hindi ko kayang sagutin iyon. Hindi ko pwedeng sagutin. Iyon ang isang tanong na pinananalangin ko na hindi niya tatanungin sa akin.
Dahil ang sinusulat ko ay tungkol sa isang writer at sa bodyguard niya. And even though it's jam pack with other things...it's mainly romance.
"Secret." mabilis na sabi ko. Palihim na kinurot ko ang sarili ko para ibalik ang pokus ko na sumabog na dahil sa simpleng tanong lang niya. "P-Pahingi nga niyan."
Nagbaba ng tingin si Thorn sa hawak niya bago kunot-noong ibinalik sa akin ang atensyon niya. "You want beer? Umiinom ka ba?"
"O-Oo naman. Anong akala mo sa akin nakatira sa ibang planeta? Alam ko ang beer no. Kaya pa nga kitang patumbahin. Don't you dare challenge me mahmen." I said to him. Totally lying.
Magkasalubong pa rin ang kilay na sandaling nakatingin siya sa akin na para bang tinitimbang ang sinabi ko. Pilit kong sinalubong ang mga mata niya at nakipagtagisan sa kaniya kaya ilang sandali lang ay napapabuntong-hininga na tumayo siya para pumunta sa kusina.
Malakas na nagpakawala ako ng hininga nang mawala siya sa paningin ko. Tinapik-tapik ko pa ang tapat ng puso ko na para bang makakatulong iyon.
Kumalma ka. Kalma!
Mabilis na itinigil ko ang ginagawa ko nang lumabas na ng kusina ang lalaki at ngayon ay naglalakad palapit sa akin habang may dalang dalawang lata ng beer. Ibinaba niya ang isa no'n habang ang isa naman ay binuksan niya bago inabot sa akin.
"Salamat." sabi ko at kinuha iyon.
Tinitigan ko ang hawak ko na para bang isa iyong imbensyon na nanggaling sa ibang planeta. Kung tutuusin kasi ito ang unang beses na nakahawak ako nito. Bago rin sa ilong ko ang amoy no'n. It has a toasty smell with a bit of a caramel scent but instead of being sweet it smells bitter.
Nang mag-angat ako ng tingin ay nagtama ang mga mata namin ni Thorn at nakita kong nakatitig pala siya sa akin na parang may hinihintay.
Dali-daling inangat ko ang lata ng beer at bago ko pa maihanda ang sarili ko ay sumimsim na ako roon. Mukhang nakuntento naman ang lalaki dahil binalingan niya na rin ang sariling inumin.
The moment he turned away, my face immediately scrunched when the taste hit me. Pakiramdam ko ay may gumagapang na kilabot sa akin dala ng init no'n kahit pa na malamig naman ang inumin. Parang naglalaro rin ang lasa no'n sa bibig ko na hindi sanay sa lasang umiikot do'n.
How can people drink beer with a straight face? Daig ko ba ang kumagat sa buto ng mangga at nginuya-nguya iyon.
Kaagad na inayos ko ang ekspresyon sa mukha ko nang lumingon ulit sa akin ang lalaki. Pilit na ngumiti ako at muli akong uminom kahit pa ang gusto ko na lang ay itapon iyon sa malayo at pagkatapos ay susugod ako sa unang factory ng alak na makikita ko para ibalik ang halagang ginastos ni Thorn para sa beer na 'to. It's like it has been brewed by an evil witch.
"May problema ka ba ngayon pareng Thorn at naisipan mo atang magpakalasing?" tanong ko pagkaraan.
"Hindi naman ako naglalasing. Umiinom lang talaga ako minsan ng isang beer sa gabi kapag gusto ko."
Tumango-tango ako, "So hindi lahat ng umiinom may problema?"
"Hindi. Pero karamihan sa mga umiinom iyon ang dahilan."
"Ibig sabihin hindi iyon ang dahilan mo ngayon? Wala kang problema?"
Sandaling natigilan siya sa tanong ko na para bang hindi niya inaasahan iyon. Pagkaraan ay may maliit na ngiti sa labi na umiling siya bago nakatingin sa kawalan na lumagok ulit siya ng beer. "Hindi naman problema ang iniisip ko."
"Trabaho?"
Lumingon siya sa akin at may kung anong naglalaro sa mga mata niya na hindi ko magawang mapangalanan. Pakiramdam ko ay tila hinahanap niya sa akin ang sagot sa tanong sa isip niya na hindi ko naman alam kung ano.
"Sana nga trabaho lang. Pero parang hindi na iyon ang mas inaalala ko."
Napainom ako ng wala sa oras sa paraan ng pagkakatingin niya sa akin at dahil biglaan iyon ay hindi ko na napigilan na hindi malukot ang mukha habang nakatingin siya. Lumawak ang ngiti sa labi niya at sa pagkagulat ko ay umangat ang isa niyang kamay at pagkatapos ay pinunasan ang gilid ng labi ko.
"Hindi ka sanay uminom." puna niya.
"Sanay ako." patuloy ko sa pagsisinungaling. "Hindi ko lang brand 'to."
"Ano ba ang paborito mo na beer?"
Muling nag panic ang buong pagkatao ko sa tanong niya. Pilit na inalala ko ang mga nakikita ko sa advertisements pero mukhang walang balak makisama ang utak ko dahil hindi ko magawang maisip ang mga pangalan no'n. "Basta hindi ito."
He chuckled under his breath because of my answer. Nakasimangot na nag-iwas ako ng tingin bago ako muling uminom.
Habang patagal ng patagal pakiramdam ko mas lalong dumadaling inumin iyon. Sa hindi malamang dahilan din pakiramdam ko umiinit ang katawan ko kahit pa umuulan ng malakas sa labas at nakabukas pa rin ang aircon sa sala kahit pa mahina lang iyon.
Paminsan-minsan ay napapatingin ako kay Thorn pero hindi ko magawang tagalan iyon dahil nakatitig lang siya sa akin na para bang nakapako ang buong atensyon niya sa akin. Hindi ko magawang salubungin ang mga mata niya kasi pakiramdam ko wala ang kurtina na nagkukubli sa mga tinatago ko mula sa kaniya at makikita niya iyon kapag tumingin ako sa kaniya.
Hindi ko alam kung gaanong katagal na nakikipagtagisan lang ako sa iniinom ko habang nakikipagtaguan kay Thorn kahit magkatabi lang naman kami pero nagawa ko ring ubusin ang beer. Naunahan ko pa si Thorn na hindi naman nagmamadali. At dahil wala akong maisip gawin ay basta ko na lang binaba ang lata at bago pa siya makapagsalita ay kinuha ko ang isa pa na hindi pa bukas.
"Lucienne-"
Hindi na ako nagawang pigilan ng lalaki ng basta ko na lang tinungga iyon na para bang uhaw na uhaw ako, "Wow! Same brand ba 'to? Bakit lasang sprite?"
Sunod-sunod na napakurap si Thorn sa sinabi ko. Hindi ko na hinintay pa ang magiging sagot niya dahil nagpatuloy ako sa pag-inom habang binabalingan ko ang laptop ko. "Ang tahimik masyado magpatugtog nga tayo. Anong favorite mong music Bossing? Madami rito sa Spotify ko eh. Wait dito kaya tayo sa pang rainy days. Para perfect no?"
"Slow down, Lucienne."
Imbis na sundin ang sinabi niya ay nagpatuloy lang ako sa pagsimsim sa hawak ko at pagkatapos ay pumindot ako sa laptop ko. Hindi ko na nagawang tignan kung ano 'yon dahil naramdaman kong hinawakan ni Thorn ang kamay ko dahilan para mapatingin ako sa kaniya.
"Give me that." he said and motion for the can I'm holding.
"Ayoko nga. Akin 'to eh."
"You're getting drunk."
Inilayo ko sa kaniya iyon at pagkatapos ay tinungga ko ang laman no'n bago pa niya makuha iyon. Nakangiting ibinaba ko iyon sa lamesa at pagkatapos ay namewang ako. "Akala mo hindi ko kaya no? Saka ako lasing? May nalalasing ba ng gano'n kabilis?"
"Meron. Ikaw." sagot niya. "Lasang sprite na sa'yo ang beer. Ibig sabihin may tama ka na dahil hindi lasang sprite 'yan. Halos hindi nga maipinta ang mukha mo kanina."
"Hindi ako lasing! Kung lasing ako dapat hindi na diretso ang katawan ko at nakahandusay na ako sa sahig."
"You're on your way to getting drunk. You're probably tipsy now. Isang lata pa tumba ka na. You're not even sitting straight anymore."
Suminghap ako na para bang malaking pang-iinsulto ang sinabi niya. Nilagay ko pa sa dibdib ko ang isa kong kamay na para bang hindi ako makapaniwala sa narinig. "Patutunayan ko sa'yo na hindi ako lasing!"
Hindi nakapaghanda si Thorn sa gagawin ko. Ang hindi ko lang alam ay dapat hinanda ko rin ang sarili ko dahil pagkatayo ko pa lang ay pakiramdam ko may tumulak sa likod ng tuhod ko dahil bigla na lang nawalan ng lakas ang mga iyon.
Mabuti na lang ay mabilis si Thorn na kaagad nababa ang hawak niya at pagkatapos ay sinalo ako. Kaagad kong naramdaman ang init ng katawan niya kasunod nang pagbalot sa akin ng mga braso niya.
He looked down at me and sighed, "Now do you believe me?"
Instead of feeling chastised I just beamed at him and let him hold me. Wala rin naman akong choice dahil pakiramdam ko nawalan ng buto ang butong katawan ko.
"Hanep. Ganto ba ang feeling pag sumakay ng roller coaster?" tanong ko sa kaniya.
Imbis na sagutin ako ay itinayo niya ako ng maayos. Hindi pa rin niya ako binitawan pagkatapos na ipinagpapasalamat ko dahil baka tuluyan na akong i-welcome ng sahig kung sakali.
"Ang cute natin." sabi ko at sa pagtataka ko ay kusang kumawala ang hagikhik sa bibig ko. "Para tayong mag sasayaw sa prom. Ewan ko lang kung gan'to iyon kasi hindi naman ako nakapunta."
"Why?"
"Wala namang magiging interesado na isayaw ako. Kaya imbis na masayang lang ang bayad saka pambili ng damit hindi na lang ako pumunta."
"Ako interesado."
Sa kabila ng pakiramdam ko na para akong lumulutang ay malinaw na malinaw sa utak ko ang sinabi niya. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at tinitigan ko ang seryoso niyang mukha. Sana...sana nakilala ko siya noon. Pero kung sakali kaya mapapansin niya ko? O magiging katulad din siya ng iba na kapag nakikita ako ay nilalayuan ako?
For some reason...I don't think he'll be that shallow. Pakiramdam ko sobrang iba ang magiging mundo ko noon kung nandoon siya. Dahil sa tinatagal-tagal ko na naging ako, ngayon ko lang naramdaman na maging malaya sa pagiging kung ano ako. Kasi pag siya ang kasama ko pakiramdam ko nakikita niya ang hindi nakikita ng iba.
Bagay na kahit ako hindi ko magawang makita.
"I think we shouldn't waste this song." he murmured.
Hindi ko namalayan na nag-iba na pala ang kanta na tumutugtog. Pinakinggan ko iyon at bago pa ako makahuma ay naramdaman kong hinapit ako ni Thorn palapit sa kaniya at pagkatapos ay inilagay niya ang isa kong kamay sa balikat niya. Pagkaraan ay ikinawit niya ang isa niyang kamay sa bewang ko habang ang isa ay ipinanghawak niya sa isa ko pang kamay. Ilang sandali lang ay iniimbay niya na ang mga katawan namin sa marahang musika na tila humahaplos at yumayakap sa aming dalawa.
***"Settle down with me. Cover me up. Cuddle me in. Lie down with me and hold me in your arms."
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko habang nakatingin sa lalaki. Hindi ko magawang ialis ang mga mata ko sa kaniya na para bang may kung anong mahika na pumipigil sa akin na gawin ang bagay na iyon.
***"And your heart's against my chest, your lips pressed in my neck. I'm falling for your eyes, but they don't know me yet. And with a feeling I'll forget, I'm in love now."
Tila dumadagundong ang puso ko sa naririnig kong mga salita sa kantang tumutugtog. Sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko ay hindi na ako magtataka kung naririnig iyon ngayon ni Thorn.
"W-What's happening?" I whispered.
He continued looking as me as if he's captured in the same spell that I was in. When he finally speak, his voice is as quiet as mine, "I wish I know the answer to that. If you asked me a few weeks ago I would know but now I don't."
***"Kiss me like you wanna be loved. You wanna be love, you wanna be loved. This feels like falling in love, falling in love. We're falling in love."
His eyes didn't leave mine. His eyes with those emotions running around that I still can't name. But now I know that those are not meant to be explained by the lips because they are telling more than words can ever say.
"Beautiful." he whispered as his gaze drop to my lips. "Too beautiful."
I never thought that there's something in me that can be describe as bright but that's exactly what I feel right at this moment. It's like something opened inside me to let out a ray of light. Warm and vivid.
Three seconds. That's how quick it took him to open the hidden globe of light I didn't know hiding inside me.
Three seconds. He managed to filled me up with his own warmth and radiance.
Three seconds.
Three seconds. He kissed me.
________________________________End of Chapter 10.