CHAPTER 11
LUCIENNE'S POV
Mabilis na humiga ako ng kama nang marinig ko ang papalapit na yabag. Kaagad kong tinalukbong ang kumot ko sa akin para matakpan ako. Hindi ko kasi alam kung paano ako haharap kay Thorn pagkatapos ng mga nangyari kagabi.
Sana isa na lang ako sa mga taong nakakalimutan ang mga nangyari kapag lasing. Ang problema mukhang kulang pa ang inom ko para mangyari iyon. Dapat pala lumaklak ako ng isang drum para magawa kong takasan si Thorn.
Pagkagising pa lang ng kamalayan ko kaninang umaga at kahit hindi ko pa naimumulat ang mga mata ko ay inatake na ako ng mga pesteng alaala ng mga nangyari. Pasalamat na lang talaga ako na nawalan ako ng malay pagkatapos ng halik na 'yon kundi baka naghanap na ako ng unang bangin kung saan pwede akong tumalon.
Three seconds.
Sa loob ng tatlong segundo ang daming nangyari. Isa na do'n ang mga labi niya na dumampi sa akin. Iyong mga labi niya na parang nang-aakit na huwag akong humiwalay. Parang sinasabing 'wag akong kumawala.
Hindi ko alam kung bakit pero siguro kasalanan ko talaga. Hindi naman ako hahalikan ni Thorn kung hindi ko rin naman naging kasalanan. Ang ligalig ko kasi. Siyempre lalaki 'yung tao at kahit ganito ako babae pa rin naman ako. Kasi ano pa bang maaaring maging dahilan di ba?
Kaya kahit parang imposibleng gawin ay iniwasan ko talaga siya maghapon. Halos mangulubot ang balat ko sa pagbabad sa bathroom, saglit na saglit lang akong kumain, at pagkatapos no'n inabala ko ang sarili ko sa pagsusulat. Sinigurado kong naka-earphone ako at malakas ang mga musika na pinapakinggan para hindi ko marinig kapag tinawag niya ako.
Tapos ngayon nga nagtutulug-tulugan ako kahit sobrang aga pa at imposible sa klase ng pagkatao ko na makatulog sa ganitong oras. Siguro sanggol pa ako noong huling natulog ako ng ala-siyete ng gabi.
Rinig ko ang pagbukas ng pintuan na sinundan ng tunog ng pagkilos. Sandali lang ay naramdaman ko ang paglundo ng kama na kinahihigaan ko. Holy chizwiz!
"I know you're awake."
See? Walang naniniwala talaga na kaya ng systema ko na matulog ng ganitong oras. Sa kabila ng dumadagundong na dibdib ay nanatili ako sa kinahihigaan ko at hindi gumagalaw.
"Walang kailangan magbago."
Paano? First kiss ko 'yon. Wala namang problema sa akin na sa kaniya napunta iyon dahil kung tutuusin nga hindi ko kailanman naisip na may makakakuha no'n. Iyon nga lang paanong walang magbabago eh pakiramdam ko nayanig ang buong mundo ko dahil sa halik na 'yon?
"Pwede naman nating kalimutan iyon."
Bago ko pa mapigilan ang sarili ko ay mabilis akong napabalikwas ng bangon. Unang bumungad sa akin ang mukha ni Thorn na hindi ko alam na sobrang lapit pala dahilan para mapahiga ako ulit. Iyon nga lang bago ko pa iyon magawa ay nahawakan na ako sa braso ng lalaki para pigilan ako at pagkatapos ay hinila ako paupong muli.
Gusto kong magtalukbong ulit dahil hindi ko siya magawang tignan sa mga mata. Pakiramdam ko kasi bumabalik ako sa oras na nangyari ang halik na iyon sa pagitan namin. Hindi lang ang hiya ang bumabalik kundi pati na iyong kagustuhan ko na maganap iyon ulit.
Para kasing bitin. Parang happey happey kung isa pa. Kaya bago pa ako magkasala ay ipinikit ko na lang ang mga mata ko.
"Inaantok na ako." Ipinikit ko ang mga mata ko pero dahil hindi pa rin niya ako binibitawan ay nakaupo ko iyong ginawa na para bang narcoleptic ako at bigla na lang nakakatulog.
"You're not sleepy. Masyado pang maaga."
"Marunong ka pa sa akin, Bossing. Hindi ko na nga maidilat ang mga mata ko." sabi ko ulit at inumang ko pa ang mukha kong nakapikit pa rin. Sinubukan kong hilahin ang braso ko na hawak pa rin niya pero hindi niya ako binitawan.
"Kapag hindi ka dumilat hahalikan kita ulit."
Hindi lang ang paglikot ko kundi pati ata ang paghinga ko ay napatigil nang marinig ko ang sinabi niya. Parang hindi na ako didilat forever.
Naputol ang newly formed manyak brain ko nang maramdaman ko ang paghila niya sa akin palapit sa kaniya. Kaagad na napadilat ako at impit na napatili nang makita ko kung gaano kalayo na lang ang mukha niya sa akin.
"Gusto mo ata." may pigil na ngiti sa labi na sabi niya.
Kaagad akong pinamulahan ng mukha sa sinabi niya, "W-Wag kang assuming Bossing Thorn. Antok na antok lang talaga ako."
"Bukod sa hindi ito ang normal na pagtulog mo ay tanghali ka na gumising tapos maaga kang matutulog?"
"Nahanap ko ang bago kong talento. Kaya ko na palang gumising para matulog ulit. 'Wag kang basag trip, Bossing."
Imbis na magsalita ay nanatili lang siyang nakatingin sa akin na para bang kinakabisa ang mukha ko. Ewan ko ba kung anong kailangan niyang kabisaduhin eh hindi naman ako naka make-up. Naiilang na inangat ko ang isa kong kamay at inayos ko ang buhok ko sa paraan na mas tatabing pa iyon sa mukha ko.
"Don't do that." he said with seriousness in his voice.
"Ha?"
"Hide."
Umawang ang bibig ko para magsalita pero hindi ko maapuhap ang tamang sabihin. Mukhang wala naman siyang balak maghintay dahil sa pagkagulat ko ay hinila niya ako patayo. Hindi niya ako binitawan hanggang hindi niya nasisigurong hindi ako nakaayos.
Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa pero muling umangat ang tingin niya at huminto sa simpleng t-shirt na suot ko.
"May gagawin tayo."
Alam kong nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Napaangat ang mga kamay ko at iniyakap ko iyon sa sarili ko. Anong ibig niyang sabihin? Anong gagawin namin? At bakit kung makatitig siya sa akin parang...parang may balak siya?
"Yung damit mo-"
Malakas akong napasinghap sa narinig at napaatras ako, "Hoy! Kahit gwapo ka at nahalikan mo na ako hindi ibig sabihin willing akong ibigay lahat! Porke alam mong yummy ka gano'n lang kadaling lahat? I-Date mo man lang muna ako ng sampung beses- dalawa pwede na. Grabe ka!"
Mabilis na ipinaypay ko ang isa kong kamay sa mukha ko na para bang nagliliyab sa sobrang pag-iinit no'n. Paano ba naman kasi parang mga nanunuksong imahe ang pumapasok sa utak ko sa mga maaaring mangyari. Halik pa nga lang nawalan na ako ng malay kagabi ano pa kaya kung iba na?
Nakakahiya man pero iyon talaga ang nangyari. Dala na rin siguro ng pag-inom na hindi naman ako sanay talaga gawin.
Hanep talaga ang buhay ko. Sa kauna-unahang beses sa buhay ko nahalikan ako tapos nawalan pa ako ng ulirat. Life why?
Ewan ko ba. Hindi ko rin maintindihan ang nangyayari sa akin. Parang ang daming nag-iiba sa pagkatao ko dahil sa kaniya.
"I just want you to put your jacket on. Malamig sa labas." kunot-noong sabi ng lalaki.
Again, life why me? "H-Ha? Oo nga. Ano bang sabi ko?"
"Sabi mo-"
Itinaas ko ang isa kong kamay at pagkatapos ay winisik-wisik ko iyon sa tapat ng mukha niya. "Wala kang narinig. Basta mag jacket ako. Kuha mo?"
Nagkibit-balikat siya at hindi nag nagsalita pa pero kita ko ang naglalarong kapilyuhan sa mga mata niya na para bang pinipigilan niya lang ang sarili niya na magkomento. Tama na, Lucienne. Panalangin mo na lang na umulan at matamaan ka ng kidlat para matapos na ang paghihirap mo.
Akmang tatalikod ako para maghalughog ng jacket. Mas maganda kung iyong klase na kaya akong paglahuin na parang invisibility cloak sa Harry Potter. Invisibility jacket ganern. Para iwas plagiarism. Bago ko pa magawa ang dapat kong gawin ay pinigilan ako ng lalaki at sa pagtataka ko ay siya na ang lumapit sa mga gamit ko at basta na lang may hinila ro'n. May kinuha rin siya sa mga gamit niya at pagkatapos ay hawak ang mga iyon na bahagya niya akong tinulak palabas.
"Ano 'yan?" tanong ko.
"Basta."
Nagtataka man ay hinayaan ko na lang siya na igaya ako palabas ng kwarto. Tumuloy kami sa baba at pagkatapos ay sa parking kung saan naroon ang kotse niya. Sinamahan niya ako hanggang sa makarating sa passenger side at pinagbukas pa ako ng pinto.
Puno ng kalituhan sa inaakto niya na yumuko ako para pumasok pero bago ko pa tuluyang magawa iyon ay narinig ko siyang nagsalita.
"Kung first date natin 'to eh di sa pangalawa pwede ko na palang kunin lahat ng sa'yo?"
Imbis na sagutin ang tanong niya ay napasigaw ako nang malakas na tumama ang ulo ko sa dingding ng kotse nang bigla akong mapadiretso sa sinabi niya. Halos pumalo pabalik ang mukha ko sa upuan sa lakas ng impact no'n.
Again. Life, why me? 'Yung totoo?
********************************************
NIYAKAP ko ang sarili ko nang maramdaman ko ang muling pag-ihip ng hangin. Hindi ko mapigilan ang sarili ko at bahagyang napapasayaw ako sa kinatatayuan ko dahil sa nararamdamang lamig. Ewan ko ba naman kasi kung bakit sa lahat dito pa niya ako dinala.
Magkakape lang dinala pa ako sa Tagaytay? Gan'to pa ang mayayaman? Magkakape lang babyahe pa papunta sa ibang lugar? Bibili ng tubig pero sa Japan dapat galing? Gusto ng chocolate, pupunta ng Belgium? Hanep.
Muling lumikha ng tunog ang hangin at ang mga punong sumasabay sa bawat ihip niyon. Kahit na balot ako ng jacket ay ramdam ko pa rin ang lamig.
Inilibot ko ang paningin ko sa mga taong nakatambay pa rin sa lugar na iyon. Halos lahat kasi nakapwesto sa labas. Kung sabagay kasi sa loob man ng coffee shop o dito sa labas parehas namang malamig. Lumaghap ka na nga naman ng fresh air.
Ilan sa mga kumpulan parang mga kabataan na may tinatapos para siguro sa school nila. Iyong iba naman ay chill lang na nakikipag-usap sa mga kasamahan. Pero halata sa kanila kung sino iyong dayo at hindi. Iyong iba kasi parang ako lang na balot na balot habang iyong iba naka t-shirt lang. May ilan pa nga na naka shorts pa.
"Wew! Lufet!" bulalas ko at pagkatapos ay inangat ko ang hood ng suot ko na jacket. Ang kinuha pala ni Bossing ay ang bago kong jacket na may horn pa ng unicorn. Dala niya rin ang kaniya. Hindi pa kasi aminin na gusto lang makipag couple-couple sa akin.
"Cold?"
Lumingon ako sa pinanggalingan ng salita pero imbis na si Thorn ang mabungaran ko ay isang lalaki na hindi ko kilala ang nakatayo ro'n.
Sandaling natigilan ako at hindi alam ang sasabihin. Bihira kasi na may kumakausap sa akin ng kusa na hindi dahil lang sa napipilitan sila. Walang tapon din kay Kuya, ha? Ang gwapo at ang linis tignan. Parang maginoong maginoo. Kaya lang mas trip ko iyong maginoo, medyo bastos, at masherep.
"Oo. Grabe naman kasi ang klima dito parang hindi pang Pilipinas." sabi ko pagkaraan.
"Maulan na rin kasi saka gabi na. Pero try visiting during day time. Mas masarap mamasyal." sabi niya bago nakangiting inilahad ang kamay sa akin. "I'm Nate."
Grabe ang ganda ng kamay. Parang nakakahiyang hawakan. Naiilang man ay inangat ko ang kamay ko para abutin ang kaniya. Gaya ng inaasahan ay ang lambot ng kaniya kumpara ng sa akin. Parang mas kamay pa ng babae ang sa kaniya.
"I'm-" natigilan ako sa akmang pagbanggit sa pangalan ko.
Bihira akong madulas sa pangalan ko lalo na ang buong pangalan ko pero muntik ko na iyong magawa. Siguro dahil nitong mga nakaraan parang hindi na lang ako nabubuhay bilang si Lush. I actually enjoyed being Lucienne because that's what I am when I'm with Thorn. Iyong Lucienne na hindi lang writer. Hindi lang creepy na babae. Basta si Lucienne. Ang creepy-cute na Lucienne ni Thorn.
Lucienne ni Thorn.
I'm falling for him.
I'm actually...falling for someone. Hindi lang basta crush. Hindi lang taong pinagnanasaan. Hindi lang attraction. I am falling for him.
"Are you okay?"
Sunod-sunod na napakurap ako at napatingin sa lalaki na biglang nawala sa isipan ko dahil sa mga rebelasyon na nag-uunahang pumasok sa utak ko. "B-Bakit?"
"Your name?" he asked with a confusion on his face
"Lucy." wala pa rin sa sarili na sagot ko.
"That's a cute name. Bagay sa'yo."
Tumango lang ako bilang sagot habang tulalang nakatingin sa kaniya kahit na hindi naman siya ang nakikita ko. Hindi ko pa rin binibitawan ang kamay niya pero hindi iyon ang nasa isip ko ngayon. Pakiramdam ko ay wala ako sa kinaroroonan ko ngayon at tila hinihila ako patungo sa mga nagdaang linggo.
Unang beses pa lang kaming magkita ni Thorn may nagbago na. May nabago na siya sa akin. I should have known but I didn't recognized my own feelings. Dahil kahit isang beses ay hindi ko pa nararamdaman iyon. But now something is piercing right through me and it's very familiar to me.
Fear.
Pangamba sa maaaring mangyari. Sa maaaring mawala sa akin pagdating ng araw. Because I'm Lucienne Simmons. Life was never fair to me. Dahil sa oras na hayaan kong may kumapit na pagmamahal sa akin...pinipilit ng tadhana na kunin iyon sa akin.
I know I'm bound to lose him. He'll soon realize that I'm just part of his work. He was just intrigued because I'm different.
"I'm really glad to meet you, Lucy. Sana makita kita ulit. Iyong mga kasama ko kasi mukhang nag-aaya na para umalis."
"H-Ha?" mahinang tanong ko.
"Those weirdos." he said and pointed at a small group. Dalawang lalaki iyon at isang babae na ngiting-ngiti na nakatingin sa amin. Nang makita nilang nakuha na nila ang atensyon ko ay nagsimula na silang lumapit sa kinaroroonan namin. "Best friend ko iyong isang lalaki. Iyong dalawa ngayon ko lang nakilala pero kaparehas lang ng kaibigan ko. Mga baliw din."
Umawang ang bibig ko para mag komento kahit pa na hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin sa kaniya pero bago ko pa magawa iyon ay naramdaman ko ang pamilyar na kamay na humawak sa kamay kong hawak pa rin ng lalaking nasa harapan ko.
"Hey."
Nag-angat ako ng tingin kay Thorn na hindi nakatingin sa akin at sa halip ay sa kamay kong hawak pa rin ni Nate. Marahan niyang hinila ang kamay ko dahilan para pakawalan iyon ni Nate na kaagad kababakasan ng pagkailang sa sitwasyon.
"Pasensya na, pare. Nakita ko kasi siyang mag-isa kaya lumapit ako-"
"It's fine." Thorn said before he finally looked down at me. "I'm here."
I'm falling for him. Or maybe I'm far too gone and I'm nearly at the end. Kaya lang, nando'n kaya siya sa dulo? Siya kaya ang sasalubong sa akin o mag-isa lang ako pag narating ko iyon?
Paano kung masaktan lang ako kapag tuluyan akong bumagsak?
"Gusto mo bang sa loob na lang tayo? They're still finishing our drinks anyway." tanong ni Thorn.
Nanatiling walang lumalabas sa bibig ko na salita at tumango na lang ako bilang kasagutan. Nilingon ko si Nate na nakatingin lang sa amin pero kahit siya ay walang nagawang sabihin sa akin. Hindi lang dahil parehas na hindi namin maapuhap ang dapat sabihin sa isa't-isa kundi dahil sa isa pang boses na pumainlang sa paligid.
"Thorn?"
Ang siyang nagsalita ay ang babaeng kasama sa grupo ni Nate. Kita ang pagkagulat sa mukha niya nang makalapit sa amin na may kahalong takot, sakit, at pangungulila. Hindi ko kailangan maging eksperto para malaman iyon dahil kitang-kita ko iyon sa kaniya.
Nag-angat ako ng tingin kay Thorn nang maramdaman ko ang paghipit ng kamay niya sa akin kasabay ng tila paninigas ng buong katawan niya. His jaw tightened without even looking at the owner of the voice while tension coursed through this entirety.
"Let's go." he whispered.
Hinila ako ng lalaki palayo sa lugar pero bago niya tuluyang magawa iyon ay mabilis na kumilos ang babae na hinawakan ang kabilang kamay ni Thorn.
The fear I'm feeling intensified as I begin to understand the situation. Hinila ko ang kamay ko na hawak ng lalaki pero hindi niya iyon pinakawalan at sa halip ay mas lalong humigpit iyon na para bang sinasabing 'wag akong lumayo.
But I want to. I want to hide and protect myself. Bago pa ako masaktan.
"T-Thorn, I-I...I didn't know that you'll be here. Can we...can we just talk for awhile?" she pleaded. Tumingin siya sa gawi ko at humihingi ng pang-unawa na nagsalita, "Kahit saglit lang. Pwede ko ba siyang makausap?"
"Don't talk to her." I can see the anger radiating around Thorn as he finally looked at the woman. Ipiniksi niya ang isa niyang kamay na hawak ng babae dahilan para mabitawan iyon ng babae. "Wala tayong kailangan pag-usapan."
"Si Eli-"
"Naririnig mo ba ang sarili mo?" putol ng lalaki sa kung ano pa man na sasabihin ng babae. "You still have the audacity to talk about her in front of me?"
"Hinahanap ka niya." naluluhang sabi ng babae at muling nagtangka na abutin ang kamay ni Thorn pero iniwas lang iyon ng lalaki. "Kahit...kahit sandali lang. Please."
"Tapos na tayo, Eloise."
Muli akong hinila ni Thorn para umalis pero humarang ang babae na kita ang desperasyon sa mukha. "Please. Kahit sandali lang talaga. I've been trying to reach you. Tumawag ako sa mga kapatid mo pero hindi sila sumasagot. I went to the office to talk them but they turned me away-"
"Do you really expect them to act differently?"
"No I don't. Alam ko...alam ko deserve ko lahat. Alam ko iyon pero kailangan kitang makausap. Kailangan ka ni Elisa. Kailangan ka namin."
"I have nothing to do with you or her."
I'm not blind and I'm not deaf. Lalong hindi ako manhid. Hindi ko man alam ang nangyayari pero ramdam ko.
How could I even think that what I have with Thorn would be different? My existence is a curse and there's nothing in me but poison. Kaya mang bumuo ng mundo ng mga kamay ko pero iyon lang ay ang mundo na isang repleksyon kung ano ako bilang tao. Lason.
Dahil lahat ng gusto ko, lahat ng pag-ingatan ko, lahat iyon kukunin din sa akin. Lahat iyon mawawala. Dahil lahat iyon ginagapangan ng lason na bumubuo sa akin.
No one will stay because nothing stays with me. Sa huli, ako lang ang naiiwan. Sa huli, ako lang ang nawawalan.
"She's your daughter."
_____________________End of Chapter 11.