Chapter 12: Choice

2807 Words
CHAPTER 12 LUCIENNE'S POV "She's your daughter." Ilang beses na nagpaulit-ulit ang mga salitang iyon sa utak ko na para bang hindi pa sapat ang kung anong tila tumarak sa akin nang marinig ko iyon na nanggaling sa babae na kita naman ang koneksyon kay Thorn. Nang sabihin niya iyon ay pakiramdam ko tumigil ang buong mundo ko. Kasi ang taong natutunang pagkatiwalaan ng puso ko ay mukhang hindi pala talaga kayang protektahan iyon. Kasi ramdam ko 'yung sakit na hindi ko naman dapat maramdaman. Ano bang meron sa amin? Wala naman. Wala namang kami. Sino ba naman kasi ako para maging kaniya? Sino ba naman ako para maging akin ang taong katulad niya? Katahimikan ang namamayani sa pagitan namin dalawa ni Thorn. Mula ng makaalis kami sa lugar na pinagdalhan niya sa akin ay wala na akong narinig na kahit ano sa kaniya. Kahit paliwanag na hindi ko alam kung handa ba akong marinig mula sa kaniya. Kahit minsan ay walang nabanggit ang lalaki tungkol sa nakaraan niya. O partikular sa nakaraan niyang kasama ang babaeng iyon. Eloise. Iyon ang pangalan ng babaeng na naging parte ng nakaraan niya. Taong hindi ako sigurado kung ano ang papel sa hinaharap niya. Kasi sa nakikita ko ay apektado pa rin siya pagdating sa babae. At kahit hindi dapat...nasasaktan ako. Ang hirap pala kapag nandoon ka na sa punto na wala ka pang karapatan pero ang dami mo ng nararamdaman. Tumingin ako sa labas ng bintana at hinayaan kong tangayin ng hangin ang mga naglalarong tanong sa utak ko. Mga tanong na hindi ko alam kung magagawa ko bang itanong sa kaniya. Kasi bumabalik na naman ako ro'n sa stado na hindi ko alam kung ano bang tama kong isipin at maramdaman. Bumabalik na naman ako sa isipin na kung ano ba ako talaga pagdating sa kaniya. Kasi ilang beses niyang pinaramdam na hindi ako trabaho lang. Na kung anong meron kami ay hindi lang dala ng katotohanan na nailagay kami sa sitwasyon na lagi kaming magkasama. He managed to capture my every thought sa pamamagitan lang ng mga salitang binibitawan niya na ilang beses pinatibok ang puso ko...but he managed to capture my heart with the way he sees me. Kung paano niya ipakita sa akin kung anong nakikita niya. Kung paano niya iparamdam na hindi ako basta-basta pagdating sa kaniya. O ako lang ba? Ako lang ba ang nakaramdam no'n? Sa aming dalawa...ako lang ba ang nahulog? Ako lang ba ang umasa? Napakurap ako dahilan para muling makabalik sa kasalukuyan nang maramdaman ko ang paghinto ng sasakyan. Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa bahay na tinutuluyan namin. Hindi pa rin nagsasalita na lumabas si Thorn at umikot sa kabilang bahagi ng sasakyan kung saan nandoon ako para buksan ang pintuan ng sasakyan. Tinangka kong unahan siya ng makabawi ako pero nauna na niyang magawa iyon. Nakatingin lang sa lupa na bumaba ako ng sasakyan at akmang lalagpasan ko na siya nang isarado niya ang pintuan pero sa pagkagulat ko ay iniharang niya ang katawan niya sa akin dahilan para mapagitna ako sa kaniya at sa sasakyan. "Lucienne..." "Madaling-araw na. Inaantok na ako." bulong ko. Tinangka kong dumaan sa kanan niya pero sa pagkagulat ko ay iniharang niya lang ang isang kamay niya sa gilid ko at pagkatapos ay bahagya siyang umuklo dahilan para halos wala ng pagitan sa aming dalawa. "I didn't want that to happen." he said. "Alam ko." sabi ko pabalik sa kaniya. "Hindi naman natin inaasahan parehas. Hindi mo inaasahan na makikita mo siya do'n at hindi ko inaasahan lahat nang narinig ko." "She's just...she's just part of my past that I want to forget." "But she's not." I told him which took him by surprise. "Hindi pa siya parte ng nakaraan mo di ba? Kasi sobrang naapektuhan ka pa. Hindi naman ako bulag. Nakikita ko 'yon. And you have a daughter with her." "Elisa is not my daughter. "That's not what she said." I contradicted. "Hindi mo alam kung anong pinagdaanan namin, Lucienne." Hindi ko man gusto pero isa na namang patalim ang tumarak sa puso ko dahil sa sinabi niya. Sa paraan ng pagkakasabi niya na para bang iisa sila. Namin. "Oo nga pala. Wala akong alam. Pasensya ka na kung pakiramdam mo nakikielam ako." Pilit na nilagpasan ko siya at nang magawa ko iyon ay nagtuloy-tuloy ako sa loob ng bahay. Gusto ko lang...gusto kong lumayo. Gusto kong mapag-isa. Gusto kong malayang maramdaman kung anong gusto kong maramdaman. Lahat iyon gusto kong gawin na hindi ko siya nakikita. Akmang paakyat na ako ng hagdanan nang maramdaman ko ang kamay na pumigil sa braso ko dahilan para muli akong mapatigil sa gustong gawin. Hindi ko maintindihan. Pakiramdam ko punong-puno ako. Pakiramdam ko umaapaw na ako. "Stop." I whispered with hardness evident in my tone. "Kung hindi mo gusto na malaman ko o magtanong ako o makaramdam ako dahil sa kahit na ano tungkol sa'yo...then just stop. Pabayaan mo na ko. Kasi tahimik naman ako na nabuhay mag-isa. Kuntento na ako na maging mag-isa. Kaya itigil mo na ang pagpaparamdam sa akin na para bang ang lungkot ng naging buhay ko. Itigil mo na ang pagpaparamdam sa akin na mas masaya ako kapag kasama kita. Itigil mo na lang kung hindi mo ako kayang papasukin sa buhay mo." Kita ang pagsisisi sa mga mata niya sa nakikita sa akin. Pero hindi ko na magawang itago ang mga iyon sa kaniya. Dahil gano'n naman eh. Pagdating sa kaniya pakiramdam ko lahat nakahain sa harapan para makita niya. It's always been like that when it comes to him. "She's just part of my past." "Then why...why do it seems like it's so hard for you to tell me about her? About her claims about your daughter?" It was like suddenly a veil that became a part of him suddenly vanished...revealing the pain that always been hidden inside of him. It was bare...and raw. It hurts just to look at him. "Because there was a time when I thought that all of me was hers and that in return I will have all of her. Because there was this moment in my life that I thought I had everything. I have her and a daughter that I know I will love more than anything in this world. I bought a house, I proposed to her and she accepted, and we're having a baby. A baby that I named. Pero kinuha niya lahat sa akin 'yon. In one moment I have everything I could ever ask for and in the next she managed to take all of that from me by betraying me." "She's not my daughter, Lucienne, but she was. She once was. Dahil naging akin siya sandali. For a moment I thought she was mine. Until she wasn't. Until that woman took away all of that from me. But that funny thing is, I would have understand. Kaya kong tanggapin si Elisa bilang akin. If only Eloise told me earlier at kung sana...kung sana ako ang pinili niya." "You know I met her like the way I met you. She was a case. Matagal kaming nagkasama dahil sa sitwasyon niya. Sinubukan kong hindi ihalo ang personal kong nararamdaman sa trabaho pero hindi ko rin nagawa. I fell in love with her bright spirit, her smile that could light up the world, and the way she loved life itself. She was the light of my world but she's also the reason why I was trapped in pitch black for the longest of time." A single tear escape from eyes, freeing the others to follow suit. Because I know that I can never compete with that. Kasi sa nakaraan pa lang nila ay wala na akong laban. "You should...you should go to her." "No-" "Sabi niya kailangan ka nila. I know you've been thinking about that all the way from here. Alam kong iyon lang ang laman ng utak mo. And now I know that you're angry at her and that you feel betrayed. And I know...I know and I can see that you're hurting. You can't feel all that just because she's someone that betrayed you in the past. Nasasaktan ka kasi kahit aminin mo man o hindi ay may nararamdaman ka pa para sa taong iyon." Umiling siya at pilit na hinawakan ang kamay ko pero iniwas ko lang sa kaniya iyon. "She and I are over, Lucienne." "I don't think you are." "Hindi mo naiintindihan-" "Naiintindihan ko. Kasi nakikita kong nasasaktan ka. Nakikita ko kung paano mo tinatanggi sa sarili mo na nasasaktan ka. Naiintindihan kita kasi gano'n din ako ngayon. Gusto kong itanggi na nasasaktan mo ko." Hindi ko kayang turuan ang sarili kong nararamdaman sa kung ano ang dapat. Nasasaktan ako kasi iyon ang nararamdaman ko. I have no control over it because if I have...I would put a stop to it. Kung kaya ko, sana hindi ako dumating sa punto na ito. "Itigil na lang natin." "Lucienne, no. I just need a moment." he hurriedly said and took my hand and enclosed it with his. "I just need to think about what's happening here. Matagal na kaming natapos. Matagal na siyang wala sa buhay ko." Umiling ako at hinigpitan ko pabalik ang pagkakahawak niya sa akin na para bang sapat iyon para pigilan ko siyang makakawala. Na para bang may magagawa iyon para hindi siya mawala sa akin. "Kaya mo bang sabihin na wala ka ng nararamdaman sa kaniya? Kaya mo ba saking sabihin na kapag pinapili ka ay mas pipiliin mo ang hinaharap na nandoon ako at hindi ang hinaharap na kasama siya? Kaya mo bang makasigurado?" sunod-sunod na tanong ko. "Wala akong karapatan para hingin ang lahat ng iyon sa'yo. Wala akong karapatan na papiliin ka. Kasi wala namang tayo habang nagkaroon ng kayo. But it's not fair, Thorn. It's not fair to me to wonder if you will ever choose me. Or if you did..if it's the right choice. Kasi ikaw mismo alam kung anong pakiramdam ang maiwan. So don't let that happen to me. Kasi ayokong masaktan pa ng higit pa sa nararamdaman ko ngayon. Kaya habang maaga pa bitawan mo na lang ako kung hindi ka sigurado na kaya mo akong hawakan hanggang dulo." Hindi niya inalis sa mga mata ko ang tingin na tila ba may mga salita sa mga iyon na hindi niya magawang masabi sa akin. Na para bang nangungusap ang mga iyon na ipaliwanag ang mga bagay na hindi masabi ng mga labi niya. But he didn't. Wala siyang sinabi. Wala siyang ginawa maliban sa pakawalan ang kamay kong mahigpit niyang hawak. I closed my eyes as river of tears run down my cheeks. Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin na nasundan nang marahang pagdampi ng halik sa noo ko. This is what I wanted and this is his answer. This is the only thing that he can do for me. ***************************************************** NAGMULAT ako ng mga mata nang maramdaman ko ang liwanag na tumatama sa kinahihigaan ko. Sa kabila ng diwa ko na hindi pa tuluyang bumabalik sa akin ay tila rumaragasa ang agos ng memorya nang mga nagdaang pangyayari. I laid there not moving as I continued looking at the ceiling as if it can give me the cure from the pain I'm feeling. But this will pass right? Kasi nagawa ko pang itigil bago ako tuluyang mahulog sa kaniya at masaktan? I should be okay right? Hanggang dito lang. Hanggang dito lang ang sakit na dapat kong maramdaman. I should go back to not caring. Iyong ako na hindi naaapektuhan sa kahit na ano. I should go back to having that shield around me. Kailangan ko iyong buhay ko noon na madali lang ang lahat. Walang kumplikasyon. Kasalungat man sa gusto kong gawin ay bumangon ako mula sa pagkakahiga at umupo sa kama. Sandaling tumitig lang ako sa kawalan habang tinatawag ko ang lakas ng loob ko para harapin siya sa araw na ito. I still need to face him. Kailangan ko pa rin siyang makasama ng matagal na matagal. Pero sa pagkakataon na ito...I should stop feeling. I should stop feeling more. Tumingin ako sa kinaroronan ng kama niya. Katulad sa mga araw na lumipas na nakasama ko siya ay para bang walang natulog doon. Gano'n naman siya. Sobrang ayos sa lahat ng bagay, Hindi ko alam kung anong oras siya pumasok ng kwarto kagabi. All I know is that it took him awhile. Dahil hindi ko alam kung ilang oras ang lumipas bago ako nakatulog. I only managed to find sleep when I finally get tired of crying my heart out. Ipinilig ko ang ulo ko at tumayo ako. Bago ko pa magawang pigilan ang sarili ko ay naglakad na ako papunta sa pintuan at lumabas na ako ro'n. Pumanaog ako at gaya ng inaasahan ay hindi ko siya nakita sa sala. He must be at the garden or the kitchen. Iyon naman ang lagi niyang pinupuntahan. All I know is that he will never leave unless I'm with him. Naamoy ko ang samyo ng pagkain na niluluto na siyang naging sagot sa katungan ko kung nasaan ang lalaki. Bantulot man ay pinilit ko ang sarili ko na humakbang patungo sa direksyon ng kusina. I should act normal. Kasi ito ang gusto ko. Ito ang tama. "Anong almusal-" Natigil ako sa pagsasalita sa bumungad sa akin sa kusina. I can see the back of the man cooking in the kitchen. Katulad ni Thorn ay matangkad siya, matipuno ang pangangatawan...they both have the same built but with just one look...I know. I would know because I can recognize him from a crowd no matter what. He's not him. "W-Where...where is he?" Imbis na sagutin ang tanong ko ay tinigil ng lalaki ang ginagawa niya at pinatay ang kalan. He took off the apron that I would have teased him for if given a different situation. Mataman niya akong tinitigan na para bang binabasa niya ang kung anong nararamdaman ko. "Gunter, where is he?" I asked the brother of the man that I wanted to see. "Saving you." Hindi ko naitago sa kaniya ang surpresa na bumalatay sa akin sa sinabi niya. Bumuka ang bibig ko pero hindi ko mahanap ang tamang salita na dapat sabihin. Mukhang hindi naman na kinakailangan dahil mukhang naiintindihan niya ang nararamdaman ko na pagkalito. He looked pointedly at the CCTV camera in the kitchen. Tinignan ko iyon sandali bago ko ibinalik sa kaniya ang atensyon ko. "My brothers and I happened to be in the control room. Narinig namin lahat ng pinag-usapan niyo." "H-He's out of the case?" "And your life." he said as answer. I looked away from him to hide the pain that his words have caused me. "We didn't told him to. Siya ang kusang bumitaw sa kaso." Tumango ako at pilit na ngumiti bago tumingin sa kaniya, "Naiintindihan ko." Muli ay tinitigan niya lang ako. Katulad ng kapatid niya ay hindi ko mabasa ang kung anong nasa isip niya. Parehas lang sila. Parang nakasanayan na nilang hindi magpakita ng emosyon sa kahit na sino. Iyon bang parang sinanay na nila ang mga sarili nila na hindi makaramdam. But I proved that wrong because Thorn can feel. He cared so much. Ipinaramdam niya sa akin ang napakadaming bagay na hindi ko akalain na mararamdaman ko pa sa buong buhay ko. "You're right." I tried to focus on the man in front of me and held on to stop myself from getting carried by the rapid waves of emotions that is trying to take me with it. "W-What?" "Tama ka. Dapat ka niyang pakawalan. You don't deserve to be trapped between a choice that you have no control over but to wait for his decision " "I...I don't...let's just stop talking-" "Tama ka. You're right to let him go to her." Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya at napayuko. Para niya na ring kinumpirma kung nasaan ngayon si Thorn. I didn't made him choose...I let him go. Pero bakit pakiramdam ko gano'n pa rin? Bakit pakiramdam ko unti-unting pinipiraso ang puso ko hanggang sa halos wala ng matira ro'n. Hindi pa naman dapat di ba? Naisalba ko pa ang sarili ko di ba? I was just falling. I was just starting to love him. But why does it feel like I just got my heart torn away from my chest? "Tama ka sa naging desisyon mo, Lucienne. Dahil kapag dumating ang oras na bumalik na siya ay parehas niyo ng malalaman ang sagot sa mga tanong niyong dalawa." "He won't be back." I whispered. "He will." Akala ko naubos ko na lahat ng luha ko. Akala ko said na ako mula sa luhang tila umaapaw sa buong systema ko. Hindi pa pala. Meron pa pala. Dahil natagpuan ko na lang ang sarili ko na muling lumuluha. "He said she lighted up his world. How can I even compete with that?" Lumapit ito sa akin at may kung anong kinuha mula sa bulsa niya. Isang larawan iyon. Inabot niya sa akin iyon at sa nanginginig na mga kamay at kinuha ko iyon mula sa kaniya. It was a picture with me and Thorn. Iyong minsan na pumunta si Trace at Luna rito sa bahay. Both Thorn and I were sitting on the sofa. I was laughing at whatever Luna said...but Thorn...Thorn was looking at me as if...as if... "You became his world without the both of you knowing."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD