CHAPTER 23 LUCIENNE'S POV Kinagat ko ang ibabang labi ko para mapigilan ko ang sarili ko na mapasigaw. Mabilis akong umatras habang napapasuntok pa sa hangin na para bang makakatulong iyon sa bagay na kinahaharap ko ngayon. Why is everything so complicated? Mahina akong napairit nang marinig ko na naman ang mahinang putok na nagmumula sa kawaling nasa harapan ko. Muli akong umatras dahilan para lalong lumayo ang distansiya ko sa lutuan. Kinakailangan ko na tuloy tumingkayad para maabot ng slotted turner na hawak ko ang kawali kung saan kasalukuyang nagpiprito ako ng pagkain. Dapat kasi umorder na lang ako ng almusal. Eh di sana hindi ako nahihirapan ngayon. Kung bakit kasi naisipan ko na magpaka-domesticated ngayon. Napabuntong-hininga na lang ako sa naiisip. Alam ko naman kasi ang dah

