CHAPTER 22 LUCIENNE'S POV Naramdaman ko ang paghawak ni Leo sa magkabila kong mga braso nang bigla na lang akong mapapitlag nang makarinig ako ng galabog. Hindi ko magawang tumingin sa mga monitor na sumasakop sa control room na kinaroroonan namin sa pangamba na baka ang kinakatakot ko ang nangyayari sa mga iyon. Humigpit ang pagkakahawak sa akin ni Leo nang magsimula akong mangatal na para bang nilalamig ako. Ngunit maging ang mainit niyang mga palad ay hindi nakatulong para matanggap ang nararamdaman ko na panginginig. It wasn't long when he suddenly let go of me and another pair of arms went around me. Nag-angat ako ng mukha at pakiramdam ko lahat ng bigat na para bang nakadantay sa akin ay nawala nang magtama ang mga mata namin. Mabilis na humigpit ang mga braso niyang nakayakap s

