Chapter 24 Mariposa's POV Nang makalabas kami ng reataurant ay nagtagal muna kami ng kaunte sa loob ng sasakyan ni Duke. Nakangiti na ako dahil pinagaan ni Duke ang mabigat kong nararamdaman kanina. "Mas gusto ka pa bang puntahan bago tayo babalik sa bahay nina Tito Rolando?" panlalambing ni Duke sa akin sabay kuha ng kamay ko saka hinalikan ang likod ng palad. Umiling ako. "Wala na. Uwi na tayo." Pagod din kasi ako sa byahe at kailangan ko rin ng pahinga. Sumang-ayon si Duke sa suhisyon ko. Nang umandar at bumayahe na kami pauwi ay tahimik lamang kami. Hindi rin maiwasan lingunin ako ni Duke na naka-ngiti nalang palagi. Unang kilala ko talaga sa kanya noon napaka-antipatiko niyang lalaki. Iyon pala ay kabaliktaran. Subrang 'bait, malambing at responsableng ginoo. "We're here," ani D

