Chapter 29 Mariposa's POV MAS NAGING magaan ang pakiramdam ko simula no'ng nagkita ulit kami ni Duke. Bagaman, may pangamba parin sa puso't isip ko dahil sa mga binitawan niyang mga salita tungkol sa kanyang ina. At iyon ang kinatatakutan ko. Isang linggo na ang nakaraan no'ng huli niya akong dinalaw dito sa bahay nina Ate at Attorney. Ngayong araw ay susunduin niya ako dahil may lakad kaming dalawa. Saan? Sa masagana, dahil kukunin namin ang mga kapatid ko. Hindi ako papayag na hahayaan nalang sila do'n, baka kasi may masamang gagawin talaga ang ina ni Duke. Alas-otso ng umaga ay handa na ang sarili ko. Naghihintay nalang nang pagdating niya. Ang usapan kasi, alas nwebe 'y media ay nandito na siya. Kaya mas pinaaga ko ang paghanda ko kasi, mas mabuti na 'yong ako ang maghintay kesa si

