Chapter 28 Mariposa's POV "Mars?" hindi ko magawang iangat ang aking mukha dahil sa hiya. Nahihiya ako dahil sa mismong lugar na iniwan sakin ni Rebeca, ay doon rin ako nakita ni Annie. Ang pinsan ni Ate Isabela. Dinala niya ako pauwi sa kanilang bahay. Doon rin naabutan namin ang buong angkan ng Kang maging sina Ate Isabela at Kuya Alfonso. Ayaw ko sanang magsalita pero dahil sa bigat na aking nararamdaman kailangan kong magsalita. Doon nila nalaman ang lahat. Sa huli pinag-pahinga nila ako dahil na rin sa pagod ko. PUYAT ma'y nagising pa rin ako ng maaga dahil paghatid sakin ni ate Annie dito ay umiiyak akong nakatulog. Ramdam na ramdam ko ang gutom ngayong umaga. Nahihiya akong lumabas dahil wala ako sa bahay na penermihan ko. Nandito lang naman ako sa masiyon ng isang angkan ng KANG

