Chapter 27 Mariposa's POV Ilang na ang nakalipas nang una't huli kaming nagkita ni Rebeca. Ang ina ni Duke. Napapaluha ako hindi dahil sa nasasaktan ako sa mga binitawan niyang salita kundi, dahil ayaw kong malayo kay Duke. Mahal ko siya at siya lang ang lalaking minahal ko nang ganito. Ngayon, nasa harapan ako ni Lola Lodie at hindi pwedeng ilagan ang mga bibitawan niyang mga salita. Noon palang sana ay nakinig na ako. Pero huli na. Dahil, mahal ko na siya. Si Duke. Ramdam ko ang galit ni Lola sa akin. Ramdam ko rin ang pag-aalala niya sa akin. Simula palang ay pinag-sabihan niya ako, ako lang 'yong hindu nakinig sa kanya. Suwail akong apo. Pero kapag puso na ang dumikta hindi na nakikisama ang utak. Ganun pala iyon. "SINASABIHAN na kita! Bakit ba kasi ang tigas ng ulo mong bata ka?!

