Chapter 26 Mariposa's POV NEXT DAY na ang kasal nina Tasia at Lemuel. Bakit ang tamlay ko ngayon? Walang gana at parang lalagnatin pa. O, baka naman sanhi lang ito sa mga rebelasyong nalaman ko doon sa bahay mismo nila Duke? Masasabi kong mabait ang senior, wala akong masabi sa kanya. Napaka-kalmanti niya. Subalit, paano niya nagawang kumalma kung ang kaharap nitong tao ay anak ng pumatay sa kapatid ng kanyang asawa? 'Yong ama palang ang nakilala ko naka-kaba na. Paano pa kaya ang ina? Ano nalang ang sasabihin niya sakin? Na ang nobya ni Duke ay anak ng isang kriminal? Bakit sa akin pa nangyari ito? Si tatay Crisostomo ang pumatay sa kapatid ng ina ni Duke? Paano nangyari iyon? Sa anong kadahilanan at pumaslang ng tao ang aking ama? Anong gulo ba ang pinasok niya noon? "Mars? Ang gand

