Chapter 36 Mariposa's POV Masaya akong makita at mayakap ang aking mga kapatid. Hindi ko rin maiwasan ang maiyak dahil na rin sa galak. Panay panenermon ni Poloy sa akin samantalang itong si Istoy ay tatawa-tawa lang sa kanyang kuya/ate na si Poloy. Wala nang mas masaya ang araw na ito na kasama ko ang aking dalawang kapatid. Hindi naman matagal ang kumustahin ko sa aking mga kapatid dahil mamya babalik na sila sa bahay. Mahigpit ang pagkakahawak ni Duke sa aking kamay habang magkatabi mahabang sofa dito sa loob ng mansiyon ng mga Kang. Pinipisil ko ang palad niya dahil ngiting-ngiti ito. Kung hindi ako nagkakamali, ang kaninang nangyari ang iniisip niya. "So? Kukunin niyo na ba ang mga bata? Ang dalawang kapatid mo Mars?" Salita ni Ate Isabela nang makaupo na ito sa kabilang sofa sa h

