Chapter 35 Mariposa's POV Dalawang linggo ang nakalipas naging tahimik ang buong angkan ng Alcantara, lalong-lalo na sa pamilya nina Duke. Naka-recover na si Tatay at ganoon din si Duke, at maging ako. Nagalit man ako kay Señora Rebeca ay pinatawad ko na siya. Sa simula palang ay pinatawad ko na talaga siya. Naiintindihan ko siya dahil sa nangyari sa kanyang kapatid. Hindi niya lang talaga matanggap ang pagkamatay nito. Ngayon, hindi man maganda ang pagkamatay niya ay sana matahimik na rin ang kanyang kaluluwa. ULAP na kulay kahel sa kalangitan na asul. Malamig ang simoy ng hangin sa palubog na dapit-hapon. Nakatayo sa mataas na burol habang pinagmamasdan ang kagandahan ng hacienda de Alcantara. Ngayon ko lang napag-tanto na subrang lawak pala ng pag-aari nila. Napa-haplos ako sa mani

