CHAPTER 16 Colonel Yell’s POV Nasa loob ako ng opisina habang iniisa-isa ang mga report tungkol sa mga pinakahuling insidente sa lungsod. Mataas ang tensyon sa mga ganitong araw, lalo na’t marami kaming natanggap na ulat tungkol sa mga biglaang pagsalakay sa mga negosyante at opisyal na konektado sa Jadia Corporation. Nakarating na rin sa akin ang tungkol sa isang attempted ambush na ikinasangkot ni Lieutenant Hidalgo habang kasama si Nosgel Jadia. At ngayong gabi, hindi ko maikubli ang pag-aalala. Matagal na kaming magkasama ni Erra sa serbisyo, at batid ko ang kanyang kakayahan. Ngunit alam ko rin kung gaano siya kaseryoso sa mga sinumpaang tungkulin, at lalo siyang naging masugid sa pagbabantay kay Nosgel. May mga bagay na tila bumabalot sa kaniya tuwing kasama niya si Mr. Jadia—mga

