CHAPTER 15 Unknown POV "Maghanda ka lang, Nosgel. May araw ka rin sa akin. Hindi pa ako tapos maningil," bulong ko sa sarili habang nakatayo sa dilim, malapit sa bintana ng opisina ng gusaling katapat ng Jadia Corporation. Mula rito, kitang-kita ko si Nosgel sa loob, abala sa kanyang mga papeles at walang kamalay-malay sa panganib na naghihintay sa kanya. "Ang yabang mo, Mr. Jadia," ngisi ko, ramdam ang init ng galit na sumisilab sa dibdib ko. "Hahaha, balang araw babagsak ka rin. Wala ka nang kawala." Narrator POV Kinabukasan, pagdating ni Nosgel sa opisina, may kakaibang tension sa hangin. Kahit abala sa trabaho, hindi niya maiwasang mapansin ang mga nakakapraning na detalye sa paligid. May nadarama siyang parang mabigat sa paligid, ngunit ayaw niyang bigyan ito ng masyadong pansin.

